BIANCA MARIE ALVAREZ Habang naglalakad ako pauwi ay bigla nanaman pumasok sa isip ko si Rizz. Pakiramdam ko ay nakita ko siya kanina at mariing nakatitig sa direksyon namin. Pero bakit ako nagaalala ng ganito sa kanya? Samantalang dapat e iniisip ko e yung panliligaw na gagawin ni Carlo Ray sa akin. Kaya naman napabuntong hininga na lamang ako. **** Nang makarating sa bahay ay agad akong dumerecho sa kwarto at agad agad na nagbihis at humilata sa kama. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bag. Nang aktong binuksan ko ang aking cellphone ay nakita ko na may "2 unread messages" Binuksan ko ito at nakita ko ang text ni Carlo Ray at ni... Rizz. Una ko munang binuksan ang text ni Rizz. "So kayo na pala ni Carlo Ray... Congrats." Hala? Paano niya na

