CRISTAL
Halos takbuhin ko ang daan palabas ng departamento makalayo lang sa mapanuksong tingin at ngisi ng tatlo sa akin.
Alam ni Chief na pihikan ako pagdating sa lalaki. Maraming nagpapalipad hangin at pumuporma sa akin noon pero 'di pa man nakaka-first move ligwak na kaagad. Kaya ngayon para itong si kupido kakatudyo sa akin sa pamangkin niyang nakakabwesit na.
Nagmamadaling pumasok ako ng aking kotse. Nagulat pa ako ng bumukas din ang kabilang pinto niyon at pumasok si Altamonte.
"WHAT THE HÈLL YOU'RE DOING?!"
"Nothing--"
"Pwede ba Mr. Keith Kyle Altamonte, TIGILAN MO NA AKO!" dumadagundong na sigaw ko sa kanya.
"Alin ang tigilan ko? Ang pagbabantay sayo or ang--"
"LAHAT!"
"Ayaw mo ng ginagawa ko?"
"Hindi ba obvious?!" nagulamihan na bulalas ko sa kanya. "Ilang ulit ko ba dapat sabihin sayo na tigilan mo na ako, ha?"
"Bakit--"
"Dahil wala kang mapapala diyan sa kakasunod mo sa akin. Dahil hindi kita gusto. Dahil ayoko sayo at kinamumuhian kita!"
"Grabe, ang harsh mo naman sa akin babe."
Marahas akong bumuntong hininga. Tinuro ko ang labas.
"Lumabas ka na."
"Ayoko."
"Altamonte."
"NO." sunod-sunod siyang umiling. "AYOKO."
"Please--"
"'Wag mo ng ipilit 'yang gusto mo dahil ayoko nga."
I cursed many times in my head then sighed to calm myself and heaved out a deep sighs even more.
"Ano bang gusto mo?"
"Have lunch with me."
"If I did that, titigilan mo na ba ako?"
"Hmmm..." he tilted his head. "...maybe."
Lalong na frustrate ako sa sagot niya.
Saglit ko siyang tinitigan ng masama saka nagdadabog na pinaandar ang sasakyan at pinasibad palayo sa lugar.
"Diyan na lang tayo sa malapit na restaurant. Anong oras na."
Maya-maya untag niya sa akin pero 'di ko siya pinansin. Dinala ko siya sa pinakamahal na restaurant dito sa Taguig.
Kaagad akong bumaba pagkaparada ko ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay pa, dumeritso ako ng lakad papasok sa loob.
Nasa entrance na ako ng maramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa likod ng bewang ko. Tinabig ko iyon pero binalik niya naman ulit. Hinayaan ko na lang ng makita kong nakatingin na saamin ang guard. Nakangiting binati kami. Sumaludo pa kay Altamonte animoy kilalang-kilala.
"Good afternoon Ma'am, Sir." salubong sa amin ng waitress. "This way po."
Sumunod kami dito.
Naglalakad na kami patungo sa bakanteng mesa ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Natigilan pa ako ng mahagip ng mata ko si Zephanie. Masama ang tingin sa akin.
Nakaupo sila sa pinakadulo at gilid. Dalawang lalaking naka-corporate suit ang kasama niya. 'Yong isa na nakaupo sa harapan nila may edad na. Yung katabi niya mukhang hindi nalalayo ang edad dito sa kasama ko.
Hinatak ni Altamonte ang upuan at pinaupo ako. Nakita kong lumipat ang tingin nito sa kasama ko. Napanganga pa ito saka muli akong tinapunan ng nakakamatay na tingin.
Nag-iwas ako saka nag-angat ng tingin kay Altamonte. Nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Zephanie.
"You okey, babe?"
"Ha, a, e, oo naman." tinuro ko ang kaharap na upuan sa mesa. "Upo ka na din doon."
Naestatwa ako ng ilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
"Gusto mo doon ako sa kabilang gilid mo maupo to block her view?" he whispered in my ear.
"Ha? H-Hindi na. Maupo ka na doon."
"You sure?"
"Oo nga. 'Wag ka ng makulit diyan."
"You look, uncomfortable. I'm worried."
"Hindi rin naman ako komportable sayo pero bakit never ka naman nag-alala?" bahagya ko siyang tinulak. "Maupo ka na nga doon nang makabalik ako agad sa head quarters."
Tumalima naman siya pero nanatiling nakatitig sa akin. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko pero todo ako iwas. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng ipinapahiwatig ng kanyang mga mata.
Inabot ko ang menu na nilapag ng waitress sa aking harapan. Binuklat-buklat ko iyon.
Bigla tuloy akong nagsisi bakit dito ko pa dinala ang mukong na 'to. Hindi dahil sa makabutas bulsa ng presyo ng mga pagkain na nakikita ko kundi dahil sa kapatid ko na kung makatingin sa akin para bang pagmamay-ari niya ang Restaurant na 'to at isa akong pulubi na naligaw ng landas.
"What's your order, babe?"
"H-Ha?"
"May napili ka na ba?"
"Pwede ko kaya order-in ang lahat na nasa menu?" pang-iinis ko sa kanya habang patuloy iyon binubuklat.
Hindi ito umimik kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Napangisi ako sa itsura niya. Nakaawang ang mga labi at 'di makapaniwalang nakatitig sa akin.
"Pwede ka pang mag-back out, Altamonte."
"NO. I mean you can order whatever you want. It's on me babe." he then smirked. "Kung kaya mong ubisin lahat na nasa menu, why not? Kaya kong bayaran lahat 'yan. I can even rent the whole restaurant and close it for you if you want."
Inirapan ko siya.
"Yabang."
He chuckled.
Tiniklop ko ang menu saka tiningnan siya.
"I don't know what to order. Ikaw na lang pumili."
"O--key." binalingan niya ang waitress na kanina pa panay pa cute sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at tsenek iyon habang nag-oorder ng pagkain namin si Altamonte. Ngunit wala pa ring reply galing kina Lester at Orlan.
I dialed Lester number again pero out of coverage na ito pati kay Orlan. Lalo tuloy akong sinalakay ng kaba.
"What's the matter?"
Kaagad akong napalingon sa tabi ko ng magsalita si Altamonte. Hindi ko namalayan ang paglapit niya. He's blocking Zephanie's view now. Naramdaman ko din ang kanyang braso sa ibabaw ng sandalan ng aking upuan. Sinilip niya pa ang phone ko.
"Anong--bumalik ka nga doon."
"Ba't mo tinatawagan si Montalban?"
"Ano naman sayo?"
"Ako ang kasama mo pero ibang lalaki ang iniisip mo."
"Aba't, hindi kita boyfriend para pagbawalan--"
"I'm your future husband kaya wala kang dapat isipin kundi ako lang."
My jaw dropped. Tinitigan ko siya ng matagal sa kanyang mukha. Inaarok kung tama ba ang dinig ko. Pero seryoso ang kanyang mukha kaya malamang hindi ako nagkamali ng dinig sa sinabi niya.
Mahina akong natawa. Hanggang sa unti-unti iyon lumakas. Mabilis kong tinakpan ng kamay ang aking bibig para 'di makaagaw ng atensyon sa kalapit naming mesa. Patuloy ako sa pagtawa, umalog pa ang aking mga balikat. Sambakol naman ang kanyang mukha.
Mahina kong hinampas ang kanyang balikat.
"Hindi ko alam na palabiro ka pala. Napatawa mo ako ng bongga ngayon, Altamonte."
He heavily sighed.
"It's K E I T H."
"Whatever. Parehas lang 'yon."
"Bakit ba hirap na hirap kang banggitin ang first name ko?"
"Hindi ba obvious?" nilapit ko ang mukha sa tainga niya. "Dahil AYOKO SAYO."
He tilted his head then evily smirked.
"'Wag kang magsalita ng patapos, Cristal. Dahil sinisiguro ko sayo na sa huli, sa AKIN ka rin babagsak."
I gulped. Bigla akong ginapangan ng kakaibang kalabog sa aking dibdib dahil sa diin ng salitang binitawan niya at sa kanyang matang lumalim ang titig sa akin. Pero kaagad kong hinamig ang aking sarili. May agenda siya sa lahat ng ginagawa niyang pakikipaglapit sa akin. Kaya kailangan kong maging matatag. Hindi niya ako pwedeng matalo. Hindi ang isang katulad niya ang magpapabagsak sa akin.
"M-Masyado ka naman yata believe sa sarili mo, Altamonte."
He didn't answer. Nginisian niya lang ako.
Dumating na rin ang order namin kaya natahimik kami pareho.
Todo asikaso siya sa akin pagkaalis ng waitress. Nakasunod lang din sa kanya ang aking mga mata. Kahit anong pigil ko sa kanya, ayaw paawat kaya hinayaan ko na lang din. Bumalik na rin siya sa kaharap kong upuan.
We started munching our food.
Habang tumatagal naiilang na ako sa uri ng titig niya sa akin. Kumakain siya pero nakatingin naman sa akin. Tuloy 'di ko na malunok-lunok pa ang kinakain ko.
"Will you stop doing that?" 'di na makatiis na sita ko sa kanya.
"Why? The view is breathtakingly beautiful."
"Pwede ba? Kapag hindi mo ako tinigilan lalayasan na talaga kita."
He chuckled. Tinaas niya pa ang kamay na may hawak na tinidor.
"Ito naman. Relax. Titig pa lang 'yon pero kinakabahan ka na. Pa'no na lang pala kung--"
Napatigil siya ng bigla akong tumayo.
"Excuse me." sabi ko saka nagmamadaling nagtungo sa ladies room.
May tatlong babaeng naabutan akong nagre-retouch sa loob ng banyo. Natigilan pa sila pagkakita sa akin. But I just ignore them. Pumasok ako sa pangalawang pintong nakita ko. Nanatili ako doon ng ilang minuto. Paglabas ko wala na ang tatlong babae. Lumapit ako sa sink para maghugas ng kamay.
"Nagpapaligaw ka ba kay, Keith?"
Marahas akong napabaling sa babaeng tumabi sa akin. Nagulat pa ako ng makita ko si Zephanie, naglalagay ng pulang lipstick.
Tiningnan niya ako ng hindi ako sumagot. Naglakad ako papunta sa gilid at tinuyo ang aking kamay.
"Ambisyosa ka din ano? Si Keith Altamonte pa talaga ang pinupuntirya mo."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Naglakad ako palabas ng ladies room pero hinablot niya naman ang braso ko bago pa ako makalampas sa kanya.
Malakas ko iyon piniksi.
"Ano ba, Zephanie!"
"Bastos ka na nga, sinungaling ka pa!"
"Ano bang problema mo?"
"Layuan mo si Keith."
"Ba't 'di siya ang pagsabihan mo na layuan ako? Siya ang dikit ng dikit sa akin at hindi ako."
"Ikaw. . ?" nang-uuyam niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. ". . .didikitan ng isang Altamonte?" she laughed. "Binabangungot ka yata, sis?" iniharap niya ako sa salamin. "Next time ilugar mo ang sarili mo ha. 'Wag kang mangarap ng bagay na 'di mo naman kayang abutin. Mahirap kapag lumagapak ka no'n Sis. Mapapaaray ka sa subrang sakit. Nakikita mo 'yon?" tinuro niya sa akin ang basurahan. "Alam mo naman na siguro kung saan ang level mo diba, sis?"
I scoffed. "Oo naman. Ako pa ba? Nakikita mo rin ba 'yon?" tinuro ko sa kanya ang bowl. Napasunod doon ang tingin niya saka nanlilisik na mga matang tinitigan ako. I smirked. "Ingat-ingat sa bawat galaw mo ha. Baka magkamali ka, 'di mo namalayan na flush ka na pala." sabi ko sabay talikod.
Akmang itutulak niya ako pero mabilis kong nahuli ang kamay niya. Mahigpit ko iyon hinawakan.
"Sa susunod na dumantay pa ang kahit na dulo ng kuko mo sa akin, baka makalimutan kong kapatid kita."
Padaskol kong binitawan ang kanyang kamay saka tuluyang lumabas ng banyo. Narinig ko pa ang malakas niyang sigaw. Malamang nanggigigil sa akin.
Malayo pa lang ako tanaw ko na si Altamonte, kausap ang lalaking kasama kanina ni Zephanie. Nakaupo na sa mesa namin. Iginala ko ang paningin sa paligid pero 'di ko na makita pa 'yong may edad na kausap nila kanina.
"Babe. . ." tumayo si Altamonte sabay hila ng upuan sa tabi niya pagkahinto ko sa mesa namin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ng lalaki. "Kaibigan ko nga pala, si Migz. Miguel Dan Felix Del Carpio."
"Hi." nakangiting tumayo ito sabay umang ng kamay. "Glad to finally meet you in person, Sergeant Cristal Jane Lopez."
I smiled back at him.
"Hello." inabot ko ang kamay niya to shake hands.
Pagkatapos naupo kaming tatlo at pinagpatuloy ang pagkain. Napansin kong nadagdagan ang order na pagkain at plato. Malamang kay Zephanie 'yong isa na nasa tabi ni Migz.
"Mukhang na tsismis na ako sayo ni Altamonte ah." maya-maya basag ko sa katahimikan. "Alam mo ang buong pangalan ko."
He chuckled. "'Di naman masyado."
"I hope maganda 'yong mga pinagsasasabi niya tungkol sa akin."
"Naku, puring-puri." nakatawang sabi niya. "Ikaw na nga lang lagi ang bukambibig niyan e."
"Grabe, nilaglag mo naman ako kaagad, bro."
Migz laughed.
Inabot ko ang juice at sumimsim doon. Muling nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
So probably he's the fourth. Sino pa ang dalawang kaibigan nila?
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023