Back To Me 3

1559 Words
CRISTAL FLASHBACK... "Dad!" patakbo ko siyang nilapitan ng makita ko ang itsura niya. Duguan ang braso at tagaktak ang kanyang pawis. Animoy galing siya sa labanan. Nagulat pa siya pagkakita sa akin. "What happen to you?" Mabilis na isinara niya ang maliit na pintuan sa hardin sa likod ng bahay. Tiningnan niya ako sabay lampas sa akin pero kaagad ko siyang pinigilan. "Anong nangyari sayo, Dad? Bakit..." pinasadahan ko ang kanyang buong katawan. "...m-may tama ka? Sinong gumawa niyan sayo?" "Wala 'to." "Anong wala? Bala ng baril 'yang--" "Anong ginagawa mo ng ganito kaaga dito sa hardin?" pag-iiwas niya. "Diba may pasok ka pa mamaya?" I t'sked. Hinatak ko siya papunta sa mahabang upuan sa gitna ng hardin. "Dito lang po kayo.." sabi ko pagkaupo niya sa upuan. "...kukuha po ako ng first aid kit." sabay talikod at malalaking hakbang na tinungo ang pintuan sa kusina. Pagkatapos makuha ang mga kailangan ko halos takbuhin ko pabalik ang kinaroroonan niya. Umupo ako sa kanyang tabi saka sinimulang linisin ang kanyang sugat. "Care to tell me what happen, Dad?" maya-maya untag ko sa kanya habang nilalagyan ko ng bandage ang sugat niya. "Gusto akong patayin ng anak ni Kristoffer Altamonte." "Ano?!" "Ang Mommy at kapatid mo gising na ba?" "Dad naman..." frustrated na reklamo ko sa pag-iiba niya ng usapan. "...ilang beses ng nalagay sa peligro ang buhay mo. Lagi ka pang umuuwi ng bahay na may sugat. Sa tuwing tinatanong kita lagi ka na lang umiiwas. Pero ngayon na mismo sarili kong mga mata ang nakakita ng itsura mo, baka pwede pong sabihin niyo na sa akin kung ano ba talaga ang nangyari? Bakit gusto kang patayin ng Altamonte na 'yon?" Umiling-iling siya. Natigilan pa ako ng makita kong sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha pero saglit lang, kaagad akong linukuban ng poot at galit sa mga taong nagtangka sa buhay niya. "M-May nakuha akong impormasyon tungkol sa mga illegal businesses ng mga A-Altamonte. Balak ko sanang e-surrender sa autoridad ngunit tinambangan ako ng mga tauhan niya. Gusto nila akong patahimikin. Marami sila at mga armado kaya--" "Bakit hindi niyo na lang po sa akin ibinigay?" sabad ko sa kanya. Muli siyang umiling. "Hindi pwede. Ayokong madamay ka dito Cristal." "Dad, kaya ko ang sarili ko. Kaya nga po ako nag-police para maipagtanggol ko ang mga naaapi at hulihin ang mga kriminal." "Hindi mo sila kilala Cristal. Maimpluwensyang tao ang mga Altamonte. Lalo na si Rafael Sullivan." "Sullivan? 'Yung retired na sundalo na asawa ni Tita--I mean Jackie?" "K-Kilala mo si Jacquelyn Sullivan?" "Hindi--I mean nakilala ko siya sa MOA. Something terrible happened there habang sinusundan ko 'yong lalaking miyembro ng Buhawi Gang. Nahimatay siya kaya dinala ko siya sa Hospital." natigilan ako ng makita kong biglang namutla si Dad sa sinabi ko. "You okey, Dad? Namumutla ka." He groaned in pain then touch his wounded arm. Lalo akong linukuban ng subrang pag-aalala. "Dalhin na po kita sa Hospital--" "NO. Hindi na kailangan." mabilis na sabad niya. "Daplis lang naman and you treated me already. I'm fine sweetheart. No worry." "Pero Dad--" Seryosong hinawakan niya ang kamay ko. "Iwasan mo ang mga Altamonte at Sullivan. Kung maaari 'wag kang makikipag-usap sa kanila. Naiintindihan mo ba ako ha, Cristal?" "Pero--" "Ipangako mo Cristal na iiwasan mo sila. Ayokong may mangyaring masama sayo. Ikamamatay ko iyon kung pati ikaw madadamay sa nangyayari ngayon sa akin." "Pero po, Dad. . .ako po ang may hawak sa binuksan muli na kaso tungkol sa nawawalang anak ng mga Sullivan." "Whaaaaat?!" Nagulat ako sa lakas ng boses niya sabay tayo. Naguluhan din ako sa naging reaksyon niya. Animoy takot na takot siya or baka nagkamali lang ako sa aking nakita dahil saglit lang iyon at kaagad napalitan ng subrang galit. Nanlilisik ang kanyang mga mata, umigting ang mga panga at mariin na nakakuyom ang kamao. "Ipasa mo 'yang case sa iba." tiim bagang na sabi niya. "Plinano nila ang lahat ng 'to. Gusto nila akong gantihan kaya lumalapit sila sayo." seryoso niya akong tinitigan. "Ikaw ang tinatarget nila dahil alam nilang ikaw ang kahinaan ko." nadurog ang puso ko ng gumaralgal ang kanyang boses. Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "They will never hurt or use me against you, Dad. I'll assure you that. Pagbabayaran nila ang paulit-ulit na ginawa nila sayo." He sobbed then hugged me back. "IMPOSIBLE. . ." naguguluhang nagpabalik-balik ako ng lakad sa sala ng apartment ko. "...bakit niya ako laging nililigtas kung gusto niya akong gamitin laban kay Dad? Bakit taliwas ang kilos ng Altamonte na 'yon sa mga sinabi--damn it. Hindi kaya pinapasakay niya lang ako? But why? Ano bang drama ng Keith na 'yon at ginagawa niya ang mga 'yon sa akin?" frustrated na pabagsak akong nahiga sa sofa. "I need to investigate. Kailangan kong malaman kung anong illegal businesses meron sila. And also that Sullivan. . . FLASHBACK... Natitigilang napatingin ako sa kamay kong hinawakan ng babaeng nakahiga sa hospital bed. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang lakas ng pwersang humahatak sa akin at pumipigil na 'wag iwan ito. Pakiramdam ko nakasumpong ako ng kalinga ng isang ina ng hawakan niya ang kamay ko at marahan iyong hinahaplos. Animoy ingat na ingat siya na masaktan ako. "Ma'am?" mahinang tawag ko sa kanya ng makita kong may luhang umalpas sa kanyang mga mata habang walang kurap-kurap na nakatitig sa akin. "May... masakit po ba sayo?" She wiped out her tears. "Tita...Tita Jackie na lang." malumanay na sabi niya. "Anong pangalan mo, Iha?" "Cristal po." Nginitian niya ako. I smiled back. "Salamat sa pagligtas mo sa akin, Cristal." "Naku, wala po 'yo--" "Jackie!" Sabay kaming napalingon sa pintuan ng pabalyang bumukas iyon at humahangos na pumasok ang nag-aalalang may-edad na lalaki. Pareho kaming natigilan ng magtama ang aming paningin. Siya ang unang umiwas saka lumapit sa kanyang asawa. Ayaw bitiwan ni Tita Jackie ang kamay ko kaya nanatili ako sa aking kinatatayuan. "Anong nangyari? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong niya saka nag-angat ng tingin sa akin. "Sabi no'ng Nurse ikaw nagdala sa asawa ko dito. Okey ka lang din ba?" "Rafa. . .kumalma ka." nakatawang sabi ni Tita Jackie. "Baka ikaw naman ang isugod sa emergency room." He heaved out a deep sighs. "I'm glad you're okey sweetie." muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Salamat sa pagdala at pagbabantay sa asawa ko, Iha." Alanganin akong ngumiti sa kanya. "Wala po 'yon, Sir." "Anong pangalan mo?" "Cristal po. Cristal Jane Lopez." "Okey ka lang ba, Cristal? Nagkagulo daw doon sa MOA. Wala bang masakit sayo Iha? Hindi ka ba nila sinaktan?" "Wala po. Okey lang po ako Sir. May lalaki pong dumating, tinulungan niya kami, kaso nahimatay po si T-Tita Jackie kaya isinugod ko siya dito sa Hospital." "Mabuti naman kung ganun--" "Alam mo..." sabad ni Tita Jackie, matamis niya akong nginitian. "...kung nandito lang sana ang bunso ko, sigurado akong kasing laki mo na siya at kasing ganda." "Jackie..." "Ba-Bakit po?" sabad ko. "Nasaan po ba siya?" She sniffed then caress my hand again. "Ninakaw siya sa amin no'ng pinanganak ko siya, pinalitan ng ibang bata ang anak ko." "Pinalitan?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. "Papaanong. . .anong ibig niyo pong sabihin?" "Hindi ko alam." sunod-sunod siyang umiling habang umiiyak. "Kailan lang din namin nalaman ang totoo. Sinabi mismo sa akin ng anak no'ng Doctor na nagpaanak sa akin." MABILIS akong bumangon saka naupo sa sofa, nakahawak ang kamay sa aking dibdib. "Bakit. . .bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang babaeng 'yon? Bakit ang gaan ng loob ko sa kanya imbes na galit ang mangibabaw dahil sa ginawa nila kay Dad? Damn! Kahit magdamag akong maglupasay kakatanong sa sarili ko wala akong matinong maisasagot sa tanong ko kung hindi ako kikilos." Tumayo ako saka naglakad papasok sa aking kwarto. Kinuha ko ang laptop saka nagsimulang mag-search tungkol sa mga Altamonte at Sullivan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatutok sa aking laptop hanggang sa nakatulugan ko na iyon. TANGHALI na ako nagising kinabukasan kaya nagpadeliver na lang ako ng pagkain. Pinagpatuloy ko ang paghahanap ng impormasyon habang kumakain. Kinagabihan lumabas ako ng apartment. Dumaan ako sa likod as usual. Wearing a black shinny fitted dress matching with black four inches high heels. Malalaking hakbang na tinungo ko ang kinapaparadahan ng kotse ni Lester. "Ba't ang tagal mo?" naiinis na bungad niya sa akin. I sweetly smiled at him. Inirapan niya ako. "Tampo agad? Syempre nagpaganda pa muna ako." Maarte niyang inikot ang mga mata habang nakanguso. I grinned. "Bagay ba sa'kin?" inayos ko ang buhok ko. "Makikilala pa kaya nila ako?" "Ano ba talagang gagawin mo sa City Of Dreams?" "Basta--" "Ano? Ninja moves na may kasamang invisible na chaperon ulit, ganurn?" "Saka ko na--" nanliit ang aking mga mata ng makita ko si Keith na nakatanaw sa apartment saka mabilis na pumasok ng kanyang kotse. "...sundan mo 'yong kotse na 'yon." turo ko sa kotse nito. "Ha?" kunot-noong tinanaw iyon ni Lester. "Bakit sino ba 'yon at gusto mong sundan ko?" "Si Altamonte--" "Altamonte? As in Keith Altamonte?!" "Kilala mo siya?" "Opkors!" maarteng sabi niya. "Sinong 'di makakakilala sa isang Keith Altamonte? May-ari siya ng pupuntahan--" "T'ngna, ba't ngayon mo lang 'yan sinabi sa'kin?" "Bakit nagtanong ka ba?" "Hayst--sundan mo na 'yon, bilis!" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD