"NAKAKAINIS ang pagiging basag ulo mo talaga, Alejandro!" Sinasabi 'yon ni Angel kay Alejandro habang hila na naman siya nito sa pulsuhan at tinangay siya palabas ng kaniyang inuupahan na apartment. Hinila siya ng asawa niya pagkatapos nitong sapakin na naman si Harvey na dinaluhan nina Elice at Marco Polo na as usual ay kasunod ni Alejandro. Malamang ay naroon na rin sa sala ng bahay niya si Theo at alam na rin ang nangyari. "He deserves it!" Hindi lumilingon sa kaniya na sabi ni Alejandro. Ang tono na ginamit sa kaniya ay flat lang. Tipong hindi mo mawawari kung ano ang emosyon na nakapaloob sa salita at sadyang binabanggit nito sa gano'ng paraan para magtaka ang makakausap. But not her. Dahil asawa niya si Jan Sandoval, alam niyang 'pag nagpakita 'to ng emosyong katulad nang naka

