Chapter Three

1406 Words
Pagkatapos ng hapunan ay lumabas si Gerilyn ng bahay para maglakad-lakad upang matunawan siya. Kinantiyawan pa nga siya ni Maricar bago makalabas. Sanay na siya na pagtripan ng mga kaibigan ang kulay niya dahil alam naman niyang biro lamang iyon. Alam niyang mahal siya ng mga ito. Nangunot ang noo niya nang makarinig ng kumakanta habang siya ay naglalakad. Ang ganda ng boses, sa isip niya. Sinundan niya ang boses hanggang sa makita niya ang magkapatid na kapitbahay nila. Si Vee at Darren ang kumakanta. Huminto siya at kumubli upang 'di siya makita ng mga ito. "Hoy! Sino nasa isip mo?" pagsiko ni Vee kay Klay. Tumawa naman ang dalawa si Kobe sa gulat na reaksiyon ni Klay. "N-nothing," Klay replied. "Iyong childhood crush mo, no?" tanong ni Darren at ngumisi. "Move on dude!" sabat ni Kobe. Umiling si Klay bago sinulyapan ang kabilang bahay. Sumimangot naman si Gerilyn sa narinig. May nagugustuhan na pala ito na kinainis niya. Umupo siya sa malapit na upuan. Medyo madilim ang parte na iyon nguni't kita niya pa rin ang mga ito at naririnig ang usapan nila. "Bakit kaya hindi ko man lang nakita ang mga parents nila?" tanong niya sa sarili. Nakuha ang atensiyon niya sa paglabas ni Nikki. Oh-oh! Sa mukha nito parang susulong na naman ito sa giyera. "Drew!!! Get out!" sigaw ni Nikki sa labas ng gate na katapat ng apartment nila. Kaaway na naman nito ang schoolmate nila na matagal na rin nilang kakilala. Si Drew, na sa tingin nila ay may crush kay Nikki nguni't sadyang dense at sarado ang utak ni Nikki sa mga lalaki. Napakamot na lamang sa ulo si Gerilyn nang batuhin ni Nikki ang bintana ni Drew. Nakuha rin nito ang atensiyon ng magkapatid. Labag man sa loob ni Gerilyn ay tumayo siya para awatin ang kaibigan. Gusto pa naman sana niya ang tahimik para makapag-isip ngunit binulabog naman ng kaibigan niya. "Niks, gabi na please naman bukas na iyan. Nakakahiya sa mga kapit-bahay," saway ni Gerilyn habang papalapit sa kaibigan sapagkat hindi man lang siya sinulyapan nito. "What's wrong?" Agad na lumukso ang puso ni Gerilyn nang marinig ang baritonong tinig ni Klay. Nahiya siya kaya 'di agad nakasagot. "Tss! Hoy ganiyan ka ba talaga ka bastos kaya kahit gabi na ay naghahanap pa ng away?" inis na sigaw ni Lorenzo kay Nikki. Kinuyom naman ni Nikki ang kamao bago sinulyapan si Lorenzo. Boses pa lang nito ay  naiinis na siya. "Ganiyan ka rin ba ka tsismoso para pakialaman ang ginagawa ng iba?" pabalang na sagot ni Nikki. Mabilis na kinuha ni Gerilyn ang cellphone at nag-message sa chat group nilang magkakaibigan. Kailangan niya si Grace para pakalmahin at awatin ang kaibigan nila na nagwawala. "Hindi ako nakikitsismis. Pinagsasabihan lang kita dahil gabi na at nakakaistorbo ka," galit na sabi ni Lorenzo. "Lorenzo calm down," saway ni Klay. "'Yan ba ang definition nang pinagsasabihan sa'yo? At sa tingin mo sa ginagawa mo 'di ka nakakaistorbo sa akin? Humanap ka nga ng kausap mo! Nakakairita iyang pagmumukha mo! Umalis nga kayo rito! Ikaw, ikaw, ikaw!" singhal ni Nikki at tinuro sila isa-isa. Tinalikuran niya ang mga ito at kinalampag ang maliit na gate. "DREW! Get out of there kung ayaw mong basagin ko iyang bintana mo!" muling sigaw ni Nikki. "Niks! Bukas na kasi iyan," kalmadong saad ni Gerilyn. Pinilit niya ang sarili na huwag mautal dahil sa presensiya ni Klay at sa sobrang kaba. "Ahmmmmm... You know what Miss, it's better na bukas mo na lang siya kausapin baka magalit ang ibang kapit-bahay na natutulog na," Tiningnan ni Gerilyn si Klay na kalmadong pinagsabihan si Nikki. Hindi man lang ba ito natakot na baka bulyawan ito ng kaibigan niya? Naku, mas lalo lang nito pinapainit ang ulo ni Nikki, sa isip ni Gerilyn. Galit naman na sinulyapan ni Nikki si Klay. Hinawakan naman ni Vee sa braso ang kuya niyang si Lorenzo na magsasalita pa sana, namumula na rin ito sa inis. "Will you shut the f**k up?" cold na sita ni Nikki kay Klay. Ngumisi lang si Klay at hindi nakaligtas iyon sa mata ni Gerilyn. "Cute." Nakagat niya ang labi nang marinig ang binulong ni Klay. Alam niya na ang kaibigan niya ang tinutukoy nito. Maya-maya ay lumabas na rin sa wakas si Drew. Ang lapad pa ng ngiti nito. "Hey pretty what-- ouch!" Pinutol ng malakas na sampal ni Nikki ang sasabihin pa sana ni Drew. "If you do that again Drew, magpapalit kayo ng mukha ng aso," nanlilisik ang  mga mata ni Nikki habang pinagbabantaan si Drew. "Oh my gosh! Nikki, why did you slap him?" Mabilis na pumagitna si Grace kina Nikki at Drew. Sinulyapan niya si Drew na namumula ang kabilang pisngi dahil sa sampal ng kaibigan kaya humingi siya ng paumanhin sa binata. Amusement, 'yan ang mababasa sa mukha ni Drew. "It's ok," tipid niyang tugon. "What happened?" inosenteng tanong ni Angelyn. "This jerk announced to everyone that we have a f*****g MUTUAL UNDERSTANDING! Like, what the F?!" Hinawakan agad ni Grace at Gerilyn si Nikki nang akmang susugurin ulit niya si Drew. Tumawa sila ni Vee at Kobe habang napailing naman si Lorenzo, naiinis kasi ang huli kay Nikki. Inaantok naman si Darren at humakbang pabalik sa bahay nila nang makita niya ang babaeng sumigaw kanina, si Angelyn. Ayaw niya lang maulit ang nangyari. "Darren.." malungkot at mahinang bigkas ni Angelyn. Iniiwasan niya ba ako? Nawalan siya ng mood kaya bumalik na lang din siya papasok sa apartment nila. Tinanong siya ni Maricar nguni't 'di niya narinig kaya naglaro na lang ulit si Maricar ng computer. Sa labas naman hindi mapigilan ni Grace na sulyapan si Klay. Napansin iyon ni Gerilyn kaya nag-iwas siya ng tingin. "Masaya kana Miss? Nandito na lahat sa labas dahil sa'yo," basag ni Lorenzo sa katahimikan. Kaya ang nanlilisik na mata ni Nikki ay nalipat sa kaniya. "Siguraduhin mo na iyang lahat na tinutukoy mo ay nandito. Kung ayaw mo lahat ng galit ko ibunton ko sa'yo!" galit na wika ni Nikki. "Lorenzo! Ano ba 'wag ka na kasi sumali! Imbes na nakakatulong ka, nagpapalala ka lang," saway ni Vee sa kaniya. Subalit aliw na aliw naman si Kobe sa nangyayari at inaabangan niya rin na lumabas si Maricar, ang nakakuha naman ng interes niya. "Sorry Nikki, it was just a dare." Paliwanag ni Drew sabay ngiti. "Kailan ko ba makikita na umamo iyang mukha mo? Ang suwerte naman ng lalaking magugustuhan mo," dugtong pa ni Drew. Kinalma ni Nikki ang sarili na nagpupuyos sa inis dahil sa sinabi ni Drew. "Delete it Drew. Kapag nakita ko pa iyon bukas humanda ka," banta niya rito bago umalis. "Pasensiya na kayo ha.." sabi ni Grace at ngumiti kay Klay. Tumango naman si Klay na kinakilig naman ng lihim ni Grace. Humingi rin ng paumanhin si Drew bago pumasok pabalik sa loob ng bahay niya. "Grace, may sasabihin pala ako sa iyo." Napalingon naman si Gerilyn kay Vee. Tumango naman si Grace nang yayain ito ni Vee na maglakad-lakad muna. Sinundan ng mga mata ni Gerilyn ang papalayong pigura nila. "Gerilyn, right?" Nagulat siya at sinulyapan si Klay. Silang dalawa na lang pala ang naiwan. Tumango siya kay Klay bilang tugon. "About sa kaibigan mo, ahmmm.. Can you help me para mapalapit sa kaniya?" Hindi agad nakasagot si Gerilyn sa sinabi ni Klay. Ito ang unang lalaki na nakakuha ng atensiyon niya subalit magpapatulong ito para mapalapit sa kaibigan niya? How ironic! Alam niyang wala siyang aalahanin kay Nikki dahil wala itong gusto sa binata. Her friend will be turning 22, pero hindi pa rin ito nagbo-boyfriend o nagkagusto man lang sa isang lalaki. Magka-edad naman silang apat nina Grace, Maricar at Angelyn, the four of them is a 20-year-old college student. "Hindi ko kasi alam kung paano buwagin ang wall na nakapaligid sa sarili niya na para bang bawal siyang lapitan and it caught my attention. Will you help me?" dugtong ni Klay ng hindi sumagot si Gerilyn. "Pag-iisipan ko," maikling sagot ni Gerilyn at nagpaalam na upang pumasok sa apartment nila. Bago siya tuluyang umalis ay kinuha ni Klay ang number niya. Nakahiga na siya nguni't nasa isip pa rin niya ang napag-usapan nila ni Klay. What I'm gonna do? Hindi niya alam ang gagawin kung tutulungan niya ba ito o hindi. Pero kung tutulungan niya si Klay ito ang magiging daan upang mapalapit siya sa binata. Hindi niya lubos maisip na sa kabila nang pagiging amazona ng kaibigan ay marami pa rin talaga ang nagkakagusto sa kaniya. Minsan naisip niyang gayahin na lang ang ugali ng kaibigan. Siguro boring siya tingnan kaya walang may nagkakagusto sa kaniya. "Hayst! Hindi ko babaguhin ang sarili ko para magustuhan ng iba. Makatulog na nga lang," inis na wika niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD