"Lorenzo kung mainit ang ulo mo dahil sa girlfriend mo, 'wag mong idamay ang iba."
Lorenzo greeted his teeth dahil sa sinabi ng kapatid niyang si Vee. Nag-away sila ng nobya niya dahil sa career nito. Hindi niya kasi ito pinayagan na pumunta sa Hong Kong pero hindi siya sinunod ni Maxine.
"I'll go to my room."
Dumiretso kaagad si Darren sa kwarto niya pagkatapos magpaalam at nagpatugtog. Ayaw niyang nakikita ang pagsasagutan ng mga kuya niya.
"Just shut up Vee!" Lorenzo shouted.
Inisang lagok naman ni Klay ang isang baso ng tubig at hindi pinansin ang dalawang kapatid na nagsasagutan. Lihim na napangiti siya nang maalala ang babaeng sumagot kanina sa kuya Lorenzo niya. Siya ang unang babae na hindi natakot sa kuya niya.
"Klay! Let's play one more round," nakangisi na sabi ni Kobe.
Masiglang nagdi-dribble si Kobe dahil nabitin pa sa naudlot nilang laro kanina. Siya naman ang babaero sa kanilang lahat.
"Nah! Tinatamad na ako," sagot ni Klay.
Sumang-ayon na lang si Kobe dahil alam niyang hindi mapipilit ang kapatid kaya nagpatuloy na lang siya sa pagdi-dribble habang iniisip ang gagawing diskarte doon sa isa sa mga babae kanina, si Maricar. Sa tingin niya easy to get ito. Kaya hindi na magiging boring ang pag-stay nila rito sa subdivision na pagmamay-ari ng pamilya nila.
"Vee, iba ang tingin mo doon sa Grace ah. Type mo no," pang-aasar ni Kobe sa kapatid pagkatapos niyang mag-dribble.
"No bro, I think maganda ang boses niya 'pag kumanta. Malambing kasi ang boses niya kapag nagsasalita," depensa ni Vee sa sarili.
"Kapag malambing ang boses, marunong agad kumanta?" pagsingit naman ni Klay sa usapan.
"Hindi naman sa gano'n. Basta, I can't explain pero sa tingin ko kumakanta iyon." Vee explained at nilagay ang basong ginamit sa lababo.
"Shower muna ako. Puro kayo babae," sabi ni Kobe.
"Hiyang-hiya kami sayo!"
"Gawain mo kaya iyon!"
Sabay na sumigaw si Klay at Vee sa sinabi ni Kobe. Tumayo naman ang wala sa mood na si Lorenzo na kanina pa tahimik at nakikinig lamang sa tatlo.
Kinahapunan.
Nag-unahan sa pagpasok si Grace at Gerilyn sa gate ng apartment nila dahil kanina pa sila ihing-ihi. Nguni't inasar pa sila ni Maricar na siyang unang nakapasok sa loob at ni-lock nito ang pinto dahilan para sumigaw ang dalawa sa inis.
"Open this damn door little sister. May gagawin ako kaya mamaya na kayo mag-asaran, pwede ba?!" iritang sigaw ni Nikki sabay hampas ng malakas sa pinto.
"Pagalitan mo pa, bes! Ilabas mo na iyang galit mo daliiiiii!"
"Hampasin mo pa, Niks!"
Pang-uudyok naman ng dalawa para mabuksan na ang pinto. Humagikhik sila ng hampasin ng malakas ni Nikki ang pinto nguni't agad din silang napa-ekis nang maramdaman ang panginginig ng kanilang pantog.
"Wala ba kayong susi? Ay oo nga pala may duplicate ako."
Parang gustong sabunutan ni Gerilyn at Grace si Angelyn na ngayon lang nakarating dahil mabagal ito maglakad. Inis na kinuha ni Nikki ang susi sa kaibigan. Kanina pa kasi ito naiinis dahil pina-detention na naman siya dahil sinagot niya ng pabalang ang isang teacher nila kanina.
"Oh? Bakit ngayon lang kayo? Traffic ba sa EDSA?"
Inirapan ni Nikki ang mapang-asar na kapatid bago pumunta sa kwarto niya. Patakbo naman na tinahak ni Grace at Gerilyn ang kanilang kwarto.
"Kanina ka pa ba Mars?" inosenteng tanong ni Angelyn kay Maricar.
"Kahit kailan talaga lutang ka," sabi ni Maricar.
Napaisip si Angelyn at nilibot ang tingin.
"Sino ang lumulutang?" kabado nitong tanong.
"Ayan oh! Sa likod mo may nakaputing babae," pananakot ni Maricar sa kaibigan kaya sumigaw ng malakas si Angelyn sabay tapon ng mga gamit nito sa kung saan.
"Aaaaaaaahhhhhh!!! White lady!!" sigaw niya at tumakbo palabas ng bahay.
Sumakit naman ang tiyan ni Maricar kakatawa at pinagpatuloy ang paglalaro sa cellphone.
"Ouch!"
"Aaaaaaah!!! White-- hala!"
Napatigil sa pagsisigaw si Angelyn dahil may nabangga siya. Tiningnan niya kung sino ang kaniyang nabangga pero green shirt lamang ang nakita niya. Hanggang dibdib lamang kasi siya nito kaya tumingala siya.
Dahan-dahang lumaki ang mga mata niya at sumigaw uli, hindi dahil sa takot kundi sa excitement at tuwa.
"DARREEEEEEEN!!!"
Agad na tinakpan ng binata ang bibig ni Angelyn. Hindi niya ito kilala pero kilala siya nito kaya nabahala siya na baka may makarinig dito at baka makuha nila ang atensiyon ng iba. May biglang huminto na itim na kotse sa tapat nila at mabilis na sumakay ang binata sa magarang kotse at iniwan ang nakatulala pa rin na si Angelyn.
Meanwhile, Gerilyn is busy scrolling on her sss when suddenly Klay face pops up in her mind. Hinanap niya ito sa f*******: hanggang sa may nakita siya isang video ng basketball game at pinanood ito. A tournament basketball.
Umawang ang bibig niya at 'di makapaniwala sa nakita. Tumalon siya sa kama at sumigaw.
"Sinapian ka na ba ng maputi este masamang espiritu?"
Binasag ni Maricar ang kasiyahan niya. Sumimangot siya dahil alam niyang inaasar naman nito ang kulay ng balat niya.
"Che! Alam ko na kung bakit pamilyar si Klay. Naglalaro pala siya ng basketball kasama si Kobe," masayang pahayag niya sa kaibigan.
Tumaas naman ang kilay ni Maricar.
"Nakita ko naman kanina actually, silang lima ang naglalaro ng basketball kanina," pambabara ni Maricar.
"I mean, naglalaro silang dalawa sa isang tournament. Sikat pala ang dalawang iyon," paliwanag naman ni Gerilyn.
"Ah! Kaya pala malapad ang ngiti mo? Landi mo talaga kapag basketball player." Pang-aasar sa kanya ni Maricar.
Tumawa silang dalawa sa pilyang naisip. Isang sigaw naman na galing sa kusina ang nagpatigil sa kanilang tawanan.
"Kakain na! Bahala kayo ah, basta ako kakain na!" sigaw ni Grace mula sa kusina.
Umiling na lamang sila sa katakawan ng kaibigan. Taga awat nga ito nang away pero hindi maawat kapag pagkain na ang kaharap.
"Bes, pogi ni Klay, hindi ba? Crush ko na 'ata talaga siya," kinikilig na wika ni Grace bago nilantakan ang pagkain.
Hinilot-hilot naman ni Nikki ang sentido. "Love triangle. Tss!"
"Huh?"
Nagtaka si Grace sa sinabi ng matalik na kaibigan nguni't hindi na nagsalita pa si Nikki sa halip ay tinawag na lamang si Angelyn na kanina pa lutang nakaupo sa sofa.
"Woi! Ano nga ang ibig mong sabihin?" pangungulit pa rin ni Grace kay Nikki. Kahit kasi maldita ito ay observant at mahilig ito magbasa ng isip ng mga nasa paligid niya.
"Basta. 'Wag ka na nga makulit diyan," wika ni Nikki.
"Eeeeeeh! Sabihin mo na kasi Nikki!" pangungulit ni Grace.
Literal na tumaas ang kilay ni Nikki at ngumiti ng pilya.
"Crush ako ni Klay," pang-aasar niya sa kaibigan at gusto niya matawa sa reaksiyon nito.
"Paano mo nasabi?" sabat ni Gerilyn.
Nikki flashed her mysterious smile and eat her food, she did not bother to answer. Naguluhan naman ang tatlo sa inaakto niya nguni't binalewa niya lamang ito. Kumain na lamang sila at maya-maya sinaluhan na rin sila ng lutang pa rin na si Angelyn. Puno ng asaran, bangayan at tawanan ang hapag.