Back To Me 16

1996 Words
CRISTAL Natahimik ang table namin ng dumating si Zephanie at naupo sa tabi ni Migz. Nakangiti ito samantalang si Migz nagpapalipat-lipat ang mata sa amin ni Keith. Hindi ko rin maintindihan ang uri ng titig na pinupukol niya sa akin, na para bang ramdam niyang may lihim kaming alitan ng kapatid ko. "Kumusta pala si JM?" basag sa katahimikan ni Altamonte. Migz cleared his throat. Umayos pa siya ng upo bago sumagot. "He's not home yet." "O? E sino. . . 'yong nabalitaan kong nambugbog kay Wayne doon sa Hacienda niyo? Pumunta pa nga sa DCC Corp." nilingon niya si Zephanie. "Right, Miss Olivar?" Bigla itong nabilaukan sa kinakain. Sunod-sunod itong umubo. Kaagad naman itong inabutan ni Migz ng isang basong juice. "You okey?" Tumango ito saka sumimsim ng juice sa baso. "H-Hindi. . ." muli itong umubo. "Hindi ko alam--I mean w-wala ako sa office ng pumunta doon si Sir pero tumatawag siya lagi sa akin recently." "Wala ka sa DCC no'ng pumunta si JM?" umiling ito. "So, you're not aware na nawawala ang Boss mo for two years now?" Muli itong umiling. "Sir Migz said he's out of the country. At kailan lang din tumawag sa akin si Sir JM to get an update in DCC. H-Hindi. . ." nagpalipat-lipat ang nagtataka niyang mga mata sa dalawa. ". . .ko alam na nawawala. . . pala. . . siya." "I'm just kidding." Altamonte chuckled. "Buti ka pa naisipan tawagan ng g*gong 'yon. Samantalang ako na kaibigan niya hindi man lang nagpaparamdam sa akin. But anyways. . ." nilingon ako ni Altamonte sabay hawak ng kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. Napatingin ako kaagad doon saka nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Sinulyapan ko din si Zephanie. 'Di na ako nagulat ng makita ko ang talim ng kanyang mga mata. Pero saglit lang iyon, napalitan kaagad ng ngiti ng tingnan siya ni Altamonte. "Mauna na kami ni Cristal, Miss Olivar, Migz." "Pabalik na rin kami ng DCC." Muli akong nilingon ni Altamonte. "Babe?" I nodded at him. Nginitian ko si Migz at bahagya lang sinulyapan si Zephanie na nakatingin pa rin sa kamay naming dalawa. Napasunod ako sa kanya ng tumayo na siya hawak pa rin ang kamay ko. Nagulat pa ako ng lumipat iyon sa aking bewang at iginiya palabas ng Restaurant. "May nangyari ba sa ladies room?" Nasa kasagsagan na kami ng byahe pabalik ng head quarters ng magsalita siya. He drove the car. He insisted kaya hinayaan ko na lang din. Nakaupo ako sa tabi niya, tahimik lang na nakatingin sa labas. I sighed. "Hanggang ba naman ngayon 'di pa rin kayo okey?" Nagsalubong ang mga kilay ko saka nilingon siya. Nanatili naman siyang nakatitig sa kalsada. "Anong ibig mong sabihin?" "I saw the way she looked at you." "Ano namang nakita mo?" "You know what I mean." I rolled my eyes. "Iwan ko sayo." Hindi na siya umimik pa. Pagdating sa head quarters kaagad akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na siya inantay pa. Dumeritso ako sa opisina ko. Good thing wala na naman 'yung dalawa kong kasama. Ilang ulit akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka pabagsak na naupo sa swivel chair. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas na nakatunganga lang ako sa harapan ng computer. Paulit-ulit kong binalikan 'yong mga sinabi at tanong ni Altamonte kay Zephanie. Mukha kasing may mga laman. Tsaka kung nawawala si Jeff Marco Del Carpio two years now, sino 'yong lalaking sinundan ko sa Medical Center Taguig? Napailing ako. Inabot ko ang phone. Nagulat pa ako ng makita kong mag-aala singko na pala. Ang bilis naman ng oras. "Ba't wala pa ring reply?" nagtatakang sambit ko sa sarili. I scroll my phone, hinanap ko ang number ni Chief Coralde then dialed. Isang ring lang kaagad itong sumagot. "Hello, Sir Chief?" "O, Sergeant Lopez, napatawag ka?" "Magtatanong lang po sana ako Sir about kay Montalban at Ramirez." "Hindi mo ba sila kasama? Sabi sa'kin ni Lester kanina magkikita kayo ngayon?" "H-Ha?" bigla akong nanghina sa sinabi ni Chief. Marami pa siyang sinasabi sa kabila pero hindi ko na maintindihan pa. Naibaba ko ang cellphone ng walang paalam. I gulped hard sa takot na lumukob sa akin. Tumayo ako at natatarantang tumakbo palabas ng opisina pero kaagad din akong natigilan ng makita kong nandun pa rin sa labas si Altamonte. Kausap ang ibang police officer. "Bakit nandito pa rin siya? Wala ba siyang balak umuwi?" Bumalik ako sa loob at tinanaw siya. Ilang minuto rin siyang nakipag-usap sa mga ito bago lumabas ng departamento. Nakita ko pa siyang lumingon sa gawi ko kaya mabilis ko iyon naisara. A couple of minutes passed. Lumabas ako. Dumaan ako sa likod, in case na bumalik siya 'di niya ako makikita. Ngunit pagdating ko sa labas natanaw kong nakasandal siya sa kotse ko. Animoy naiinip na hinihintay ako. Panay pa tingin sa suot niyang relo. Tinatanaw ang daan na lalabasan ko at panaka-nakang iginagala ang paningin sa paligid. Hinugot ko ang phone sa bulsa ko then dialed his number. Napangisi ako ng makita kong nagmamadali pa siya sa pagsagot ng tawag ko. "Babe?" "U-Umuwi ka na ba?" "No, not yet. Nandito ako sa labas, hinihintay kita." Hindi ako umimik sa sinabi niya. Nanatili lang akong nakatanaw sa kanya. "Babe, you ok?" "Mmm, n-no. Subrang sakit kasi ng t-tiyan ko." "Ha? Bakit? Anong nangyari?" "Hindi ko alam. Bigla na lang sumakit--" "Wait for me there. Papunta na ako." sabad niya saka nagmamadaling naglakad papasok ng building. Kaagad naman akong napatakbo papunta sa kotse ko ng masigurong nakapasok na siya ng building. Halos magkumahog pa ako sa paglagay ng susi sa ignition. Inabot din ako ng oras sa tagal ng byahe pauwi sa bahay ng mga magulang ko dahil sa traffic. May sarili akong susi kaya nakapasok ako without their knowledge. Sigurado akong magtataka si Mom at Zephanie oras na makita nila ako. Hindi ko na pinasok ang kotse sa loob. Uuwi din ako mamaya sa Makati. Kailangan kong hanapin sina Lester at Orlan. Nagpalinga-linga ako sa paligid pagkapasok ko. Walang katao-tao. Pero nakita ko ang kotse ni Dad at Zephanie sa garahe. Pati 'yong kay Mom nandun din. "Next week, we will have all the money we need and she will be less problem for us to worry about, honey." narinig kong boses ni Dad. Napahinto ako sa paghakbang. Umatras ako saka nagtago sa gilid ng hamba ng kusina. Tahimik akong sumilip sa loob. Nasa harapan si Mom ng lababo, nakayakap naman si Dad sa kanyang likuran. "Hmmp. . . baka akala mo hindi ko alam ang tungkol sa City Of Dreams." "Ano ka ba, nandiyan naman si Cristal. Plantsado na ang lahat." "E, sino si Mutya or Laica ba 'yon sa buhay mo?" "My new puppet." Dad laughed. "Ginagamit ko lang naman si Mutya. Kapag wala na siyang silbi sa akin edidispatsa ko din siya." "Nagsasabi ka ba ng totoo?" "Honey naman, kailan ba ako nagsinungaling sayo? 'Wag ka ng magtampo." Mom giggled when Dad shower her kisses. "Babawi ako sayo. Ipapasyal kita sa Paris or kahit saang bansa na gusto mo." "Pa'no kung malaman ni Cristal ang ginawa mo? Baka ipakulong ka no'n. Alalahanin mo, pulis ang anak mo." Dad sneered. "Zephanie is my only child. Hindi natin siya kadugo. Tinanggap ko lang siya dahil sa malaking pabuya na ibinigay sa akin ni Rex para alagaan siya." "Sabi ni Zeph dumidikit ang babaeng 'yon kay Keith Altamonte. Pati kay Miguel Del Carpio nakikipag-flirt. Inaway pa nga daw siya kanina doon sa Restaurant e. Hindi pa nakuntento, sinundan pa ang anak mo sa CR ng bruhilda na 'yon." "Ano ang ginawa ni Zephanie?" "Malamang wala. Kilala mo naman 'yon. Kahit subra-subra ng iniinsulto iyon ni Cristal 'di naman 'yon lumalaban. Ang anak mo pa ang nagso-sorry." Tumango-tango si Dad. "Tama lang pala ang ginawa ko. Hanggang sa kahuli-hulihan napakinabangan natin siya." Naikuyom ko ang mga kamao sa mga narinig kong kasinungalingan nila kasabay ng pagsikip ng dibdib ko sa subrang galit na bumalot sa aking buong katawan. "Sure ka bang 'di tayo sasabit diyan?" "Ako pa ba? Tsaka protektado tayo ng grupo ni Rex kaya 'wag mo ng alalahanin pa ang babaeng 'yon pati 'yong may-ari ng City Of Dreams." "Well, I trust you honey. And besides, malaki ang utang na loob niya sa atin dahil sa pagkupkop natin sa kanya. Kung hindi dahil sa atin hindi siya magiging pulis no. Kaya 'wag siyang magyabang." Tumawa ng mapakla si Dad. "Swenerte pa rin ang babaeng 'yon." "Kumusta pala 'yong nilakad mo?" "Areglado na lahat." masayang wika ni Dad. "Oras na makapasok ang anak mo sa mga Sullivan, unti-unti rin ang nalalapit na pagbagsak nila. Maglalahong parang bula ang mag-asawang 'yon dito sa mundo. Plus. . ." pambibitin pa ni Dad. "Baka triplihin pa ni Rex ang bunos sa akin." "Hindi kaya mapahamak ang anak mo diyan, honey? Kilala mo ang mga Sullivan. Tapos mataas pa ang ranggo ni Cristal." Dad t'sked. "Ano ka ba, be positive. Tsaka, kalimutan mo na siya. Sa susunod na linggo mawawala na rin siya sa landas niyo. At si Zeph na ang bahala sa mga Sullivan at Altamonte. Sisiw lang 'yon sa kanya." "Oh well, malaki ang tiwala ko sa kakayahan ninyong dalawa. Hays, kawawang Cristal masyadong tanga kagaya ng mga Sullivan. Sorry na lang siya dahil mas mahalaga ang pera kaysa sa kanya." Then they both laughed like crazy. Lalong nanlaki sa gulat ang mga matang napatakip ako ng kamay sa aking bibig para 'di makalikha ng ingay matapos kong marinig ang usapan nila. "What are you doing there, Cristal?" Naitulos ako sa aking kinatatayuan. Nahigit ko pa ang aking hininga nang marinig ko ang maarteng boses ni Zephanie sa aking likuran. Narinig kong biglang napahinto rin ang tawanan sa loob ng kusina. My eyes widened then snapped my head around and came face to face with Zephanie's evil face. "You sneaky rat--" Napatingin ako kay Dad ng bigla na lang bumalandra sa harapan ko. Nakatayo sa tabi niya si Mom. Nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Nakangiti siya pero ang talim ng titig sa akin, nakataas pa ang isang kilay. "Cristal, my beautiful daughter. . . kanina ka pa ba dumating baby Princess?" nakangiting wika ni Dad. Hindi ako nakapagsalita. Nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang tatlo. Naglaho bigla ang ngiti ni Dad. Nagsalubong ang mga kilay. "Baby Princess--" Umiwas ako ng akma niya akong hahawakan sabay hakbang ng isang beses sa aking kanan at walang sabi-sabing kumaripas ng takbo palabas ng bahay. "Cristaaaaaaal!" Narinig ko pang tawag sa akin ni Dad pero hindi ko na siya pinansin. Sunod-sunod pa itong malulutong na nagmura. Nagtalo-talo na yata 'yong tatlo. Pataasan na sila ng boses. Nanginginig ang mga kamay na pumasok ako sa aking kotse. Kaagad ko iyon pinaandar at pinasibad palayo ng bahay. Pagdating ko sa kanto lumiko ako ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng may itim na van ang humarang sa daraanan ko. Napasubsob ako sa manibela sa biglang tapak ko ng preno. Bumaba ang mga nakabonnet na armadong kalalakihan. Linapitan ang sasakyan ko. Pero sa isang iglap halos takasan ako ng hininga ng makita kong isa-isa iyon bumulagta kasabay ng putukan ng mga baril at paghinto ng isa pang itim na van sa gilid ko. May bumabang matangkad na lalaking nakabonnet din at armado, kinatok ang bintana ng kotse ko. I didn't move, nor blink my eyes. I even forgot how to breath. Hanggang sa naging impatient ito, malakas ng kinakalampag ang bintana ng hawak nitong baril. Pinaikutan rin ang kotse ko ng mga kasama niya, lahat nakatutok ang baril sa akin. Sunod-sunod akong napalunok. "Keith. . ." wala sa sariling sambit ko saka dahan-dahan binuksan ang pinto ng kotse. Nakataas ang aking dalawang kamay. Hinablot ng lalaki ang braso ko pagkalabas ko. Saka kinaladkad sabay palo ng baril sa aking batok bago ako pinasok sa loob ng van. Kaagad akong nawalan ng malay. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD