Chapter 2.4

1511 Words
Chapter 2.4 "Ano palang gamot sa kuto ng aso? Kanina kasi habang nilalaro ko si Cholo, nakita na may kuto siya. He never had that" maya-maya'y tanong niya habang nagbobomba sa gripo. Tinapos ko ang pag-banlaw sa kamay ko at tumayo. "Bakit? Ano bang sakit ng kuto?" Tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ang kamay ko. Hindi naman siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya. Salubong naman ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin kaya napataas ako ng kilay. "Bakit?" Takang tanong ko sa kaniya. "Dati ka bang mayo ubo sa ulo?" Seryosong tanong niya kaya napaseryoso naman ako. "Hindi ko alam. Bakit mo natanong? Nagkaka-ubo ba ang ulo?" Curious na tanong ko sa kaniya. Napahilot naman siya ng ulo bago bumuga ng malalim. "Pumasok ka na lang sa loob. Doon ka na kang kay Lola, I'll cook" pag-tataboy nito sa akin. Tinignan ko naman siya ng puno ng pagtataka. "Ih, tutulong ako saiyo pakatapos kong tulongan si Lola" sagot ko sa kaniya. "Huwag na. You should rest after helping, Lola. Baka kapag inutosan kitang kumuha ng asin, i-abot mo sa akin asukal. May ubo ka pa naman ata sa utak" pag-tataboy nito at marahan akong pinapasok sa loob. "Grabe ka naman sa akin! Sipon lang ang meron ako sa ulo, hindi ubo! Kasi kapag may sipon ako, masakit ang ulo ko!" Pangangatwiran ko at ngumuso. Humarap ako sa kaniya habang salubong ang mga kilay ko. Napatingin siya sa labi ko bago sa mukha ko. "Ewan ko saiyo! Hanap ka ng kausap mo!" Tinalikuran niya na ako. Pumunta siya sa lutoan nila at nag simulang mag-gatong. "Ano bang ginawa ko saiyo?!" Inis na tanong ko sa kaniya. "Huwag kang nguso ng nguso, para kang pato!" Sagot niya pabalik. Medyo nilakasan niyo iyon dahil malayo siya sa akin at malakas ang ulan para marinig ko siya. Hindi pa naman siya sanay na nasigaw dahil palaging malumanay ang boses niya kaya medyo pumiyok siya. "At least maganda ako! Sabihin mo lang na inggit ka sa lips ko kasi kissable!" Sigaw ko na hindi naman niya sinagot na. Inirapan ko na lang siya kahit na nakatalikod sa akin . Pumasok na lang ako sa bahay nila ni lola at muling pumunta sa veranda para tulongan si Lola Maria maghimay ng mga tinapa. Sabay-sabay kaming kumakain ng macaroni na niluto ni Tyron na sobrang sarap, kamote, kanin, at tinapa kila Tyron. Dito na lang namin naisipan na kumain lalo na at inalok din kami ni lola kaya hindi kami makaka-tanggi. Sinundo lang ni Tyron ang mga kapatid ko mula sa bahay isa-isa dahil isa lang ang payong, mabuti na lang ambon na lang ang natira sa ulan. Pagkatapos naming Kumain ay naglaro ang mga kapatid ko, pinupunasan ko naman si Janine ng biglang tumayo si Tyron. Kinuha niya ang lumang radyo ng lolo niya at binuksan ito. Tumugtog naman mula doon ang paboritong kanta ni lolo na Lover's moon. Agad napangiti si Lola ng marinig iyon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit kay Tyron na inaadjust ang radyo. "Sayaw tayo, apo" aya ni lola kaya napangiti ako. Lumingon sa kaniya si Tyron at ngumiti din. Kinuha niya ang mga kamay ni lola at isinayaw ito. Kinuha naman sa akin ni Jerald si Janine at ginaya sila lola at Tyron na nagsasayaw. Bigla namang tumabi sa akin ang kapatid kong si Jerome at kinuha din ang kamay ko. "Sayaw din tayo, ate. Nainggit ako eh" kamot ulong sabi niya na halatang nahihiya. Natawa na lang ako at tumayo bago malumanay na nagsayaw ka-partner ng kapatid kong si Jerome. Maya-maya lang ay napalitan ang tugtog ng Fraulein. Bubbly ang tugtog kung kaya ay baliw na nagsayaw sila, nakigaya naman kami. Tawa-tawa kami habang nagsasayaw, sinasabayan pa ni lola Maria ang tugtog, kumakanta siya habang sumasayaw at iyon din ang ginawa ni Tyron, kumakanta din siya. Ang mga kapatid ko naman ay naki-gaya sa kanila. Talagang kung ano ang mga nakikikita ng mga bata ay finagawa nila. Kahit hindi alam ng mga kapatid ko ang lyrics ay nakiki-kanta din sila kaya natawa ako ng marahan. Sunod na tugtog ay Everything I do, I do it for you. Kinuha ni lola Maria ang kamay ni Jerome at sila naman ang nagsayaw, tawang-tawa naman ang kapatid ko, nakangiti ko silang pinagmasdan dahil para silang naglalaro. Napansin ko naman na may nakatingin sa akin, pag tingin ko sa gilid ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Tyron kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Wanna dance?" Inilahad niya ang kamay sa harap ko. "Hindi ba dapat may I have this dance?" Ngumisi ako sa kaniya kaya ngumisi din siya. "Just making sure to ask if you wanna dance" kumamot siya ng ulo. "Sino ba ang aayaw maka-sayaw ka?" Taas kilay na tanong ko. "Ikaw" sagot niya kaya natawa ako. "You know that I don't like dancing" natatawang sagot ko. Hindi kasi ako magaling doon. "I know" "Oh bakit mo pa ako inaalok kung alam mo naman pala?" "Tsk" inikutan niya ako ng mata bago kuhanin ang kamay ko. Inilagay niya iyon sa leeg niya bago niya ako hinawakan sa bewang. Nahigop ko ang hininga ko doon at pilit pinakalma ang puso ko. "A-ano ba, hindi nga ako marunong sumayaw" hindi ako nakatingin sa kaniya. "Sumayaw nga kayo ni Jerome" pangatwiran naman niya. "Eh, kapatid ko naman iyon. Tsaka minsan lang naman siya mag-aya kaya hindi ako makatanggi" paliwanag ko sa kaniya. "Minsan lang din naman ako mag-aya pero bakit sa akin nakakatanggi ka?" Taas kilay nitong tanong. "Luh si OA. Ito na nga nag sasayaw na tayo, ano pang inaarte mo diyan?" Taas kilay kong tanong na inirapan niya lang. Kita mo ito, tinatanong tapos nang-iirap lang. Sumasayaw kami habang hindi makatingin sa isa't-isa isa, naapakan ko pa nga siya sa paa minsan pero parang wala lang iyon sa kaniya. Nasanay na ata sa akin. "Tsk. We've been doing this for a decade yet you still don't know how to do it right" pang-aasar niya ng muli ko siyang naapakan. "Anong magagawa ko kung parehong kaliwa ang paa ko at hindi ako magaling sumayaw ah?" Inis na tanong ko sa kaniya na nakangisi pa sa akin. "Tanggalin natin" pang-aasar niya kaya tinampal ko siya sa braso. "Baliw" inis na sabi ko sa kaniya na tinawanan niya naman. Napalitan naman ang tugtog ng Angels brought me here. Napatingin ako sa labas ng bahay nila Tyron, malakas parin ang ulan kahit gabi na, lumalamig na din kaya napalapit ako kay Tyron dahil nilalamig ako. Hindi pa nakatulong ang hangin kasabay ng ulan. Tumingala ako at nakita kong nakatingin sa akin si Tyron. Ipinulupot niya ang kamay niya sa likod ko at ang isa sa bewang ko kaya nanlaki ang mga mata ko habang siya ay seryoso lang na nakatingin sa akin. "You were trembling" sabi niya. Mukhang nabasa niya kung ano ang iniisip ko kung bakit niya iyon ginawa. "You're cold, right?" Dagdag niya pa kaya tumango ako. Mas hinigpitan niya naman ang hawak sa akin. "I've been meaning to ask this since earlier" biglang sabi niya kaya muli akong napatingin sa kaniya. "A-ano iyon?" Kinakabahang tanong ko sa hindi ko malamang dahilan. "What happened to your lips?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa labi ko. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko bago iyon hinawakan. Nawala ang kintab nito kanina noong kumain ako pero may naiwan na pulang stain. "Ahh, binigyan kasi ako ni Blaire ng lipgloss kaya ginamit ko kanina" paliwanag ko. "Bakit?" Dagdag ko ng hindi siya sumagot at nakatingin lamang sa labas ng bahay nila. "Nothing. Maybe I'm just not used to seeing you wearing something like that" sagot niya habang pinagmamasdan ang mga sanga ng puno na idinuduyan ng hangin sa labas. "Bakit? Hindi ba bagay sa akin?" Tanong ko sa kaniya. Muli siyang tumingin sa akin. Ang klase ng tingin na nakakatunaw, buti na lang ay hindi ako ice cream. "No. It's suits you damn much that I can't even take away my eyes from you. I can't even take away my eyes from you even without it, how much if you have it on?" Sagot nito na para bang hindi ako ang kinakausap niya kundi ang sarili niya. Sunod-sunod naman ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya na pilit kong kinakalma. Palagi na lang. Ayokong mamatay sa heart attack, please, papa God. Napalitan naman ang tugtog ng Nothing's gonna stop us now. Hindi naman na kami sumasayaw at nakatayo na lang habang hawak parin ang isa't-isa. "B-bakit naman?" Utal kong tanong sa kaniya. "Because" pabitin nitong sagot. "Because?" Curious na tanong ko. Ayaw kong mag expect na nagagandahan siya sa akin ng sobra kaya hindi niya maalis ang tingin niya sa akin kaya gusto kong malaman mula mismo sa kaniya kung bakit hindi niya maalis ang tingin sa akin. "Because you look like a duck" sabi niya kaya agad ko siyang nasuntok sa braso. "Sira-ulo!" Inis na sabi ko na kinatawa niya. "Why? Did you expect something?" Ngumisi siya sa akin. Inirapan ko nalang siya at isinayaw na lang si Cholo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD