CHAPTER 17 - Kambal na punla

1704 Words

SAMANTALA sa kaharian ng Alas. (A-las ang bigkas) Lingid sa kaalaman ng mga mamamayan at ng mga tagasunod ng hari, na ito at ang kanyang reyna ay nakapiit sa sariling silid ng kanilang palasyo. Malala ang karamdaman nito at iyon ang sinamantala ng ganid nitong pinsan na si Duke Henriko at ng punong ministro ng kaharian. Ito ang gumagawa ng mga desisyon gamit ang kasulatang sapilitang ipinagawa sa hari. Upang hindi mapahamak ang reyna at ang mga tagasunod sa loob ng palasyo ay naging sunud-sunuran na lamang ito sa mga kagustuhan ng buhong na Duke. Higit ang dami ng bilang ng mga naging kaalyado nito. Ilan sa mga ministro, pinunong sundalo, maging ang ilang maimpluwensyang maharlika ay naging tagasuporta ng pinsan. Kung kaya ang trono na para lamang sa isang haring tulad n'ya ay nanga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD