I FORGOT ako nga pala bida sa story na ito. Akala ko kapag nasa bingit ng kamatayan diretso na sa hukay. Marahil masamang-damo ako. Sa dinamirami kong nagawang kasalanan niligtas pa rin ako ng Dios at binigyan ng isa pangkakataon na mabuhay.
Pinaghahanap pa rin si Jayson ng kapulisan at mukhang isinama pa ang pamilya ko. Ito ang dahilan kung bakit nakiusap ako kay Cedric na tumulong sa paghahanap dahil sa totoo lang hindi na yata kakayanin ni Erdem, at Zayn na sila lang ang kikilos lalo ngayon kailangan ko pa magpagaling ng husto.
Katakot-takot na sermon ang narinig ko sa kanya kesyo bakit kailangan sumali pa sa gang. Noong oras na 'yon parang na tauhan ako ng sobra parang ginising nito ang natutulog kong isip. Humarap siya sa leader namin para makipagkasundo na hanapin din si Jayson since hindi pa rin tumitigil ang leader na patayin ito dahil ito mismo ang nagpatuloy sa kalakaran ng droga na iniwan ng kanya ama.
"Sana bago ninyo mahanap ang pamilya ko gumaling kaagad itong sugat."
"Basta huwag ka pasaway daddy gagaling kaagad 'yan." Komento ng anak ko.
"Miss na miss ko na ang mommy at kapatid mo."
"Ako rin dad pero dapat magpagaling ka ng husto para kung mahanap sila makasasama ka."
"Hay naku, nag-usap na naman ang mag-ama." Sabat ni Desirie.
"Tita Desirie ikaw na muna bahala magbantay kay daddy." Pakisuyo ni Pauline.
"Aba, talagang matanda na kung mag-isip anak mo, Peps."
"Siya nga parang ako pa dapat mag-adjust sa ugali ng batang ito." sabi ko.
"Napaka-swerte mo dahil kahit wala sina Shien at Paolo may mag-aalaga sa iyo."
"Sobrang swerte talaga." Matapos kong magsalita pumapasok sina Cedric, Reign, Zayn, at Erdem.
"Ano?" Maangas na usisa sa akin ni Ced.
"Ano rin?"
"Magpagaling ka ng husto."
"Alam ko."
"Pero bawal ka sumama sa amin."
"Saan kayo papunta?"
"Nakita na namin kung saan nagtatago si Jayson kasama ang mag-ina mo ngayon pa lang nagpla-plano na kami sumugod." Paliwanag ni Erdem.
"Oh, teka bakit hindi ako kasama?!" Atungal ko.
"Peps, you need to rest." Reign's said.
"Pero ayos na ako kailangan din ako ng mag-ina ko. Hindi naman puwedeng wala ako doon."
"Makinig ka na lang puwede ba?" Zayn's irritated.
"Hindi ako makapaghihintay dito na wala man lang gagawin."
"May gagawin ka iyon ay ang maghintay."
"Pero---"
"Palagi mo na lang ipinipilit ang gusto kaya may nadadamay dahil sa iyo, eh. Puwede ba kahit ngayon lang magpaka-matured ka?!" Alingawngaw ang boses ni Ced.
Napapikit ako sa inis. Bakit ba palagi na lang ako mayroon mali. Kasalanan ko ba kung gusto kong makita ang mag-ina ko.
"Desirie, ikaw na muna bahala sa kanya isasama ko sa bahay si Pauline." Utos ni Reign na kaagad tumango si Desirie.
"Magpakatino ka kung gusto mo pa sila makita." Huling sabi ni Cedric bago sila magsilayasan at kami na lang naiwan ni Desirie.
Wala akong magawa. Hindi pa kasi gaano humihilom ang sugat ko sa tagiliran. Badtrip, kung hindi nangyari ito malamang makasasama ako.
"May kukunin lang ako saglit sa kotse."
"Sige."
"Huwag mo ako tatakasan."
"Ano hindi naman ako makaaalis dito kung ganito sitwasyon ko."
"Pero masyado ka kasi mautak."
"Tsk, sige na umalis ka na bilisan mo lang." Bago ako saniban ng demonyo at takasan nga kita.
"Sinasabi ko sa iyo kapag tumakas ka hinding-hindi ka tutulungan nila Cedric para hanapin pa ang pamilya mo."
"Oo na, oo na."
Sumenyas ito paturo sa mata saka itinuro sa puwesto ko. Ugh, badtrip.
Lumipas ang tatlong minuto dumating si Desirie may dala itong prutas saka ibinaba sa side table.
"Gusto mo ba kumain ng saging?"
"Saan ba nila nakita si Jayson nagtatago?" Bago ko sa usapan.
"Malay ko wala akong alam."
"Puwede bang wala?!"
"Oo naman lalo kung ikaw magtatanong."
"Desirie, please. Kailangan kong magantihan ang Jayson na 'yon."
"Ipaubaya mo na lang sa kanila ang lahat. Wala ka ba tiwala sa kakayanan ng mga kaibigan mo?"
"Mas mainam kung nandoon ako. Hindi natin nalalaman kung may plano si Jayson o wala."
"Eh kung mayroon si Cedric na bahala. Malaki ang tiwala kong maiuuwi nila ng ligtas ang mag-ina mo. Kumain ka na nga lang."
"Hay, nakaiinis naman."
"Mabuti pa magpagaling ka ng husto."
"Paano ako gagaling kung may iniisip akong problema."
"Eh di huwag mo isipin."
"Ang sarap mo kausap, grabe."
"Thank you." Nakalolokong ningitian ako.
HATING-GABI dumarating sina Reign, Roselle. Bumalikwas ako sa sobrang tuwa baka kasi may balita na tungkol kina Shien at Paolo.
"Ano….anong balita nakauwi na ba sina Shien at anak ko?" Pilit kong tayo sa kinahihigaan.
"Nakatakas daw si Jayson." tila nawalan ng pag-asang tugon ni Ulan.
"Nakatakas? pero nasaan sina Shien?"
"Kasama niyang tumakas."
"Ano? ano ba hinuli ba talaga nila 'yong gagong 'yon bakit nakatakas pa!"
"Tingin nila may tumimbre sa lokong 'yon."
"Teka at sino naman titimbre sa kalaban natin eh samantalang Lucifer kingdom ang sumugod."
"No, actually nagsama sila ng mga pulis sa mismong hide out."
"Ano?!" Napahawak ako sa sugat. "Bakit kayo humingi ng tulong sa mga pulis!"
"At bakit hindi?" siyang kapapasok lang ni Cedric kasunod nila Zayn, at Erdem.
"Hindi niyo ba alam na may pumapanig pa rin sa mga Olivares kahit patay na ang senior nila! Buwisit, malamang mayroon pulis sumama sa inyo o nakaalam na susugurin niyo ang hide out ng lalaking yon. Huwag kayo basta-basta magtitiwala kahit na kanino lalo sa mga pulis officers."
"Pero ni-recommend sa akin 'yon ng mga atty namin." Katwiran ni Erdem.
"Kainis, kahit na nga ba."
"Puwede kumalma ka muna gagawa ulit ng paraan si Erdem mahanap lang ang pamilya mo." Sawsaw ni Zayn.
"Siguraduhin ninyong walang pulis dahil kapag ako na inis ako mismo hahanap sa hayop na Jayson na 'yon." Nawalan ng kibo ang lahat at tila nag-iisip ng gagawin.
Wala akong maisip na iba pa lugar na maaari nilang taguan. At isa pa, kung matalino si Shien dapat hindi na siya sumama sa lalaking 'yon, ano patay na patay siya doon tsk.
LUMIPAS pa ang dalawang linggo. Gumaling na ang sugat ko pero until now wala pa rin balita. Naghihintay pa rin kami baka sakaling magawan ng paraan ni Erdem since diyan siya magaling sa hanapan.
"May iba pa ba silang lugar na maaari nilang taguan?" Nakipagkita ako sa dati namin leader para makahingi ng information.
"Mayroon sa Batangas, Cagayan, Ilo-ilo."
"Malamang nandiyan sila."
"Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ang grupo walang kapalit."
"Salamat, alam mo hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong sa dami kasi ng nangyayari."
"Ayos lang 'yon tatawagan kita kapag mayroon na akong balita. Magpapadala rin ako ng mga sniper sa tatlong lugar na 'yan."
"Maraming salamat."
"Paano mauna na ako."
"Sige mag-iingat ka."
PAGKALIPAS PA NG limang buwan. Wala sa tatlong lugar ang kinaroroonan ni Jayson in short walang nagawa ang dating leader namin at si Erdem na palagi ginagawa ang lahat. Sa limang buwan na lumipas nanganak na si Shien, at panigurado mahihirapan siya dahil nagtatago ang mga ito sa batas.
Mayroon akong kinuhang private police. Hindi saklaw ng mga Olivares. Ang totoo magagaling sila, siguro isang linggo pa lang nagsisimula at pagkatapos binibigyan na nila ako ng mga maaari nilang puntahan.
"Gotcha!" Sigaw ni Erdem matapos pindutin ang keypad ng laptop. "Alam ko na kung saan natin sila makikita."
"Talaga???" Lapit ko rito.
"Here nasa bandang Batanes sila pero hindi natin mapupuntahan ang lugar dahil nandoon ang tama ng bagyo siguro mas mainam palipasin natin ang ilang araw."
Tumutunog ang cellphone ko.
"Hello."
"Mr. Victoria may lead na kami kung saan nagtatago si Jayson. Nasa batanes sila at mayroon akong ipapasa sa email ninyo ng ibang picture at video na kuha ng mga kapit-bahay nila last week lang."
"Sige hihintayin ko." Pinatay ko ang phone hinagilap ko ang laptop saka binuksan ang email. Tumagal pa ng ilang segundo bago maka-receive ng email.
"Sino 'yan?" Usisa ni Erdem ng buksan ko ang isang larawan. "Teka nagpakalbo si Jayson."
"Tama ka,"muli kong binuksan ang ibang larawan kasama sina Shien at Paolo. Ang laki ng ipinayat ng dati kong asawa. Mababakas sa katawan nila ni Paolo ang ilang pasa at sugat sa katawan.
"My god, bakit nagkaganito si…" nahinto siya ng mabuksan ko ang video.
Kitang-kita namin kung paano bugbugin ni Jayson ang mag-ina ko. Marahil matagal na itong kuha dahil buntis pa siya pero ang ipinagtataka ko wala sa bagong larawan ang baby nila.
May na send pa isang voice messge.
"Iyan ang nakalap namin impormasyon tungkol sa buhay ni Jayson kasama ng ex-wife mo. Nakapanganak naman si Shien pero after isang linggo namatay ang bata dahil mismong si Jayson ang pumatay. Hindi po kayo maniniwala sa sasabihin ko pero inihulog niya sa bangin ang sanggol. Wala pa akong ideya kung bakit nagawa niya 'yon pero sa palagay ng mga kapit-bahay nila may tama sa utak ang lalaki."
Pinatay niya ang sarili nitong anak?!
Anong----
"Erdem."
"Hmm…"
"Sa lalo madaling panahon kailangan natin mahanap ang Jayson na 'yon baka pati pamilya ko patayin niya." Naglalaban ang mga ngipin ko sa galit.
"Kauusapin ko ang mga kapit-bahay nila baka sakaling makahingi tayo ng update kung ano nangyayari sa kanila." Tumayo ito at tila abalang may tinatawagan.
Napapakuyom ako sa galit.
Kung sana sumama sa akin si Shien hindi nila mararanasan ito. Kung sana hindi ko nakita ang hayop na Jayson na 'yon hindi ako masasaksak at itatakas ang pamilya ko. Aba ba naman si Shien may sarili siyang utak para layuan at iwan ang gagong 'yon. Ano ba binabalak niya? gusto ba niyang mamatay silang mag-ina sa kamay ni Jayson.
"Peps," lumingon ako. "May contact ako sa isang tao nakausap ko siya at handa niya tayong tulungan. Ibinigay niya sa akin ang account niya para makapag-video call."
Sumenyas akong tawagan ang naturang tao pagkaraan ng ilang segundo sinagot ng isang babae ang video call.
"Sabihin mo sa akin gaano kalayo o lapit ang bahay mo sa tinitirhan nila!" Pabulyaw kong usisa.
"Peps, easy lang."
"Mga dalawang bahay pa bago sa amin saka palagi lang sila nasa loob ng bahay…" nawawala ang signal niya. "K-kung---gusto ninyo ay pupunta ako ngayon."
"Ano nga pala name mo?" Usisa ni Erdem.
"Delma na lang, pabugso-bugso ang ulan pero magagawa kong makapasok sa loob ng bahay nila dahil pamangkin ako ng may-ari ng inuupahan nila."
"Ang akala ko ba ay sa kanila ang bahay na 'yon?" Umiling ito sa tanong ko.
"Sa tita ko 'yon."
"Kung ganoon magagawa mong kuhaan ng video ang loob ng bahay nila para makasigurado tayong nasa maayos lang ang pamilya ko?"
"Oo naman basta huwag kayong maingay hawak ko lang ang cellphone para hindi sila makahalata." Sabay kami tumango ni Erdem bago ito kumilos patungo nga sa tinutuluyan nila Jayson.
Matinding kaba ang inabot ko. Katakot-takot na panalangin ang nagawa ko upang huwag lang mahuli ang babae. Pagpasok pa lang sa bahay mababakas ang malungkot na awra. Wala gaanong gamit sa bahay, hindi nakabukas ang mga ilaw maliban sa mga kandila sa lamesa. Pansin ko ang malakas na hangin nagmumula sa labas ng bahay. Pero ang hinahanap kong sina Shien at Paolo ay wala.
"Nasaan ang asawa't-anak mo?" Umpisa ng babae.
"Nasa kuwarto natutulog na bakit?"
"May ibibigay sana akong pagkain baka kasi hindi pa kayo kumakain lalo ngayon walang stock dito."
"Hindi na bale busog naman sila."
"Kumain na??"
"Kagabi pero sabi busog pa raw sila."
"Ganoon ba sayang pero hayaan mo dadalhin ko rito para kung magutom sila ay may makakain."
"Ikaw ang bahala."
Hindi namin kita mukha ni Jayson dahil sa isa nakatutok ang cellphone.
Maya-maya lumalabas ang babae saka bumalik sa puwesto niya kanina.
"Hello Hello nandiyan pa ba kayo?"
"Oo."
"Babalik ako mamaya para maghatid ng pagkain."
"Salamat, puwede ba ako makahingi ng pakiusap sa iyo?"
"Ano 'yon?"
"Puwede mo ba ibigay ang cellphone sa asawa ko gusto ko siyang makausap."
"Susubukan ko hindi kasi pumapayag si Jayson pahawakan ng cellphone ang asawa mo."
"Subukan mo lang nakikiusap ako."
"Sige tatawag akong muli kapag papunta na sa bahay nila."
"Maraming Salamat."
Nawalan na ng signal ang kausap ko hanggang sa mamatay na lang kusa.
"Hindi ko naisip na maaaring sinasaktan talaga ni Jayson ang mag-ina mo look kahit sa pagkain ay parang kulang na kulang sila."
"Hayop siya!"
"Huminahon ka pa rin Peps."
"Paano ako hihinahon kung ganito ang nangyayari sa pamilya ko. Bukas na bukas papatawag ko lahat ng kilala kong pulis pati na rin ang ibang kasama ko dati sa gang hindi na ako makapaghintay na patayin si Jayson."
"Delikado baka bukas pa ng gabi alis ng bagyo."
"Wala akong pakialam!" Napapahilamos na lang ako, "Ang importante rito mauna tayo baka kung babagal-bagal kilos natin baka kung ano mangyari sa kanila. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili kapag ganoon ang nangyari."
"Sige kami ng bahala sa iba pang gagawin bukas na bukas magpupunta tayo ng batanes." I nodded bago sagutin ang video call ng babae.
Papasok ito sa loob ng bahay. Inabot kay Jayson ang pagkain pagkatapos ay nagpaalam kung puwede ay makita ang mag-ina ko. Noong una ayaw pumayag pero dahil nakiusap ito kahit sandali ay binigyan siya ng isang minuto.
Pagpasok sa kuwarto walang ilaw at tanging liwanag ang kandilang nakapatong sa side table.
"Shien, may gustong kumausap sa iyo." Sabay abot dito ang cellphone na hawak.
"Hello!" Padabog kong tawag.
"H-hello?"
"SHIEN! SHIEN!"
"Sino ito?" inaaninaw ang nasa screen ng cellphone.
"Si Peps ito."
"Peps?? Peps ikaw yan?" Nagsimula itong umiyak na tila pinipigilan huwag mag-ingay.
"Oo, umuwi na kayo ang tagal namin kayong hinahanap. Layasan mo na si Jayson at kapag nagtagal pa kayo maaari ka niyang patayin pati ang anak kong si Paolo."
"Hindi na Peps huwag na mabait si Jayson hinding-hindi niya kami sasaktan."
"Huwag mo ako niloloko alam kong binubugbog ka ng lalaking 'yan! Parang awa mo na umalis na kayo. Bukas na bukas pupunta kami riyan susunduin namin kayo!" Disconnect ang cellphone sinubukan kong tawagan muli pero out of coverage na yata. Wala na yatang signal dahil sa lakas ng ulan.
"Erdem, puntahan natin ngayon sina Cedric ngayon tayo aalis."
"Ha?"
"Ngayon tayo aalis."
"Pero sabihin na nga natin mahina ang bagyo rito pero sa kanila sobrang lakas hintayin na lang natin ang bukas hindi naman makatatakas si Jayson dahil sa lagay ng panahon."
"Erdem, kahit sobrang lakas pa ng bagyo kung nasa panganib naman ang pamilya ko wala akong pakialam. If you want to leave tomorrow, you will take care of it but now I will leave no matter what storm I will fight even if I am still alive in exchange I can just take my family."
Padabog kong hinagilap ang susi ng kotse saka buong desisyong nagtungo sa Batanes.
"NAKU, sir hindi po available ang by land natin patungong Batanes dahil sa lakas ng ulan. Kunh gusto ninyo maghintay tayo hanggang bukas baka sakaling matapos ang bagyo sa loob lamang ng ilang oras."
"Importante ang pupuntahan ko." Sabi ko sa lalaking nag-a-assist ng byahe.
"Sorry sir pero ang safety ninyo ang inaalala namin ipagpabukas niyo na ito."
"I have own car."
"Kahit may sarili kayong sasakyan pipigilan pa rin kayo ng mga check point."
Napapasinghap ako sa inis.
Buwisit bakit kasi na tapat pang may bagyo.
Naghintay ako hanggang sumapit ang kinabukasan. Hindi ko naramdaman ang pagod, antok o gutom. Nasa pag-aasam kong makasasama ko silang makauwi ng bahay.
"Sir by land na tayo eighteen hours ang biyahe."
"Sige simulan na natin alam mo ba ang pasikot-sikot sa Batanes?"
"Opo ibigay niyo lang ang address mahahanap ko kaagad 'yon."
Eighteen hours.
Napakahaba ng biyahe pero ayos lang habang tumatagal kasi nasasabik akong makita sila at makaganti sa hayop na Jayson na 'yon.
"Sir hindi kakayanin sa lugar na 'yon ang kotse kung ayos lang sa inyo lakarin na lang." Turo sa daanan.
"Sige hintayin mo ako rito madali lang siguro mahanap ang bahay."
Hinagilap ko kung saan banda ang naka-address sa isang papel. Maya-maya sa paglalakad may nakasalubong ako na pamilyar na tao lumipit sa akin saka nanlaki mata na tila hindi makapaniwala.
"Sir Peps! Ikaw nga!"
"Ikaw 'yong---"
"Ako nga po!"
"Where is that man's house ?! gusto kong makita ang asawa't-anak ko!"
Yumuko ito na may lungkot, "Wala na sila rito kagabi pa nakita ni Jayson kausap ka namin kaya ayon halos sirain ang cellphone ko kahit bumabagyo kagabi umalis sila."
"Ano?!" Napapahilamos ako sa inis. Nakita ko ang bahay na sinasabi ng babae pumasok ako roon na nagbabakasakaling nandoon pa ang pamilya ko pero bigong-bigo ako.
"Pilit namin silang pinipigilan dahil kawawa 'yong bata pero may dalang baril si Jayson sa takot namin na baka saktan ang mag-ina mo hinayaan na lang namin. Pasensya ka na hindi kita matawagan dahil nasira na nga ang phone ko."
Ito na ba 'yong karma ko para pahirapan ako ng panahon? My god, feeling ko nawawalan na ako ng chance para mahanap pa sila. Nandito na ohh nandito na ako sa lugar kung saan tumira ng ilang buwan ang asawa't-anak ko tapos ngayon wala na sila hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta para hanapin sila. I am running out of energy and hope.
Susuko na lang ba ako ng ganito?
Papalabas kami ng bahay ng makita ko ang mga kaibigan kong nagmamadaling lumapit sa akin. Mababakasan nilang wala akong ganang maglakad.
"Nakita mo na sila??" Nag-aalalang usisa ni Erdem.
"Nahuli ako ng dating kung sana---" mangiyak-ngiyak kong tugon.
"Ayos lang 'yan hahanapin pa rin natin sila kahit na anong mangyari."
Pansin kong tahimik lamang si Cedric na nakatanaw sa akin. Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala hindi ko alam kung kanino, sa akin ba o sa pamilya ko. Isa pa, hiyang-hiya ako sa kanya. Biruin mo gumawa na naman ako ng hakbang na ikina-dissapoint nito.
NANANATILI lamang kami naka-upo sa Van ni Zayn.
"AYOS lang 'yan, Peps. Hanggat nandito ako at ng mga private police mo hindi tayo susuko uuwi ng ligtas sina Paolo, at Shien basta huwag ka lang mawalan ng pag-asa."
I nodded.
"Hindi pa tayo uuwi." Seryosong utos ni Cedric habang naka-crossed arm.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Zayn.
"Hindi pa sila nakalalayo hindi naman sila basta-basta makaaalis sa lugar nito kung may bagyo kagabi hindi ba?"
"Pero may dalang baril si Jayson paano kung tinakot ang mga nakabantay sa mga daanan na tulad na dinaanan natin?" Nawawalang pag-asa ni Erdem.
"Paano kung hindi?" pare-pareho kami nakatingin sa kanya. "Ako naman ngayon ang kikilos gagawin ko ang lahat na uuwi tayong ligtas kasama sina Paolo, at Shien. Walang maiiwan, walang mawawala."