Chapter 64 Emma's POV 5 Years Later Naririnig kung nag-iingay ang mga anak ko sa kusina. Sinilip ko ano pinag-iingayan nila sa loob ng kusina. Lumaki ang mata ng puro chocolate ang mga mukha nila. Lalo na ang dalawang kambal ko na si Navi at Either. At karga-karga ni Nihan ang bunsong si Evan. Tumikhim ako dahil ginawa nilang parang palengke ang loob ng kusina. "Nihan ano ang ginagawa niyo ah! Kalat dito kalat doon. Gusto nyong papagalitan kayo ng Daddy niyo. Hindi ba kayo naawa kay manang. Iligpit n'yo ang mga kalat n'yo. Kayo kambal ang mga kalat na plastic ilagay nyo sa basurahan!" galit na utos ko. Hindi ko kasi sinasanay ang mga anak ko, katamaran. Sinasanay ko sila sa gawaing bahay kahit na billionaire pa ang ama nila. Dapat matuto sila sa mga gawaing bahay. Kasi hindi natin ala

