Kabanata 8

2903 Words
"PLEASE, huwag muna kayo uuwi." "Pero tapos na ang isang linggong usapan. Bukas gaganapin ang party sa bahay ng mga Olivares." Hinarangan ko ang pintuan ng palabas ito. "Nakikiusap ako kahit sa huling pagkakataon huwag kayong uuwi." Sa kaloob-looban ko nandito 'yong kaba parang hindi ko kakayanin na ako lang ang makikiusap dito. Habang tahamik si Shien tinatawagan ko si Erdem. "Hello, please tulungan mo ako rito." Bungad ko. "Oh bakit anong nangyari?!" Sinulyapan ko muna ang dati kong asawa bago sumagot, "Ayaw niyang makinig sa akin uuwi na siya pa-Maynila." "Hindi puwede!" "Kaya nga magpunta ka rito!" "Pero may kauusapin kami investor napakahalaga nito." "Erdem, please." "Bakit ba ayaw mo na dapat ikaw ang masunod ha?" Nanamlay ako sa usisang iyon. Simula kasi ng gabing may nangyari sa amin at umamin itong buntis parang nawalan na ako nang gana. Ang hirap kumilos, mag-isip. "Papupuntahin ko riyan si Cedric." "Huwag, huwag mo gagawin 'yan." "Si Zayn." "Isa pang-mainit ang ulo no'n." "Oh sige susubukan kong tawagan si Reign!" "Please, hindi sila dapat makarating sa party." Halos pabulong kong sabi. "Oo, alam ko hintayin mo ang tawag ko." Kaagad kong binaba ang cellphone. "Bakit kailangan tawagan mo si Erdem?" Naiinis nitong usisa habang inaayusan sina Pauline at Paolo. "Hindi nga kasi kayo puwede umalis." "Hindi nga kasi puwedeng hindi." "Nakikiusap ako..." lumapit ako sa kinauupuan nito. "Makinig kang mabuti hindi puwede dahil..." "Dahil?" "Basta." "May dapat ba akong malaman??" "Wala." "Peps." "Wala nga basta nakikiusap ako." Nakaramdam ako ng init sa katawan at parang nahihilo. Lumayo ako saka ibinaba ang cellphone. "Diyan lang kayo." "Ayos ka lang ba?" usisa nito habang papalapit. "Oo maliligo lang ako sandali." s**t, bakit umiikot ang paningin ko. Humawak ako sa doorknob pero pagkatapos no'n ay dumilim ang buong paligid ko. MARAHAN kong dinilat ang mga mata lumingon ako sa bandang bintana mukhang gabi na pero ni anino nila Shien ay hindi ko nakita kaagad akong lumabas. Baka kaya iniwan na nila ako, baka kaya… "Gutom ka na ba??" Usisa ni Shien ng makita ako. "Daddy okay ka na ba??" Yakap ni Pauline. "Ayos naman ako, anak." "No dad nawalan ka ng malay kanina sabi ni mommy nilalagnat ka." Hinawakan ko ang noo para manigurado at tama nga may lagnat ako. "Kumain ka na rito para makainom ng gamot." Hatak ni Shien sa upuan. Pinagmasdan ko si Paolo na kumakain bago ako senyasan ni Shien na maupo na. "Baby, sarap naman ng kain mo." Pansin ko sa aking bunso. Ngumiti ito saka ako inabutan ng ulam na nuggets. "Thank you, anak." "Bukas na lang kami uuwi kung gusto mo sumabay ka na." Sabat ng ex-wife ko. "Hindi muna ako uuwi masama pa pakiramdam ko." "Sino kasama mo rito?" "Ako na lang bahala." "Hay, okay bahala ka." "Nasaan nga pala ang cellphone ko?" "Nandoon sa kuwarto. Tumawag nga pala si Reign papunta siya rito ngayon sabi ko nga ay huwag na dahil pauwi na rin tayo pero pinipilit niya ang gusto." "Baka nag-aalala lang." "Sayo??" "Siguro." Kibit-balikat ko. "Bakit siya mag-aalala sa iyo?" "Dahil may sakit ako." Sumimangot bigla saka nagpatuloy sa pagkain. "Daddy huwag ka mag-alala hindi pa naman kami uuwi sabi ni mommy. Alam mo ba nag-aalala siya kanina no'ng nawalan ka ng malay." Bulong ni Pauline. "Pauline ano ba naman 'yan kumakain 'di ba?" Mataray nitong sabi. "Sorry po." Pero kaagad siyang bumulong muli. "Mahal ka pa kasi ni mommy ayaw mo lang maniwala sa akin." "Anak…" naiinis na tawag ni Shien. "Sorry po mommy may sinasabi lang ako kay daddy masakit daw po kasi ulo niya at nahihilo." Matapos magsinungaling ng anak ko kaagad tumayo si Shien at nilagyan ng pagkain ang plato ko. "Kumain ka na kasi para makainom ng gamot." Napagmasdan ko ang mukha nito na tila nag-alala. "Salamat," sabi ko ng makaupo ito sa puwesto. "Kumain na." Nakita kong nag-thumbs up na naman si Pauline. Lokong bata, kanino nga ba nag-mana ito. Hays, pero ang totoo masakit talaga ulo ko. Maya-maya may kumakatok sa pintuan tumayo si Shien para buksan. "Friend!" Yakap nila sa isa't-isa. "Nasaan si Peps?" "Siya talaga una mong hinanap hindi mo man lang tinanong mga inaanak mo." "Ay, sorry na excite lang." "Bakit ka ma-e-excite??" "Kasi may sakit siya malamang wala mag-aalaga." Lapit sa akin ni Reign. "Bakit ano ba sa palagay mo sa akin walang-kuwenta?" "Ha? Wala akong sinasabi na ganyan." Kindat ni Reign. "Pababayaan ko ba 'yan ha?" Sunod sa kaibigan. "Hindi nga ba at enemy kayo?" Ayos nito nito sa buhok ni Shien na kaagad din umiwas. "Pananagutan ko kung ano mangyari sa kanila." Balik nito sa kinakain. "Pero alam kong matigas ka baka hayaan mo lang si Peps na mamatay sa harapan mo." "Nakakainis ka!" Imbis tumigil si Reign sa panunuya rito ay nagpatuloy lang sa pagsasalita ng kung ano. "Mag-usap muna tayo sandali." Seryosong sabi ni Shien patungong kuwarto. "Tingnan mo daddy nagseselos siya kay ninang." "Baka mainit lang ulo." Komento ko. "Tingin ko hindi." "Wala ka pa alam sa selos-selos na ganyan, anak." "Mayroon kaya tingnan mo si mommy nagseselos talaga sa inyo ni Ninang Reign." "Iba na mahal ng mommy mo at hindi na ako." "Si Tito Jayson ba?" "Huwag mo nga tinatawag na tito 'yon." "Weh? Nagseselos din si daddy." "Malamang, sino ba hindi magseselos." "Mahal mo pa nga talaga si mommy." "Sobra." Bago magsalita si Pauline lumalabas na 'yong dalawa. "Peps, pumayag si Shien na hindi muna kayo uuwi tatawagan na lang daw niya si Jayson." "Ako na tatawag na sira kasi cellphone niya." "Okay kayong bahala pero bago 'yon puwede makikain?" Hindi pa nga sumasagot naupo na kaagad sa upuan. "Lilinisan ko muna ang dalawang bata." Paalam ni Shien akay ang dalawang bata. "Alam ba ni Cedric tungkol dito?" Simula ko. "Huwag ka mag-alala sikreto lang natin ito at isa pa, magagalit 'yon kapag nalaman niyang nasa bingit ng kamatayan ang asawa't-anak mo." "Salamat, Reign." "Wala 'yon pero i-kuwento mo naman sa akin ano ba talaga mangyayari bukas?" Iyon na nga kinuwento ko sa kanya mula una hanggang huli. "TAMA lang ang desisyon mo para sa pamilya mo pero hindi talaga ako mapakali sa Shariffa na 'yon eh sarap sampalin." Nandito kami ngayon sa tabing-dagat naglalakad-lakad matapos nitong kumain. Samantalang nasa kuwarto na sina Shien at dalawang bata para matulog. "Hinayaan ko na nagdurusa na rin naman siya." "Pero matindi ang pagsisisi mo ngayon." "Sinabi mo pa," humarap ako sa karagatan sabay langhap ng sariwang hangin. "Kung puwede lang ibalik ang nakaraan gagawin ko pero hindi na puwede." "Alam mo puwede naman, eh." Kapit nito sa braso ko. "Kung ikaw nga may anak sa ibang babae na tanggap niya eh siya pa magkaka-anak sa iba syempre matatanggap mo 'yon 'di ba?" "Oo naman pero ang hindi ko kayang tanggapin magkakaanak siya tapos iyon din ang pakakasalan niya." "Pinapahirapan mo naman sarili, eh. Isipin mo kayo nga kinasal pero naghiwalay, sila pa kaya na hindi pa kasal at malaki ang pagkakataon hindi pa matuloy. Masyado mo kasi dinidibdib ang problema puwede naman kasi mag-isip." "Hindi ba masyado nang kumplikado?" "Nandiyan ka na mag-aalinlangan ka pa ba?" "Iniisip ko ang mga bata na dadamay sila sa problema namin dalawa." "Manalangin ka, Peps." "Dinidinig pa ba niya ako?" Langhap ko muli sa hangin. "Tumatawag ka ba?" Medyo pahiya ako sa tanong na 'yon. "Simulan mo tumawag sa kanya sigurado diringgin ka." Nagpakawala ako ng sunod-sunod na buntong-hininga. "Ano kaya kung sumuko na ako?" "Pagod ka na?" "Hayaan ko na lang kaya sila tutal naman ako rin may kasalanan kung bakit nakahanap siya ng ibang mamahalin. Dapat nga pagdusahan ko ito dahil niloko ko siya. Sa tuwing na iisip ko ang lahat para akong nilalamon ng lupa." "Hay, Peps simula pa lang noong una hangang-hanga ako sa tibay ng samahan ninyo. Minsan iniisip ko kung nagkaka-problema pa ba kayo pero ngayon sobrang kumplikado." "Simula ng dumating si Pauline sa buhay ko saka kami nasira pero alam mo imbis na mainis ako humanga ako sa kanya dahil tinanggap niya ang anak ko kay Zen." "See? napaka swerte mo sa kaibigan ko. Ikaw lang, eh. Hindi ka na kontento." "Nandoon na nga tayo nagsisi na ang tao dapat umaksyon ako." "Hmmm…pero teka!" "Oh?" "Bukas kamo i-a-ambush 'yong Olivares family 'di ba?" "Oo." "Malay mo masama si Jayson sa mamatay, Ha-ha-ha." "Tsk, sira pero alam mo na isip ko rin 'yan. Kapag namatay si Jayson mapupunta sa akin si Shien." "Oh 'di ba?" "Pero huwag muna tayo magdiwang hanggat walang nangyayari." "Malalaman bukas." "Oo nga saka mainam na rin 'yong nasira cellphone niya ng hindi matawagan si Jayson." "Tara pasok na tayo." I nodded bago namin tahakin ang pauwi sa bahay na inupahan namin. "KAPAPASOK lang ang balita na ambush ang sinasakyan ng kilalang Superintendent Olivares kasama ang kanyang pamilya na si Mrs. Diana ,at Mr. Jayson. Sa kasamaang palad dead on arrival ang senior superintendent habang ang kanyang Mrs at anak na lalaki ay kasalukuyang nagpapagaling sa private hospital. Iyan ang unang update magbabalik kami ilang sandaling patalastas." Kabungad-bungad pagbukas ko ng telebisyon. Kasalukuyan kami kumakain ng agahan. Galing sa kusina si Shien ng matapos ang balita. "Anong sabi sa balita?" Nagkatinginan kami ni Reign. "Mommy, si Tito Jayson ba 'yong binalita?" Huu ang anak kong madaldal. "Si Jayson bakit?" "May nag-ambush daw sa kotse nila?" Parang hindi sure ang madaldal kong anak. Nabitiwan ni Shien ang platong hawak. Kaagad niyang kinuha ang cellphone ko sa divider. Pipigilan ko sana pero nauna lang ako. "Anong ibig sabihin nito Peps?!" Bulyaw nito ng may binasa sa phone. "Anong patay na si Superintendent Olivares?!" Nagkatinginan kami ni Reign na kaagad lumapit sa kaibigan. "Na ambush ang sinasakyan nila papuntang party. Friend, nasa mabuting kalagayan naman ang boyfriend mo." "Hindi! Anong--- may ibang message sa cellphone! Sinong Leader yong nagtext sa iyo na pinauuwi ka dahil na tapos nila ang planong ambush kay Olivares. Ano ito Peps may kinalaman ka ba rito?!" Lagot nalaman na niya. "Friend wala...." "Huwag na Reign tutal nalaman na niya dapat niyang malaman." "May kinalaman ka nga!" "Oo," "Hayop ka, Peps!" balibag niya sa mga gamit. Nakuhang ilabas ni Reign ang dalawang bata habang pinagbabato ako ni Shien. "Hindi ka na naawa sa akin pati ba naman si Jayson gusto mo pa ipapatay!" "Makinig ka sa akin huwag kang umasta na akala mo patay na talaga ang lalaking 'yon!" "Paano mo nasasabi 'yan ha?! Paano mo nagagawa sa akin ito, Peps!" "Pakinggan mo kasi ako hindi 'yong---" "Ayoko nang makinig sa iyo. Ayoko nang maniwala sa mga sasabihin mo." Takip nito sa magkanilang tainga. "Miyembro ako ng gang, Shien." Panimula ko kahit pilit ayaw makinig. "Ang miyembrong sinalihan ko may personal na galit sa mga olivares at iyang planong ambush alam ko 'yon saka ko lang din nalaman na 'yang boyfriend mo anak pala ng senior na 'yon." "Ayoko na maniwala sa iyo.…." "Shien..." "Sinungaling ka, Peps. Manloloko ka, ayoko ng matiwala sa iyo." Susundan sana sina Reign pero pinigilan ko. "Huwag ka na bumalik sa lalaking 'yon masama ang pamilya nila. Isang drug lord ang tatay niya kaya nakuhang ipapatay siya ng leader namin. Walang personal na galit ito mula sa akin huli ko na nalaman ang buong katotohanan." Bumabaha ng luha ang kabuuan ng bahay. Halos ayaw na niya akong tingnan sa sama ng loob. Nasasaktan ako sa nakikita ko. "Tama na Peps. Tama na…" "Shien, nakikiusap ako iwan mo na siya ako na lang ulit ako na lang ang mahalin mo muli." "Paano pa kita babalikan kung patong-patong ang ginawa mong kasalanan. Paano pa kita pagkakatiwalaan kung ang tiwalang 'yon nagkalamat na. Peps, umasa ako. Umasa ako na darating ang araw na magiging okay pa tayo na mamahalin mo pa rin ako pero hindi, hindi ko alam na ganito, ganitong sitwasyon. Sorry na lang pero pagod na ako. Pagod na pagod na pagod na akong mahalin ka." Ang sakit. Parang masakit pa yata ito sa mga unang nangyari. Isipin ko pa lang na papagod na siya tapos marinig ko mula sa kanya ang salitang 'yon parang unti-unti bumabaon sa puso ko. Kailangan ko na nga ba talaga siyang bitiwan? Kailangan ko na ba talaga sumuko? "Isuko mo na ako." Nakikiusap nitong yakap sa akin. "Pareho lang tayo nahihirapan baka hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa." Wala nang iba pangsinabi hanggang iwan ako mag-isa. Ito ba 'yong sinasabi ng iba kapag tuluyan kang iwan ng taong mahal mo magagawa maging manhid na lang. Iyong tipo inaasahan mo ang pangyayari na ito? "WALA ba balita sa kanya?" Paulit-ulit kong usisa kay Erdem. Lumipas ang limang buwan simula ng magkahiwalay kami ni Shien palagi na lang ganito ang bukambibig ko. Kung kumusta na siya at kailan ito magpapakita sa barkada. "Move on na Peps hindi mo ba na balitaan kinasal na si Jayson?" Alam ko naman 'yon kaya lang ayaw kasi tanggapin ng utak ko. Ikinasal si Shien kay Jayson. Ikinasal sila. Natuloy. Nagpakalayo-layo. "Masaya na siya." Halos pabulong kong sabi. "Ganyan ka naman, eh. Sa loob ng limang buwan wala kang tigil kahihintay sa taong kailanman hindi na babalik. Bakit kasi hindi mo subukan maghanap ng iba? hindi ba diyan ka naman magaling?" "Tsk." "Peps, ano ba gusto mo mangyari habang buhay ka magdudusa sa mga pagkakamali mo? hindi mo ba alam nakapagsimula na si Shien pero ikaw hanggang ngayon nandito pa rin." "Paano ba kasi," "Ayaw mo kasi buksan ang isipan mo. Masyado mo sinasayang ang araw at oras. Grow up, Peps. Kung gusto mo talaga mag-move on sumama ka sa akin." "Kung sa bar lang huwag na." "May ipapakilala ako sa iyo." "Ayoko." "Dios ko, ano magiging matandang binata ka na lang ba talaga?" "Kung iyon ang plano ng Dios." "Baka naman hindi. Baka mayroon siyang plano kaya tara na sumama ka." "Ayoko talaga." "Kapag sumama ka hinding-hindi ka magsisisi." Ugh, ang kulit. "ANO PEPS sabi ko sa iyo marami ka makikitang magagandang dalaga rito." Simula ni Erdem ng makapasok kami sa loob ng bar. "Sino ba nagsabi dalaga hanap ko? Hoy, matanda na tayo walang papatol sa atin na mas bata." "Sino nagsabi?" Boses ng babae kumapit sa balikat at braso ko. "Dalaga ako pero type kita. Ilan taon ka na ba? baka naman hindi tayo nagkakalayo ng edad." Nagkatinginan kami ni Erdem. "Sorry, miss." Alis ko sa mga kamay nito na kanina pa gapang nang gapang. "Bakit??" "Hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin." Bulong ko. "Ano ba 'yan!" Sabay nilayasan kami. "Dios ko, Peps hindi ka nga magkakaroon ng asawa kapag ganyan palagi sinasabi mo. Wala sa edad kung magmamahalan ka nasa magandang pagsasama 'yan, dude." "Kapag may nakita akong tulad ni Shien baka puwede pa." May nagkabasag na bote malapit sa puwesto namin. Paglingon mayroon isang lalaki, at isang babae nakatayo sa tapat ng table ng isang lalaki na pinalilibutan ng babae. "Babe, ito ba 'yong lalaking nanloko sa iyo?" Usisa ng lalaking nakatayo. "Oo siya nga." "Wow, nagdala ka pa ng bayaring lalaki para magpanggap na boyfriend ha. Uy, hindi na uso sa akin 'yan gasgas na sa akin 'yan." Maangas na sabi ng lalaking babaero. "Matagal na niya akong boyfriend baka ikaw ang nagkakamali niloloko ka lang pala ng girlfriend ko at kaya lang naman siya nagsumbong dahil sinaktan mo siya!" "Ha-ha-ha! Gasgas na rin sa akin 'yan. Alam niyo mabuti pa umuwi na kayo baka sakali may mangyari at mabuntis mo 'yan, hindi ba girls?" Sabay-sabay nagsang-ayon ang mga babaeng kasama. Sa inis sinipa ng lalaki ang lamesa at ito ang naging ugat ng gulo sa loob ng bar. "Lumabas na tayo." Hila ni Erdem pero hindi ako nagpatinag. Diretso kong ininom ang alak kasabay no'n muling bumalik ang ala-ala namin ni Shien. Panahong niloko siya ni Wesley at nagpaka-Hero ako sa kanya. Nakakapanghina ang mga nangyari sa buhay ninyo tapos makikita mo sa ibang tao. Mapanukso ang kapalaran sa totoo lang. Pilit mong kinakalimutan biglang may maaalala ka o makikitang related sa kanya kapag naman gusto mo siyang alalahanin ni katiting na pangyayari wala kang maalala. So weird. "Umuwi na tayo." hindi ko na nilingon pa si Erdem ang importante makalayo ako sa lugar na ito. Sa paglalakad may nakabunggo akong lalaki. Pamilyar siya hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Papalayo na sana ako ng magsalita ito. "Peps Victoria?" Humarap ako sa nagsalita. "Ikaw nga, ang ex-husband ni Shien." saka ko lang naalala kung sino siya. "Jayson Olivares." "Ako nga tama ka. Teka, kumusta ka na?" "Close ba tayo para tanungin mo ko ng ganyan?" "Ow, wait sorry mainit pa rin ba ulo mo sa akin? Sorry ha kung sa akin pa rin bumagsak ang ex-wife mo pero ayos lang yon at least never siyang nag-suffer sa feeling ko." "Talaga ba?" "Oo. Saan ka ba pupunta uuwi ka na ba?" "Oo," "Bakit hindi mo ako saluhan uminom?" "Hindi na." "Sige na may ikukuwento ako tungkol sa anak mo." "Kay Paolo." "Oo kay Paolo nga." Napilitan akong sumama ritong uminom habang si Erdem nasa kabilang table pinanuod ang kilos ni Jayson. "Congratulations nga pala kinasal na kayo ni Shien." "Salamat pero hindi naman natuloy kasal namin malaki na kasi tiyan niya ayaw niyang magsuot ng gown na malaki ang tiyan." "Hindi pa kayo kasal kung ganoon." "Oo pero sa bahay na sila nakatira ni Paolo. Masarap ang buhay niya ngayon dahil nasa bahay lang. Hindi ko siya pinaglilinis, o pinagluluto dahil may sarili kaming katulong." "Kasambahay." pagtatama ko. "Kasambahay nga. Ito nga 'yong sasabihin ko sa iyo nakatutuwa si Paolo dahil tawag niya sa akin ay daddy na rin." Naikuyom ko ang kamao. "Kapag may time puwede mo ba ipakita sa akin ang anak ko?" Pigil ko sa galit. "Oo naman ikaw ang tatay no'n kaya lang medyo maninibago ka dahil hindi ka niya kilala. Siguro nga ganoon ang bata habang lumalaki kung sino lang nakasasama sa bahay iyon lang ang kilala. " "Kapag nakita niya ako makikilala niya kaagad kung sino ang daddy niya." Komento ko. "Kung ganoon malalaman natin." Inubos ang alak na halos nakalimang bote. "Paano mauna akong umuwi baka hinihintay na ako ng asawa't-anak ko." Muli na naman kumuyom kamao ko pinigilan lang ako ni Erdem na ngayon ay nakatayo na. Sinabayan namin lumabas si Jayson. Ngunit maraming tao nagsipasok at labas kaya nagkahiwalay kami ni Erdem samantalang nauunang maglakad si Jayson. Nilingon niya ako na may ngisi sa labi hanggang sa maramdaman kong may tumusok sa tagiliran ko na kung anong matulis na bagay. Mainit na likido ang nahawakan ko sa tagiliran hanggang marinig ko ang boses ni Jayson. "Subukan mo nang tumakbo papuntang hospital siguraduhin mo hindi ka dead on arrival tulad sa nangyari kay daddy." "A-anong---" "Hayop ka Peps mabuti na lang nakita kita. Pinatay mo ang daddy ko kaya dapat ikaw din mamatay!" Lalo nitong binaon ang hawak na bagay bago hugutin at tawanan ako ng malakas. "Haaaayoopp kaaaaa…" huling sigaw ko bago mawalan nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD