NANG may madaanang halamang gamot ay agad na pinapigtal ni Aling Idang sa apong si Pining ang ilang sanga nito. Ilang katawan ng puno na may balakbak ang kinuhanan din nila upang magmukhang tunay ang ginawa nilang dahilan. "Pining, hindi tama ang pagsisinungaling. Patawarin mo sana ang lola kung sa akin mo pa mismo nakikita ang ganitong 'di magandang gawain. Wala akong maapuhap na pangangatwiran, ikaw na sana ang bahalang umunawa sa akin.", sabi ng matanda. "Nauunawaan ko po, lola. May mabigat po tayong dahilan at hinihingi lamang po ng pagkakataon kung kaya nagagawa natin ang ganito. Alam ko po na para ito sa ikatatahimik ng lahat.'', sagot naman ni Pining. Nakalayo na ang mag-lola sa kwebang pinanggalingan nang makasalubong nila ang mga kababaryo. Sandaling tumulong muna ang mga ito

