“Anong balita sa imbestigasyon, Hepe?” tanong ni Don Simon. “Patapos na ang isinasagawang imbestigasyon, huwag kang mag-alala Don Simon,” nakangising tugon nito sa kanya. “Kailangan ko ang insurance money upang mapalitan lahat ng nasunog,” wika niya kay Hepe. “Isa o dalawang araw lang ay matatapos na sila,” wika ni Hepe sa kanya. “Magaling kung ganoon, maaasahan ka talaga,” nakangising tugo niya rito. “Basta ikaw, Don Simon,” tugon nito sa kanya. Inilapag niya sa harapan nito ang padulas na pinangako niya. Isang milyong piso ang kapalit ng mabilisang imbestigasyon nito. para makuha niya agad ang insurance money. Nang makaalis si Hepe ay siya namang dating ng kanyang asawa na si Divina. “Simon, nagdala ako ng pananghalian mo,” wika nito sa kanya. “Salamat,” hinagkan niya ito sa pi

