Chapter 2.3

1481 Words
Chapter 2.3 "I already paid" sabi niya bago kinuha ang payong sa gilid ko. Na para bang sinasabi niya na wala na akong magagawa dahil bayad na ang mga binili namin. Nauna siyang umalis sa sinilungan naming bubong ng tindahan ni Manang Silvia. Inirapan ko siya bago ko nilingon muli si Manang Silvia. "Manang Silvia, magkano po iyon lahat?" Magalang na tanong ko sa kaniya. "110pesos, ineng na anghel" nakangiting sagot niya na para bang natutuwa siya sa nakikita kaya napanguso ako. "Segi po, Manang Silvia. Mauna na po kami, salamat po" paalam ko sa kaniya. Pumunta na ako sa tabi ni Tyron at tumingin muli kay Manang Silvia, kumaway kami sa kaniya bago nag simulang maglakad muli pauwi. Panay ang sama ng tingin ko kay Tyron para maramdaman ko na hindi ko gusto ang ginawa niya kanina. Palagi niya na lang akong nililibre, laging siya na lang. Gusto ko din naman bumawi sa kaniya lalo na ngayon na nakahanap ako ng trabaho. "If looks could kill, I would've died this instant" sabi nito kaya napa-irap ako. "Ehhh! ikaw naman kasi eh! Sabi ko hati tayo! Ang daya-daya mo!" Pinag-iirapan ko siya 100x. "Stop rolling your eyes. Pag nahanginan iyan, forever ka ng ganinyan sige ka" banta nito sa akin kaya napanguso na lang ako. "Madaya ka kasi! Ipapakain kita sa buwaya!" Muli akong umirap. "If that's a crocodile with suitcase, I wouldn't want to be eaten by it. I'd rather be eaten by a dragon" tumingin siya sa akin habang naglalakad kami. "Eh? Wala namang dragon dito eh" sagot ko sa kaniya habang lumilingon-lingon pa sa paligid. "There is" seryosong sagot niya muli. "Talaga?! Asaan?!" Excited kong tanong. Totoo ang dragon sa Earth?! "Beside me" sagot niya na biglang nagpawala ng ngiti sa aking mga labi. "Sira-ulo ka ba?!" Inis na sigaw ko sa kaniya. "See? Galit na galit, gusto manakit?" Ngumisi ito sa akin. Pinigilan ko naman nasaktan siya dahil mapapatunayan ko lang ang sinabi niya. "Eh, kasi ikaw! Lakas mong mang-inis! Lakas ng trip mo, yah!" I crossed my arms together and rolled my eyes at him once again. "Bahala ka talaga kapag naduling ka" sabi nito kaya napanguso ako. "You won't be able to walk properly if that happens, because you don't know where's the right path is" dagdag pa niya kaya mas lalo akong napanguso habang kunot ang noo. "Andito ka naman para alalayan ako" nag pacute ako sa kaniya. "Gagawin mo pa akong alalay mo" sagot nito kaya agad ko siyang pinalo sa pwet. "Chansing ka, boy" ngumisi siya sa akin. "You really love manyaking me" umiiling-iling nitong sabi. "Assuming naman natin, pre! Hindi ba pweding naiinis ako sa iyo kaya ko iyon ginawa?!" Asar na tanong ko sa kaniya. "Hindi pwede. Manyak ka lang talaga" ngumisi itong muli sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako manyak! At hindi ka naman ka-manyak-manyak!" Sigaw ko sa kaniya. "Oh, really?" Inilapit niya ang mukha sa akin. "Sino sa atin dalawa ang ginawang doorbell ang u***g ko?" Ngumisi siyang muli. "Alangan naman ako, diba? Para ako niyang baliw kong susundotin ko sarili kong u***g" tumawa pa siya sa sarili niya. Tinulak ko na lang ang mukha niya palayo dahil naiinis ako pang-aasar niya at naiinis din ako sa bilis ng t***k ng puso ko. Baka mamaya ay may sakit na pala ako sa puso, lahi kasi namin iyon. Baka mamatay pa ako bigla sa daan dahil sa kaniya. Binilisan ko na lang ang paglalakad, humabol naman siya sa akin at mas inusog ako papalapit sa kaniya para hindi ako mabasa sa ulan. "Asar talo" ngumisi siya sa akin kaya hindi ko napigilang mapa-irap muli. "Alam mo naman pala! Tapos inaasar mo pa ako!" Inis kong sabi sa kaniya. Inakbayan niya naman ako bago ginulo ang buhok ko. "Hindi na nga po sabi, boss madam" pang-uuyam niya pa na inirapan ko na lang. "Ginawa ka ba ni papa God para inisin ako?" Tinaasan ko siya ng kilay which made him smirk. "Brave for you to say that papa God made me for you" sagot niya na nang-uuyam kaya hinampas ko ang kamay niya sa balikat ko. "Bakit hindi ba? Wala ka ngang ibang ginawa sa akin kundi inisin ako eh" inis kong sagot sa kaniya. Ngumiti naman siya, iyong mapang-asar bago binasa ang pang-ibabang labi niya, mas lalo iyong pumula. "Alangan naman kindatan kita palagi, edi na-inlove ka tuloy niyan sa akin" kasabay ng sinabi niyang iyon ay ang malakas na hangin na may ulan habang nakatingin kami sa isa't-isa. "A-asa ka! Ang hangin mo talaga, dinala mo pa talaga dito" nasabi ko nalang at naunang bumawi ng tingin. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko, parang sasabog. Hindi ko alam kung bakit, it must be the wind. Kailangan ko na atang uminom ng mefinamic. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa lugar namin, madaraanan muna namin ang bahay nila Tyron bago ang saamin kaya nakita namin si Lola Maria sa maliit na veranda ng bahay-kubo nila. Napangiti ako nang makita ko si Lola Maria. Namiss ko siya kahit kaka-kita ko lang sakaniya noong isang araw. Nagpadesisyonan naming puntahan muna si Lola Maria bago pumunta sa amin. Pakalapit sa kaniya ay nakita namin siyang naghihimay ng tinapa. Agad akong tumakbo papalapit kay Lola Maria. "Lolaaaaaaaaaa!" Sigaw ko habang tumatakbo. "Ay Jesus ginoo ko!" Gulat na sigaw ni Lola Maria at napahawak sa dibdib niya. Hindi ko napigilang mata at nag peace sign sa kaniya. "Sorry po, Lola. Nagulat po ba kita?" "Ayyy hindi, ineng. Pinatae mo ako" sarcastic na sagot ni Lola kaya napakamot ako ng ulo. "Ihhh, Lola naman!" Ngumuso ako na kinatawa ni Lola. Niyakap ko naman siya at naupo sa tabi niya. "Ano pong ginagawa mo, Lola?" Tanong ko habang naghihimay siya ng tinapa. "Gumigiling ng manok" pabalang na sagot muli ni Lola Maria. Ito talagang family ni Tyron, ang hilig-hilig na barahin ako. Napanguso na lang ako ng tudo, si Tyron naman ay tinawanan ako bago tinawag ang aso nitong si Cholo. Agad namang lumabas si Cholo galing sa loob ng bahay nila, nilaro naman agad ito ni Tyron. Ang cute-cute lang ng itim na asong si Cholo, parang amo niya lang hehe. "Para saan po iyan, Lola?" Pangungulit kong muli kay Lola Maria. "Para sa champorado, ihahalo ko" pabalang niya na namang sagot kaya halos maiyak ako. "Hindi niyo na po ba ako mahal, Lola? Huhuhu" "Eh, sino ba nag sabi saiyo na mahal kita?" Ngumisi sa akin si Lola. Humalagpak naman ng tawa si Tyron kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ihhh, Lola naman ni" ngumuso ako at yumakap sa bewang niya. Tumawa naman siya at hinalikan ako sa noo. "Ihahalo ko kasi ito sa gagawin kong gulay na natong bukas at ilalako ko" paliwanag niya kaya napangiti ako. "Ako na lang po maglalako bukas, Lola. Wala naman po akong pasok kas linggo" masayang offer ko sa kaniya na inilingan niya lang. "Nakuuu, huwag na. Kaya ko naman" sagot ni Lola. Hindi ko na siya kinulit pa, bukas ko na lang siya kukulitin na ako na lang ang magtitinda kasi baka tusukin niya ako ng tinik ng tinapa. "Kumain ka na po ba, la?" Tanong ni Tyron at tumayo mula pagkakaupo dahil nilaro niya kanina si Cholo. "Oo na, Ronron. Kinain ko iyong niluto mo kanina bago ka umalis" sagot ni Lola Maria sakaniya. Nang-aasar ko namang tinignan si Tyron na kina-irap niya. "Ronronnn" pang-aasar ko na kinatawa naman ni Lola Maria. "Ronronnnn" pag-sali ni Lola sa pang-aasar. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siya sa palayaw niya noong bata pa siya kasi ang bantot daw. "Ronronnnn" sabay naming pang-aasar ni Lola. "Tsk" tanging nasabi ni Tyron bago pumasok sa loob ng pinakabahay nila. "Lola, tulongan po kitang maghimay niyan. Maghuhugas lang po ako ng kamay" paalam ko kay Lola Maria at tumayo na. "Nakuuu, hindi na kailangan. Kaya ko na ito" sagot niya na nginitian ko lang. Pumasok ako sa bahay nila at pumunta sa likod kung nasaan ang gripo nila, hindi naman ako mababasa dahil may bubong iyon. Nakita ko doon si Tyron na naghuhugas ng kamay. "Dito na lang tayo magluluto" bungad niya sa akin. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. "Bombahan mo nga ako, mag huhugas din ako ng kamay" utos ko. Binanlawan niya naman ang kamay niya bago tumayo at binombahan ang gripo kaya isinahod ko doon ang mga kamay ko. "Nakita ko kasi nakaunti na lang ang panggatong niyo, dito na lang sa amin kasi marami-rami pa" sagot niya kaya napatango na lang ako habang sinasabonan ang mga daliri ko. "Ano palang gamot sa kuto ng aso? Kanina kasi habang nilalaro ko si Cholo, nakita na may kuto siya. He never had that" maya-maya'y tanong niya habang nagbobomba sa gripo. Tinapos ko ang pag-banlaw sa kamay ko at tumayo. "Bakit? Ano bang sakit ng kuto?" Tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD