Back To Me 20

2153 Words
THIRD PERSON POV ARGUS "What's the fuss, Lopez?" bungad ko sa kanya pagkabukas ng pinto. I changed my voice like Argus ofcourse, everything about me. Tinuro ko ang upuan. "Have a sit or you prefer to just stand there like you used to do?" He scoffed. "I'm superior than you Argus so you better teach yourself how to respect me." Malakas akong napahagalpak ng tawa sa sinabi niya. Nakahawak ang kamay sa aking tiyan at umaalog pa ang mga balikat na nilapitan ko siya. Walang tigil ako sa pagtawa saka tinapik-tapik siya sa kanyang balikat. Malakas niya naman iyon tinampal. Dumilim ang kanyang mukha at nagtagis ang mga bagang. Masama ang titig sa akin. Naupo ako sa edge ng mesa. I crossed my arms in my chest. "Ang galing mo talaga magpatawa, Lopez." "Where's Rex? Bakit hindi na siya sumasagot pa sa tawag ko? Pinagtataguan niya ba ako?" I laughed again. "O c'mon Lopez. He's a busy man." Tinungo ko ang mini bar. Ramdam ko ang talim ng kanyang mga mata sa likuran ko. Kumuha akong isang boteng alak at dalawang baso. Bumalik ako sa mesa. Sinalinan ko ang mga iyon saka inabot sa kanya ang isa. "Uminom ka muna. Masyado kang stress." Masama pa rin ang titig na inabot ang baso sa kamay ko. Sumimsim ako sa aking baso. "So, what should I say? Congrats." Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ko. I playfully smirked again then gulped the whole content of liquor in my glass. Umikot ako sa aking mesa. Kinuha ko ang mga photos na pinadala sa akin ni Con at Mutya sa loob ng brown envelop. Kinalat ko sa ibabaw ng mesa. Mulagat ang mga matang napatitig siya doon pero saglit lang. Walang ekspresyon ang mukhang tinungga ang laman ng baso niya. Humakbang siya palapit sa akin. "Who gave you all this?" I arched my brows. "Do I have to spill it out?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Pinapasundan ba ako ni. . . Rex?" "What?!" bulalas ko sabay tawa. "Serafin Serafin Serafin. . ." muli akong umikot ng mesa. Nilapitan ko siya at masayang inakbayan. "Good shot ka kay Boss, alam mo ba 'yon?" Nagulumihang nilingon niya ako. "Nagkagulo sa MCT, nakapasok na sa mansion nina Sullivan ang anak mo, nahuli ang dalawang pulis na tiktik plus. . ." pambibitin ko pa. Muli akong nagsalin ng alak at tinungga iyon. Damn, malapit ng masunog ang baga ko sa lintik na alak na 'to. I can't handle Argus tolerance in alcohol. Sugapa daw 'yon sabi ni Julius Montecellio. Ginagawang tubig. F*ck! "Nabawasan ng isang miyembro ang mga Del Carpio." "W-What do you mean?" "Hindi mo ba nabalitaan?" "Ang. . . alin? Bakit hindi mo pa ako deritsahin?" "Na patay na si Felly, yung asawa ni Conrad. Remember her?" He gulped. Napaawang pa ang labi niya. Gulat na napatitig sa akin. Hindi makapagsalita. Napangisi ako sa aking isip. "Your expression seems like. . . wala kang alam." pinanliitan ko siya ng aking mga mata. Naglakad ako sa harapan niya bitbit ang baso ng alak sa kanang kamay. "Hmmm. . . siguro mali 'yong report na nakarating sa akin na ikaw ang nagtrabaho lahat ng mga 'yon. Or baka naman inutusan mo lang para paluguran ka, puring-puri ka sa galing mo e." "Matagal na akong magaling Argus, hindi ka ba updated tungkol doon?" Muli akong tumawa ng malakas. Nilapag ko ang baso sa mesa matapos kong tunggain ang laman no'n saka pumalapak habang umiiling. Umuusok na ang ilong niya as usual. Noon pa man kumukulo na talaga ang dugo niya kay Argus sabi ni Julius dahil palagi siya nito binabara. "Ikaw talaga ang ALAS ni Boss, Lopez." tinapik-tapik ko siya sa kanyang balikat. "Siguraduhin mo lang na 'di tayo sasabit sa mga Del Carpio kung hindi. . ." nilingon ko ang dalawang malaking bag na nasa ibabaw ng sofa't puno ng pera. ". . .magiging bala ang laman ng award na 'yon sayo ni Boss." He scoffed. "Malabong mangyari yang sinasabi mo Argus." then evily smirked. "Matagal ng pinatahimik ni Steves ang reliever na nurse ni Felly kaya safe tayong lahat. Tiyak ang anak ni Philip ang paghihinalaan nila." Gotcha. . . He bite my bait! "Oh, speaking of that girl," I tilted my head then look at him intently. "Nawawala siya diba?" Sunod-sunod siyang umiling. "Wala akong alam tungkol diyan. Si Clark ang tanungin mo--Oh damn I almost forgot!" Kunwari nagulat ako sa biglang taas ng boses niya. "What's the matter?" "Lumayas si Cristal sa bahay--" "Lumayas?" sabad ko sa kanya. "Yes. Sa tingin ko narining niya ang usapan namin ng asawa ko sa kusina." "What do you mean lumayas? Hindi ba ikaw ang nagpadukot sa kanya?" "TheFuck! Bakit ko naman gagawin 'yon? Nababaliw ka na ba? Kakasabi ko lang na lumayas nga diba?" "So wala kang alam?" "Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" "That someone abducted your daughter." "W-Wala akong alam diyan. At wala akong pakialam. Kailangan ko ang proteksyon niyo laban kay Del Valle." I chuckled. "Sure kang wala kang paki? Sabagay nagawa mo ngang ibenta kay Del Valle. Ang ipadukot pa kaya?" "T'ngna, bakit ba ang dami mong alam?!" "Well, alam ni Boss lahat ng galaw ng mga tauhan niya." kinuha ko ang dalawang bag at nilapag sa mesa. Muli ko siyang hinarap. "'Wag mo ng problemahin pa si Cristal. Nasa safe house na siya ni Boss." "Ha? P-Papano--" "Like I said kanina, may dumukot sa kanya. Pasalamat ka kay Boss dinala ng mga kidnapper. Pabaya ka masyado, Lopez." napatingin ako sa bag na hawak ko ng makita kong nakatitig siya doon. Napaismid ako. "I think you don't deserve--" "Teka naman Argus." sabad niya. "Na kay Rex na pala si Cristal. Problema ko ngayon si Del Valle." "Just leave it to me. Ako ng bahala sa kanya." Inabot ko sa kanya ang isang bag. Itinabi ko naman ang isa. Salubong ang mga kilay na nagpalipat-lipat ang kanyang mga mata sa dalawang bag at sa akin. "What's that look for?" muli ko siyang nginisian. "Hindi naman pala ikaw ang nagpadala kay Cristal. So--" "Nagawa kong ipasok ang anak ko sa mga Sullivan, Argus." inis na sabad niya. "Was that not worth enough for me to have a big reward? Alalahanin mo nakasalalay ang buhay ng anak ko dito, Argus. At ako rin ang nagpalaki kay Cristal. Baka nakakalimutan mong inalagaan ko siya?" "Whatever." gumilid ako para makuha niya ang dalawang bag. "Dadagdagan pa 'yan ni Boss kapag nadala mo sa kanya ang dalawa pang pulis na kaibigan ni Cristal." marahas niya akong nilingon. Matiim ko siyang tinitigan. "Silang dalawa lang ang susi para mapaamin namin si Cristal at makuha sa kanya ang mga nakalap niyang info. about sayo at sa amin dahil sa kapalpakan mo. Lilinisin ko ang duming kinalat mo." He sighed. "Si Xandro na ang bahala sa dalawang 'yo--" "Just do it and tell him what I said!" tinuro ko sa kanya ng pinto. "You may leave discreetly. 'Wag kang magkakamaling magpakita kay Del Valle. Magpalamig ka muna habang inaayos ko ang lahat but don't forget to bring those two to me ASAP. Kung hindi bahala ka na sa buhay mo. Kay Xandro ka huminge ng proteksyon. Solusyunan mo rin mag-isa mo 'yang problema mo." sabi ko sabay talikod. Inunahan ko na siyang lumabas ng kwarto. There is a hidden cameras and audio device inside kaya lahat kita at dinig ni Boss ang usapan namin lahat. Malalaking hakbang na tinungo ko ang kinaroroonan nina Bert a.k.a Shawn na nakabantay sa pasilyo patungo sa private room ni Boss kung nasaan si Señorita. Napataas pa ang kilay ko ng yumukod na naman sila pagkakita sa akin. Ganun kalakas si Argus kay Chua. Ginagalang rin ng mga tauhan. Sa kabila naman ang double hidden staircase, pangalawang exit pathway. Kung titingnan sa labas para lang iyon ordinaryong pader. May mga nakatambak na drum sa gilid. Puro armas ang laman no'n. Pati sa hallway meron din at sa loob no'n naman ang secret door patungo kay Boss. Mismo sa mini bar ang kabila ng pinto na 'yon. We made sure na marami ang secret exit route in case of emergency or magkabukingan. Hindi namin alam kung anong mangyayari kaya siniguro naming naka-ready ang lahat. Paisa-isa na rin kaming nagpapapasok ng mga kakamping tauhan. We eliminate Chua's men one by one then copied their identity. "Boss. . ." Napahinto ako sa paghakbang ng hindi ako nito pinansin. Tinitigan ko siya ng matagal hanggang sa napangiti na lang ako habang umiiling. "T'ngna talaga. Lakas tama. Tulala na naman." "Pa'no ko ba siya liligawan?" problamadong napasabunot pa siya sa kanyang buhok. "Hindi pa nga ako nagsisimula umaayaw na siya kaagad. Am I not hot enough for her to like me or nasubrahan?" Sumandal ako sa pader at humalukipkip doon. Tahimik na pinanood ko lang siya habang nagsasalita mag-isa. 'Di na ako nagulat ng makita kong nangalahati na ang laman ng whiskey sa harapan niya. Malamang 'di siya nakinig sa usapan namin ni Serafin. Malalim akong bumuntong-hininga. Kahit maraming babaeng naghahabol sa kanya, lumuluhod at nagmamakaawa pa nga e, manatili lang siya but no. . . ONLY Sergeant Lopez captured his heart. Mula pagkabata hanggang ngayon inalagaan niya sa kanyang puso si Señorita Cristal. I saw how miserable he is when they moved to States. Ako ang naging mata niya dito sa Pinas. Then, hinanap ko ang dating family driver nila na umuwi ng probinsya, si Tito Lars. Ang tatay ni Bert para pumalit sa akin ng maging busy na ako sa school. "Will she ever fall for me?" "Ofcourse! Mukhang natorpe ka na naman." Marahas siyang napabaling sa akin. "Argus. . . kanina ka pa ba diyan? Nakaalis na ba si Serafin?" tiningnan niya ang monitor. "Yeah. . . enough to hear all your sentiments." nakangising naglakad ako palapit sa kanyang mesa. "Sabi mo nga exotic ka diba? So, ipakita ko sa kanya na iba ka sa lahat." I winked at him then grab the glass of his whiskey. Tinungga ko iyon. "What the. . . bakit hindi ka kumuha ng sarili mong baso? Dugyot ka talaga kahit kailan." "Dugyot--" then barked a laughter. "Same lang ba 'yon sa exotic, Boss?" "Iwan ko sayo!" singhal niya sa akin sabay tayo. Tinungo ang rack ng mga nakasalansan na baso. "Bakit iba 'yong mga sinabi mo kay Serafin?" Naiwan sa ere ang baso ng alak na hawak ko sa sinabi niya. "Oh, siya ba ang pag-uusapan natin or ang. . . bebe mo?" Inirapan niya ako. "Or baka naman gusto mo si Miss Marquez ang pag-usapan natin?" balik tudyo niya sa akin. Bigla akong napaubo sa sinabi niya. Malakas kong nailapag ang baso sa mesa. Natapon ang ibang laman no'n. Pinagtawanan niya naman ako. "Ano, nasapol ka?" "The f*ck! Ba't nasali ang babaeng 'yon sa usapan?" "Wow, galit na galit. Affected?" Umiling-iling ako saka muling nagsalin at tinungga ang alak. He chuckled. "Na pa shot puno ka pa talaga." "Pwede ba? 'Wag mo akong gayahin sayo na problemado sa babae." Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. Akala mo naman 'di siya lugmok na lugmok kanina. "Hindi nga ba?" I scoffed. "Titig ko pa lang kay Mia laglag na panty no'n, puso niya pa kaya?" "Naks. . ." mahina niya akong sinuntok sa aking balikat. Naiinis na tinabig ko naman iyon na ikinatawa niya lalo. "Argus lang sakalam." Natawa ako. "Siraulo." "Seryoso na. . . anong score niyo ni Miss Marquez?" I didn't answer. I just stared at his evil grin. Umiiling na tinungga ko muli ang alak. "Ano nga?" pangungulit niya pa sa akin. Mukhang lasing na ang isang 'to ah. "Ba't parang mas interesado ka pa sa kanya kaysa kay Cristal? Gusto mo rin ba siya?" Muli siyang napahagalpak ng malakas na tawa. Umalog pa ang mga balikat. Uminit naman bigla ang ulo ko. Hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang aking kamao. Bigla rin akong tinubuan ng selos. Sh*t. . . masama ito. "Sabi ko na nga ba. Iba 'yong titigan niyo e. Tsk. Tsk. Tsk." Nagdilim ang paningin ko habang nakatitig sa kanya. Mariin akong pumikit at hinilot ang gitna ng aking mga kilay. Mukhang tinamaan na yata ako. Nakailang baso na ba ako simula pa kanina? "Ano? Pa'no mo sinuyo? Turuan mo naman ako ng mapasagot ko rin si--" Mabilis akong nagmulat ng aking mga mata. Nakangising mukha pa rin nito at namumula na ang sumalubong sa akin. "Seryoso ka?" "Oo nga--" "'Di suyuin mo para mapasagot mo. Mahirap ba 'yon gawin?" "Tss. Pa'no nga?" My jaw drop. Napakurap-kurap pa ako. "Naturingan kang babaero pero 'di mo alam sumuyo ng babae, Bro? Damn--I'm done today. Magpapahinga na ako." sabay talikod. "You--Argus!" Nakatalikod pa rin na kumaway lang ako sa kanya. "Search mo sa google kung pa'no. Puro ka yabang ligwak ka naman pala." "King namo ka!" "Yes I am. And you're hopeless romantic, Bro!" "Bwesit ka! Wala ka talagang kwentang kausap!" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD