Back To Me 18

1831 Words
CRISTAL "Cristaaaal! Ano ba, tanghali na! Hindi ka pa ba babangon d'yan?!" "Nandiyan," sunod-sunod akong umubo. ". . .na po." nanghihinang sagot ko saka dahan-dahan na bumangon sa higaan kong karton dito sa bodega. Nilingon ko ang malaking orasan na bigay nila sa akin para daw 'di ako ma-late sa trabaho ko dito. Pinalayas na nila ang mga katulong namin kaya ako lahat gumagawa ng gawaing bahay bago pumasok and after school. Lalo akong nanghina sa aking nakita. Mag-aalas kwatro na. Gutom na gutom na rin ako. Dalawang araw nila ako 'di pinakain dahil lang sa nasunog ang pinaplantsa kong paldang pampasok sa school ni Zephanie no'ng friday. Na kung tutuusin 'di naman ako ang may gawa. Kumulo na kasi ang sinaing ko kaya huminto muna ako sa pagpaplantsa at tiningnan iyon. Habang nasa kusina ako may naamoy akong parang nasusunog. Nagtaka pa ako no'ng una pero kaagad din ako napakaripas ng takbo pabalik sa laundry room. Nahagip ko pa ang buntot ng damit ni Zephanie na tumatakbo din palabas, umiiyak habang sumisigaw na 'Mommy, Mommy! Sinunog ni Ate Cristal 'yong uniform ko!' Nanginig ako sa takot ng makita ko ang plantsa na umuusok na. Nakalagay sa ibabaw ng palda ni Zephanie na tapos ko ng plantsahin at naayos na sa hanger. Halos patayin ako ni Mom sa kakapalo ng sinturon, sampal at sabunot sa akin. Palihim naman na nakangisi si Zephanie habang nakatingin sa akin na ginugulpi ako ni Mom. Kung hindi lang dumating si Dad muntik niya pa sana akong maplantsa sa likod. Tanging ang mainit na dulo lang niyon ang dumaiti sa balat ko. 'Yung paldang nasunog na 'yon ang pinasuot 'din sa akin ni Mom sa school. Samantalang si Zephanie binilhan ng bago. Buti naawa sa akin si Tita Melba, 'yung mananahing Tita ni Orlan. Tinagpian niya 'yung palda ko pero araw-araw pa rin akong tinutukso at binu-bully ng mga kaklase ko sa school. Magkasing katawan lang kami ng kapatid ko, malaman lang siya tingnan kaysa sa akin. Same din ang school at section na pinapasukan namin. Kaya sa tuwing bumibili si Mom ng bagong uniform 'yung mga gamit na at pinaglumaan ni Zephanie ang pinapasuot sa akin. 'Yung mga bago at brand new na gamit na binili sa akin ni Mr. Del Valle lahat iyon kinumpiska ni Mom. 'Yung iba sinunog, 'yung iba kinuha ni Zephanie. Pinagkalat pa sa school na ninakaw ko sa kanya. Kaya wala akong gaanong ka-close. Lahat sila inaaway ako, kinukutya, pinagtatawanan, inaalipusta. 'Yung iba naaawa sa akin pero mas pinili na lang iwasan ako. Tanging si Lester at Orlan lang ang nagtatanggol sa akin. And those two, my best friend, influenced me to take Criminology after we finished high school with flying colors. Nainggit sa akin si Zephanie ng mag-valedictorian na naman ako kaya kinumbinse niya si Mom na 'wag na akong pag-aralin pa sa college. Buti muling nagpakita sa akin si Mr. Del Valle at tinulungan ako. Malakas ang tahian ni Tita Melba kaya namasukan ako doon kunwari, ofcourse kasabwat ko sila, pati sa laundry shop nina Lester para hindi maghinala sina Mom kung pa'no ko natutustusan ang pag-aaral ko. Iniiwan ko din kay Tita Melba ang lahat na importanteng gamit ko sa school, iilan lang ang inuuwi ko sa bahay. Kahit ginagawa nila akong alila sa bahay, pinapahirapan para kusa akong huminto sa aking pag-aaral, hindi ako sumuko. Hindi naman ako nahihirapan pagdating sa school. Todo suporta sa akin ang dalawang kaibigan ko, lalo na si Mr. Del Valle. Pati 'yung Dean namin, mga faculty staff at professor ko sa isang iglap naging subrang bait sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero biyaya talaga ng langit sa akin si Mr. Richard Del Valle. Ginawa niyang magaan at smooth ang college life ko kahit impiyerno ang buhay ko sa loob ng pamamahay namin. "Ang kupad-kupad mo talaga!" nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng bodega at pumasok si Zephanie. Pinamewangan ako, nakataas pa ang isang kilay. "Anong oras na, nakakulong ka pa rin dito. . ." nandidiring iginala niya ang tingin sa paligid. ". . .sa amoy imburnal mong kwarto! Eww ka talaga!" Muli akong umubo. Tinupi ko ang aking kumot. "Masama ba pakiramdam mo?" Natigilan ako sa uri ng boses niya kaya mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya. Akala ko nahabag siya sa akin nagkamali ako ng ngisian niya ako. "Mommmmmy!" malakas na sigaw niya. "Mommy come here!" Ilang minuto ang lumipas ng marinig ko ang galit na mga yabag ni Mom papunta dito sa bodega. Parang inahin na nagpupuputak. "Ano na naman ba?! Nasaan si Cristal?! May lakad ako anong oras na!" pabalya nitong niluwagan ang pinto. "Look at her." nakangising tinuro niya ako. Napalunok ako ng makita kong nagbago ang expression ng mukha ni Mom. "Ano pang hinihintay mo?! Ba't nakatunganga ka pa rin diyan?!" galit na galit na singhal niya sa akin. "Kanina pa kita tinatawag, nagbibingi-bingihan ka lang pala! Anong oras na?! Hindi ka pa nagluluto ng almusal! May pasok pa ang kapatid mo!" Muli akong umubo saka humawak sa pader para makatayo. "She's ill." "Ill?" ulit ni Mom sa sinabi ni Zephanie. "Ill pala ha, wait." tumalikod ito. Napasandal ako sa pader ng makaramdam ako ng hilo pagkatayo ko. Maya-maya muli itong bumalik. May dalang timba ng tubig. Malalaking hakbang akong nilapitan sabay saboy ng tubig sa akin. Napanganga ako sa subrang gulat. Biglang nangatog ang katawan ko sa lamig na bumalot sa aking buong katawan. "Hindi ka kasi naliligo kaya tatamlay-tamlay ka!" hinablot ni Mom ang buhok ko. Napahikbi ako sa subrang sakit ng kaladkarin niya ako palabas. "Umaarte ka lang para makaiwas ka sa tarabaho dito sa bahay!" "Tama na po Mom. . . tama na--" BIGLA akong napabalikwas ng bangon. Nagulat pa ako sa babaing nabungaran kong yumuyugyog sa aking balikat lalo na sa mga luhang nagpalabo sa mata ko. Mabilis ko iyon pinalis. Butil-butil din ang aking pawis kahit malakas ang aircon. Napausod ako papunta sa headrest ng kama, hinatak ko ang kumot. "Okey lang po ba kayo Madam?" nag-aalalang tanong niya. "Sumisigaw ka ng mapasukan kita kaya ginising po kita Madam tsaka pinapagising ka na talaga ni Boss. May dala rin po akong hapunan niyo." "S-Sino ka?" iginala ko ang paningin sa buong paligid. King size ang laki ng malambot na kamang kinauupuan ko. Pinaghalong puti at gray ang pintura ng buong paligid. May napakaling gray L-shape na sofa sa gilid malapit sa pintuan, meron ding malaking flat screen tv. May nasilip rin akong parang kusina pero hindi ako sigurado. Napalunok ako ng maalala ko ang nangyari sa akin. 'Yung pagtangay sa akin ng mga naka-bonnet na armadong kalalakihan. Muli kong binalingan ang nakangiting babae. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot siyang itim na fitted long sleeve, black shinny fitted pants. Naka-pony tail ang kanyang mahabang buhok, subrang taas. Ang awra niya parang 'yung bidang ala palos sa action movie na pinapanood ko. "Sino ka?" ulit ko. "Where am I?" She genuinely smiled at me. Napatingin ako sa bed tray table na may lamang pagkain na hawak niya saka dahan-dahan na nilapag sa harapan ko. Biglang kumalam ang sikmura ko ng makita at maamoy ko ang pagkaing nakahain sa akin. Hindi kaya may lason 'to? I gulped again. "Alas nueve na po ng gabi Madam. Kumain na po muna kayo bago pa kayo malipasan ng gutom." tinuro niya ang red button na nakalagay sa ibabaw ng side table. "Just pressed that button if you need anything." sabay talikod. "Wait--" she was halted. Muli niya akong nilingon. "P-Pwede ko bang malaman kung nasaan ako?" Yumuko siya. "Kumain na po--" "Sino ang Boss mo?" sabad ko sa kanya. "Bakit dito ako dinala? Anong kailangan niyo sa akin?" umiling siya. "Bakit ayaw mong magsalita?!" Napatitig siya sa akin ng pagtaasan ko siya ng boses sa huling sinabi ko. I regret it though. I frustratedly bit my lower lip. I heard her heavy sighs. "You were under Chua's hideout." "C-Chua?" bulalas ko. She nodded. "Yes Madam. Kumain--" "Si Rex Chua ba ang Boss mo?" sabad ko ulit sa kanya. "Siya ba ang nagpadukot sa akin?" She sighed again then shook her head. "Kumain na po kayo. Excuse me." Wala sa sariling napatitig ako sa pintong nilabasan niya. "Nandito ako sa hideout ni Chua. . ." hindi makapaniwalang sambit ko pa. Parang sirang plakang paulit-ulit iyon umalingaw-ngaw sa aking utak. Napahawak ako ng kamay sa aking mukha. "Damn. . . what a good news." Then I smiled, chuckled and murmured like an idiot. "It's a blessing in disguise, indeed!" Bigla akong tinakasan ng gutom. Nabuhay ang dugo ko. Pati pananakit ng katawan ko nawala. Kahit ang lahat ng sakit at sama ng loob dahil sa bangungot ng aking nakaraan bigla kong nakalimutan. "Buti na lang pala natakasan ko kanina si Altamonte." "Sa wakas, malalaman ko rin kung anong meron sa kuta na 'to at kung sino ang totoong mga magulang ko. Saan at kanino ako kinuha ni Chua?" Masiglang binuhat ko ang bed tray table na may lamang pagkain. Itinapon ko iyon sa basurahan, inisip ko na baka may lason iyon. Mahirap na magtiwala. Dilikado. Muli kong iginala ang paningin sa buong paligid. Parang isang maliit na buong bahay na ang style ng kwarto. May sala. Kusina nga 'yong natanaw ko kanina na may mahabang island counter. May ref. din, puno ng laman. Malaki rin ang espasyo ng CR, kompleto ng gamit. May bathtub na nga, may 'di kalakihan pang jacuzzi. Ang taray diba? "Pero bakit dito ako dinala?" napalukso ang puso ko ng mapadako ang aking mata sa malaking kama. "Damn. . . hindi kaya. . ," Inilang hakbang ko lang ang pintuan. Dahan-dahan ko 'yon pinihit pabukas. Napasinghap pa ako ng tumunog ang click sounds, tanda ng pag-unlocked no'n. Sumilip ako sa labas. Walang katao-tao. Kaagad akong lumabas. Nagpalinga-linga ako sa paligid at walang ingay na naglakad. Pagdating ko sa dulo ng pasilyo, napakubli ako kaagad sa pader ng makita ko ang apat na bantay doon, naglalaro ng baraha. Umatras ako at naglakad pabalik, tinungo ko ang kabilang pasilyo ngunit kaagad din akong napahinto. Napamulagat ako ng matanaw ko 'yong babaeng kausap ko kanina na nagmamadaling naglakad patungo sa akin. Nahigit ko ang aking hininga sabay karipas ng takbo pabalik sa kwarto. 'Di naman kalayuan 'yong tinakbo ko pero hiningal ako. Lalong nagrambulan ang t***k ng puso ko. Napasandal ako sa likod ng pinto at pilit kinakalma ang sarili. Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman ko ang mga yabag sa labas. Nag-panic ako. Saka natatarantang tumakbo papunta sa CR. Ni-lock ko iyon at binuksan ang shower. Tinudo ko ang bukas no'n. "Sh*t. . . hindi ko naman pinindot 'yong red button pero bakit bumalik kaagad 'yong babae?" Wala sa sariling naigala ko ang aking mga mata sa loob ng banyo pero wala naman akong makitang kakaiba. "Pero imposibleng wala." kotra ko pa sa aking utak. "Sigurado akong meron na mga nakatago. . . I need to be very careful at my next move." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD