Kumunot ang noo ni Hope saka dahan-dahan na ibinuka ang mga mata. Isang gwapong binata ang bumungad sa kanya. Napangiti siya saka hinaplos ang maamong mukha ng binata. Napakaamo talaga ng mukha nito. Isa ito sa mga kinabaliwan ng mga kababaihan. Hindi man ang mukha nito ang dahilan kung bakit siya nahulog dito ay hindi niya din maiwasan na mahumaling at humanga sa mukha nito. Para bang napaka-perfect ng mukha nito. Pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya dahil kaharap niya ang binata. Napakaganda naman ng panaginip niya. Sana ganito na lang palagi ang panaginip niya para maganda palagi ang gising niya. Natawa siya sa naisip. Imposible naman na totoo ito dahil hindi naman sila nagkita ng binata kagabi dahilan para magkasama sila ngayon. Nagkita? Kagabi? Biglang pumasok sa is

