Kabanata 10

2929 Words
"MAY mangyayari ba kung nakatunganga tayo rito?" "Puwede ba maghintay ka?" "Ilang oras pa ba tayo maghihintay sa pagdating ni Cedric?" "Basta maghintay ka may magagawa siya." "Hindi ko na kaya ako na lang kikilos para sa pamilya ko." I walk out. "Sandali, Peps!" Bulyaw nito pero hindi na ako nakinig. Umalis sina Cedric at Erdem dahil may kauusapin lang pero dahil ilan oras na silang wala ay ako na mismo nagdesisyong aalis para hanapin sina Shien. Isa pa, kayang-kaya ni Zayn ang mag-isa sa tingin ko naman ay gumagawa rin ito ng paraan para mahanap ang pamilya ko. May nilapitan akong nakatambay sa isang tindahan para ipagtanong ang address na binigay ng pinagkakatiwalaan kong tao. "Kung hindi ako nagkakamali malapit 'yan sa maisan ng mga Olivares." "Olivares?" gulat ko sa sinabi ng lalaki. "Oo, ang pamilya olivares ang nagmamay-ari ng maisan pero ang usap-usapan walang tumitira doon bukod tanging ang mga katiwala lang." "Kung ganoon maituturo niyo ho ba kung saan?" "Oo naman siguro mga sampung kilometro ang layo." "Uubra ho ang tricycle ninyo?" tanaw ko sa tricycle nito. "Oo kung gusto mo ay sa akin ka na magpahatid iyon nga lang may kamahalan ang singil ko." "Kahit na magkano manong basta dahil mo ako sa maisan ng mga olivares." "Sige sumakay ka na," ngunit bago ito umangkas sa gilid. "Ano nga pala kailangan mo sa lugar na 'yon? Isa ka ba sa nais bumili ng lupain?" "Ahhh…opo." Dahilan ko. "Aba, mayaman ka pala." "Hindi naman ho na pag-utusan lang ako ng amo ko." Nagmamadali kong sakay na sinabayan niya ng ngiti. Tama nga siya sampung kilometro nga ang layo ng lupain ng mga olivares. Akala ko ay nililigaw na ako dahil masyadong masukal ang parteng dinaanan namin ngunit ng matanaw ko ang bakod ng maisan ay kaagad lumakas ang loob kong makita rito sina Shien. Bumaba ko sakay sa tricycle sabay abot na rin ng bayad. "Lakarin mo na lang itong papasok sa gate mayroon guard diyan." "Salamat ho." "Walang anuman." Muli nitong paaandarin ang tricycle ng tawagin ko. "May mga tricycle ba dumaraan ito?" "Naku, bihira lang swerte mo kung may matapat na madaan." "Ganoon ho ba may ipapakiusap sana ako." "Ano 'yon?" "Puwede ho ba kayo bumalik dito bago magdilim?" "Bakit?…ahh sige oo nga pala baka wala kang masakyan oh sige babalik ako rito bago magdilim." "Salamat ho, huwag na huwag kayo aalis dito hanggat wala pa ako puwede po ba?" "Eh teka paano ko malalaman kung papunta ka na rito?" "Basta ho hintayin ninyo ako." "Aba eh baka naman paghintayin mo ako hanggang madaling-araw." "Magbabayad ho ako kahit na magkano." "Kung ganoon ay aalis na ako para makabalik kaagad ako rito bago magdilim. Dito na lang kita hihintayin." "MARAMING SALAMAT ho." At tuluyan na itong umalis. Kahit tumitindi ang kaba sa dibdib ko ay pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makita ko ang guard. "Magandang tanghali ho anong kailangan ninyo?" "Ako nga pala si Mr. Peps Victoria plano ko sana bilhin ang lupain ng mga olivares sino ba ang dapat kong makausap dito?" Habang nasa biyahe kami kinuwento sa akin ni manong driver medyo istrikto ang guard doon hindi basta-basta nagpapapasok sa maisan. Isa pa, kapag hindi kilala ang pangalan mo hindi ka papayagan makausap kung sino man olivares ang nandoon. "Mr. Victoria? sandali lang…" tumalikod ito saka kinuha ang cellphone at pumasok sa pinaka loob ng guard house. Maya-maya seryoso itong nakatingin at binuksan ang gate na daan tao lamang. "Sino ang puwede kong makausap?" abala kong tanaw sa lawak ng maisan. Bago pa ako makaharap ay isang matigas na bagay ang tumama sa batok ko na dahilan para mawalan ng ulirat. NAGISING lamang ako sa isang maganda, at malawak na bahay. Parang hindi na yata bahay mukhang mas malaki pa sa mansion nila Cedric. Hinawakan ko ang batok dahil medyo sumakit pero bago tumayo na tanaw ko ang isang babae, may katandaan na ito suot na gayang kasuotan ni Imelda Marcos. "S-sino ka?" "Ikaw yata ang dapat kong tanungin, sino ka at anong kailangan mo?" "Plano ko sana bilhin ang lupain ninyo." "Huwag mo akong lokohin Mr. Peps Victoria hindi pa kita nakauusap or else isa ka sa mga tauhan ng namayapa kong asawa." "Hindi ako makikipagtransact sa kanya dahil halang ang kaluluwa no'n." "Hmm..." umikot-ikot saka pinagmasdan ang buo kong katawan. "Kung ganoon sino ka nga ba at bakit alam mo ang pamilya namin?" "Bago ko sagutin ang tanong mo ako muna ang sagutin mo." "What?" "Nasaan ang anak mo." Inis kong usisa. "Si Jayson?" "Oo tama ka si Jayson ang anak mo." "Bakit anong kailangan mo sa kanya?" "Malaki atraso sa akin ng gagong 'yon!" "Anong klaseng atraso kung sasabihin mo lang na parang away bata ay umuwi ka na lang sa inyo." Akmang tatalikod. "Kinuha niya ang pamilya ko. Itinakas niya kahit ang anak ko." Marahang humarap muli saka may ngiti sa labi. "So, ikaw ang dating asawa ni Shien na miyembro ng gang na nagpapatay sa asawa ko." "Wala akong panahon para magpakilala at isa pa hindi na ako gangster ngayon. Gusto kong makuha ang pamilya ko sa anak mong muntik akong mapatay." Malungkot itong na upo sa sofa. "Hindi ko lubos maisip na naging masamang tao ang anak ko gaya ng kanyang ama. Wala na akong magawa kung hindi panuorin na lang ang ginagawa niya." Lumapit ako saka lumuhod, "Nakikiusap ako sa inyo Mrs. Olivares sabihin mo sa akin kung na saan ang asawa't-anak ko." "Hindi ko alam." "Naging magulang ka rin sa anak mo sa palagay mo ba magiging maayos buhay mo kung ang anak mo hindi maayos ang pagkalaki?" "Alam mo hindi naman talaga kita kilala nalaman ko mula kay Jayson na ex-husband ka ni Shien." "Kung ganoon sabihin mo sa akin kung nasaan sila?" "Ewan ko nga." "Hindi ka ba naaawa sa anak ko binubugbog ng anak mo!" Sabay tayo ko. "Nakaaawa talaga 'yong bata dahil nadadamay sa away ninyo pero ayokong makialam sa ginagawa ni Jayson matindi siya magalit parang ang ama niya kaya kung hihingi ka sa akin ng tulong ay wala akong maibibigay." "Anong klaseng ina ka kahit alam mong mali ginagawa ng anak hinahayaan mo dahil takot ka hindi ba dapat siya ang matakot sa iyo ha!" "Ayoko talaga makialam pero sa totoo lang naging masaya pa ako ng mawala si Senior kapag silang dalawa nagsama palagi ako ang trip nila kaya nakuha kong makipaghiwalay sa taong 'yon dahil masama pala ang ugali. At iyon ang namana ni Jayson sa kanyang ama." "Huwag mo na ikuwento ang walang-kuwentang pamilya mo ang kailangan ko ang aking pamilya. Ang tagal kong hinanap ang hayop mong anak kaya kung ako sa iyo sasabihin ko na lang kung nasaan sila!" "Hay, okay fine. Nandito sila sa mansion ko." Kunot-noo kong lingon sa paligid. "Pero lumabas lang sila sandali para may kitain na tao." "Sino?" "Ewan pero ang sabi ay ibibigay nila ang batang si Paolo sa mga kaibigan ni Shien." "At bakit nila gagawin iyon?" Duda ko. "Walang hilig sa bata ang anak ko kaya nga nakuha niyang patayin ang sariling anak, eh. Wala talagang puso ang taong 'yon bukod sa hindi marunong makinig ang gusto niya ang palaging nasusunod. Kaya nakuha kong umuwi rito sa batanes para takasan ang mga ugali nilang demonyo." "Takasan? kasama ka 'di ba sa inambush??" "Hindi ako 'yon kung hindi ang kabet ng magaling kong asawa I mean ex-husband. Walang nakaaalam ng kuwento ng pamilya namin kaya maguguluhan ka talaga." "Ibig sabihin hindi ka kasama sa ambush at nandito ka lang at pagkatapos dito umuwi  ang anak mo kasama ng pamilya ko eh kung ganoon bakit ngayon lang sila umuwi rito bakit kailangan nila magtago kung saan ha?" "Pinagtatabuyan ko sila pero sabi niya magbabago na raw ito at hindi na magiging sakit sa ulo. Binigyan ko nang pagkakataon para magbago at iyon na nga umalis sila dahil ayaw talaga ng anak ko sa bata. Mukhang  nagbago na siya dahil gusto nitong isauli sa mga kaibigan ni Shien. Ohh, ikaw nga pala ang ama ni Paolo." "Itatakas ko si Shien." "Huwag na huwag mo gagawin 'yan mas pinili niyang mag-stay si Shien kaysa sa anak mo saka hindi ba hiwalay na kayo? sa palagay ko ay maayos naman ang pagsasama nila kahit puno ng pasa ang katawan ng dati mong asawa pero hindi na bale magbabago na rin naman ang anak ko." "Baliw ka ba?" "Nope, ang mabuti pa umalis ka na rito bago dumating ang anak ko matindi magalit 'yon." "Wala akong pakialam iuuwi ko ang asawa ko." "Ex-wife." "Ex-wife o asawa kahit na ano pa roon basta iuuwi ko siya sa amin." "Maawa ka baka pati si Shien ay madamay sa away ninyong dalawa." "Sa simula pa lang alam kong damay na siya kinukuha ko lang kung ano ang dapat sa akin." "Hindi ka ba natatakot kay Jayson??" "Kahit na sino pa siya lalabanan ko dahil gusto kong bawiin ang taong dapat sa akin minsan na akong nagkamali at gusto kong ituwid iyon." "Kung ganoon ikaw na ang bahala basta labas na ako riyan itakas mo siya kung gusto mo pero kahit na saan kayo magpunta mahahanap at mahahanap niya kayo." Iniwan ako nitong nag-iisang muli. Nilakad ko ang mansion na ito para makapagtago at makapag-isip ng plano. Sa kaabalahan kong paglilibot may na daanan akong kuwarto pumasok ako rito at nandoon ang ibang gamit ni Shien. Sa ibabaw ng lamesang puti nakapatong ang larawan nilang tatlo buhat niya si Paolo habang si Jayson ay nakangising naka-akbay sa kanya. "Ano ba gagawin ko sa iyo para magtigil ka lang?" Bulong ko habang nililibot ko ang kabuuan ng kuwarto. Maya-maya may nadinig akong ingay ng sapatos mukhang papasok ito sa kuwarto  sa kamamadali ko sa loob ako ng closet nagtago. Matinding kaba ng makita ko sa siwang na hitsurang bintana ang dati kong asawa. Mukhang galing lang sa kaiiyak handa ko na itong lapitan ng pumapasok si Jayson na galit. "'Di ba ikaw din may gusto niyan para hindi na madamay ang anak mo sa away namin, eh ano ito? Anong inaarte-arte mo?!" Duro sa sintido ni Shien. "Plano mo naman talaga ito dahil ayaw mo sa bata!" "Talagang ayoko dahil masyado silang maingay at nakaiirita!" "Magiging maayos ang anak ko kina Cedric." "Sana lang talaga," lapit nito sa kanya, "Napapagod ako puwede mo ba akong pagbigyan?" Halik nito sa leeg at balikat ng asawa ko. "Puwede ba Jayson tama na? ikaw ang pinili ko dahil sabi mo magbabago ka na paano kung mabuntis na naman ako eh di panibagong bata na naman ang papatayin mo na wala man lang kamuwang-muwang." "Tsk, gusto mo rin naman ito hindi ba? Eh kung mabuntis ka ipalaglag mo." "Napakawalang-hiya mo talaga." halos pabulong niyang sabi. "Anong walang-hiya?" Hatak nito sa buhok na halos mabale ang leeg sa pagkakahatak. "Masisiyahan ka rin naman dito ah huwag mo sabihin nagsisisi kang ako ang pinili mo?" "Hindi sa ganoon…bitiwan mo ako at nasasaktan ako." "Hindi ako titigil hanggat hindi ka pumapayag!" Hatak muli sa buhok na sabay hiyaw ni Shien. "Oo na! Oo na!" Umiiyak nitong pagpayag. "Aayaw-ayaw ka pa gusto mo rin naman!"  Isang halik ang ginawa nilang dalawa. Nakuha kong itiklop ang kamao sa galit. Alam kong hindi nasisiyahan si Shien habang kasiping si Jayson pero wala siyang magawa dahil hawak nito ang baril. Paminsan-minsan na iinis ako kapag naririnig ko ang ungol ni Jayson habang si Shien ay tahimik lamang. Naaalala ko noong kami ang magkasama habang pinagsasaluhan ang bawat gabi. Siya pa nga itong maingay at aktibo pero ngayon mahahalata sa kanya na pipilitin lamang sa ginagawa. Natahimik ang kuwarto dahil nakatulog si Jayson habang si Shien walang lakas na pinulot ang damit saka nagtapis ng tuwalya naligo ito sa banyo pagkatapos hubot-hubad na magbubukas ng closet hindi na ako nagtago kaya gulat itong natulala sa akin ng makita akong nakatitig. Hinatak ko siya papasok sa loob ng closet sabay yakap dito. "A-anong ginagawa mo rito….n-nakita mo ba ang ginawa namin???" Nagpakawala ako ng hangin. "Kitang-kita at dinig na dinig." Tulala ko sa kinaroroonan ni Jayson. "Umalis ka na Peps iwan mo na ako nandoon na si Paolo kina Cedric." "Mag-aaksaya ba ako ng panahon pumunta rito para lamang panuorin kayong nag-se-s*x?!" Galit kong sumbat ngunit pilit hinihinaan ang boses. "Masaya na ako sa kanya." "Masaya sa kanya ni hindi ko nga nakitang bumuka 'yang bibig mo habang kasiping siya tapos sasabihin mong masaya ka sa kanya?" "Tumigil ka na alam kong si Paolo lang habol mo ngayong wala na rito ang anak mo puwede ka na makaalis." Tulak sa akin palabas ng closet mabuti malalim ang tulog ni Jayson. "Sumama ka na sa akin hindi ka magiging masaya sa kanya." "Umalis ka na," bukas nito sa pinto matapos magsuot ng bathrobe. "Sumama ka na nga sinabi sa akin!" Napalakas ang sigaw ko. "Shien sino 'yang kasama mo!!!" Nagising na si Jayson hinatak ko siya palayo sa kuwartong iyong at naghanap ng lugar na puwede labasan ng mansion. "Bitiwan mo ako hindi mo pa nakikilala ang totoong ugali ni Jayson!" "Wala akong pakialam!" Nakarinig kami ng putok nang baril kaagad ulit namin tinakbo ang lugar upang hanapin ang exit. Sa dami ng pasikot-sikot nakita namin ang ina ni Jayson. "Doon! Doon kayo dumaan!" Turo niya. Tumango saka takbo kami ng mabilis. "Mag-iingat kayo!" Siguro kung may oras pa baka katakot-takot na pasasalamat ang sasabihin ko sa ina ni Jayson dahil sa pagtulong niya. Nakalabas kami ng exit na gulat ako dahil nasa gitna pala ang mansin sa maisan. Hindi pa man kami nakalalayo may sunod-sunod na putok nang baril ang tumatama sa dahon ng mais. Halos sigaw nang sigaw si Shien sa takot na baka matamaan kami. Upang hindi kami makita kaagad ni Jayson ay nilusot namin ang malawak na maisan. Oo, makati. Makati ang dahon ng mais pero dedma importante makatakas kami. Walang humpay kami sa katatakbo habang sa mapagod at huminto. "Alam mo ba kung saan banda ang highway o ang gate?" Umiling ito. Napansin kong wala sa ayos ang bathrobe  itong suot. Umiwas ako mukhang pansin niya kaya inayos ang sarili. "Hindi na nga ako sasama sa iyo." "Puwede ba kahit ngayon lang maging totoo ka sa nararamdaman mo?!" "Bakit akala mo ba nagbibiro lang ako na mahal ko siya?!" "Malamang halata naman napipilitan ka na lang sa kanya!" "Hindi 'yan totoo dahil kung sa inyong dalawa mas pipiliin kong sumama sa kanya." "Talaga bang mas pipiliin mong sumama sa lalaking hindi mo magawang umungol habang nag-se-s*x kayo??!" Isang sampal. Sampal na parang sinasabing manahimik ako kung ayaw kong may kasunod pa iyon. "Oo na panalo ka na simula nang iwan mo ako hindi ko nagawa maging masaya dahil kasalanan mo rin naman ito hindi ba dinala mo ako sa maling tao na akala ko pagkatapos sayo panibago na naman pa lang bangungot." "Ilang beses pa bang sorry maririnig mo mula sa akin bago mo ako mapatawad ha?" "Walang kapatawaran." Nandidilat nitong tugon. "Kahit ba kamatayan ko ang kapalit hindi mo ako mapapatawad?!" "Kahit pa kamatayan mo!" "Talaga ba?" Binunot ko ang kutsilyong nakatago sa sapatos ko. "Patayin mo ako kung 'yan ang ikaliligaya mo." "Ginawa mo pa akong mamamatay tao." Lalapit sana ako nang tumama ang isang bala sa kutsilyo hinawakan ko kaagad ang kamay ni Shien at muli na naman kaming tumakbo papalayo. "Peps! Peps! Nasaan kayo huwag mo itago sa akin si Shien sa akin lang siya pag-aari ko siya!!!" Umismid ako, "Tsk, kahit na kailan hindi naging sa iyo ang pag-aari ko." Nagkatitigan kami ni Shien sabay bitiw niya sa kamay ko. "Pagod na ako at maggagabi na ano balak mo takbuhan lang siya?" Tumingala ako ngayon ko lang din na pansin malapit nang dumilim. "Magtulungan tayo mahanap ang pinaka guard house may naghihintay sa akin na tricycle driver sa labas." "Sa sobrang lawak hindi ko alam kung saan tayo susuot. Isa pa baka kung sakaling makita natin ang entrance gate paniguradong sinabihan siya ni Jayson na huwag tayong palalabasin." "Kung ganoon hanapin natin ang pader." "Ano?!" "Iyon ang paraan para makatakas." "Buwisit!" Paglingon ko unti-unting pumapatak ang tubig ulan sa mga dahon at katawan namin. Wala kaming nagawa dahil wala rin naman masisilungan. Hawak kamay namin tinakbo ang lawak ng maisan upang mahanap ang pader nang upang hindi kami abutan ng dilim. "Kanina pa tayo takbo nang takbo pero hindi natin mahanap ang pader." Nanginginig nitong yakap sa katawan. "Huwag tayo titigil dahil tiyak makikita tayo ni Jayson dahil sa mga tumbang mais dahil sa bagyo." "Mukhang hindi pa titigil ang ulan." Patuloy nitong pangangatog. "Bakit ba ginaw na ginaw ka?" Bukas ko sa bathrobe nito. "Ano ba?!" Sabay talikod. "Sorry nakalimutan kong wala ka pa lang suot na damit." Tahimik ang paligid tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang kalangitan. Tanging ingay ng ulan ang namayani sa kasalukuyang pagkakayakap ko sa kanyang likuran. Nanginginig na rin kasi ako sa lamig tubig ulan. "Makakaalis pa ba tayo rito?" Dinig kong tanong. "Oo, Shien makatatakas pa tayo rito para kina Paolo at Pauline." "P-peps…" "Bakit Shien…" "M-mukhang hindi ko na kaya." Iniharap ko siya upang makita ang mukha. Dinampi ko ang kanyang noo doon ko lang nalaman nilalagnat ito. "Maglakad pa tayo huwag titigil hanggat hindi nakikita ang pader." Alalay ko sa kanya. Pero ang bait pa rin ng Dios sa amin dahil mayroon kami nakitang maliit na kubo sa palagay ko pahingahan ng mga taong nag-aasikaso sa pananim na mais. Walang patumpik-tumpik pinasok namin ang kubo. Walang tao pero may gasera doon upang magsilbing ilaw namin. Hinagilap ko kaagad kung mayroon bang kumot o tuwalya man lamang pero wala. Nakakita lang ako ng mga scarecrow kinuha ko ang mga gamit na damit saka inihubad ang suot ni Shien na bathrobe ipinalit ko ang suot ng mga scarecrow saka sunod kong isinuot ang natitira pangdamit. Inihiga ko sa papag si Shien na tingin ko nakatulog na sa taas nang lagnat ngunit nandoon pa rin ang panginginig ng katawan. Hindi ako mapakali. Gusto kong gumaling kaagad siya pero walang gamot na maaari niyang inumin. Humiga ako sa tabi nito saka niyakap nang mahigpit. Muli kong natitigan ang kanyang mukha. Sa mga oras na ito gusto kong pagsisisihan ng paulit-ulit kung bakit ako nagloko sa relasyon namin. Gusto kong saktan ang sarili kung bakit hindi ko man lang nakita at naramdaman ang halaga nito. Ganoon nga ba talaga na kapag nagkamali ka doon mo malalaman na mali ka. Hindi ba ang gulo, hindi mo alam kung paano ka pa makababawi sa mga pagkukulang kahit alam mong malabong-malabo nang bumalik pa sa dati ang lahat. Now playing... Cant let you go by:Cueshe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD