Chapter 63 Emma's POV "Nathan, Nathan!" sigaw ko sa pangalan niya dahil pinapawisan na ito. Ginising ko ulit hindi parin ito gumigising at walang tigil buhos ng luha niya. Pati anak namin ay ginising hindi parin. Hanggang kinurot ni Darwin ang kanyang tenga pataas saka pa ito nagising. Sa gulat niya tawang-tawa ako sa itsura niya hindi ma-drawing ang mukha. May laway pa ito na tumutulo. Napaawang ang labi sa kakatitig sa akin kahit medyo mahapdi ang sugat ng tiyan ko. Hindi ko mapigilan tumawa ng malakas harap niya sinasabayan din ako ni Nihan at Ethan. Tumayo dahil nakahiga sa maliit na sofa. Tinurak kasi ng doctor ng pampakalma at pampatulog. Dalawang injection ang inen-ject sa kan'ya dahil wala daw effect ang isa. "Baby buhay ka? Hindi mo kaming iniwan ng anak mo?" sunod-sunod ni

