RIZZA SANDOVAL Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto, hindi alam ang gagawin. Wala na din akong ganang pumasok, kahit anong gawin ko, parang sa bawat sulok ng kwartong ito, nakikita ko si Bianca. Ilang araw mula ng mangyari ang break up na iyon. Sa tuwing naaalala ko ang bawat detalye ng pangyayaring iyon, kasabay noon ang pag guhit ng sugat sa puso ko. Halos di ako makakain, makatulog, at kahit lumabas man lang ng gate ng bahay ay hindi ko magawa, parang ayaw ko ng mabuhay. Mula sa kama, narinig kong may nagbukas ng pinto ko. Napatingin ako at si Ate Andy lang pala ang pumasok. "Rizz?" malumanay na tawag niya, hindi ako kumikibo, hindi ko kayang magsalita. Naramdaman kong naupo siya sa kama ko, saka hinapo ang likod ko. Napaluha nanaman ako, ito nanaman yung iiyak nanaman ako.

