Chapter 2.2

1257 Words
Chapter 2.2 Hindi ko namalayan na gabi na pala at patapos na ang shift ko. Malakas ang ulan sa labas kaya ang ibang mga tao ay nasa loob ng store para sumilong. Ang iba naman ay namimili ng mga bibilhin. Maya-maya lang ay pumasok na si Carmen na kapalit ko sa trabaho. "Bakit hindi ka pa nauwi?" Bungad niya sa akin. Lumabas ako ng counter at tumingin sa labas. "Wala kasi akong payong" sagot ko sa kaniya. "Ahh. Ganon ba" tinignan ako nito kaya tumingin din ako sa kaniya. "Bakit?" Takang tanong ko sa kaniya. "Merong nag-iba saiyo, Queen" mapanuring sabi nito kaya nag panic ako. "Ha?! Anong nag-iba sa akin?! Kamukha ko na ba si Tekla?! Nagka-pimples ba ako sa ilong?! Malilintikan ko talaga iyon si Tyron kapag nagkataon! O 'di kaya mas nag mukha akong diyosa?!" Nilagay ko ang kamay ko sa baba ko at nag beautiful eyes sa kaniya. Umirap naman siya sa akin habang nag p-punch ng mga binili ng mga bumibili. "Wala sa nabanggit!" Mataray nitong sabi kaya napataas ako ng kilay. "Eh ano nga iyon?!" Ngumuso ako. "Nakipaglaplapan ka ba?" Tanong nito na nag pakunot ng noo ko. "Putok na putok kasi ang labi mo" dugtong niya. "Ahh! Binigyan kasi ako ni Blaire ng lipgloss!" Masayang sabi ko. "Wehh?" Hindi naniniwalang tanong nito. Nainis naman ako dahil ayaw niyang maniwala. Bahala nga siya diyan. Tumango na lang ako sa kaniya bago pumunta sa may pinto ng store. Sakto namang pakatapat ko sa pinto ay siyang pagdating ni Tyron na may bitbit na payong. Nagkatinginan kami sa isa't-isa isa, agad akong ngumiti sa kaniya habang siya ay nakatingin lamang sa akin. Pinagmasdan ko siya, suot niya ngayon ay simpleng black t-shirt at black faded jeans. Kahit sa simpleng pormahan ay angat na angat ang ka-gwapohan ng best friend ko. "Hi!" Bungad ko sa kaniya at kumaway. Lumapit siya sa akin at kinuha ang shoulder bag ko. "Sorry, I was late. Nang hiram pa kasi ako ng payong sa kapitbahay" paliwanag nito kaya hindi ko maiwasang mas mapangiti. "Naku! Okay lang! Bakit ka nag so-sorry? Wala ka namang ginawang mali!" Ngumuso ako kaya napatingin siya doon bago tumingin sa iba. Tumikhim siya bago nag simulang naglakad kaya sumunod ako sa kaniya. Naka-silong kami sa isang pink na payong na hawak niya habang tinatahak ang maulang daan pauwi sa bahay. Ang cute niya lang tignan, all black tapos pink ang payong! "Nakuha ko na pala ang sweldo ko ngayon at kahapon. Bili tayo ng macaroni kila aling Mirna mamaya, masarap kasi ang macaroni sa tag-ulan. Doon ka na lang din sa amin Kumain muli" tumingala ako sa kaniya habang nakangiti. Siya naman ay nakatingin lang sa daan kaya napapagmasdan ko siya ng maigi. Ang clear skin ng luko, sana all. Maya-maya lang ang tumingin siya sa akin, bumaba ang tingin niya sa labi ko na may parang gustong itanong pero tumikhim lang siya at muling tumingin sa mga mata ko. "Nakuha ko na din ang sweldo ko kahapon kila Mang Kanor, bukas naman ang sweldo ko sa pag panday kila manang Silvia kaya mag-aambag din ako" sagot nito kaya napangiti ako. "Huwag na. Idagdag mo na lang iyan sa iniipon mong pangbili ng gitara" umiling ako sa kaniya. "Edi idagdag mo na lang din iyang pera mo para sa pag senior high mo. Huwag na tayong kumain" napanguso naman ako sa sagot niya kaya muli siyang napatingin doon. "Ito naman eh! Ano mag papagutom tayo?!" Inirapan ko siya. "It's because ayaw mo akong paambagin kaya huwag na lang tayong kumain" seryosong sabi niya kaya mas lalo akong napanguso. "Ayoko! Hindi ko kaya! Parang tanga naman iyang katwiran mo eh!" Nag papadyak ako habang nag lalakad. Inirapan lang ako nito "Hindi ko kayang hindi kumain sa isang araw!" Dagdag ko pa. "Patay gutom ka kasi and you also have a lot of worms to feed inside your tummy" ngumisi ito sa akin kaya hindi ako nagpatalo "Oo! At kakainin ka namin! Rawr!" Sakay ko sa pang-aasar niya sa akin na kina-iling niya lang ng ulo. "Tss. Baliw" bulong nito. "Maganda naman" ngumiti ako sa kaniya na ginantihan niya ng irap. Parang bakla talaga. Inirapan ko na lang siya dahil baka masapok ko pa siya kapag nainis ako. Hindi nag tagal ay narating namin ang tindahan ni Manang Silvia. Matanda na ito at ang tanging kasama sa bahay ay ang apo niyang si Elise. Kaya rin kami sa kaniya nabili para may kita naman siya para sa pang-araw-araw nila ni Elise. "Manang Silviaaaaa!" Sigaw ko sa labas ng maliit niyang tindahan. Sumilong kami ni Tyron sa bubong nito at inilagay niya sa gilid ko ang payong para hindi ako mabasa ng talapas ng hangin. "Ohhh! Kagabi-gabi nasigaw ka!" Gulat nitong bungad kaya napatawa ako. "Akala ko po kasi nasa loob kayo ng bahay nito hehe" nag peace sign ako sa kaniya. Hiwalay kasi ang bahay ni Manang Silvia sa tindahan niyang malapit sa kalsada. "Anong bibilhin mo, Angel?" Ngumiti ito sa akin kaya napangiti ako lalo. Woyyy bibili lang ako natawag pang angel! Ganda ko talaga. "Macaroni nga po, Manang Silvia tsaka isang sibuyas, isang bawang, isang sachet ng birch tree, pisong paminta, isang magic sarap, isang malaking hotdog, isang kirots" sunod-sunod kong sabi sa kaniya. "Teka lang, ineng. Dahan-dahan, mahina ang kalaban" natatawang sabi niya kaya natawa ako at bumuga ng malalim. "Okay po, kalma, Manang Silvia!" Sabi ko na kina-tawa niya. "Sira-ulo ka talagang bata ka" malumanay nitong sabi kaya napanguso ako at napakamot sa ulo. "Ikaw ang sabi kong kumalma, hindi ako ang pakalmahin mo" dagdag pa nito. Napatingin naman ako kay Tyron na nakangisi lang sa akin kaya lalo akong napanguso. "Engot ka daw sabi ni Manang Silvia" bulong nito sa akin kaya kinurot ko siya sa pwet. Panay aray naman siya habang hinihimas ang pwet niya. "Bingi ka ba? Sabi ni Manang Silvia sira-ulo ako. Hindi engot. Iniiba mo po ang sabi ni manang Silvia" inirapan ko siya na nag me-makeface habang hinihimas parin ang pwet na kinurot ko. "Repolyo pa po pala bago ko pa nakalimutan" pahabol ko kay Manang Silvia. "Kalma sabi ko, ineng" natatawang sabi niya. "Nakalimutan ko na nga kung ano iyong iba mong sinabi kanina eh" dagdag ni Manang Silvia habang nag lilibot sa maliit niyang tindahan. "Segi po. Nasaan po ba si Elise?" Pagbabago ko ng usapan. "Nasa bahay, maaga siyang natulog kasi maulan at masarap matulog kapag maulan" nakangiting sagot ni Manang Silvia habang kinukuha ang mga binibili namin. "Wow! Sana all!" Natawa naman siya sa sinabi ko. Inalagay niya sa harap namin ang mga pinamili ko habang kinikwenta iyon. Binuksan ko naman ang shoulder bag ko at hinanap ang wallet kong I❤️Bicol. Inilabas ko iyon at nag bilang ng pera pambayad. Inangat ko ang tingin ko ng marinig kong nag pasalamat sa isa't-isa sila Manang Silvia at Tyron kaya taka ko silang tinignan. Bitbit na ni Tyron ang mga pinamili namin. "Eh?" Takang sabi ko. "Binayaran niya na, ineng" nakangiting sabi ni Manang Silvia kaya taka kong tinignan si Tyron. "Akala ko ba hati tayo?" Linapitan ko siya. "Kaya. Hati-hati tayong kakain" sagot niya. "You know what I mean, Tyron" kinunotan ko siya ng noo. "Wow, English yon ah" pag puro niya kaya napa flip hair ako. "Hindi mo kayaaaaa. Ay! Kaya mo pala!" I giggled to myself bago napalitan iyon ng kunot noo. "Binabago mo usapan eh! Hati dapat tayo sa gastos eh!" Sinamaan ko siya ng tingin. "I already paid" sabi niya bago kinuha ang payong sa gilid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD