bc

NEXT DOOR

book_age16+
32
FOLLOW
1K
READ
possessive
fated
badgirl
confident
gangster
twisted
city
first love
gorgeous
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Nikki and her friends are staying in one apartment. They are all college students then one day, they meet the handsome and hotties Alegre's brothers. The five gentlemen is living next door!

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Madilim at medyo makalat ngunit ito ang paboritong tambayan ni Grace. Ang kanyang kuwarto. Tulog na tulog ito kaya 'di niya naririnig ang kanina pang kumakatok na si Gerilyn, one of her friend. "She's still not awake? Gosh! We'll gonna be late!" Nikki complained. Napairap na lang sa kawalan si Gerilyn sa kaartehan ng kaibigan dahil two hours pa naman bago ang first class nila. "And where is your sister?" tanong ni Gerilyn sa nakasimangot na si Nikki. "DON'T DISTURB ME, I'M EATING!!!" Napailing na lang ang dalawa at pinuntahan ito sa kusina. "I have good news girls!" hiyaw ni Maricar. Makikita sa mukha ni Maricar ang excitement. Nag-earphones naman kaagad si Nikki dahil alam niya na ang sasabihin ng kapatid. "May mga handsome and yummy guys  next door!" Maricar said cheerfully. "Tss! As expected," bagot na sabi ni Nikki. Ngumisi na lang si Gerilyn sa mahinang komento ni Nikki habang inirapan naman ni Maricar ang kaniyang kapatid. "Alam mo kapatid, kaya wala kang jowa dahil hindi ka marunong tumingin sa mga adonis na  nasa paligid. Puro ka lang paganda wala naman may nakikinabang," mahabang lintiya ni Maricar. "As if naririnig ka niya, nakasaksak na ang earphones sa tenga oh. Kumain ka na lang diyan," sabat naman ni Gerilyn. Sinunod naman ni Maricar ang sinabi ni Gerilyn. Habang kumakain ang tatlo pupungas-pungas naman na bumaba ang bagong gising na si Grace. "Bakit 'di niyo ako ginising?" tanong ni Grace na may inis sa tinig. "Excuse me? Sumakit na nga kamay ko kakakatok." Takang tiningnan ni Grace ang kaibigang si Gerilyn. "Talaga? Baka mahina kaya 'di ko narinig-- Awwwwwww!" daing ni Grace nang batukan siya ni Nikki. "Mahina pa ba? Gusto mo lakasan ko pa?" sarkastikong wika ni Nikki. Ngumuso lamang si Grace sa ginawa ng matalik na kaibigan. Kumain na lang rin si Grace at sinabayan ang tatlo. Lima silang magkakaibigan at ang pang-lima na si Angelyn ay umagang umalis dahil may bibilhin pa raw ito para sa school activity nila. Si Grace at Nikki ang pinaka-close sa kanila. Si Grace ay ang mahilig kumanta at taga-awat kapag nagbabangayan ang ibang kaibigan, siya rin ang may  pagkamatakaw sa kanila. Si Nikki ang beauty conscious at medyo maarte gusto nito malinis palagi. Siya ang maldita at palaban lalo na kapag may kaaway ang isa sa mga kaibigan niya. Si Gerilyn naman ang tahimik lang pero kapag mainit ang ulo nagiging amazona rin. Mahilig ito sa lalaking nagba-basketball. Si Maricar naman ang madaldal sa lahat at bukambibig ay mga GWAPO. Si Angelyn ang medyo slowpoke sa grupo pero mabait at maaasahan sa lahat ng bagay. Sabay silang apat na lumabas ng apartment na inuupahan nila. Habang naglalakad ay 'di sinasadyang matamaan ng bola si Gerilyn sa ulo. "Aray!" "Bakit kasi dito pa kayo dumaan? Ang lapad-lapad naman ng daan," Umarko ang kilay ni Nikki sa sinabi ng lalaking naka-white jersey kaya agad naman siyang hinawakan sa siko ni Grace. Alam na kasi ni Grace na mabilis uminit ang ulo ng kaibigan at malamang gulo ang mangyayari. "'Di ka man lang ba magso-sorry?" tanong ni Gerilyn sa lalaking kumuha ng bola. "Sorry." "Ganiyan lang ba? Hindi man lang sincere ang pagkakasabi," Nikki complained while her eyebrow is arching. "Bakit, sino ba kasi ang nagsabi na dumaan kayo rito? Hindi niyo ba nakikita na naglalaro kami?" sagot ng lalaking naka-white jersey. Uminit lalo ang ulo ni Nikki. "Bakit bawal ba dumaan dito? Idiot! Sino rin ba nagsabi na maglaro kayo sa tabi ng daan?" naka-angil na wika ni Nikki. Inawat siya ng kapatid nguni't tila wala itong narinig. Nanlilisik ang mga mata ni Nikki habang nakipagtitigan sa lalaki. "Tama na 'yan," sabay na sabi ni Grace at ng isa pang lalaki. "Ahmm.. Sorry girls. Kalilipat lang kasi namin, by the way, I'm Vee and--" "We are not interested," pagputol ni Nikki sa sasabihin pa ng binata. "Nikki!" sabay na sigaw ng tatlo. "Ahmm.. mainitin talaga 'yan. Ako nga pala si Maricar, if may kailangan kayo free kayo magtanong sa'kin." She said in a friendly tone with sparkling eyes. Napailing na lang naman si Nikki sa inaakto ng kapatid. "I'm Darren," pakilala ng isa. Padabog naman na umalis si Nikki habang nilalagay ang earphones sa tenga. "Tss! Suplada akala mo kung sino," sabi ng lalaki na naka-sagutan ni Nikki. "Enough Lorenzo."  Mabilis naman na saway ni Vee. "Ito nga pala si Klay, Kobe at Lorenzo. Sorry sa nangyari," pagpakilala ni Vee sa tatlong kasama. Tumango lang ang tatlong magkaibigan at nagpakilala at nagpakilala na rin. Bago sila umalis ay hindi maalis ni Gerilyn ang tingin kay Klay, iniisip niya na parang nakita niya na ito somewhere. Nahuli naman siya nito na nakatitig kaya agad siyang umiwas ng tingin. "Gwapo talaga iyong Kobe pero malakas din naman ang s*x appeal ng iba," nakangiting wika ni Maricar na halata ang kilig sa mukha nito. "Guys, hindi ako pinansin ni Nikki, bad mood ba?" naguguluhan na tanong ni Angelyn. "'Di ba halata?" pambabara ni Maricar na mas lalong kinalito ni Angelyn. Inakbayan na lang ito ni Grace bago sila umupo sa kanilang upuan. Habang hinihintay ang kanilang professor ay busy naman si Gerilyn sa pag-iisip kung saan niya nakita si Klay. "Saan ko ba siya nakita?" Gerilyn asked nonchalantly. "May sinasabi ka? Kanina ka pa lutang diyan. Baka mamaya maging tuwid iyang kulot mong buhok," pang-aasar naman ni Maricar. "Si Gerilyn ba ang kausap mo?" biglang tanong ni Angelyn. Napa-roll eyes na lang si Maricar at tumango. "Ano kaya ang magandang gawin para makausap ko ulit ang isa sa kanila?" pilyang tanong ni Maricar. "Sa tingin ko magkakasundo kami ni Vee pero crush ko si Klay," kinikilig na saad ni Grace. Uminit naman ang ulo ni Nikki sa pinag-uusapan ng mga kaibigan kaya lumabas muna siya para tumambay sa corridor sa labas ng kanilang room. Hindi naman maintindihan ni Angelyn ang tinutukoy ng mga kaibigan kaya 'di niya masabayan ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi niya kasi kilala ang mga pangalang binanggit ng mga ito kaya naisip niyang sundan na lamang si Nikki para yayain ito mag-retouch sa comfort room, alam niya kasi na hindi ito tatanggi. Mahilig din kasi si Nikki sa mga make ups kahit na may pagka-amazona ito. "Sino ba iyong mga lalaking pinag-uusapan nila, Niks?" tanong ni Angelyn sa kaibigan. "Don't mind it, Ange, mga asong gala lamang iyon. Swear, ang papangit naman nila," tugon ni Nikki. Kumunot ang noo ni Angelyn sa narinig at lihim na umismid. Alam niya na talagang walang amor si Nikki sa mga lalaki. Na intriga tuloy siya at lihim na nainis kung bakit kailangan niya pa mauna sa mga ito kanina. Hindi tuloy niya nakita ang mga lalaki na pinag-papantasiyahan ng tatlong kaibigan maliban kay Nikki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
316.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Owned by Shade (TAGALOG-R-18)

read
228.3K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K
bc

A Billionaire In Disguise

read
667.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook