KEITH
"Anong kailangan mo Serafin?" seryosong tanong ni Chad. "Napasugod ka yata?"
He gulped then walked towards Chad table.
Kasalukuyan akong nasa control room ng COD watching those two inside my office. Nilagyan ko doon ng audio device kanina bago namin pinapasok si Serafin kaya kita at dinig ko ang usapan nila.
"Uhm. . . may importante sana akong ipapakiusap sayo Mr. Del Valle."
"Ano 'yon? Pakibilisan at busy ako."
"Ba--Baka p-pwedeng. . . makuha ko na ngayon ang pera--"
"And why is that?" kunot-noong sabad ni Chad. "Baka nakakalimutan mong ilang araw na lang ang palugit na hiningi mo sa akin and yet hindi mo maibigay ang gusto ko. Akala ko ba pumayag na siya? Tapos ngayon, bakit. . ." pinaningkitan niya ito ng mga mata. ". . .nagmamadali ka yata makuha ang pera? Pinaglululuko mo ba ako ha, Serafin?"
"Naku hindi," sunod-sunod itong umiling. "Hindi sa ganun Mr. Del Valle."
"Well, walang rason para e-advance mo--"
"Nasa Hospital ngayon ang asawa ko." mabilis na sabad nito. "Inatake siya sa puso no'ng nakaraang araw. Kailangang-kailangan ko ang pera ngayon."
Hindi umimik si Chad. Nanatili lang na nakatitig dito.
But Serafin is persistent with his damn lies.
"Bukas na bukas rin, dadalhin ko sa tagpuan si Cristal, pangako."
"O--key." inabot ni Chad ang cheque sa drawer at ballpen. Akmang magsusulat ito ng muling nag-angat ng tingin. "Will give you only the half of payment. . ." he then tilted his head. "Ibibigay ko sayo ang buong halaga oras na mapa sa akin si Cristal."
"W-Walang problema, Mr. Del Valle. Like I said, dadalhin ko sayo ang anak ko ng buong-buo, walang labis, walang kulang."
"Hindi ako naniniwala sa puro salita lang, Serafin. Action counts. Not your damn nonsense words."
Nakita kong nagtagis ang bagang nito, madilim din ang mukhang tinitigan si Chad habang nagsusulat ng halaga sa tseke, the price that I instructed him
pero kaagad din iyon naglaho napalitan ng kakaibang ngisi.
Nag-angat si Chad ng tingin saka inabot kay Serafin. Kinuha naman nito iyon.
"Aasahan ko ang napag-usapan natin. 'Wag kang magkakamaling g*guhin ako, Serafin. Kilala mo naman siguro ako diba? Iba ako magalit."
He gulped again then chuckled.
"Kailan ba ako nangg*go ng tao, Mr. Del Valle? May nabalitaan ka na ba? Wala naman diba?"
Seryoso itong tinitigan ni Chad.
"Have you forgotten Devur, Serafin?"
Nakita kong natigilan ito pero saglit lang, muli itong tumawa.
What a damn actor!
I clinched my fist while staring at his damn face. Kung ibenta niya ang kanyang anak sa kakarampot na pera lang, para bang wala itong halaga sa kanya.
And it intensifies even more the anger I felt that started to boil again. Thinking that someone sabotage the DNA test I did. Tiyak may kinalaman siya sa pagkawala ni Elvis at sa nangyaring p*****n sa MCT.
Iba-iba ring ekspresyon ng mukha nito ang aking nakikita. Seems like he's up to something.
Hindi nga ako nagkamali sa aking naisip na pupuntahan niya si Chad dahil sa nangyaring pagdukot kay Cristal noong nakaraang gabi. Malamang sunod na pupuntahan niya si Chua to ask for their protection.
Well, I'm Chua now. Sooner or later that gang will be doomed and vanished.
At sisiguraduhin kong mabubulok sila ng asawa niya sa bilangguan sa kahayupan na ginawa nila kay Cristal. Pati na ang hustisya sa pagkamatay ni Tito Lars, ang tatay ni Bert.
Nagsalubong ang mga kilay ni Chad sabay tayo, kinasa ang baril na kinuha sa lalagyanan ko sa ilalim ng mesa at tinutok dito. Kaagad naman nito naitaas ang dalawang kamay.
"A-Ano 'to Mr. Del Valle?"
"Devur and I were too way different. Kung siya hayuk sa pera, ako naman, magnanakaw ng hininga. Hindi na sinisikatan ng araw ang mga taong gumag*go sa akin Serafin kaya 'wag mo akong pagtawanan. Walang nakakatawa sa sinasabi ko."
Napangisi ako sa naging reaksyon nito. Tinakasan ng kulay ang buong mukha. Nakaawang ang mga labi, hindi na rin nakapagsalita pa.
"You still have four remaining days to bring your daughter here to me." Chad evily smirked then put the gun down at the table. "You may leave."
Pagkalabas nito ng opisina kaagad kong tinawagan si Claud na naka-standby na sa labas.
"Palabas na si Serafin. 'Wag niyong lulubayan ng tingin."
"Copy, Boss."
I called Neil too.
"Kapag pumunta diyan si Serafin, sabihin niyo busy ako. Si Argus ang haharap sa kanya. Tell Fenix to ready the money. Maliwanag?"
"Maliwanag, Boss."
Napakunot-noo ako ng makita ko ang monitor sa phone ko. Nasa kusina si Cristal, parang nagtatalo sila ni Ivy a.k.a Muriel.
I pressed the side button of my wristwatch. Ilang sigundo lang ang lumipas kumonek iyon kaagad sa kanya.
"What's going on there?"
"Ilang beses ko na po kasi siyang nahuhuling tinatapon lang sa basurahan ang pagkaing niluto--"
"Can't you understand? I don't wanna eat that! Bakit mo ba ako pinipilit e ayoko nga?!" inis na sabad ni Cristal. I grinned. "Why don't you just allow me to cook on my own? Tsaka pakitanong diyan sa Boss mo kung anong kailangan niya sa akin? Bakit ayaw niyang magpakita? Bakit kinukulong niyo ako--"
I chuckled.
Malalaking hakbang na lumabas ng kwarto si Muriel. Iniwanan si Cristal na nagdadabog na pinatumbling pa ang pobreng upuan habang sinusundan ng nanlilisik na mga mata ang tauhan ko.
"Just let her be. But make sure na hindi siya makakalabas ng kwartong 'yan. Masyado pang delikado."
"Yes, Boss. Copy that."
I turned off the button then walked out the control room.
"Boss. . ."
"Masked yourself and be ready." nagmamadaling tinalikuran ko si Chad. Sumunod siya sa akin. "Kailangan nating bumalik sa hideout."
Ilang minuto kaming nagbyahe ni Chad. As usual dumaan kami sa secret passage. Nakaabang na doon sina Fenix pagkapasok namin sa loob.
"Ready na ba lahat?"
"Yes, Boss. Pumunta daw ng Valenzuela si Serafin ayon kay Claud."
"Anong ginawa niya doon."
"He brought his wife there. And Miss Olivar moved in to the Sullivan mansion, but she's still working at DCC Corp."
Huminto ako sa paghakbang saka hinarap si Fenix.
Pinauna ko na si Chad, to ready himself. Hindi siya pwedeng makilala ni Serafin. Although he's too good to impersonate Argus still we should be very careful. Baka mauwi sa wala ang lahat ng pinagpaguran namin. And I won't allow that to happen.
Lalo't nandito ang baby ko.
I need to tame her first.
I need to make her mine.
I'll make her fall for me to the bones.
'Yung hindi niya kakayaning mabuhay na wala ako sa tabi niya.
Then proceed to the next plan.
Ang pabagsakin ang Buhawi gang at buwagin ang grupo nila.
Isusunod namin ang Defacto gang then their main den. Ang pinagtataguan ni Red Dragon dito sa Pilipinas. Maging sino man siya. Either siya si Lucas Ricaforte or not, we will turn them down all.
And that's their end game.
But still hoping na mali ang nakalap na info. ni Suarez. Dahil kung nagkataon, malaking problema iyon. At ayokong maulit muli ang nangyari sa pagkakaibigan ng mga magulang namin.
"Buti pinayagan siya nina Tito at Tita Jackie?"
"Sabi ni Mia nakiusap daw si Migz na 'wag ng lumipat sa kompanya nina Sir Rafa."
"Si Migz? Nakiusap?"
He shrugged his shoulder.
Bigla akong napaisip.
"Kailan ba daw uuwi si JM? Nakausap mo ba si Thur?"
"Well, he's having a hard time to tell his girl about his real identity."
"WhatTheFuck--hanggang ba naman ngayon hindi niya pa rin nasasabi ang totoo?"
"Wala e. Takot daw si Boss JM kay Amäzon."
"Nalintikan nang budol gang na 'yon."
Nagtawanan sina Fenix. Tumigil lang ng tingnan ko ng masama. Pero kita pa rin ang sinusupil na ngisi sa mga labi. Pasimple pang tumalikod 'yong iba.
Ang dami nilang kalukuhan sa GC namin. Pinagpiyestahan si Thur na nahulog sa hukay na patibong ng Misis ni JM sa kakahuyan noong nakaraang araw. Naunang bumagsak ang mukha sa lupa, may tali pa ang paa. Sapol sa kuhang picture ni Nash.
Natawa ako sa aking isip.
"Thanks for the info. Will call Ryan and James. Malamang may pinaplano sila." tinapik ko siya sa kanyang balikat. "Sige na. Mag-iingat kayo."
Pagkaalis nina Fenix tahimik akong pumasok sa secret passage sa kwarto ko. Dahan-dahan kong itinulak ang malaking built-in mirror wall. Black and white line drawing abstract illusion 3D art naman sa kabila, buong pader sa uluhan ng kama. At ang secret door ay nasa pinakagilid at dulo.
Wala akong marinig na ano mang ingay pagkapasok ko. 'Di ko din makita ang anino ni Cristal.
I curiously looked at my phone. Napangiti ako ng makita ko siyang busy kumakain ng ice cream. Malalaki ang subo at nakabusangot ang mukha. Nakaupo sa lapag. Nasa harapan ng nakabukas na fridge.
Tinungo ko ang walk in closet. Mabilis akong nagpalit ng damit saka muling lumabas.
Nasa kabilang pader lang ako ng aking kwarto. Staring at my innocent yet tigres baby munching the poor ice cream. Panay rin ang lingon ko sa monitor ng buong hideout. Their is no fuss and any suspicious.
Hanggang sa mahagip ng aking mga mata ang dalawang tauhan na nasa likod. They were both smoking. Pero 'yong isa panay linga-linga sa paligid na para bang may hinihintay.
Napakunot-noo ako sa aking nakita.
Sila 'yong laging pailalim ang tingin sa akin sa tuwing dumadaan ako doon sa kabila papasok dito sa loob.
I pressed the side button of my wrist watch.
"Argus. . ."
"Boss?"
"They were together again at the back side, near under the tree. Sina Onyok at Santi. Ask Neil where's Joab."
"Relax, Boss. Everything is under control."
"Argus--"
"Tsk. . . parating na sina Claud." sabad ni Argus. "Bantayan mo ng maigi ang bebe mo ng 'di mabuliyaso ang plano."
I sighed. "Magpapakita na ako sa kanya mamayang gabi." then grin.
Argus laughed next line. "Malakas ang pang-amoy no'n malamang ikaw lagi ang laman ng isip ni Señorita Cristal."
My grin widened. "Dapat lang. Hindi na siya makakahanap pa ng isang katulad ko. Exotic 'to no."
"Naks, bagyo sa lakas ng hangin. Ni hindi ka nga maka score."
"Shut up!" he laughed wholeheartedly. "T'ngna ka, Bye!"
Nanggigigil kong pinindot ang side button.
Umuusok pa rin ang aking ilong na tiningnan ang phone ko. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko sa aking nakita.
My jaw dropped.
My breath hitched.
Halos lumuwa ang aking mga mata.
Drooling, without blinking my eyes while staring at her perfect naked body! Naglalakad papunta sa bathtub.
I gulped and gulped hard some more. Kasabay ng pagsikip ng aking pantalon.
Damn sooo hot, what a torture baby!
Napapitlag ako ng sunod-sunod mag-vibrate ang phone ni Chua na kabubukas ko lang.
I yanked my right hand to get the phone. Nakatitig pa rin ako sa screen ng phone ko habang inaabot iyon.
I'm having a hard time to take off my eyes on it even though I can't see her anymore after she get inside the tub.
Like. . . WHAT THE F*CK! Hindi ko inaasahan na maghuhubad siya ngayon sa harapan ng camera ko sa banyo na nilagay ko after the incidents she tried to sneaked out and hide some hazardous weapon from my kitchen. As in NAKED! Walang saplot! Nakahubo! T'ngna. . . pinagpawisan ako bigla. Wooo!
I can even hear the rapid thud of my heart inside my chest.
Sunod-sunod akong bumuga ng malalalalim na hininga. Replaying her damn image sa nilindol kong utak. Hindi ako maka-focus sa mensahe ni Serafin. Nakasampu din itong missed calls.
SERAFIN
Rex I need your help!
SERAFIN
Papatayin ako ni Del Valle kapag hindi ko naibigay sa kanya si Cristal! Tulungan mo ako!
SERAFIN
T'ngna naman Rex, nasaan ka na ba?!
SERAFIN
Pupunta ako diyan ngayon. Kailangan nating mag-usap! May importante rin akong sasabihin sayo tungkol sa mga Sullivan.
Napakunot noo ako sa huling sinabi nito.
Nag-blink ang ilaw ng relo ko kaya kaagad ko iyon binuksan.
Marahas akong napabaling sa monitor ng marinig ko ang boses ni Serafin.
"Wala si Boss. Busy." wika ni Neil. "But Argus were there--"
"Either its Argus or Rex, kailangan ko silang makausap." galit na sabad ni Serafin. "Kaya tumabi ka sa daraanan ko Neil kung ayaw mong samain."
"Aba't ikaw pang matapang--"
"Stop that Neil." awat ni Argus na nasa radyo. Nakaumang na ang mga baril ng kasamahan ni Neil sa mga tauhang kasama ni Serafin. "Papasukin mo siya. May sasabihin din ako sa kanya."
Serafin evily smirked. "Narinig mo 'yon? Ang yabang mo akala mo kung sino ka. Hamak na tauhan ka lang naman, pwe." wika nito sabay bangga sa balikat ni Neil.
Napaatras ito sa impact ng ginawa ni Serafin. Tiim bagang niya itong sinundan ng tingin.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023