RIZZA SANDOVAL Pabalik na kami ng Manila, umaga ang flight namin kaya maaga kami dito ngayon sa airport. Madami pa daw gagawin si Bianca dahil tumawag na rin ang kanyang assistant sa kanya at kinakailangan na daw niyang bumalik. Eksaktong 7:30am ng umaga ay nakarating na kami ng NAIA 3. Tumawag ako agad kay Queenie upang sunduin kami dito sa Airport. "Kanina pa ba kayo narito?" bahagyang sabi ni Queenie, halatang nagmadali ito sa pagsundo sa amin. "Sorry, late na kasi ako nagising e." Magsasalita na sana ako ng biglang sumabal si Bianca. "Okay lang iyon, hindi pa naman kami ganoon katagal naghintay." Pinandilatan ko ng mata si Queenie at aktong ngumiti lamang ito sa'kin. Hay. Kung hindi lamang kita kaibigan e kanina pa kita nabulyawan. "Love, would you like to eat ba?" aktong tanong

