HINAYAAN ni Alger maglandas ang luha sa kanyang mga pisngi habang binabagtas ang kagubatan. Nais nitong ubusin na ang luha upang sa pagharap sa agwela ay said na iyon at hindi na papatak. Ayaw n'yang dulutan pa ito ng alalahanin. Nang maibsan na ang pait sa damdamin at ang luha ay kusa nang tumigil, binilisan na n'ya ang pagtakbo. Kailangang malapatan ng lunas ang karamdaman ng kaawa-awa n'yang lola. Matanda na ito ngunit tinitiis ang hirap ng pamumuhay sa kweba sa kagustuhang may makasama s'ya. "Patawarin n'yo po ako, lola. Nang dahil sa akin ay naghihirap kayo ng ganyan. At maraming-maraming salamat sa pagmamahal sa akin sa kabila ng aking anyo. Ikaw na lamang ang mayroon ako, lola. Tayong dalawa na lang.", malungkot nitong sabi. Narating n'ya ang kweba. Laking pasalamat n'ya nang mada

