Nakaramdam si Hope ng kakaiba. Para bang may taong nakatingin sa kanya kaya naman tumingin-tingin siya sa paligid at nakita niyang masamang nakatingin sa kanya si Steph. Napalunok siya sa uri nang tingin nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano na naman ang nagawa niya dito at gano’n ito kung makatingin. “Hope?” Napatingin siya kay Rizza na kaharap niya lang at kumakain. Nandito sila ngayon sa cafeteria at kumakain ng tanghalian. “Bakit?” Muli siyang napatingin kay Steph at gano’n pa rin ito makatingin sa kanya. Bumaling siya kay Rizza saka mahinang nagsalita. “May nagawa na naman ba akong masama kay Steph at mukhang galit na naman siya sa akin?” Napaiwas ng tingin si Steph nang tingnan ito ni Rizza at sinamaan ito nang tingin. “Huwag mo nang pansinin ang babaeng ‘yan. Baka ingg

