Kinabukasan ay iba naman ang pinamigay nina Davis sa mga tao. Nagluto ang mga kasama niya ng masarap na ulam para sa pananghalian at arozcaldo naman para sa merienda sa hapon. Buong araw ay masaya ang mga tao na mas ikinasaya ng puso ni Davis.
Kinagabihan ay gumawa ng bonfire ang mga tao at nagsaya. Tumugtog ang mga ito habang may nagsasayawan na mga babae at lalaki. Sa paglipas ng kasiyahan ay nakatingin lang siya sa dalaga. Hindi siya tumingin sa lalaking tumabi sa kanya dahil alam naman niya kung sino ito.
“Baka matunaw ‘yan,” biro sa kanya ni Eren habang nakatingin din sa dalaga.
Agad naman siyang napaiwas nang tumingin ito sa kanila. “Sa tingin mo, Dude, magugustohan din kaya niya ako?”
“Oo naman. Walang sinong babae ang hindi magkakagusto sa isang katulad mo, Dude. Isipin mo, nasa ‘yo na ang lahat.” Sinuntok na naman niya ang braso nito nang kumanta na naman ito nang ‘Nasa ‘yo na ang lahat’ ni Daniel Padilla.
“Ikaw, puro ka biro.”
Natawa ito saka siya inakbayan. “Hindi naman. Pero seryoso, Dude.” Biglang sumeryoso ang boses nito. “Nasa ‘yo na talaga ang lahat, mayaman ka, na alam kung hindi iyon ang magiging dahilan kung bakit ka niya magugustohan. Gwapo ka, na alam kong isa iyon na magiging chance mo para magustohan ka niya, pero mga nasa fifty percent lang ang chance na ‘yon.”
“Bakit naman fifty percent lang? Dapat nga ang mukha ang nagiging unang attraction sa babae.”
“Alam ko, pero sa tingin mo, gano’n ba si Hope?” Bigla naman siyang napatigil. “Hindi ‘di ba? Kasi kung titingnan natin siya, hindi magandang mukha ang habol niya sa isang lalaki. Kasi kung totoo ‘yon, dapat sa unang tingin pa lang ay nagkagusto na siya sa ‘yo.”
Napatingin siya sa dalaga na nakikipag-usap sa mga kapwa dalaga nito. Tumatawa ito kasama ng iba pang kababaihan. Mas lalo talaga itong gumaganda sa paningin niya kapag ngumingiti ito.
“Mabalik tayo sa katangian na pwede niyang magustohan sa ‘yo. Ito ang magugustohan niya sa ‘yo, Dude.” Hinawakan nito ang kanyang bandang dibdib.
“Baka ito.” Kinuha niya ang kamay nito saka pinahawak sa matigas niyang anim na abs. Natawa naman siya nang hapmasin nito ang tiyan niya. Hindi naman gano’n kalakas kaya hindi siya nasaktan.
“Gago!” Natawa na lang siya. “Ito kasi! Ito!” Pinaghahampas nito ang kanyang dibdib para mas lalo siyang matawa. “Seryoso na nga!” asik nito sa kanya.
Natatawa pa rin siya. “Ang bilis mo pa rin mapikon.” Pinaikotan siya nito ng mga mata. “Ang hilig mong mamikon, pero kapag ikaw ang pinipikon, ang bilis mong mapikon.”
Inakbayan niya ito saka ginulo ang buhok. “Ano ba, Davis? Bitaw!”
“Pikon. Pikon. Pikon.” Tumatawa siya habang ginugulo ang buhok nito. Hindi niya napapansin na nakatingin na pala sa kanila ang dalaga.
“Bitaw na kasi.” Binitawan na niya ito dahil baka tuluyan na siyang suntukin nito. “Seryoso tayo tapos nagbibiro ka diyan.”
“Ikaw? Seryoso? Ows?” Sinamaan siya nito ng tingin.
“Tsk!” asik nito. “Pero seryoso na nga, sa tingin ko isa sa mga katangian mo na may malaking chance na magkagusto sa ‘yo si Hope ay ang kabaitan mo. Ang pagiging matulungin mo sa mga tao. Kung sa lugar natin, pera at kagwapohan ang hinahanap ng mga kababaihan doon, pero dito iba. Ngayon nga lang din ako nakapunta sa ganitong lugar kung saan ang paniniwala nila ay katulad noong unang panahon.”
“Alam mo, Dude, ‘yan din ang nasa isip ko nang malaman ko mula kay Lolo Aka na hindi basta-basta nagpapahawak ang mga babae sa lalaki. I was shock. Sa dinami-dami ng lugar na napuntahan natin ay ngayon lang ako naka-encounter nang ganitong tradition.”
“I know, right.” Napatingin ito sa paligid. “Pero natutuwa ako sa mga kababaihan dito, kasi hindi sila basta-basta. Masasabi mo talaga na lahat sila ay mababait at hindi basta-basta. Baka nga dito na ako makahanap ng mapapangasawa.”
Sinuntok niya ito sa braso. “Gago! May girlfriend ka na.”
Natawa naman ito. “Biro lang, syempre. Mahal na mahal ko kaya ang babaeng ‘yon. Para sa akin walang kasing bait na ‘yon.”
“Binigyan ka ni Lord nang mabait na babae kasi mabait ka ding tao.”
Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. “Kaya sinasabi ko sa ‘yo, mapupunta din sa ‘yo si Hope dahil mabait kang tao at alam kong aalagaan mo siya. At alam ko ding hindi mo siya basta-basta makukuha.”
Napatingin siya ulit sa dalaga. “Ayos lang kung mahirapan akong makuha ang matamis niyang oo, worth it naman. Hihintayin ko siya. Isa pa, pinangako ko sa sarili ko na kapag nahanap ko na ang babaeng makakapagpatibok ng puso ko ay hindi ko na siya papakawalan at gagawin ko ang lahat para makuha siya.”
“Yan si Davis Montefalco.” Malakas nitong tinapik ang kanyang balikat. “Hindi basta-basta sumusuko.”
Ngumiti siya sa dalaga nang tumingin ito sa kanya. Parang gusto nang lumabas ng puso niya nang ngumiti din ito pabalik sa kanya. Ito na naman ang puso niyang mabilis tumibok para sa dalaga.
KINABUKASAN, gaya nang nakasanayan ni Davis ay maaga siyang nagising. Lumabas siya sa kubo saka napahikab. He stretch his arm para mag-exercise. Madaling araw pa lang, pero gising na gising na ang kanyang katawang lupa. Habang nag-e-exercise siya ay napatingin siya sa isang dalaga na may dalang dalawang kahon habang hawak nito ang isang lampara para magsilbing ilaw nito.
Napakunot-noo siya at napatanong sa sarili kung ano ang dala nito. Nang makita niyang nahihirapan ito ay agad niyang nilapitan ito.
“Good morning, Hope,” masaya niyang bati dito.
Nagulat ito. “Shhh…” Nagtaka siya at napatingin din sa paligid nang tumingin-tingin sa paligid ang dalaga. “Huwag kang maingay diyan, baka marinig ka nila at magising sila.”
“Sorry. I mean, pasensya na. Gusto lang naman kitang batiin nang magandang umaga.”
Bigla siyang nailang nang tinitigan na naman siya nito. “Magandang umaga din.”
Napatingin siya ulit dito saka napangiti, Napatingin siya sa kahon na dala nito. Hindi niya makita ang loob nito dahil may takip itong cartoon.
“Ano ‘yan?”
“Mga semilya ng bulaklak.”
“Saan mo naman ‘yan dadalhin? Ako na ang magdadala, sasamahan kita kung saan ka man pupunta.” Hinawakan niya ang kahon at hindi sinasadya na mahawakan niya ang kamay nito dahilan para mapabitaw kaagad ito.
Damn! Bakit bigla-bigla na lang niyang kinuha ang kahon nang hindi man lang iniisip na baka mahawakan niya ang kamay nito. Baka magalit sa kanya ang dalaga. Napakagat-labi siya, sana naman hindi ito magalit gayong hindi naman niya sinasadya.
“Ano ‘yon?” tanong nito habang nakahawak sa kamay nito.
Bigla siyang nagtaka. “Anong ano ‘yon?”
“Bakit biglang nakuryente ang kamay ko nang mahawakan mo?” Napatitig siya dito ng mabuti at napalunok.
“N-nakuryente ka?” nauutal niyang tanong. Gusto niyang makasiguro na ‘yon talaga ang nararamdaman ng dalaga.
“Oo. Bigla akong nakaramdam ng kuryente nang mahawakan mo ang kamay ko,” sabi nito habang nakahawak pa rin sa kamay niya kung saan niya ito hindi sinasadyang mahawakan. “Ano bang meron diyan sa kamay mo at nakaramdam ako ng kuryente?”
Napalabi siya para pigilan ang maliit na tawa na gustong kumawala sa kanyang bibig. Ayaw niyang makita siya nitong weirdo. Hindi niya kasi maiwasan na matuwa sa dalaga. Napakainosente kasi nito.
“Ngayon mo lang ba naramdaman ang gano’ng kuryente?”
“Oo. Sa kamay mo lang.”
Napalunok siya sa pagiging totoo nito. Hindi man lang nagpaligoy-ligoy. Kung nakaramdam ito ng kuryente sa paghawak niya lang sa kamay nito, ibig sabihin— Napatingin siya sa dalaga. Ito ba ang sinasabi ng ina niya na nakakaramdam ang isang tao ng kuryente sa paghawak lang ng kamay nito kapag may nararamdaman ito sa isang tao. Napalunok siya, posible kayang may nararamdaman na sa kanya si Hope?
“Bilisan mo na nga lang ang paglalakad, baka abutan pa tayo sa pagsikat ng araw.”
Nagsimula na itong maglakad kaya agad naman siyang sumunod. “Sandali!” Napahinto naman ito sa paglalakad saka napabaling sa kanya. Tiningnan siya nito nang nagtatanong. “Yan lang lampara ang gagamitin natin?”
“Oo. May problema ba?”
“Wala naman, pero baka— sandali lang.” Ibinaba niya ang kahon saka bumalik sa kubo at may kinuha. Nakakunot naman ang noo ni Hope nang makabalik na siya. “Ito ang gamitin natin. Mas mailaw ito.”
In-on niya ang flashlight na hawak. Nagulat ang dalaga sa ginawa niya. “Ano ‘yan?” Lumapit ito saka napatingin sa hawak niya.
Napalunok siya nang maamoy niya ang mabango nitong buhok. Gano’n kalapit sa kanya ang dalaga. Hindi man lang alintana na ang lapit na nito sa kanya. Nang tumingin ito sa kanya ay nanlaki ang mga mata nito saka napalayo.
“Pasenya na.”
Ngumiti siya para hindi maging awkward sa dalaga. “Ang tawag dito ay flashlight. Ginagamit namin ito sa kapag madilim ang daan.”
“Flashlight? May ganyan pala?” Hindi niya maiwasan na mapatitig sa inosente nitong mukha. “Ang galing naman.”
“Ito ang gamitin mong ilaw sa daan.” Ibinigay naman niya ang flashlight dito.
“Sigurado ka?”
“Oo naman. Kung gusto mo sa ‘yo na din ‘yan.”
“Talaga?” Nakita niya ang tuwa at excitement nito.
“Oo naman.”
Kinuha ito ng dalaga. “Salamat.”
Naging masaya na naman ang puso niya dahil napangiti niya ang dalaga sa munting bagay lang. Nagsimula na silang maglakad. Habang naglalakad sila ay wala ni sino man ang nagsasalita sa kanila. Ilang kilometro pa ang nilakad nila at nakalampas sila sa maraming puno ay isang kubo ang nakita niya.
Dahil sa madilim pa ang paligid ay maraming fireflies siyang nakikitang lumilipad sa paligid ng kubo. Maraming halaman din ang nakatanim sa paligid. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Para siyang nasa isang paradise. Ang mga fireflies ang nagsisilbing ilaw sa kubo. Sumasabay naman ang mga matataas na halaman sa sayaw ng hangin.
“Ang ganda naman dito, Hope.”
“Dito mo na lang ‘yan ilagay.” Napatingin siya sa dalaga.
Papasok na ito sa kubo. Napatingin naman siya sa kabuohan ng kubo at nakita na sira-sira na ang bubong nito at ilang haligi.
“Sinong nakatira dito?” Inilagay niya ang kahon sa sahig.
“Wala.” Inayos nito ang pagkakalagay ng kahon. “Tambayan ko ito dito.”
“Talaga? May iba pa bang nakakapunta dito?”
“Wala. Ikaw pa lang.”
Bigla siyang napatingin dito at hindi makapaniwala. “Ako pa lang?”
“Oo.” May tiningnan ito sa kahon. “Huwag mo sana ipagsabi sa iba ang tungkol dito.”
“Teka, bakit ako pa lang ang nakapunta dito?” Naupo siya sa sahig habang nakatingin sa dalaga.
Napatingin naman ito sa kanya. “Kasi nakita mo ako kanina. Hindi naman sana kita isasama, pero mapilit ka.”
Napakamot siya sa batok. “Pasensya naman.”
“Ang kubo na ito kung saan laging nagkikita ang mga magulang ko.” Napatitig siya dito, pero nakatingin lang ito sa kahon. “Saksi ang kubong ito sa pagmamahalan nila.” Napabuntong-hininga ito. “Kahit hindi ko nakilala ang mga magulang ko ay lagi namang sinasabi naman ng lola ko na mahal na mahala ako ng mga magulang ko. Alam mo bang kinasal sila dito. Nangako ang ama ko na uuwi sila sa kanila at babalik, pero hindi na siya bumalik.”
Hindi siya makapaniwala na ikweninto ng dalaga ang tungkol sa buhay nito.
“Sorry to hear that.” Napakunot-noo itong napatingin sa kanya. “Ang ibig kong sabihin, nakakalungkot naman ang nangyari sa ‘yo.”
“Ayos lang. Kuntento naman ako sa pagmamahal ng lola ko.”
Napatingin ito sa kanya ng hawakan niya ang kamay nito. Hindi na niya inisip na bawal pala niya itong hawakan.
“Balang araw, hindi na lang ang lola mo ang magmamahal sa ‘yo.” Balang araw pati siya ay magmamahal ng wagas sa dalaga.