BIANCA MARIE ALVARES Pagdating ni Alexa Venice Cooper sa aking opisina ay agad naman naming napagusapan ang about sa proyekto na kanyang inooffer sa'kin. Bakas sa mukha nito ang pagka excite sa gagawin naming dream house niya, kasama ng iba ko pang team ay napagpasyahan namin na magkaroon agad ng meeting bukas paukol sa proyektong ito. Naalala ko na habang nagkekwentuhan kami ay halata sa mukha niya ang saya. Nabanggit niya pala na ikakasal na siya and take note, ang pakakasalan niya ay isang babae din. Laking gulat ko sa kanya na isa pala siyang Bisexual dahil hindi naman alintana sa kanya ang sexualidad niya. Pero kahit ganoon ay binati ko na agad siya ng Congratulations at best wishes sa kasal nila ng kanyang girlfriend. Siguro ay napakaswerte ng pakakasalan niya ano? Hindi lamang siy

