Back To Me 14

1893 Words
THIRD PERSON POV LESTER "Ano na naman ba ang ginagawa natin dito sa MCT? Akala ko ba si Serafin ang susundan natin?" "Shhhh, 'wag kang maingay." saway ko kay Lan habang tahimik naming sinusundan papunta ng basement ang nurse. "PinaDNA test din ni Keith sina Cristal at Sullivan." "Why?" "Hindi ko alam ang rason niya but one thing I'm sure of. . ." nilingon ko si Lan. ". . . may tinatagong sekreto talaga si Serafin." Naguguluhang tiningnan niya ako. "What do you mean by that?" "Nakarating na sa mga Sullivan ang info. na nakuha mo kay Mutya and they did a DNA test. But I found out that Keith did a secret DNA test to Cristal too. Pero ang ipinagtataka ko bakit nangangalaiti si Serafin at ilang beses ng palihim na nagpapabalik-balik dito sa Hospital ng mga Altamonte?" "Hindi kaya. . ." "That's what we need to find out." Tinalikuran ko siya saka binilisan ang lakad. Pagdating namin sa basement natanaw kong nagpalinga-linga muna ang nurse sa paligid bago nagtungo sa kinaroroonan ng kotse ni Mutya at pumasok sa loob. Saglit lang itong nanatili sa loob, muli ring lumabas at naglakad patungo sa kinaroroonan namin. Ibinaba ko ang suot kong sumbrero saka malalaking hakbang na tinungo ang kinapaparadahan ng motorbike sa kabila. Sumunod sa akin si Lan. "That's Mutya's car." he whispered. "I'm sure si Serafin ang sakay no'n. Nasa Bulacan si Mutya, sinusundan ni Cristal." Sinuot ko ang helmet then started the engine when I saw Serafin's car left. "Hop in. Susundan natin siya." Kaagad tumalima si Lan at palihim namin sinundan ang sasakyan ni Mutya. Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin bago huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang napakalaking bahay. May dalawang armadong lalaki ang nagbukas ng gate. Saglit na parang nag-usap pa ang sakay ng kotse at yong lalaking nagbukas ng gate bago ito tuluyang pumasok sa loob. Muli kong pinaandar ang motor at nilampasan ang gate ng bahay pagkasara nito ng gate. Pagdating sa dulo lumiko ako saka pinarada ang motor sa gilid. "Teka lang Les. . ." napahinto ako sa paghakbang saka marahas siyang nilingon ng pigilan niya ang braso ko. "Di tayo handa dito--" "Kailangan nating malaman kung anong binigay at pinag-usapan nila ng nurse na 'yon." sabad ko sa kanya saka muling nagpalinga-linga sa paligid. Walang katao-tao. Maraming naglalakihang punong-kahoy. Tahimik ang lugar pero ang kalabog ng puso ko masyado ng naghuhurumintado sa loob simula pa kanina. Like Lan, kinakabahan din ako. Malalim akong bumungtong-hininga. "I'm doing this for Cristal. Alam kong ikaw rin. And I'm hundred percent sure na may malansang pilit na tinatakpan si Serafin at ito na ang tamang pagkakataon para malaman natin kung ano." sabi ko saka siya tinalikuran. Tumakbo ako sa pinakadulo ng pader na bakod. Sumilip ako. Nang masigurong walang tao muli kong nilingon si Lan. Sersosong nakatingala ito sa mataas na pader saka ako binalingan. Alam ko kung ano ang tinatakbo ng isip niya. I grinned at him. Naglakad ako pabalik sa kanya. "Dito tayo sa kabila dadaan." tinanaw ko ang motor saka muli siyang binalingan. "Dalhin mo dito 'yon para in case of emergency mabilis tayong makasibad. Sumunod ka na lang sa akin. Mauna na ako sa loob." he nodded then walked towards our motorbike. Mabilis ang kilos na inakyat ko ang pader. 'Di iyon kataasan. Marami at makapal ang mga halaman na gumagapang at nakadikit na sa pader kaya nahirapan akong sumampa. Pinagkakalas ko iyon. Iginala ko ang paningin sa paligid. Nang masigurong walang tao saka lang ako tumalon at nagtago sa halamanan. Ilang minuto ang lumipas ng sumulpot sa tabi ko si Lan. Maingat kaming lumapit sa bahay. "Hindi maari 'to, Serafin!" dumadagundong na boses ng lalaki. "Kapag nalaman nilang si Cristal ang totoong Sullivan hindi ang anak mo, malilintikan tayo pareho nito kay Steves!" Napaatras ako sa aking narinig. Sabay pa kaming napatingala ni Lan sa malaking bintana na nakabukas mula sa uluhan namin saka nanlalaki ang mga matang nagkatinginan kaming dalawa. "Kumalma ka nga muna, Xandro--" "Paano akong kakalma e dinadamay mo ako sa kabobohan mo?! Gumagalaw ka mag-isa! Hindi ka man lang muna nagpa-abeso sa akin! Tapos ngayon anong nangyari? Palpak ka!" "Sinisigurado ko sayong hindi nila malalaman ang totoo. Hawak ko ang ibang staff sa loob ng MCT. Pinapalitan ko na rin ng negative ang DNA results ni Cristal. Ang mga tauhan ko na ang bahalang magpatahimik sa nurse na 'yon at iba pang nakakaalam ng tungkol dito." "Alalahanin mong teritoryo ni Kristoffer Altamonte ang Hospital na 'yon, Serafin! At bunsong anak ni Marcello Thompson si Elvis, hindi siya ka apelyido lang!" "NO. Imposible 'yang sinasabi mo--" "Pwes, tanungin mo si Clark!" "Pero--" "Buhay si Marcello, Serafin! Nasa San Agustin sila. May bagong asawa't anak na. Pati ang panganay ni Fernan nandun sabi ni Kevin kay Mayor Sarmiento. Nasa poder ng mga Montecellio!" "F*CK! Kailangan malaman 'to ni Rex--" "Boss, may dalawang daga na nakapasok." Marahas kaming napalingon sa gilid namin ng may biglang nagsalita doon. Apat na armadong kalalakihan ang tumambad sa amin. Kaagad kaming pinalibutan at tinutukan ng mga baril. Yung isa may hawak na walkie-talkie radio. Nakangising aso sa amin. ***** CRISTAL Subrang daming tauhan niya. . . Isip-isip ko pa habang iginagala ang paningin sa paligid ng mansion niya palabas ng gate. Nagpalinga-linga ako pagkalabas ko saka binalingan ang matangkad na lalaking nakasandal sa tabi ng kotse ko. "Nasaan ang susi?" Umayos siya ng tayo sabay bukas ng pinto ng kotse. "Hop in, Señorita Cristal. Will drive you--" "Ang susi sabi." sabad ko sa kanya. "Tsaka anong Señorita? Hindi ako Señorita." "Señorita ka para kay Boss. We just followed his order." Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Wala akong pakialam sa order ng Boss mo kaya 'wag na 'wag mo akong matawag-tawag na Señorita." sikmat ko sa kanya sabay lahad ng kamay sa harapan niya. "Akin na ang susi." "Ipagda-drive--" "Akin na sabi ang susi!" Tumingin muna siya sa likuran ko bago inabot sa akin ang susi ng kotse. Hinablot ko iyon sa kanya saka nagmamadaling pumasok sa loob. I started the engine right away then left. "Orlan, Lester, sagutin niyo naman please. . ." I muttered while driving the car back to head quarters. Kanina ko pa tinatawagan pagkaalis ko ng mansion ni Altamonte pero 'di man lang sumasagot ang dalawang 'yon. Ring lang ng ring ang phone nila. Ano na bang nangyayari sa kanila? Saan sila pumunta at 'di masagot man lang ang mga tawag ko? Dumeritso ako sa head quarters. Natigilan pa ako ng salubungin ako ni Chief pagkapasok ko sa loob. Nakasunod sa kanya ang mag-asawang Sullivan. "Cristal." "Chief--" naitulos ako sa aking kinatatayuan ng bigla akong yakapin ni Tita Jackie. "T-Tita. . . okey lang po ba kayo?" Nakangiting nagpunas siya ng luha saka kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nag-aalalang hinawakan siya ni Tito Rafa sa balikat. "Jackie--" "I'm okey, Rafa." nakangiting sabi niya habang nakatitig sa akin. Nagpupunas ng tissue sa walang ampat na pagbuhos ng masaganang luha sa kanyang mga mata. "Thank you Cristal, Iha. Kung hindi dahil sayo hindi pa namin mahahanap ang bunso ko." Alanganin akong ngumiti sa kanya saka nilingon si Chief na abot langit ang ngiti sa akin. Kinunutan ko siya ng noo. He chuckled then raised his both hands. "Sorry Sergeant Lopez. Alam mo naman hindi ako marunong magsinungaling." "Sir Chief naman. The credit shouldn't be mine. Sina Montalban at Ramirez ang nagtrabaho, hindi po ako." Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ko. "Hmmm," kunot-noong napahimas ng dalawang daliri sa chin si Chief. ". . .ba't sabi ng pamangkin ko 'yung fiancee niya ang mastermind?" Malakas akong napasinghap sa huling sinabi niya. Fiancee daw ng pamangkin niya. . . WHAT?! "Siraulo talaga ang animal na 'yon. T'ngna niya." mahinang sambit ko sa aking sarili. "May. . . sinasabi ka ba, Cristal?" "Uh wala, wala po Chief." mabilis na sagot ko saka nakangiting binalingan ang mag-asawa. "Masaya po ako para sa inyo--" "O ito na pala ang pamangkin ko." nakangiting sabad ni Chief. Lahat sila napatingin sa aking likuran. Parang na stiff neck naman ako. Nalusaw ang ngiti sa aking mga labi at pinagpawisan ng malapot. "Uncle. . . Tito Rafa." boses ni Altamonte. Ramdam ko ang init ng titig niya sa aking likod na nagpakulo lalo ng dugo ko dahil sinundan niya na naman ako. Nanoot ang pabango niya sa ilong ko ng dumaan siya sa gilid ko. "Tita. . ." nagbeso siya kay Tita Jackie saka ako nilapitan. Hindi ko siya pinansin ngunit nagulantang ako sa sumunod niyang ginawa. "Hi, babe." mabilis niya akong ginawaran ng halik sa gilid ng aking labi sabay akbay sa balikat ko. My lips stretched when I saw their reaction while staring us. "Bakit po kayo nandito, Tito?" "Ito kasing Tita mo gustong makita si Cristal. Ilang araw na akong kinukulit na pumunta dito e, so. . ." he shrugged his shoulder. ". . .nakuha na rin namin 'yong result ng DNA test kanina lang and it turned out na si Zephanie Olivar nga ang nawawala naming anak." nakangiting tiningnan niya ako. "Busy ba ang Daddy mo, Iha? Gusto sana namin siyang makausap ng personal kaso wala kaming dinatnan na tao sa bahay niyo pagpunta namin doon kanina. Pero nakausap na namin ang kapatid mo. Pinuntahan namin siya sa DCC." "Uhm. . . hindi ko po alam, Sir, kasi minsan na lang po ako umuwi doon e. Pero hayaan niyo po, uuwi po ako sa bahay mamaya. Kapag naabutan ko siya doon kakausapin ko po sila para sa inyo." nakangiting sabi ko. "Tsaka tuwing Sunday po laging nasa bahay lang si Dad. Tiyak aabutan niyo po siya in case pumunta kayo ulit." "Salamat, Iha." "You're welcome po." Ginagap ni Tita Jackie ang kamay ko. "Akala ko ikaw ang anak namin. Subrang gaan kasi ng loob ko sayo e. Iwan ko ba. Simula ng makilala kita para akong sinisilihan na iwan. Hindi ako makatulog kakaisip sayo." "Jackie--" "Sorry Iha ah, kung pati ikaw pinaDNA ko ng malaman kong kapatid mo si Zephanie. Nakwento kasi kita kay Alice. Nagulat nga ako na kilalang-kilala ka niya. May mga picture--" "Nag-uusap na po kayo ni Mom?" gulat na sabad ni Altamonte. "'Di naman kami nawalan ng communication ng Mommy mo e." inirapan nito ang asawa. "Ito lang naman si Rafa at Daddy mo ang masyadong madrama sa buhay." "Ki-Kilala po ako ng Mommy ni Alta--Keith?" "Naku oo." masayang wika ni Tita Jackie. "Sabik na nga daw siyang makilala ng personal ang manugang niya e." napanganga ako sa sinabi niya. Binalingan niya si Keith. "Kailan mo ba siya balak ipakilala sa parents mo, Iho?" Marahas kong nilingon si Keith. He never look back at me. Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa aking balikat, hinatak pa ako palapit sa kanya. "Ngayon po sana e kaso--" "Kaso may kumpromiso ako kay Chief kaya wala pa pong time." mabilis na sabad ko sabay tanggal ng kamay ni Altamonte sa balikat ko pero lalo lamang iyon humigpit. Pasimple ko siyang siniko. "Aw--ang tulis naman ng siko mo babe." I unconsciously bit my lower lip ng makahulugan na nagtinginan ang tatlo sa sinabi ni Keith at ngumisi pa sa akin. "Ku--Kukunin ko lang po muna 'yong mga f-files. N-Nakalimutan ko po sa kotse ko, Sir Chief." binalingan ko ang mag-asawang Sullivan. "Sir, Tita Jackie. Excuse me po muna." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD