"OH, MGA ANAK ready na ba mga gamit ninyo?"
"Yes, dad." Tugon ni Pauline habang buhat ang sariling bag sa kotse.
"Oh, Paolo." kuha ko sa bisig ni Shien. "Huwag matatakot sa airplane ha?" Imbis tumawa sinapok pa ako sa mukha hay excited nga.
"Mauna na ako sa kotse." Paalam ni Shien pero si Erdem nakatingin lamang sa amin.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo?"
"Nandirito na kami hindi na dapat umatras pa."
"Paano kung ipilit niyanh umuwi sa araw ng party?"
Tinapik ko sa balikat, "Magagawan mo ng paraan 'yan kilala na kita, Erdem."
Iiling-iling, "Sige umalis na kayo baka magbago pa isip ng asawa mo...este ex-wife."
"Pupusta ako after nitong bakasyon sa boracay magiging akin muli siya."
"Sana nga pero kung hindi simulan mo ng mag-move on." May halong tawa.
"Walang mag-mo-move on dahil gagawin ko ang lahat para bumalik siya."
"Daddy…" tawag ni Pauline nakasilip sa bintana ng kotse.
"Sige mauna na kami makikibalita ako sa iyo." Huling paalam ko bago pumasok sa kotse.
Buong byahe sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Mula sa mata na ayaw man lang pumikit baka bigla siyang mawala, at maging ang katawan kong ayaw mawalay sa tabi niya. Masyado yata na urong ang dila ko dahil hindi ko magawang kausapin siya kahit may pagkakataon magsalita. Ngayon ko lang yata ito nadama, itong pakiramdam na nahihiya at feeling ewan basta ang gulo ng isip ko.
"Dad, gusto ko na mag-swimming." sambit ni Pauline.
"Sure pero sa mababaw ka lang."
"Sasamahan po ako ni mommy." tanaw namin pareho sa kinatatayuan ni Shien na ngayon ay kinakawayan ang anak ko.
"Sige lang anak sulitin mo ang pagkakataon na kasama siya."
"Dad,"
"Hmmm?"
"Hindi mo ba siya babalikan?"
"Anak kasi…"
"Madali lang balikan ang tao lalo kung mahal mo pa." Makahulugan nitong sambit muli.
"Tama ka pero hindi natin alam kung ganoon din ang mommy mo."
"Mahal ka pa niya." seryoso ang mukha. "Feeling ko mahal ka pa rin ni mommy."
"Ikaw talaga," himas ko sa buhok, "Bata ka pa hindi mo alam kung ano ang pag-ibig kung kailan nagiging totoo o hindi. Marami kang pagdadaanang hirap bago mo masabi pag-ibig na nga 'yon."
"Mahal kita, si Paolo, at si Mommy kaya alam ko na ang pag-ibig." nasa katwiran nga naman ito.
"Pero iba 'yon, Pau. Soon malalaman mo rin pero ngayon isipin muna natin masarap maging bata walang alalahani g problema."
"Minsan nga naisip kong ayoko na maging matanda."
"Bakit naman?"
"Kaso ang gugulo ng isip ninyo."
Bahagya akong natawa, "Ako pa talaga binigay mong halimbawa."
"Magulo ka kasi dad, eh. Iwanan mo si mommy dahil kay Shariffa tapos ngayon gusto mo siyang balikan oh 'di ba ang gulo?"
Saglit akong napaisip saka ngumiti.
"Ikaw talaga kung anu-anu lumalabas diyan sa bibig para kang matanda kung magsalita."
"Sana nga tulad mo ako…" tila parinig nito. "He-he joke lang, dad."
"Loko ka talagang bata ka doon ka na nga sa mommy mo." hahabulin ko sana pero nakatakbo kaagad papalayo.
Maya-maya lamang tumutunog ang cellphone sinagot ko ito ng mabasa ko kung sino tumatawag.
"Kumusta bakasyon?"
"My god Erdem wala pa isang araw kami nagpunta rito."
"Ha-Ha-Ha pero babalitaan sana kita tungkol sa grupo mo at doon sa Olivares family."
"I see, so what happened?"
"They have already started planning to kill Olivares' family while her boyfriend's family is also busy with the gathering. I think you need to make excuses so you don't go home right away. Mawawalan ng silbi itong ginagawa natin kung isa man sa plano natin ay pumalpak."
I nodded bago kagatin ang lower lip.
"Nauunawaan ko. Nagawan mo na ba ng paraan para hindi kami makauwi kaagad?"
"Yes, I did as you were told. I just hope you give it in return." Pabirong wika.
"Okay and what do you want in return? Do you want another woman?"
"Other women? You know I don't do that, Peps."
"Eh di subukan mo."
"Huwag mo ako igaya sa kalagayan mo, Peps."
"Fine, so ano nga pala ginawa mo para hindi kaagad kami makauuwi?"
"Pararaanin ko riyan ang bagyo," may halong pamimilosopo.
"Come on, Erdem."
"Biro lang. Oo nga pala may pinasa ako sa email mo paki-check na lang para kahit paano ay maging kapani-paniwala ang idadahilan mo sa kanya. Pagod na ako mag-explain."
"Wow, kailan ka pa napagod?"
"Ngayon lang, sobrang tagal nang exposure ko sa kuwento mo, bro."
"Aba, ayaw mo no'n ikaw lang kumikita sa dalawa pa natin kaibigan?"
"Mabuti sana kung nakakikilig kuwento ninyo eh puro kabitan at hiwalayan lang naman."
"Shut up, parang siya noon hindi nagkaroon ng problema."
"Iba naman kasi 'yong akin kahit paano nawalan ako ng ala-ala kaya mauunawaan nila eh ikaw maihahantulad sa ibang lalaking hindi makontento sa asawa."
Aba't ang lokong ito, ah.
"Pasalamat ka sa phone lang tayo magka-usap kung hindi sasakalin kita."
Dinig ko ang malakas na pagtawa nito na sinabayan sa pagpatay ng cellphone.
Matapos kong bumulong-bulong na pansin kong nakatanaw sa akin si Shien. Umiwas lamang ito ng tingin ng makita ko siya. Marahil iniisip na naman nitong may kausap akong babae ganoon nga siguro kapag minsan ka na nagkaroon ng issue sa iba may marka na sa isipan nilang lolokohin pa rin sila.
"Daddy papasok lang ako sa room natin."
"Alam mo na ba at kabisado?"
"Yes number 649."
"Okay good pero bilisan mo lang."
"Yes dad." Sa paglayo niya lumalapit naman sina Shien at Paolo.
"Come near me, Paolo." akma kong kukunin sa mga bisig ni Elaine pero umiwas ito.
"Papalitan ko lang siya ng damit baka lamigin." Cold. Napakalamig na niya sa akin ano ba ginawa ko? Bakit ba hindi ko na siya mapaamo.
Ugh, Peps come on nagtatanong ka pa. Akala mo ba ganoon lang kadali ang lahat na mapapatawad ka niya kaagad-agad. Ugh.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha na tila wala nang pakialam kung ako ang kasama. I don't think she is carried away by my tenderness anymore. I seem to have a hard time getting close to her life again. It's my fault, I'm a very bad person.
Nahuli niya kong nakatitig sinabayan nito ng irap.
"Sorry, Shien." parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko habang binibigkas ang salitang dapat noon ko pa sinabi.
"Nangyari na ang nangyari kung humihingi ka ng tawad para bumalik huwag mo nang balakin. Masaya na ako, masaya na ako sa ibang lalaki. Pinagbigyan lang kita at pagkatapos nito kalimutan mo na kami."
Nakuha kong ngumisi, "Hindi mo pa nga alam kung ano trabaho ng magulang niya."
"First of all wala akong pakialam at pangalawa hindi ba dapat wala ka na rin pakialam?"
I sigh, "Gusto ko lang bumalik tayo sa dati. Oo, nagawa kitang ipagpalit sa iba tapos iniwan pa nga kita hindi ba pero…nagsisisi na ako Shien sana mapatawad mo ako at bumalik ka na."
"Ganoon lang 'yon?" Tumayo para buhatin si Paolo. "Ano akala mo sa akin na kapag naisipan mong bumalik saka ka babalik? Peps, hindi mo ba nakikita may boyfriend na ako masaya kami at ikakasal. Hindi ba puwede maging masaya ka na lang sa akin dahil sa kabila ng panloloko mo may lalaki pa rin handa akong pakasalan at tanggapin ang anak natin o baka naman, naiinis ka sa sarili mo dahil ang gusto mong mangyari parehas tayong magsusuffer?"
"Hindi 'yan totoo."
"Ano ang totoo? Ahhh…alam ko na siguro kaya gusto mong bumalik tayo sa dati para maiwasan ang chismis at pagkatapos maiwasan din na sisihin mo ang sarili sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo, tama ba?"
Nakuha kong tumayo sa inis. Bahagya man itong nagulat o natakot pero umiwas ito ng tingin.
"Napaka perfect mo naman. Hindi mo ba naisip na kaya kita pinagpalit sa iba dahil sa pagiging immature mo?!"
"Exactly, kaya nga naghanap ka ng mas better sa akin hindi ba? Plano mo pa bumalik at pagkatapos ano? kapag bumalik ako mauulit na naman ang nangyari. Hindi na Peps huwag na lang salamat na lang sa magandang offer kasi sa totoo lang nakakapagod ka, nakakapagod kang mahalin."
She left me. She left me without even waiting for what I would say next. Nagawa ko na lang silang tanawin papalayo.
"Dad?"
"Pauline."
"Nag-away na naman ba kayo?"
"No, sinubukan ko lang pagaanin ang kalooban ng mommy mo pero mukhang mahirap ng bumalik kami sa dati."
"Dad, kaya mo 'yan siguro mas mainam kung kausapin mo ng maayos at pagkatapos gawin mo kung ano ginawa mo noong una pa lang kayo magkakilala."
"Matigas na puso ng mommy mo."
"Dad, makinig ka sa akin mahal ka pa niya."
"Hindi na Pauline hinding-hindi na."
Pareho kami walang kibong naupo at pinagmasdan ang kalawakan ng dagat.
"Sabi sa amin ni Teacher ang problema raw ay parang karagatan hindi nauubos at kung minsan sunod-sunod pero kahit daw ganoon palagi raw namin iisipin na mas malawak ang kalangitan. May chance na matatabunan ng langit ang karagatan."
Medyo weird pero humanga ako sa anak kong ito.
"Dad, kung ako ang papipiliin sana si Mommy Shien na lang makasama mo habang-buhay kasi alam kong sa iyo lang naman liligaya si mommy."
"Hindi na ako ang dahilan, anak."
"No dad alam kong ikaw pa rin ang dahilan siguro naipapakita niya sa atin na masaya siya pero feeling ko talaga mahal ka pa rin niya."
Umusad ako ng kaonti sa tabi nito sabay siko sa kanyang braso.
"Tulungan mo naman ang daddy." Kakamot-kamot kong pakiusap.
"Sus iyon lang ba dad walang kahirap-hirap. Ano ba gagawin ko?"
Sabay namin inilabas ang mapuputing ngipin sa na iisip kong plano.
"MOMMY, after natin kumain puwede ba kami lumabas ni Paolo?"
"Saan kayo pupunta?"
"Diyan lang sa labas."
"Sasamahan ko kayo baka mamaya mawala kayo."
"Hindi na mommy kayang-kaya ko alagaan si Paolo."
"Hindi na Pauline."
"Please mommy?" Sabay silang tumingin sa akin na walang kibo.
"Pagbigyan mo na hindi sila lalayo." sabat ko sa usapan ng dalawa.
Ang plano namin ay lumabas ang dalawang bata pero syempre kasama nila si Desirie na ngayon ay saktong mayroon ka-meeting sa kalapit lugar namin.
"Kapag may nangyari masama sa dalawa hinding-hindi na kita mapapatawad." Tsk, kahit ano naman gawin ko hindi mo talaga ako mapapatawad.
"Yehey!" Sigaw ni Pauline na pumalakpak din si Paolo.
"Hindi kayo lalayo please Pauline."
"Opo, mommy."
"Kung hindi lang masakit ang ulo ko sasama talaga ako."
"Magpahinga ka lang diyan lalabas din naman ako after natin kumain." Sabat ko na naman habang nginunguya ang hipon.
"Basta makinig kayong mabuti sa sasabihin ko huwag lalayo."
"Yes, mommy!" Pasimpleng nag-thumbs up si Pauline sa akin.
Ang plano ay sinimulan namin pagkatapos kumain. Hinatid ko muna sina Pauline kay Desirie at pagkaraan ay bumalik ako para may kunin kunwari.
"Bakit iniwan mo 'yong dalawa?"
"May kukunin lang ako sa kuwarto." Pagkapasok sa pintuan ng kuwarto ay nawalan ng ilaw ang buong bahay na inupahan namin. Dinig kong tumatakbo papalapit sa akin si Shien.
"P-peps…nawalan ng kuryente yata?" hmm...simula na ang plano. Since takot siya sa dilim sisimulan ko na rin.
"Oo nga baka bumalik din kaagad 'yan." Patuloy kong halungkat sa bag hawak ang cellphone na may flashlight.
"P-pupunta ko 'yong dalawa baka umiiyak na si Paolo takot pa naman 'yon sa dilim." inagaw sa akin ang flashlight saka pilit binubuksan ang pinto ng kuwarto.
"Bakit?" Kunwari kong tanong.
"Ayaw magbukas."
Lumapit ako saka pinihit-pihit ang doorknob. "Ayaw nga na lock tayo?"
"Paanong na lock eh nandito ang lock sa loob teka nasaan ang susi?"
"Susi??"
"Oo yong susi ng kuwarto."
"Hindi ko dala."
"Ano?!"
"Relax ka nga tatawagan ko si Pauline." sabay hablot ko sa cellphone pero bigla na lang namatay ang phone. Syempre sadya ko talagang ni-lowbat.
"Anong nangyari bakit namatay ang cellphone mo??"
"Lowbat."
"Ano?!"
"Relax ka nga." Hawak ko sa pulsuhan.
"Huwag mo ako hahawakan." Iwas nito kahit alam kong takot na takot siya.
"Huwag mo isipin 'yong dalawa."
"Anong klaseng ama ka ba huwag isipin samantalang wala ngang kuryente paano kung hindi nila makita dadaanan tapos naligaw?!"
"Puwede ba huminahon ka? Nakita namin si Desirie nakiusap akong bantayan bago ako bumalik dito."
"Sigurado ka ba riyan sa sinasabi mo?!"
"Ayos lang kung ayaw mo maniwala basta ako kampante na ligtas ang dalawang bata."
Nagsimula siyang sumigaw at humingi ng tulong pero kasama talaga sa plano itong ginawa ko. Kasabwat ang isang tauhan para patayin ang ilaw sa kuwarto namin. Kasabwat din ang ilang tao na kung sakaling makarinig ng sigaw ay dedma lang. Mukhang maganda naman ang plano namin ni Pauline.
"Mapapagod ka lang kasisigaw."
"Kaysa naman walang ginagawang paraan 'di ba?" Kumalabog muli ang pinto.
"Tara nga rito maupo ka at ako na bahala diyan." hatak ko sa kanya malapit sa kama. Kunwari pinihit ko ang doormat at sumigaw. "Wala talaga sa palagay ko hintayin na lang natin magka-ilaw at makauwi ang mga bata."
Sa sobrang dilim tumama ang ulo niya sa dibdib ko. Balak yata niyang kalampagin ang pinto pero kasi nakaharang ako kaya ganito ang nangyari.
"Ouch! Umalis ka nga riyan!" pilit akong tinutulak sa gilid pero tinitigasan ko lang ang katawan. "Peps ano ba?!"
Marahan kong hinawakan ang kaliwang pulsuhan nito.
"Kumalma ka muna." Malamig kong tinig.
"Ano ba bumitiw ka nga!" Binitiwan ko naman. "Bukas na bukas uuwi na kami bahala ka na rito!"
Ngumisi ako, "Pero hindi pa puwede dahil isang linggo pa tayo rito."
"Problema ba 'yon eh di bibili ako ng panibagong ticket!"
"Huwag ka na mag-aksaya ng oras dahil nakita ko sa website nila walang available na ticket para bukas o sa mga susunod pang-araw."
"Siraulo ka ba?"
"Siguro." Tatango-tango ko kahit hindi naman niya nakikita.
"Siraulo ka talaga." Matapos muling maglita nito ay hinatak ko ang dalawang braso papalapit sa akin. "B-bitiwan mo nga ako!"
"Ayoko."
"Peps ano ba?!"
"Takot ka sa dilim 'di ba? Huwag mo ipakita sa akin na matapang ka."
"Hindi na ako takot!"
"Talaga?" Itinulak ko ito sa kama dahilan para mapahiga ito. Napalakas yata nagawa ko.
"Napakasama mo! Sa dinami-rami puwede ko makasama bakit ikaw pa?!"
"Dapat lang na ako makasama mo sa gabing ito." Kalmado kong usisa habang nilalapitan siya.
"Anong gagawin mo?" Umaatras ito hanggang maisampa ang paa sa kama.
"Wala akong gagawin kong mananahimik 'yang bibig mo ang ingay-ingay." Pero sa loob-loob ko kinakabahan ako sa posibleng mangyari.
"Diyan ka lang!" may hinahagilap ito sa bulsa and boom may cellphone siya. Bago ito makakontak gamit ang cellphone ay inagaw ko na inaagaw niya ito sa ere habang hawak ko.
"Kapag hindi ka tumigil diyan itatapon ko ito!"
"Ano ba Peps ibigay mo sa akin 'yan para matawagan si Pauline!"
Sa inis ko nagawa ko ang pananakot dito. Ibinalibag ko sa pader ang cellphone na halos mabasag ang screen. Nagmamadali niyang pinulot pero walang buhay itong lumingon sa akin. Kahit paano ay may kaonting liwanag sa kuwarto dahilan para makita ko kung paano siya magalit.
"Napakawalang-hiya mo!" sugod nito.
"Tumigil ka na." Awat ko pero ayaw tumigil kasusuntok sa dibdib ko. "Kapag hindi ka tumigil hahalikan kita!"
"Napakawalang-kuwenta mo! Masamang lalaki ka, manloloko at walang-modo!"
"Itigil mo na nga 'yan sinabi!!"
"Manloloko, barumbado, buwisit, hayop, taran----" I kissed her lips as I threatened. I miss her lip so much. I was so excited for her kiss. I was able to hold both of its hands because it was still resisting but I pushed her behind the door and continued kissing it.
Kinabahan ako sa gagawin niya pagkatapos pero nadala na rin yata ng kapusukan kaya nilalabanan nito ang mga halik ko.
Sabi nila kapag hinalikan mo raw ang isang tao at hindi siya lumaban sa bawat halik mo wala siyang nararamdaman pero kung pareho na kayong nasasarapan marahil pagmamahal 'yon. Ito ang tangi kong dahilan kung bakit nakuha kong ngumiti habang naghahalikan kami. Mahal pa niya ako. Mahal pa rin ako ng babaeng ito.
Pinagtabi ko ang mga noo namin habang naghahabol ng hininga pagkatapos ay muli kong inangkin ang labi nito.
I gave her a strong kiss before taking off her clothes. Nakapaninibago dahil tahimik lamang siyang umaayon sa ginagawa ko. Siguro naman gusto niya rin ito di ba kasi kung hindi lalaban siya.
After I took off her clothes I followed the lower part of it. She himself makes a move for us to go to bed. It seemed as if she jumped on the bed as we lay down together and continued the happy feeling. Parang ganito pa rin dati iyon nga lang itong gabi na ito mayroong pananabik sa isa't-isa. Parang may gusto kaming puntahan at sabay kaming makararating.
"Uhhhh…." Daing niya ng marahan kong pinasadahan ng labi ang buo nitong katawan.
"I will make you happy as before." Pagkatapos kong magsalita hinila niya leeg ko para halikan ang labi ko.
Muli na naman nag-akinan kami ng mapupusok na halik hanggang sa marating namin ang rurok ng kaligayahan. Pareho kaming hinihingal na nakatanaw sa kisame ng kuwarto. Nilingon ko ito, napakapikit pero may luhang tumulo. Pinahid ko gamit ang daliri saka niyakap ng mahigpit.
"I will marry you again." Bulong ko.
"Huwag na Peps." Bahagya akong bumangon. Punong-puno ng luha ang gilid ng mga mata nito ng pagmasdan ko ang mukha. "Hindi ko hinihingi ang pakiusap na pakasalan mo akong muli. Pumayag ako sa gusto mo para na rin tumigil ka. Ngayong nakuha mo na ang gusto mo puwede ka nang umalis at kalimutan kami."
"A-ano ba sinasabi mo? akala mo ba kaya ko ginawa ito dahil----"
"Oo," bumangon saka nakipagtitigan. "Panalo ka na at tanggap kong ako pa rin ang talo sa larong ito. Salamat, Peps. Salamat sa masasayang sandali kaya sana tumigil ka na layuan mo na ako para sa ikatatahimik namin ni Jayson."
"f**k, hindi ko ginawa ito para lang may patunayan. Mahal kita, at mga anak natin. Ginawa ko ito dahil mahal na mahal kita. Gusto kong bumalik tayo sa dati."
"Pero wala ka nang babalikan…"
"Please, Shien. Hiwalayan mo na si Jayson magbalikan tayo at pakakasalan kita."
"Hindi na maaari,"
"At bakit hindi, hindi ka pa naman niya napapakasalan!"
"Ipinagbubuntis ko ang magiging anak namin." Parang binusan ako ng malamig na tubig sa mga sinabi nito.
"Buntis ka??" Namamaos kong usisa.
"Sorry pero huli ka na Peps huwag ka nang umasa na babalik pa tayo sa dati dahil hindi na puwede."
*NOW PLAYING ~ IMAHE by: Magnus Haven