Back To Me 4

1753 Words
KEITH "Chad?" "The plan went well, Boss. Nakasakay siya sa black Innova with a guy. Nakasunod sila sayo." sabi niya sa kabilang linya. "With a guy?" "Yes. . .named Lester." "And who's that f*cking Lester?" "Your girl bestfriend--" "Bestfriend my ass." galit na sabad ko. Tinawanan niya ako. I released a pissed groan. "Sumunod ka dito and tell Bert to secure her apartment." "Copy Boss." I ended up the call then gritted my teeth while glaring at the side mirror. "Subrang laki na ng ipinagbago mo Cristal. Now I understand why your Dad having a hard time to manipulate and hold you tight on his bare hands. I'm very proud of you, Cristal. My baby." Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan. Pagdating ko sa COD kaagad akong bumaba ng sasakyan. Malalaking hakbang na tinungo ko ang secret passage papasok sa loob. "Nandun na sa loob 'yong damit niyo, Boss." bungad sa akin ni Yves pagdating ko sa itaas. "Pinadala ko na rin kanina kay Chad 'yung suit niya. He's on his way here. Kasama niya si Miss Marquez." Natigilan ako sa pagpihit ng seradura sa huling sinabi niya sabay lingon sa kanya. "Miss Marquez?" "Brielle Mia Marquez. One of the employee ni Boss JM." "Bakit hindi na si Liz ang kasama niya?" "Siya na lang ang tanungin niyo about diyan, Boss." I stared at him then nodded. "Monitor the control room. Sabihan mo ako kaagad kapag dumating 'yung mga taong pinagkakautangan ni Serafin." "Copy Boss." Kaagad akong pumasok sa loob pagkatalikod ni Yves then hurriedly change my clothes. Light blue long sleeve na nirolyo ko hanggang siko, and gray fitted pants matching with brown leather shoes. Pagkatapos lumabas ako, tinungo ang elevator. Papasok na ako ng lift ng mag-blink ang suot kong relo. I pressed the side button right away. "Boss, nasa baba na sina Miss Lopez and. . ." "Pababa na rin ako." sabad ko. "Si Chad?" "Nasa labas, papasok pa lang." "Si Serafin?" "Kanina pa naglalaro ng Casino. . .Oh they're here. Patungo sila sa kinaroroonan ni Serafin, Boss." "Ok, good. Ready the money." "Julius Montecellio A.K.A Javier Montefalco paakyat sa second floor. Alexandro Fontanella was there too." "Alexandro Fontanella?" "The owner of the PD Jeweller Ltd. and the HS Corp." "I heard about him before but. . . magkakilala ba sila ni Javier Montefalco?" "Boss Ryan and James did the researched about him. Nilagay ko sa rack sa gilid ng table mo 'yong copy ng files kanina lang." "Ok. Will check it later. Monitor Serafin." "Copy Boss. Naka-standby na rin sina Fenix." "Thanks, Yves." I pressed the side button to turn it off then walked out the lift. Sinilip ko muna ang lugar na kinaroroonan ni Serafin bago ako nagpasyang lumapit kay Chad na nanonood ng show kausap si Claud. Nasa harapan ng stage nakaupo naman sina Cristal, nagpapalinga-linga. Animoy may hinahanap. Kaagad ko siyang nginitian ng mapadako sa akin ang kanyang mga mata. Inirapan niya naman ako. Lumapad ang aking ngiti sa ginawa niya saka dumeritso ng lakad papunta sa kanila, nilampasan ko sina Chad. "Miss Lopez. . .I'm quite surprise to see you here." "Na-surprise ka nga ba talaga?" I chuckled. "Oh well, It makes me confused why you're following me--" "Excuse me?" inis na sabad niya. "Hindi kita sinusundan no. Asyumero." "Oh, hindi ba? Don't tell me nagka-casino ka kaya ka nandito with..." nilingon ko ang lalaking katabi niya na nakatitig sa akin. "...him." "Mr. Keith Kyle Altamonte." napakunot-noo ako ng banggitin ng lalaki ang buong pangalan ko. "At last, I've finally meet the owner of City Of Dreams in person." inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. "I'm John Lester Montalban." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya sa akin. "Kaano-ano mo si Griffin Montalban?" "Kilala mo si Uncle?" gulat na tanong niya. Umiling ako. "Not personally but he's in business industry so..." nagkibit balikat ako. "...I just heard his name somewhere. And correction..." nilingon ko ang kinaroroonan ni Chad na busy na makipag-usap sa grupo ni Claud, wearing a corporate suit. "...I'm not the owner of City Of Dreams. That guy with his wife beside him, Richard Del Valle." muli kong hinarap si Lester. "...siya ang may-ari nitong Casino. I'm just one of his investors." "Pero sabi ng kaibigan ko--" "Richard Del Valle?" bulalas ni Cristal. Sabay kaming dalawa napalingon sa kanya. "T-That Philanthropist--" "Kilala mo siya?" Nanlalaki ang mga matang binalingan ako ni Cristal. "S-Siya ang tumulong sa akin para matustusan ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo noon." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Siya 'yong kinukwento mo sa akin?" sabad ni Lester. "Oo. Siya nga 'yon." muli niyang tiningnan si Chad. "Hindi ako maaring magkamali. Siya ang lalaking 'yon." "Hindi ba kayang tustusan ni Serafin ang pag-aaral--" "Kilala mo si Dad?" "Oo. In fact, kilalang-kilala siya dito sa City Of Dreams. Grabe kung magpatalo 'yon sa sugal dito gabi-gabi tapos hindi man lang niya kayang tustusan ang pag-aaral mo?" "Ano?" natitigilan na tanong niya sa akin. "Teka teka nga. Anong. . .grabe kung magpatalo sa sugal dito gabi-gabi e busy si Dad sa trabaho niya sa Cebu?" "Busy sa trabaho niya sa Cebu my ass." sinamaan niya ako ng tingin sa sinabi ko. "What?" "Ayusin mo 'yang sinasabi mo Altamonte--" "Oh My--Cristal si Tito Serafin..." hinatak siya ni Lester sa braso saka kanaladkad papunta sa dulo at nagtago doon. Nagtatakang sinundan ko sila ng tingin saka tinanaw si Serafin at mga lalaking naglalakad palabas. Sinundan ito nina Claud, pumunta naman sa second floor sina Chad and Mia. Muli kong nilingon sina Cristal na ngayon nagkakandahaba na ang leeg kakatanaw sa kanyang ama bago ako naglakad pabalik sa elevator then pressed the side button of my watch. "Fenix, alam niyo na ang gagawin. Don't forget to bring Serafin in my office." "Copy Boss." *** THIRD PERSON POV SERAFIN LOPEZ "Magbabayad ka ba or. . ." nahigit ko ang aking hininga ng ikasa ni Devur ang hawak niyang baril sabay tutok sa akin. ". . .pasasabugin ko 'yang bungo mo?" "Devur naman--" "Ano?!" sabad niya sabay diin ng gatilyo sa aking ulo. Mabilis kong naitaas ang aking mga kamay. "Magbabayad ka ba o hindi?" "S-Syempre magbabayad! Grabe ka naman. Ibaba mo na 'yang baril mo, mamaya niyan bigla mong naiputok." "Ipuputok ko talaga 'to sa ulo mo Serafin oras na lukuhin mo ako." "Kailan ko ba kayo niluko? Ngayon lang naman ako na delayed magbayad dahil hindi ko pa nakukuha ang pera kay Rex. Pero magbabayad ako kahit doblehin niyo pa kayang-kaya ko kayong bayaran. Sisiw lang 'yang twenty million--Argh!" Napahawak ako sa aking tiyan ng malakas niya akong sikmuraan. Pabalyang isinandal niya ako sa kotse at idiniin pa lalo ang dulo ng baril sa aking ulo. Napaigik ako sa sakit. "Kung sisiw lang sayo ang twenty million pwes sa akin malaking pera 'yon, Serafin." halos hindi gumalaw ang mga labing sabi niya. "Walang kaikaibigan sa akin pag pera ang pinag-uusapan. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng discount. Kung hindi ko tinanggal ang interest, sa laki ng nagkandapatong-patong na utang mo sa akin hindi sasapat na kabayaran ang buhay ng mag-iina mo. But..." he evily smirked. "...your daughter Zephanie is kinda wild. I like her." nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Lalong lumapad ang kanyang ngisi sa akin. "Surprise? Sa tingin mo hindi ko alam ang sekreto mo ha, Serafin?" Malakas ko siyang tinulak. Nabitawan niya ako. I angrily clenched my fist while staring at him murderously but he just laughed at me. "'Wag na 'wag mong idadamay ang mag-iina ko dito, Devur." He scoffed. "Kung tumutupad ka lang sana sa usapan e 'di, hindi sana tayo aabot sa ganito, Serafin." "Bakit ba ang hirap mong umintindi? Sinabi ko naman sayo na babayaran kita. Kunting palugit lang naman ang hinihiling ko sayo pero ayaw mo pa akong pagbigyan. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan, Devur." He chuckled. Tinuro ang sarili while mocking me. "Ako pa talaga itong hirap makaintindi? Naiinip ako Serafin sa tagal ng kakabukas mo na inabot na ng ilang buwan. At wala akong pakialam sa lintik na pinagsamahan na sinasabi mo." muli niyang tinutok ang baril sa akin. "Are you going to pay me now or kukunin ko ang mag-ina mo? Sinabihan na kita noon pero binaliwala mo lang ang mga sinabi ko." "D-Devur--" "Besides nandito ngayon ang panganay mo. Isasama ko na siya pabalik. Ano Serafin?" "Twenty-five million kapalit ng kalayaan ni Serafin Lopez." Marahas kaming napalingon sa lalaking biglang nagsalita. Sabay-sabay naman na napatutok dito ang mga baril ng kasama ni Devur. Napakunot-noo ako ng makita ko si Fenix na may bitbit na attache case. "What are you doing here, Monisterio?" Itinaas nito ang dalang attache case. "Helping a friend." "Helping a friend my ass. Bakit, kailan pa kayo naging magkaibigan ni Serafin?" He sneered. "Wala akong tiwala sa karakas mo, Monisterio." Fenix chuckled. "C'mon, Devur. I don't mean any harm. I just came here to..." seryosong tiningnan niya ako then smile. "...help Serafin Lopez. But ofcourse, sa akin na siya may utang kapag tinanggap mo 'tong dala ko but I'm not like you Devur. Wala akong pinapatong na interest at mas lalong hindi gumagamit ng dahas kung hindi naman kailangan." inabot niya ang attache case sa kasama ni Devur. "Open it. Pinasubrahan ko na para 'wag mo ng guluhin pa si Serafin. Especially her daughter Cristal..." muli niya akong tiningnan saka hinarap si Devur. "...si Zephanie and his wife." "Tunay, Boss." Matagal silang nagtitigan ni Fenix bago ibinaba ang nakatutok na baril sa akin. "Dalhin mo na sa sasakyan." utos niya sa kasama niya habang nakatingin kay Fenix. "Siguraduhin mo lang na hindi 'yon blood money, Monisterio. Iba ako magalit." "Kilala mo ako Devur. May isa akong salita." "Tara na, Boss!" "Salamat kung ganun." sabi nito sabay talikod, nagmamadaling pumasok sa loob ng kotse. Mabilis at malakas pa rin ang kalabog ng dibdib ko habang nakasunod ang aking tingin sa papalayong sasakyan nila. "Gusto kang makausap ni Boss." marahas akong napabaling kay Fenix. Seyosong mukha nito ang bumungad sa akin. "Follow me." Hindi ako umimik. Nagtatakang napasunod lang ang tingin ko sa kanya ng talikuran niya ako. Malayo-layo na ang linakad niya ng muli niya akong lingunin. "May importante kayong pag-uusapan ni Boss. 'Wag kang magkakamaling takasan ako dahil mas malala akong kalaban kaysa kay Devur. Kagaya ng sinabi ko kanina, may isa akong salita. Ayaw ko ng paulit-ulit, Serafin." Kaagad akong tumalima ng muli niya akong talikuran. Sumunod ako sa kanya pabalik papasok sa loob ng City of Dreams. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD