“Brod, welcome back! How’s the vacation?” nakangising bungad ni Alex kay Juan Miguel. “Brod! Ayos naman, nag-enjoy si Leigh,” nakangiting tugon niya sa kaibigan, “Where are they?” tukoy niya sa kapatid na si DJ at Dimitri. “May kinuha lang sila, si Roy naman papunta na,” sagot ni Alex sa kanya. Naupo siya sa katapat nitong sopa, “How’s Tita Guada?” “Ayon kasama ni Daddy lumuwas, may mga documents na kailangan si Tito Leandro,” tugon nito sa kanya. Abogado ng kanyang Papa ang ama ni Alex, bukod doon ay matalik din an magkaibigan ang dalawa. “Kumusta ang honeymoon?” tinig ni Roy. Napalingon sila ni Alex sa bagong dating na sina Roy, DJ at Dimitri. Naiiling na natawa siya, “Hindi naman honeymoon iyon, kunting relaxation lang para sa asawa ko.” Tinanguan niya ng ngiti si Dimitri at a

