bc

RUN WITH ME, MR. PRESIDENT

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
forbidden
BE
opposites attract
boss
heir/heiress
drama
bxg
lighthearted
campus
highschool
disappearance
illness
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Love can change our fate, yes it’s indeed. In their worlds full of mystery, can they survived? Magkaparehong mundo pero magkaibang paniniwala. Magkaibang paniniwala pero magkaparehong puso. Sa gitna ng kani-kanilang labanan mauuwi sa pagmamahalan. In the unexpected time, two people will meet to change their family, and their world. Paano kung sa kaniya-kaniyang mga bitag sila mismo ang mahuhulog? Sa laban na hindi nila ginusto, lalaban pa ba? O tatakbo na lang sila? In the middle of the war between our family, will you RUN WITH ME, MR. PRESIDENT?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“TAKBOO!! HA HA HA HA!” “TAKBO PA!! HA HA HA, TAKBO KA PA!!” Mga sigaw na ayaw kong marinig, pero wala akong nagawa dahil rinig na rinig ko na. Hindi ko ito inaasahan, kaya tumakbo lang ako nang tumakbo, baka maabutan pa nila ako. Hindi pwede.. Hindi ako pwedeng mahuli... Akala ko ba mga aso lang ang humahabol sa tao? Bakit ba kasi nila ako hinahabol? Ano ang kailangan nila sa akin? Nag-jo-jogging lang naman ako, pero bakit nag-ru-running na tuloy? “HAHAHAHAHA” Mga tawa nila na naging halakhak na hindi ko maalis sa aking tainga. PAPARATING NA SILA!! Hindi ako pwedeng maabutan. Kailangan kong makatakas sa kanila. Tumakbo lang ako, kahit na pagod na pagod na ang aking dalawang paa. Kahit na sumigaw ako ng tulong, walang tutulong — dahil nasa isang iskinita ako na walang mga tao, tanging mga sasakyan lang ang dumadaan dito pero wala silang pakialam sa akin o kahit kaninong dumaan. “No..” bulong ko nang pinaputukan nila ako ng baril. Ayaw ko pang mamatay... Gusto ko pang mabuhay... Narinig ko na naman ang kanilang tawa, papalapit na sa akin. Hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa kanila, at kung bakit kailangan pa nila akong paputukan ng baril. Tumakbo lang ako nang tumakbo, naliligo na rin ako ng sarili kong pawis. Sinundan ko na lang ang daan at hinayaan ang aking mga paa kung saan man ako mapupunta. Naging panatag ang aking loob nang lumiko ako at nakita ang isang convenience store. Binilisan ko ang pagtakbo, at huli nang nakita ko na ang isang lalaki—tyak na papasok ito sa store, pero binangga ko ito. Hindi lang binangga, hinila ko ito at niyakap para makapagtago mula sa mga lalaking naghahabol sa akin. He's wearing a black hoodie. Matangkad din siya, kaya napasubsob ako sa dibdib niya. In the middle of the darkness, I saw my savior and embraced him. “Save me..." I whisper, nang marinig ko naman ang mga tawa sa mga armadong lalaki. “Please...” I begged, at a first time in my life, in a strangers. “Yohooo, Where are you?" Sigaw ng mga humahabol sa akin. Mas lalo kong niyakap ang lalaki, wala na akong magawa, gusto ko pang mabuhay. Nararamdaman ko na lang na may humawak at inilagay sa isa kong tainga, isa itong headset, at ang kanta ay Nahanap din kita~ Bawat daan by Ebe Dancel, patapos na rin ito. “HAHAHAHA Magpakita ka na!” Muling sigaw nila. Nararamdaman ko ulit na may humawak at inilagay sa isa ko pang tainga, kapares ito ng isang headset. Wala na akong ibang naririnig kun’di ang tanging kanta na lang ito, pero iba na. It’s A Thousand Miles by Vanessa Carlton. Ilang minuto na rin akong yumakap nang nararamdaman ko ang kaniyang dalawang kamay sa aking likuran — he hug me back. Oh 'cause you know I'd walk a thousand miles~ If I could just see you~ Tonight~ Tonight... Sino ba ang tanga na nag-jo-jogging sa gabi? Kaya siguro hinabol ako kasi mukha akong magnanakaw? Pero alam kong hindi, may atraso ako sa kanila, o may atraso ang pamilya ko sa kanila. O may atraso sila sa pamilya ko... “You’re safe now...” Biglang lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa lalim ng mga salita niya. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo upang tingnan ang mukha ng lalaking nakayakap ko. I saw his black eye, but you can see the brown color when you look at it closely. Natatakpan ng kaniyang bangs ang kaniyang kilay, at maamo rin ang kaniyang mukha pero wala kang makikitang kahit anong ekspresyon dito. “You’re safe with me...” he whisper again. I saw a curve of genuine smile from his pinkish lips. Nandito na ako sa harap ng isang malaking bahay, palingon-lingon muna ako bago dahan-dahan binuksan ang gate at dahan-dahang pumasok. “You’re safe with me...” a simple words didn’t vanished in my ears, it kept my heart calm in the middle of the war. Pagkatapos nang nangyari kanina, agad akong tumakbo paalis na walang sinasabing kahit ano o kahit thank you man lang. “Is it necessary to thank to strangers?" bulong ko sa hangin nang nakapasok na ako sa maliit na gate — kahit na malaki ang gate na ito pero sa liit ako pumasok. “May yakap naman siya galing sa akin.” I sighed. “Ahhh!" Sigaw ko nang may umapak sa sapatos ko, “May daga!!" Dali-daling pumunta ang mga guwardiya sa akin. “Ano po ang problema?" “May daga! Hanapin niyo, baka makapasok pa sa kuwarto ko!” sagot ko sa isang guwardiya. “HANAPIN NIYO ANG DASA!!!” “Dasa? Ano pong dasa?" “DAGA NA MUKHANG PUSA!! KAYA DASA!!” Sigaw ko sa kanila at patakbong pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko ang mga tawa nila pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Sino bang hindi matatakot sa dasa? Dasa... Daga na mukhang pusa. Napailing na lang ako sa sarili kong biro. Yumuko ang mga tauhan sa akin nang nakita nila ako bilang galang. “Khlearia!!” Sigaw ng isang matipunong lalaki, at binuksan niya ang mga braso nito na para bang naghihintay na yakapin ito, agad ko namang sinalubong nang yakap. “I’m sorry, princess...” Hindi ko na mapigilan ang mga luha na kanina pang gustong kumawala. “Shhh...” pagpatahan niya, “It’s okay...” Mula sa iyak hanggang sa hagulgol, pero ngayon I’m fine now, ayos na ang lahat. Yakap ang medisina sa anumang uri ng sakit. Kumalas na ako sa yakap nang nararamdaman kong ayos na ang lahat. “Bakit ka ba kasi tumatakbo?” he asked. I sighed, “Hinahabol kasi nila ako.” sagot ko. “Bakit ka nila hinahabol?” “Kasi tumatakbo po ako.” Napasapo siya ng kaniyang noo dahil sa sagot ko. “Khlearia...” “Dad...” “Mag handa ka, may paparating na giyera...” saad ni Daddy hindi na lang ako kumibo. “They want a war, I give a war then." Ito ang gusto nila, isang giyera. Hindi giyera na duguan o barilan, kun’di isang malaking away. Family vs. Family, Clan vs. Clan, and only one will be winner. Hindi ko man gugustuhin pero wala akong magawa, sinumulan nila kaya tatapusin namin. Sisiguraduhin kong kami ang magwagi... At sila ang matatalo... I was born to be a warrior for this family, for my clan, and I’ll make sure we’ll be the last clan standing. Let the war begin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Wife For A Year

read
70.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook