“Are you ready, sweetheart?” tanong ni Juan Miguel kay Calleigh. “Almost done,” nakangiting baling nito sa kanya. Isinasara nito ang baby bag ni Calix. Pauwi na sila ng hacienda at si Raul ang susundo sa kanilang mag-anak. Karga-karga niya ang kanilang anak, napakalikot na nito kaya medyo nahihirapan ang kanyang asawa. “Siguro ay wala na tayong naiwanan?” tanong ni Calleigh sa kanya. “Wala na, sweetheart,” natatawang tugon niya rito. “I will miss this place, JM,” malungkot na sambit nito. “Well, we can always come back here anytime you want,” masuyong wika niya at hinagkan ito sa noo. Yumakap ito sa kanyang beywang, “Ma-mimiss ko din ang mga taga-isla,” napabuntong-hininga ito. “Me too, sweetheart,” wika niya. “Mga anak, nandito na ang sundo ninyo,” pukaw sa kanila ni Nay Aida. “

