Maaga nagising si Gerilyn dahil ngayong Sabado nila napag kasunduan ni Klay ang plano nitong makipag lapit kay Nikki.
"Niks, are you awake?" tanong ni Gerilyn habang kinakatok ang pinto.
Narinig niya ang pag-ungol nito kaya kinatok niya ulit ang pinto upang marinig siya ng kaibigan. Dahan-dahan itong bumukas kasabay ng panalangin niya na 'wag sana siya nito bugahan ng apoy sa pag-istorbo niya sa tulog nito.
"What is it? May kailangan ka ba?" Pupungas-pungas na tanong ni Nikki. Inaantok pa ang dalaga.
"Maaari mo ba akong samahan?" Lihim siyang nagdasal na sana pumayag ito.
"Where to?" tanong ni Nikki.
Lihim naman na nagtaka si Nikki sa inaakto ng kaibigan. Minsan lang kung magyaya ito at kung may importanteng okasiyon lamang.
'Ano kaya ang okasiyon ngayon?' tanong niya sa isip.
"Jogging.. sige na wala akong kasama e," pagsisinungaling ni Gerilyn.
Umarko ang kilay ni Nikki.
"Kailan ka pa nagka-interest sa pag jogging?" kuwestiyon niya habang nakahalukipkip.
Humagilap naman ng isasagot si Gerilyn, "Ahhhhmm.. Gusto ko lang mag try. Wala namang masama, 'di ba? At alam kong mahilig ka sa jogging kaya niyaya na kita. Boring kaya mag-isang tumatakbo." Tugon niya at nakahinga ng maluwag sa naisip na dahilan.
"Hindi naman boring 'yon basta may dala kang earphones. By the way, just wait outside and give me 10 minutes dahil kailangan ko pang mag-ayos."
Tumango si Gerilyn at bumaba ng hagdan. Mahilig talaga makinig si Nikki ng music kaya lagi siya may dalang earphones. She prefer listening to music than talking to someone or anyone.
"Psst!"
Nilingon ni Gerilyn ang kabilang bahay at nakita niya si Klay na naka thumbs up kaya tumango siya. Ang guwapo niya sa umaga, sabi ng isip niya.
"Pumasok ka muna, mamaya kana lumabas," mahina niyang utos.
Sumunod naman ang binata sa sinabi ni Gerilyn. Maya-maya pa'y lumabas na rin si Nikki. Naka black sleeveless ito at jogging pants. As usual, ang favorite nitong yellow sneakers ang ginamit. Simple naman ang suot ni Gerilyn naka jersey shorts siya at maluwag na puting t-shirt.
"Tara?" tanong ni Gerilyn.
Tumango naman si Nikki at sabay silang lumabas sa maliit nilang gate.
"Doon tayo mag start then we turn around and back," suhestiyon ni Nikki na kinatango lamang ni Gerilyn.
Lumabas si Klay gaya ng sa plano. Nagtitigan sila saglit ni Gerilyn.
"Good morning," bati ni Klay sa kanila.
"Morning," wala sa mood na tugon ni Nikki bago nilagay ang earphones sa tenga. At nagkibit-balikat naman si Gerilyn kay Klay.
Nagsimula na sila tumakbo ng mabagal. Sinadya nila na sa gitna ang puwesto ni Klay para makatabi niya si Nikki. Binalewala naman ito ni Nikki at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Talk to her," bulong ni Gerilyn sa binata.
"What I'm going to say?" kabadong tanong ni Klay.
"Kahit ano," sagot ni Gerilyn.
"Why you're whispering to each other?" balewala na tanong ni Nikki.
Umayos nang takbo si Gerilyn dahil kinakabahan siya na baka marinig sila ng kaibigan.
"Ahmmm.. can I ask you something?" Kabado pa rin si Klay habang nakatingin kay Nikki.
Hindi siya narinig ng kausap kaya inalis niya ang nakatakip sa isang tenga nito.
"What?" Nikki snarled.
Habang nagkunwari naman si Gerilyn na walang pakialam sa nangyayari.
"I said, can I ask you something?" pag-ulit ni Klay.
"Spill it," tamad na wika ni Nikki.
"Ganyan ka ba 'lagi makipag-usap sa ibang tao? Ahmmm.. parang galit?" Nakangiting tanong ni Klay.
"Ano bang makukuha ko sa pakikipag-usap sayo? Jogging ito at hindi talk show kaya puwede ba iyang kaibigan ko ang kausapin mo, mabait 'yan," inis na sagot ni Nikki at umirap sa kawalan.
Hindi talaga siya mahilig makipag-usap sa hindi niya ka close. Aminado siyang hindi siya ganoon kabait pero para sa kan'ya kasi, kapag mabait ka ikaw pa iyong aapihin at minsan dehado kaya hindi siya madali magtiwala sa mga tao.
Nguni't imbis na matinag ay mas lalo pang napangiti si Klay sa reaksiyon ng dalaga. Buong oras ng jogging nila ay kinulit niya lang ito. Habang si Gerilyn naman minsan pangiti-ngiti lamang kahit may lihim na kirot habang pinagmamasdan si Klay na masaya sa pangungulit sa kaniyang kaibigan. Aliw na aliw ito ngunit inis na inis naman si Nikki.
"Thank you for letting me join you," saad ni Klay ng nasa tapat na sila ng apartment.
Ngumiti si Gerilyn. "Welcome. Sa susunod ulit," sagot niya.
Umirap lang si Nikki sa kawalan at nauna nang pumasok subalit bago pa siya tuluyan makapasok ay narinig niya ang sigaw ni Klay na nakapag pahinto sa kaniya .
"See you around Nikay!"
Awtomatikong nilingon niya ito. Subalit ito ay mabilis maglakad kaya sinundan na lang ng mata niya ang pagpasok ng binata sa bahay ng mga ito.
"Ayos ka lang Niks?" Nakakunot-noo na tanong ni Gerilyn. Nagtataka siya kung bakit biglang natigilan ang kaibigan.
"Y-yeah, don't mind me," tipid na sagot ni Nikki.
Tama ba ang narinig ko sa tinawag niya sa akin?
Nikki shook her head at piniling balewalain ang bumabagabag sa isip.
Pinili naman itago ni Gerilyn ang nararamdaman upang 'di mahalata ng mga kaibigan dahil ayaw niya na magkagulo sila. Nguni't habang papasok ang dalawa ay lingid sa kaalaman nila na nagmamasid si Grace mula sa bintana ng kuwarto niya.
"Kaya pala wala silang dalawa. Ang aga pala lumandi at sa taong gusto ko pa." May inis na umusbong sa dibdib ni Grace.
Agad siyang bumaba para salubungin ang mga kaibigan.
"Saan kayo galing?" Kaagad niyang tanong.
"Jogging with your crush," nakangising wika ni Nikki upang asarin ang matalik na kaibigan.
"Are you really my bestfriend? Why you didn't told me?" Galit niyang tanong at namumula pa sa inis.
"Ahmmm.. Grace ako kasi ang nagyaya sa kaniya at 'di sinasadyang nakasabay namin kanina si K-Klay," paliwanag naman ni Gerilyn na parang mauutal pa sa pagbanggit ng pangalan ng binata.
"Whatever!" Inis na saad ni Grace bago umalis.
Napakunot-noo naman si Nikki sa inakto ng kaibigan. "Wow?! Really, she pissed just because of that annoying man?"
Tiningnan lang ni Gerilyn si Nikki dahil kahit siya ay nagulat din sa inakto ni Grace. Never itong naghanap ng gulo o away pero ngayon ay parang susulong ito sa giyera. Bigla siyang nakaramdam ng natakot na baka dahil lang sa lalaki ay masisira ang pagkakaibigan nila. Kaya mas mabuti na itago na lamang niya ang nararamdaman para sa binata.
Pagpasok niya sa kuwarto ay nag beep ang phone niya.
'Thank you for helping me. I'll treat you later.'
Literal na bumilis ang pagtibok ng puso niya. Sari-saring emosiyon ang naramdaman niya ngayon; kilig, kaba at excitement.
Sa kabilang banda naman ay inip na inip na si Angelyn sa paghihintay na lumabas sa kabilang bahay si Darren.
"Woi! Baka mabali na iyang leeg mo kakasilip diyan sa kabila!"
Nagulat siya nang may nagsalita sa likod niya. Nilingon niya ito at ang mapang-asar na kaibigan ang nakita niya, si Maricar.
"'Wag ka nga maingay Mars!" Mahina niyang saway sa kaibigan na malapad ang ngisi.
"Bakit kasi 'di mo na lang puntahan?" Nakangiting suhestiyon ni Maricar.
"At ano naman ang idadahilan ko sa pagpunta ko doon, aber?" Sagot naman ni Angelyn.
"Hay nako! Pasalamat ka dahil kaibigan mo ako. Edi bigyan natin ng pagkain. Hindi ba, kapag may bagong lipat kailangan bigyan ng pagkain na pampa welcome?"
Napangiti si Angelyn sa ideya ni Maricar. Kaya 'agad silang nagluto ng ulam upang mabigyan ang kapit-bahay.
"Samahan mo ako," pakiusap ni Angelyn kay Maricar.
"Of course, sasamahan kita. Daming pogi doon e." Masiglang saad ni Maricar sabay kindat.
Nag doorbell si Angelyn habang nakataas naman ang kilay ni Maricar. "Sosiyal," bulong ng isip niya. Excited na siya kung sino ang unang makikita niya sa magkapatid nguni't kinakabahan naman si Angelyn. Likas kasi na mahiyain ito.
"What do you want?" Bungad ng supladong si Lorenzo.
Pinakita naman ni Angelyn ang dala.
"This is for you. Welcome sa subdivision!" Nakayuko na wika ni Angelyn habang titig na titig naman si Maricar sa mukha ng binatang nakabusangot.
"It's not necessary, sana 'di na kayo nag-abala pa," masungit na sabi ni Lorenzo.
Sasagot na sana si Maricar nguni't biglang dumating si Kobe.
"Wow! Para sa akin ba ito?! Well, 'di naman bago sa akin 'to. Hatakin talaga ako sa mga babae," masayang saad ni Kobe sabay kuha ng pagkain. "Hey! There's a food here!" Sigaw pa niya sa iba pang kapatid.
"Hindi man lang nag thank you," bulong ni Maricar.
"Thank you!" sabi ni Vee at niyaya silang pumasok.
Napangiti si Maricar dahil sa wakas ay makikita niya ang loob ng bahay.
Wow.
Sobra ang pagkamangha ng magkaibigan sa napakalaki at magandang bahay ng magkapatid.
"Kayo lang dalawa?" tanong naman ni Klay.
"Expecting for someone dude?" Seryosong tanong ni Lorenzo.
"Baka iyong morena na kulot," pagkantiyaw ni Vee.
"P'wede rin iyong may malambing na boses," dugtong naman ni Kobe.
"None of the above dude," umiiling na sagot ni Klay.
"Then who? Don't tell me na iyong amazona?" Tanong ni Lorenzo sa kaniya.
Ngumiti lang si Klay bago tinikman ang dala ng magkaibigan. Nasarapan naman ang magkapatid sa niluto nila. Samantala, hindi nakapagdaldal si Maricar dahil sa amazement sa mga nakikita niya sa loob ng bahay.
"What?! My PA already quit?"
Agad na nilingon ni Angelyn ang lalaking nagsalita habang pababa ng hagdan at nakadikit ang cellphone sa tenga. Ang lalaking hinihintay niya. Nakakunot ang noo nito na parang problemado.
"What happened?" kaswal na tanong ni Vee.
"Nag quit ang PA ko," inis na sagot ni Darren.
"Then hire someone else, easy." Suhestiyon ni Kobe sabay kindat kay Maricar.
"At sino naman? 'Di naman kasi madali makakita ng mapagkatiwalaan," wika ni Darren.
"Pwedeng mag-apply?" Wala sa sariling tanong ni Angelyn.
Lahat ng atensiyon nila ay napunta sa kan'ya, kahit si Maricar ay 'di makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Lingid sa kaalaman ni Maricar na sinusundan siya nang tingin ni Kobe subalit 'di niya ito pinapansin at nagkunwari. Nagpapalitan kasi sila ng chat tuwing gabi.
Nagulat din si Angelyn sa sinabi nguni't huli na para bawiin niya ang sinabi. Yumuko siya nang mapagtanto na nasa kanya ang atensiyon ng magkapatid. Namumula na rin ang pisngi niya.
"Are you sure?" Darren asked.
Tumango si Angelyn. Ito na ang pagkakataon niya para laging masilayan ang iniidolo. Pagkatapos ay pinag-usapan nila ang kailangan niyang gawin bago sila umalis ni Maricar para umuwi.
"I'm not that easy to get," naka smirk na bulong ni Maricar habang pabalik sa apartment nila.
"Huh? May sinasabi ka?" Tanong ni Angelyn.
Umiling lamang si Maricar at sumilay ang pilyang ngiti sa kaniyang labi. May kalokohan na naman na naglalaro sa isip niya.
Sa kabilang banda naman ay naisipan maglakad-lakad ni Grace sa loob ng subdivision. Naiinis pa rin siya sa mga kaibigan niya dahil 'di man lang siya sinama kaninang umaga.
"Alone?"
Tiningnan niya ang taong nagsalita at tumambad ang mukha ni Vee na nakangiti ng malapad. Ito ang pinakamabait at approchable sa magkakapatid para sa kaniya. Ngumiti siya bilang sagot dito.
"Napag-isipan mo na ba ang offer ko?" Tanong ni Vee sa kan'ya.
"Hindi pa, 'di ko pa rin nasasabi sa mga kaibigan ko," tugon ni Grace.
"Sana makapag decide ka na 'agad. Magse-sembreak na rin kayo, 'di ba?"
Tumango si Grace at biglang may nag pop-up na ideya sa kaniyang isipan upang makita at makausap si Klay.
"P'wede ba tayo mag play ng guitar sa inyo?" Nakangiting tanong ni Grace.
Excited naman na tumango si Vee.
"Oo naman! Let's go," sabi ni Vee.
'Di na nagpatumpik-tumpik pa si Grace at agad na sumunod sa binata. Excited na kasi siya makita si Klay.
"Hi there, lady!" Bungad kaagad ni Kobe kay Grace at nag wink pa.
"Stop flirting dude," saway sa kan'ya ni Vee.
"Damot," mahinang reklamo ni Kobe.
Nilibot ni Grace ang paningin sa malaking bahay. Kagaya ng mga kaibigan na amaze rin ito sa kabuuan ng bahay. Para sa kaniya hindi bahay ang tawag dito kundi napakagandang mansiyon. Hinanap ng mga mata niya si Klay pero hindi ito matagpuan ng mga mata niya.
"Wait me here, I'll get my guitar up stairs." Tumango naman si Grace bilang tugon kay Ver.
"Where are you going Klay?" Tanong ng isang malalim na boses, si Lorenzo.
Kaagad naman na sinulyapan ni Grace ang tinanong ng seryosong si Lorena, si Klay. Napanganga siya sa kakisigan ng binata kaya naman mas lalo niya itong nagustuhan.
"Just outside," maikling tugon ni Klay.
"Hi Klay!" lakas-loob niyang bati sa binata.
Ngumiti naman si Klay sa kanya na kinakilig niya ng todo.
Ding-Dong!
Nabasag ang magandang moment niya sa sunod-sunod na doorbell.
"Ako na, lalabas din naman ako," pagpresinta ni Klay.
"Tssssk! Bakit mukhang feeling close na ng mga babaeng 'yan?" Reklamo ni Lorenzo and take a quick glimpse kay Grace.
Napayuko naman si Grace sa sinabi ng binata.
"Hey, Lorenzo watch your mouth!" Pagsaway nang pababang si Vee.
"As if naman na kagusto-gusto itong pamamahay niyo!" Paangil na sigaw ni Nikki at inirapan niya si Lorenzo.
"Nikay, calm down." Pagpapakalma ni Klay na nakasunod sa likuran ni Nikki.
Nagtaka naman si Grace sa itinawag ni Klay sa kaibigan. Napataas din ang kilay niya dahil akala niya aalis na ito nguni't bakit sumunod ito sa kaibigan niya.
'Close na ba sila?' Ang tanong niya sa sarili.
"Pakikuha ng mangkok na pinahiram ng mga kaibigan ko. Make it fast dahil ayoko magtagal at makita ang unggoy na 'yan," galit na utos ni Nikki kay Kobe habang masama ang tingin kay Lorenzo.
Sinunod naman siya ng gulat na si Kobe. Habang si Grace naman ay naghanap ng mapagtataguan.
"Ang lakas naman ng loob mo makautos sa loob ng pamamahay ko. You are inside my territory!" Galit at mahigpit na wika ni Lorenzo. Mahahalatang pikon na ito sa dalaga.
"Pakialam ko sa teritoryo mong unggoy ka!" Pasinghal na sagot ni Nikki.
'Di naman mawari ni Klay pero naiinis siya hindi dahil sa inaakto ng kapatid kundi sa dahilan na sa pagbabangayan kaniyang kapatid at ng dalaga ay mas mahaba pa ang mga sagot ni Nikki sa kuya niya kaysa sa kan'ya.
"Hindi mo---" putol na sabi ni Lorenzo.
"Shut the f**k up!" Pagputol ni Nikki sa sasabihin pa ni Lorenzo kaya mas lalong namula ang binata sa pikon.
Kinuha ni Nikki ang mangkok mula kay Kobe at kaagad na tinalikuran ang mga ito.
"Hoy Vee, take care of my bestfriend dahil buhok mo lang ang walang pasa kapag may nangyari sa kaniya habang ikaw ang kasama niya!" Pagbanta ni Nikki kay Vee bago tuluyang umalis at sumunod naman si Klay sa kaniya.
Napanganga naman si Grace dahil sa narinig mula sa kaniyang kaibigan. Sobra siyang nahiya kay Vee dahil sa pagbabanta ng kaibigan.
"Nakakatakot talaga ang kaibigan mo," nakangiting wika ni Vee.
"Yeah, Sobra!" Pagsang-ayon naman ni Kobe.
"Lakas ng loob niya! Makikita ng babaeng 'yon ang hinahanap niya, akala niya natatakot ako sa kanya!" Galit na saad ni Lorenzo.
"Ano na naman iyan Lorenzo? Papatulan mo pa talaga?" Subalit hindi pinansin ni Lorenzo ang sinabi ni Vee.
Sobrang na awkward na si Grace at gusto niya nang bumalik sa apartment nila nguni't pinilit niyang 'di ipahalata iyon kay Vee. Tinuruan siya nito maggitara at nag-enjoy naman siya sa company ni Vee sapagkat iba ang hinahanap ng isip niya.
Sa kabilang-dako naman ay hindi alam ni Gerilyn kung ano ang susuotin. Niyaya kasi siya ni Klay na manood ng sine ngayong araw. Thank you present daw ng binata sa kaniya para sa pagtulong niya rito.