KEITH
"O Keith," nagkagulatan pa kami ni Uncle pagbaling ko matapos kong isara ang pinto ng opisina ni Cristal. "Nandito ka pa pala. Akala ko umuwi ka na."
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago ko siya hinarap muli.
"Nakita niyo po ba si Cristal, Uncle?" muli kong iginala ang paningin sa paligid. "Kakatawag lang sa akin sabi subrang sakit ng tiyan niya, e wala namang tao sa loob ng opisina niya. Natingnan ko na lahat ng banyo, umakyat na din ako doon sa taas, pati sa kabila, wala naman siya."
Umiiling itong tumawa.
"So, ikaw pala ang tinatakasan niya." tinuro niya ang daan papunta sa exit door sa likod.
"Sh*t. . ." tanging nasambit ko sabay karipas ng takbo palabas ng building matapos ko magpaalam kay Uncle ngunit wala na ang sasakyan nito sa kinapaparadahan. "Dammit Cristal. . ." frustrated na napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. "Hindi mo alam kung ano ang nakaambang panganib sa buhay mo."
Napapitlag ako ng biglang tumunog ang cellphone ko pati ang suot kong relo sunod-sunod na nag-blink. Hindi ko pinansin ang huli. Nagmamadali ang mga kamay na dinukot ko ang cellphone sa bulsa then pressed the answer button ng makita kong si Chad iyon.
"Boss nahuli ng mga tauhan ni Xandro ang dalawang pulis na kaibigan ni Señorita Cristal." bungad nito.
"What?!" bulalas ko. "Anong nahuli? Paano?"
"Hindi ko alam ang buong kwento. Basta sabi ni Connor dumating sa Bulacan 'yong dalawa dala ng mga tauhan ni Xandro. Hindi ko rin makausap ng mabuti si Con, marami daw bantay. Lumuwas din ng Manila ang grupo ni Devur. They're planning to abduct your girl tonight."
I cursed many times.
Binalingan ko ang aking relo na walang tigil sa pag-blink ng signal light. I pressed the side button.
"Bro..." boses ni Ryan. "Nasa news si Mona--"
"Sinong Mona?" sabad ko sa kanya.
"'Yung nurse na kaibigan ni Elvis. Natagpuang wala ng buhay sa basement ng MCT pati 'yung ibang Guard at Janitor and Elvis was missing."
"F*CK--! How does that happen? Nasaan 'yung mga bantay?"
"They were all poisoned and dead. Nagkakagulo ang media ngayon sa labas ng MCT."
I unconsciously pressed the bridge of my nose. "How's Dad--"
"Kasama ko sila." sabad ni James. "I'm working on it. Ako ng bahala."
"We just contacted you so you know." wika ni Ryan. "And warn you to be very careful. 'Wag mong lulubayan ng tingin si Cristal--"
Kaagad akong napatingin sa cellphone na hawak ko pagkabanggit niya sa pangalan ng baby ko.
"Chad..? Are you still there?"
"Yes Boss. . ?" sa relong suot ko na siya nagsalita.
Sinuksok ko ang phone sa aking bulsa.
"Nakausap mo ba si Bert?"
"Yes kanina lang, nakikinig din siya sa kabilang linya. Nakabantay siya sa labas ng bahay ni Serafin. Kani-kanina lang daw dumating ni Señorita, mga fifteen minutes ago. Mukhang wala ding balak magtagal doon, hindi daw pinarada ang sasakyan sa loob."
"Please tell Claud to fetch me here, pupuntahan ko si Cristal. Malamang uuwi din 'yon ng--" marahas akong napaangat ng tingin sa lalaking sakay ng motor na pumarada sa harapan ko.
"Boss. . ." wika ni Claud sabay abot ng helmet sa akin. "Kanina pa kami naka standby."
Tinuro niya ang itim na kotse sa 'di kalayuan. Napasunod din ang tingin ko doon.
"Ipapadala ko sila--"
Nagkatinginan kami ni Claud ng sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko sa kabilang linya.
"Chad--?"
"F*CK--SI SEÑORITA!"
"ANONG NANGYARI, CHAD?! SI BERT?!"
"May dumukot kay Señorita! Ibang grupo, marami sila. Hindi kaya ni Bert, he needs back-up!"
"T'ngna, nasaan sina Fenix?!"
"Nandito sa hideout--"
"Bakit nandiyan sila?!" singhal ko sa kanya. "Diba sinabi kong--"
"Akala kasi nila kasama mo si Señorita, Boss."
"Oh--Damn it!"
Nagmamadaling sumakay ako ng motor.
"Sumunod kayo sa akin Claud--"
"Papuntang Makati si Bert, Boss." sabad ni Clayde sa relong suot ko. "Mukhang mga tauhan ni Rex ang kabilang grupo na dumukot kay Señorita since doon ang daan na tinutumbok nila pero walang tauhan sa hideout na lumabas ngayon, so, they're still unidentified kung sino-sino sila."
"Sige, papunta na ako." binalingan ko si Claud. "Mask yourself and your men. Sumunod na lang kayo. Sa secret passage kayo dumaan."
He nodded. "Copy, Boss." sabi niya sabay talikod.
"Ready yourself, Chad. Sabihan mo sina Fenix. Baka grupo ng Defacto pa rin ang mga 'yon. You know what I mean, right?"
"Yes, Boss. Copy that."
Sinuot ko ang helmet then started the engine. Mabilis kong pinaharurot ang motor.
Lampas kalahating oras lang ang tinagal ng byahe ko. Dumaan ako sa secret passage kaya walang nakapansin ng pagdating ko maliban sa mga tauhan ko syempre.
Dumeritso ako sa private office dati ni Rex Chua. I changed my clothes then wore Chua's mask. Kumuha akong isang bote ng alak at nagsindi ng tabako. I really hate so much its smell but I've got no choice. Pati tattoo ginaya ko, pero syempre it's all fake.
Maya-maya nakita ko sa monitor na nasa table ko ang commotion sa labas. Ayaw papasukin ng bantay ang grupong mga naka-bonnet.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok si Chad, now look a like as Argus. Ang kanang kamay at katiwala ni Chua.
He was grinning ear to ear at me.
Sinamaan ko siya ng tingin.
He chuckled then pointed out the monitor.
"Solve na ang problema mo. Sayo mismo dinala ng mga kidnapper ang baby mo. 'Di ka na mahihirapan kakasunod sa kanya."
I smirked at what he said while staring intently at the monitor. Naupo ako sa swivel chair.
"Boss may bisita." wika ni Neil sa radyo. "Grim Reaper daw. Papapasukin ko ba?"
"Grim Reaper?"
"Si Kamatayan?"
Sabay naming anas. Kunot-noong nagkatinginan pa kaming dalawa. Then I nodded at him.
"Ilan sila?" tanong ni Argus.
"Marami, Boss."
"Send that Grim Reaper in."
"Siya lang Boss?"
"Yes--"
"Importante ang dala ko." sabad ng matangkad na lalaking nakabonnet na bumaba sa van. "He need to see it. Kung ayaw niya aalis na lang kami."
Nilingon muna ako ni Argus bago muling nagsalita.
"Ihatid mo siya dito sa loob at ang dala niya, aabangan ko sila sa labas. 'Yung mga kasama niya istimahin niyo. Tiyak malayo ang nilakbay nila. Show some hospitality to them."
"Areglado, Boss."
Muli kong tinanguan si Argus. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina para salubungin ang mga ito.
Ilang minuto ang lumipas ng muling bumukas ang pinto. Niluwagan niya iyon saka pinapasok ang lalaki na buhat-buhat si Cristal in a bridal style. Nakatakip rin ang mukha. Tila ingat na ingat. Bigla akong tinubuan ng selos pero nangingibabaw ang galit ko sa kanya.
Matalim ako nitong tinapunan ng tingin bago dumeritso ng lakad patungo sa malaking sofa sa gilid. Dahan-dahan na nilapag doon si Cristal.
Argus locked the door. "Sino siya?"
Nakapamulsang hinarap kami nito. Then smirked. Pailalim pa akong tinitigan.
"Dinala ko dito si Lopez dahil alam kong safe siya sayo, Rex." he tilted his head. "Or mas tamang tawagin kita na. . . Boss. . . Keith Kyle Altamonte."
Nagulat ako ng tanggalin niya ang suot na itim na bonnet pero 'di ako nagpahalata.
"Alam mo ba ang sinasabi mo, Sarmiento? Pwede kang mamatay sa ginagawa mong 'yan." humakbang si Argus, tumayo sa harapan nito, tinuro niya si Cristal. "Bakit dito mo dinala ang babaeng 'yan? Alam mo ba kung ano ang consequences sa pagbaliktad mo sa kanila and yet dinadawit mo kami?"
"Oh c'mon. 'Wag na tayong maglukuhan pa dito." he chuckled. "Kung may koneksyon kayo, meron din naman ako niyan. Hindi nga lang kasing lakas--"
Mabilis tinutukan ng baril ni Argus si Kevin.
Itinaas naman nito ang dalawang kamay habang nakatawa.
Tumayo ako. Hinawakan ko si Argus sa kanyang balikat.
"Boss--"
"It's ok Argus." nakakaunawang ibinaba niya ang baril at gumilid. Tinangal ko ang suot kong maskara. Matiim kong tinitigan si Kevin. "Anong kailangan mo, Sarmiento?"
"Wala. Hindi ako kalaban Altamonte." he then sighed. "Sa ngayon hindi pa." nilingon nito si Cristal. "Alam kong alam mo na matagal na siyang pinapadukot sa akin. Pero ngayon ko lang ginawa. Ang masaklap trinaydor ko ang grupo namin." muli ako nitong binalingan. "I can tell, she's your weakness. So you have to be very careful dahil siya ang DOWNFALL mo, Altamonte." sunod-sunod itong umiling. "Ako nga nasilip kita. Sila pa kaya na mas matinik at tuso?" naglakad ito papunta sa pintuan.
Nakasunod lang ang tingin namin sa kanya ni Argus.
Huminto ito saka muling nagsalita.
"Malaki ang atraso niya sa akin pero hindi pa ako sigurado. I want to know the whole truth first. But, oras na mapatunayan kong siya nga ang may gawa, babawiin ko siya sayo and will let her pay the price."
Pagkalabas ni Kevin nilipat ko kaagad si Cristal sa private room na tinutuluyan ko.
Bumalik ako sa opisina. Naguguluhan pa rin ako sa huling mga salitang binitiwan ni Kevin. Hindi ko alam kung anong atrasong ginawa sa kanya ni Cristal. Pakiramdam ko subrang bigat. Malalim. At natatakot ako sa maaaring mangyari.
Muli kong tinungga ang alak sa aking baso. I dialed Santos and Suarez number again pero hindi ito sumasagot.
"Dammit--!"
Sinipa ko ang swivel chair. Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto. Natigilan naman si Argus pagkakita sa akin.
"Boss, may problema ba?"
"Tawagan mo si Santos at Suarez. Pati si Curtis. Paimbistigahan mo ulit si Kevin. Gusto kong malaman kung anong atraso sa kanya ni Cristal."
"Dahil ba 'to sa banta ni Sarmiento?"
"Hindi lang iyon isang banta, Argus. Narinig mo naman diba?"
He nodded.
"Pati si Mayor Sarmiento," hindi na ako mapakali pa, nagpabalik-balik ako ng lakad. ". . .lahat ng taong malalapit sa kanya, ang mga kaibigan niya, ang Defacto Gang. Basta kalkalin niyo lahat."
"Boss relax--"
"Pa'no ako magre-relax?!" frustrated na singhal ko sa kanya. "Buhay ni Cristal ang pinag-uusapan dito, Argus. Alam mo naman kung anong klaseng buhay ang pinagdaanan niya diba? So now tell me, pa'no ako magre-relax kung ang babaeng sentro ng buhay ko ay nanganganib pa rin ang buhay magpahanggang ngayon?"
Malalim siyang bumuntong hininga. Tinungo niya ang mini bar. Kumuha ng kanyang baso at nagsalin din ng alak. Nilagyan niya rin ang baso kong wala na ring laman. Sabay namin iyon tinungga.
"Tama nga si Kevin, siya ang downfall mo." mariin niya akong tinitigan. "Dapat doble--NO makasampung beses kang mag-ingat Boss. Mukhang malaki ang pakay nila kay Señorita Cristal. Kung ano, 'yon ang aalamin natin. For now, dapat FOCUS ka. Maling galaw mo lang damay-damay tayo nito lahat. Nakita mo naman 'yong nangyari sa MCT. Malakas talaga ang kutob namin na may kinalaman iyon sa DNA test ni Señorita Cristal."
Tinitigan ko siya sabay iling.
"Maybe yes, maybe not. Hindi ako sigurado. Pero sa tingin ko dahil iyon sa anak ni Tito Rafa. Malamang nakarating na sa kanila na nahanap na ang totoong Sullivan. At anak pa ni Serafin." nilagyan ko muli ng alak ang aking baso then gulp the whole content of it. Bigla akong nahilo. Naupo ako sa swivel chair at tinitigan muli ang monitor. "Sabihan mo si Wayne na puntahan ulit si JM, kailangan niya ng bumalik dito. Delikado na sila doon."
"Paano nga pala si Elvis?"
"Will find him. Malamang alam na rin nila na bunsong anak ni Marcello Thompson si Elvis." nag-angat ako ng tingin kay Argus. "Ang mga Thompson pa rin ang totoong nagmamay-ari ng MCT. Hindi totoong nabili iyon ni Dad. He just did that to protect Elvis."
"So why they're still after him?" kunot-noong tanong ni Argus. "Nalaman na naman na ng mga Sullivan na si Zephanie Olivar na anak ni Serafin ang nawawala nilang anak pero bakit tinutugis pa rin nila si Elvis? May sekreto pa bang alam si Elvis kaya gusto nilang patahimikin?"
"Hindi ko alam." mariin akong pumikit at sumandal sa swivel chair. "Sumasakit na nga ang ulo ko sa tambak na problema ngayon dumadagdag pa 'yang pagkaimbestigador mo."
He bark a laughter.
I opened my eyes then look at him murderously.
"Tss. Get some rest Boss. Masyado kang lutang. Kung kailan nandito na si Señorita saka ka naman naging ganyan." umiiling na nilayasan niya ako. "Usap ulit tayo bukas."
Pagkalabas niya kaagad kong inabot ang phone ko at dali-dali iyon binuksan.
Then zoom in.
I had secretly installed a hidden camera inside my room. Ako lang ang tanging nakakaalam.
Nangalumbaba ako sa mesa't tinitigan ang prinsesa kong mahimbing pa rin na natutulog.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023