LESSON 05
“Five”
NAPALUNOK si Nicolo sa paraan ng pagsasalita at pagtingin sa kanya nina Gail at Roxanne. Tila ba inaakit siya ng mga ito at lihim siyang natutuwa dahil doon. Ngayon lang kasi may babaeng nagpakita ng interes sa kanya tapos dalawa pa.
Mabilis siyang tumango bilang pagpayag. “S-sige! S-sa’n ba?” Nanginginig pa siya sa pagsasalita.
“Hmm… Doon sa may tabi ng principal’s office. Walang tao doon. Gusto mo ba talagang sumama sa amin, Nicolo?” Umupo pa si Roxxane sa gilid ng arm chair niya at ipinatong ang isang kamay sa kanyang balikat.
Parang may maliliit na boltahe ng kuryente na gumapang sa kanyang balat sa paghawak na iyon ni Roxanne. Pinagpawisan na tuloy siya ng malapot dahil doon. Excited na rin siya sa kung ano ang ipapakita ng dalawa sa kanya kahit parang alam na niya kung ano iyon.
Sunud-sunod siyang tumango.
“Well, sumunod ka na sa amin, Nicolo…” ani Gail.
Nauna na sa paglabas ng classroom ang dalawang babae habang parang asong gutom na nakasunod si Nicolo. Dumaan sila sa hallway at lumiko sa kanan. Isa pang mahabang hallway ang kanilang nilakad at nang malampasan nila ang principal’s office ay nagtungo sila sa gilid niyon. Isinandal siya nina Gail at Roxanne sa pader habang nakatingin ang dalawa sa kanya na para bang nang-aakit.
“A-ano ba 'yong ipapakita niyo?” May halong excitement at kabang tanong niya. Kinakabahan siya dahil baka may biglang makakita sa kanila.
Napalunok siya nang makita niyang hawak nina Gail at Roxanne ang laylayan ng palda ng mga ito.
“Ipapakita namin ang sa amin kung ipapakita mo rin 'yang sa’yo, Nicolo…” Inginuso ni Roxxane ang nasa pagitan ng kanyang hita.
Wala sa sarili na napahawak tuloy siya sa kanyang p*********i. Ito na siguro ang pagkakataon niya para magkaroon ng nobya. Hindi nga lang niya alam kung ano ba ang nakita ng dalawang iyon sa kanya at ganoon na lang ang interes ng mga ito sa kanya. Kaya naman walang pagdadalawang-isip na inalis ni Nicolo ang sinturon. Ibinaba niya ang kanyang pantalon kasama ang brief.
Ganoon na lang ang pamumula niya nang humagalpak ng tawa ang dalawa.
“Ang liit! Parang pang-baby!” Halos hindi na makahinga si Roxxane.
“Iyan na ba lahat 'yan, babyboy?” pinagdiinan pa talaga ni Gail ang salitang “baby”.
Napaiyak na nang tuluyan si Nicolo sa mga sinabi nina Gail. Ngayon ay alam na niya na hindi totoo ang pagkagusto na ipinakita ng dalawa sa kanya. Ginawa lang ng mga iyon ang bagay na iyon para mauto siya at pagtawanan. Akmang itataas na niya ang kanyang pantalon nang apakan ni Roxanne ang laylayan ng kanyang pantalon.
“Picturan mo na. Bilis!” utos ni Roxanne kay Gail.
Nagmamadaling inilabas ni Gail ang cellphone nito at pinicturan siya. Hindi na niya nagawa pang pigilan ito dahil iyak lang siya nang iyak.
“Hoy! Anong ginagawa n’yo?!” Mula sa kung saan ay may narinig silang babaeng sumigaw.
Natatarantang napalingon ang sina Gail at Roxanne sa babaeng sumigaw at natatarantang tumakbo ang dalawa.
Isang babaeng estudyante ang lumapit sa kanya habang nakatulala pa rin siya at umiiyak. Ito na ang mismong nagsuot sa kanya ng pantalon dahil napansin siguro nito na hindi siya makagalaw.
“Anong ginawa nila sa iyo?” tanong nito.
Imbes na sagutin siya ay itinulak niya ang babae. Tumakbo siya palayo. Hiyang-hiya talaga siya sa nangyari. Bakit ba kasi naniwala pa siya kina Gail at Roxanne? Dapat alam na niya sa sarili na walang kahit na sinong babae ang magkakagusto sa kanya dahil pangit siya. Pangit!
-----***-----
HALOS hindi na makahinga sa labis na pagod si Roxanne nang huminto sila ni Gail sa pagtakbo. Paano ay may isang pakialamerang babae ang bigla na lang sumulpot habang kinukunan nila ng litrato ang bago nilang kaklase na si Nicolo.
“Napicturan mo ba nang maganda?” hinihingal na tanong niya kay Gail.
“Look…” Ipinakita ni Gail sa kanya ang mga pictures at ganoon na lang ang paghagalpak nila ng tawa.
“Ang liit talaga!” Tumatawang sabi ni Roxanne.
“Ngayon, nagawa na natin ang pinapagawa sa atin ni Elise. Magiging part na tayo ng grupo na binubuo niya!” masayang sabi ni Gail.
Nag-apir pa silang dalawa at muling naglakad upang puntahan na si Elise.
-----***-----
“WE’RE here na!”
Naitirik ni Elise ang kanyang mga mata sa pagdating nina Gail at Roxanne. Nasa rooftop siya ng isang lumang building. Hindi na ginagamit ang building na iyon dahil sobrang luma na. Isa pa, ang kwento ay may nagpapakita raw na babae sa building na iyon lalong-lalo na sa rooftop. Pero dahil hindi naman siya naniniwala sa mga multo ay hindi siya natatakot na magpunta doon.
Sina Roxanne ay kaparehas niyang Grade 10 pero iba lang ang section.
“Ang tagal niyo naman!” Naka-irap na sabi niya.
“Hindi kaya madali ang pinapagawa mo sa amin, 'no. Duh!” Nakatirik pa talaga ang mata na sagot ni Gail sa kanya.
“Ano’ng sabi mo?!”
Biglang siniko ni Roxanne si Gail. “Ah, wala naman, Elise. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Gail. Medyo intrimitida talaga siya.” Pinanlakihan pa nito ng mata ang kasama.
“Anyways, akin na ang evidence na nagawa niyo na ngang makapag-picture ng ari ng isa sa mga kaklase niyo!” Ibinigay ni Gail ang cellphone nito sa kanya at napatawa siya sa nakita niyang pictures. ‘I can’t believe na ginawa niyo talaga ang pinagawa ko. Well, it’s good naman dahil it only means na willing kayong sundin lahat ng gusto ko. And now, part na kayo ng group ko na tatawagin nating Elise’ Squad--”
“Ano? Elise’ Squad? So baduy! Saka Elise talaga? Ano mo ba kami? Alila? Minions? Pwede bang palitan?” reklamo ni Gail.
“Alam mo, ikaw… ang dami mong reklamo. Kanina ka pa!” duro niya dito.
“Saka, dapat ba talagang may pangalan ang group natin? So 90’s, ha. Hindi na natin kailangan ng name ng--”
“Okay! Fine! Wala nang name ang group natin. Just shut, up!” asik niya kay Gail. Napahinto sa pagsasalita si Elise nang may dalawang lalaki ang dumating. Napangiti siya nang malaki at agad na sinalubong ang isa sa mga lalaki. Niyakap niya ito at hinalikan sa labi. “I missed you, baby!” ungot niya.
“I missed you too, baby!” pinisil pa ng lalaki ang kaliwang pisngi niya.
Ang dumating ay walang iba kundi ang magkaibigan na Ronnie at James. Si Ronnie ay ang bago niyang boyfriend. Niligawan siya nito noong isang araw lamang at sinagot niya ito ng araw din na iyon. Gusto niya rin naman kasi ito kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Gwapo ito at mayamang katulad niya. Gusto niya rin ang pagiging bad boy nito at maangas. Iyon talaga ang gusto niya sa isang lalaki. Ayaw niya iyong lampa at masyadong mabait.
“Sino sila?” tanong ni Ronnie habang nakatingin kina Gail at Roxanne.
“They are my new friends. Gail and Roxanne!” Pagpapakilala niya. “This is my boygfriend nga pala-- Ronnie. Ang gwapo niya, 'di ba?” pagmamalaki pa niya sa dalawang bagong kaibigan.
“Yah…” Walang ganang sagot ng dalawa.
Muling hinarap ni Elise ang nobyo. “Bakit naman ang tagal mo? Kanina pa ako nag-text sa iyo na pumunta ka dito, 'di ba?” may himig ng pagtatampo na sabi niya.
“Sorry, baby. Ito kasing si James, pinagsabihan ko lang. Biruin mo bang nililigawan pala niya iyong nasa kabilang section. Si Maira.”
“Maira who?”
“Iyong kakambal ni Laira. Iyong may ikot?” Pinaikot pa nito ang hintuturo sa tenga. “Ang tatay nila, pinatay ang nanay nila kasi nabaliw. Nasobrahan sa drugs. Kaya 'ayon, naging sinto-sinto si Laira. Tarantado talaga itong si James, e!” Pabiro pa nitong sinapak ang kaibigan.
“Ganoon ba? Anyways, tuloy ang date natin mamayang gabi. Same restaurant, ha?”
“Okay, baby. I’ll be there!” ani Ronnie at muli silang naghalikan. Wala silang pakialam kahit nanonood pa sa kanila sina Gail, Roxanne at James.
-----***-----
“ATE! Sandali! Hintayin mo naman ako, ate!”
Kahit panay ang tawag ng kakambal niyang si Laira sa kanya ay hindi pa rin humihinto sa paglakad ng mabilis si Maira. Mas nilalakihan pa nga niya ang kanyang mga hakbang para hindi siya nito maabutan. Naglalakad sila sa hallway ng school. Wala naman siyang pupuntahan pero ang gusto lang niya ay ang makalayo kay Laira dahil naiinis na talaga siya dito.
Paano naman kasi siya hindi maiinis sa kakambal? Buong buhay niya ay nakakabit ang kakambal niya dito. Isip-bata ito. Noong ten years old kasi sila ay nasaksihan nito kung paano patayin ng tatay nila ang kanilang nanay. Sa harapan mismo nito nangyari ang krimen. Na-shock ito at parang huminto na ang pag-iisip nito sa ganoong edad.
Ang tingin ng ibang tao dito ay may sira sa ulo o kaya ay luka-luka si Laira kaya naman ganoon na rin ang tingin sa kanya ng karamihan dahil nga sa kambal silang dalawa. Ayaw na ayaw kasi nitong humiwalay sa kanya kahit nasa school sila. Mas lalo pa siyang nainis nang mag-request sa pamunuan ng school ang tita niya na siyang nag-aalaga sa kanila ngayon na gawin silang magkaklase ni Laira. Para daw may tumitingin dito sa loob ng classroom.
Mas lalo pa siyang nainis dito dahil sa naudlot na panliligaw sa kanya ng matagal na niyang crush na si James. Paano ay nalaman lang naman nito na may kapatid siyang katulad ni Laira sa pamamagitan ng kaibigan nitong si Ronnie. Agad na nadisappoint si James sa kanya dahil sinulsulan ito ni Ronnie na ganoon din siya-- isang luka-luka.
Mahal naman niya ang kanyang kakambal pero kapag naiisip niya na dahil dito ay iba ang tingin ng tao sa kanya, hindi niya maiwasang mainis at magalit dito. Wala naman kasi siyang ibang masisisi.
“Ate!” Nahawakan na ni Laira ang kanyang braso.
Napahinto siya sa paglalakad at ipiniksi ang braso. Nabitawan iyon ng kakambal niya. “Ano ba?!” Bulyaw niya pagkaharap dito. “Bakit ka ba sunod nang sunod sa akin? Alam mo naman na kahapon pa ako naiinis sa iyo! Nang dahil kasi sa iyo, itinigil na ni James ang panliligaw niya sa akin kahapon! Lubayan mo na nga ako! Alis!” Itinulak pa niya ito.
Napaatras si Laira pero hindi man lang naalis ang ngiti sa labi nito. “Hayaan mo na kasi si James, ate. Hindi ka naman kasi niya mahal talaga. Kasi kung mahal ka niya, dapat tanggap niya na magkapatid tayo!” Akala mo ay isang bata na sabi ni Laira.
Mas lalo lang siyang nairita sa sinabi nito. “Iyon na nga, e! Hindi ko matanggap na magkapatid tayo dahil ang tingin nila sa akin ay kagaya kita! Luka-luka! Isip-bata!”
Natigilan si Laira. Nakita niya ang pamumuo ng luha sa mata nito hanggang sa napaiyak na ito. Umatungal pa ito na parang sanggol. May humaplos na awa sa puso ni Maira. Ito ang ayaw niya, e-- kapag umiiyak na si Laira nang dahil sa kanya. Kinakain ng pagmamahal niya dito ang inis niya.
Mahina niya itong sinabunutan. “Tumigil ka na nga! Para ka talagang bata! Tigil na!” aniya.
“Ikaw kasi, ate, e! Inaaway mo na naman ako!”
“Okay na. Hindi na ako galit…”
Bahagya niyang inilayo ang kanyang sarili sa kakambal. Hinugot niya ang kanyang panyo sa bulsa at pinunasan ang luha nito.
“Hala! 'Yong kambal na sira-ulo, o!” Biglang may estudyante na dumating.
Agad na nagpanting ang tenga ni Maira sa narinig niya mula sa mga batang estudyante. Sa hula niya ay Grade 7 pa lang ang mga ito. Puro lalaki.
“Sino’ng sira-ulo?” nanlilisik ang mga mata na sigaw niya.
“Sino ba ang kambal dito? Kayo lang naman!” Tawanan ang mga ito.
Magsasalita pa sana siya nang may biglang dumating na tatlo pang estudyante. Isang babae at dalawang lalaki. Matapang na inaway ng isang babae ang mga batang estudyante. Ipinagtanggol sila nito hanggang sa matakot ang mga batang estudyante at umalis na.
Nilapitan sila ng tatlo at kinausap.
“Bakit parang inaaway kayo ng mga iyon?” tanong no’ng babaeng nagpaalis sa mga batang estudyante.
Hindi niya sana ito sasagutin pero bigla namang sumagot si Laira. “Kasalanan ko kasi… Binu-bully kami ni ate ko dahil sa akin. Luka-luka daw kasi ako kaya ang akala nila ay luka-luka din ang ate ko. Pero hindi naman luka-luka ate ko, e. Ako lang ang luka--”
Mabilis na tinakpan ni Maira ang bibig ni Laira. “Hindi ka luka-luka, Laira! Ano ba?!” naiinis na naman siya dito.
“Totoo ba ang sinabi niya? Binu-bully kayong dalawa?”
Tumango na lang si Maira. “Oo. At iyong dahilan na sinabi ng kapatid ko, totoo din iyon. Pero hindi luka-luka ang kakambal ko. May kakulangan lang siya sa pag-iisip pero mas matino pa siya sa mga nanglalait at nambu-bully sa amin!” tiim ang bagang na sabi niya.
Napabuntung-hininga ang babae. “Alam mo, pare-parehas pala tayo…”
“Paanong parehas? May kakambal din kayo?”
“Hindi. Pare-parehas tayong binu-bully sa iba’t ibang dahilan. Alam mo, kung gusto mo sumama ka na lang sa aming tatlo. Para naman may makausap kayo ng kapatid mo. Pwede mo kaming maging kaibigan tutal pare-parehas tayo ng pinagdadaanan…”
Parang nakakita ng sikat ng araw si Maira sa gitna ng gabi nang ngumiti sa kanya ang babae. Inilahad nito ang kamay at nagpakilala. “Ako nga pala si Abby. At ito namang mga kasama ko ay sina Marvin at Nicolo.”
Tinanggap naman niya ang kamay ni Abby. “Ako naman si Maira at siya naman ang kakambal ko na si Laira…” Pagpapakilala naman niya.
-----***-----
NAGLALAKAD pa lang sina Abby at Marvin papasok ng school nang makita nila na may grupo ng mga estudyante ang naglagay ng papel sa likuran ng isang payat na lalaking estudyante. Nakasulat sa papel ang salitang “LOSER AKO! LIBRE SAPAK!” Tuwang-tuwa ang mga estudyanteng iyon at pinagsasapak ang kawawang lalaki.
Agad na nilapitan nina Abby ang lalaki nang mapag-isa na ito sa paglalakad. Tinanggal niya ang papel sa likod nito. “Nilagyan ka nila nito--” Natigilan siya nang makilala niya ito. “Teka, ikaw iyong sa principal’s office!”
“I-ikaw iyong babae na nagtanggol sa akin!” bulala naman nito.
“Magkakilala kayo?” singit ni Marvin.
“Oo-- ang ibig kong sabihin ay hindi pa. Pero siya iyong sinasabi ko sa iyo noong isang araw.” Tumigil muna silang tatlo sa paglalakad. Hindi muna sila pumasok sa loob ng school. “Parang palagi ka yatang pinagti-trip-an, ah.”
“Mukha daw kasi akong mahina…”
“Palagi ka sigurong mag-isa. Alam mo, mas maganda siguro kung sumama ka na lang sa amin palagi ni Marvin para hindi ka na ma-bully. Katulad mo rin kasi kami. Nabu-bully rin kami nitong ni Marvin…” Inakbayan ni Abby si Marvin. “Ako nga pala si Abby. Ikaw?”
“N-nicolo…” Nahihiya pa nitong sagot.
“Magkakaibigan na tayo, ha?” Tumango lang si Nicolo.
Matapos ang maikli nilang pag-uusap at pumasok na sila sa loob ng school. Habang papunta sila sa kani-kanilang classroom ay may nakita naman silang dalawang babaeng estudyante na parang pinagtatawanan ng grupo ng mga batang estudyante. Hindi nagdalawang-isip si Abby na lapitan ang mga ito at matagumpay niyang naitaboy ang mga batang estudyante. Pakiramdam niya tuloy ay instant superhero siya sa mga nagawa niya ng araw na ito. Una ay kay Nicolo tapos ngayon naman ay sa dalawang babae na iyon.
Nilapitan niya ang dalawang babae at kinausap. Nalaman niya ang kwento ng dalawa. Kambal pala ang mga ito at katulad nila ay biktima din ang dalawa ng bullying sa kanilang school…
CLASS DISMISSED!