CHAPTER 64

1776 Words

“Good morning,” masayang bati ni Steph sa mga kasama niya. Masaya ang araw niya dahil alam niyang nakaganti siya kay Hope. Hmp! Sigurado siyang nanigas na ‘yon sa lamig kagabi. Gusto niyang malaman ng babaeng ‘yon na nagkamali ito ng taong binangga. Hindi siya papayag na aapihin lang ng Hope na ‘yon si Miss Hope. Sisiguraduhin niyang magtatanda talaga ang babaeng ‘yon.   Sigurado siyang matutuwa si Miss Hope kapag nalaman nito ang ginawa niya. Masyado kasing mabait ang Miss Hope niya kaya siya na lang ang gagawa ng paraan para ipaghiganti ito. “Steph.” Napatingin siya sa tumawag sa kanya at nakita si Manang Lorna na seryoso ang mukha. Nakaramdam siya ng kaba pero agad ding pumasok sa isip niya na gano’n pala palagi ang ekspresyon ng mukha ng matanda. Imposible din na nalaman nito ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD