Chapter 3

1464 Words
CHAPTER 3: Hotdog *⁠.⁠✧。⁠*゚⁠+๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑.⁠。⁠*⁠♡✿⁠ ⁠♡ ⁠~⁠♪♡~⁠♪*⁠♡✿⁠ ⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑.⁠。⁠*⁠ *⁠.⁠✧。⁠*゚⁠+๑⁠˙ "Queen, diba cristiano ka?" Tanong sa akin ni Rizaldy, kapitbahay namin. "Oo. Bakit mo natanong?" Tanong ko naman sa kaniya habang nagbibilang ng pera. "Edi alam mo kung ano ang Matthew 5:42?" Tanong niya kaya napataas ako ng kilay. "Oo. Alam ko iyon. Bakit?" Inayos ko ang mga panindang nasa basket na bitbit ko. "Segi nga, kung alam mo, sabihin mo" challenge nito. Hindi naman ako nag papatalo kaya kahit busy ako ay kinalma ko ang sarili ko bago bumuntong hinga. "Matthew 5:42 says Give to the one who asks you, and do not turn away from the one who wants to borrow from you" sabi ko sa kaniya. "Ohh, 'di mo kayaaaa. Akala mo ba hindi ko alam? Don't meeee" ngumiti naman ako at ngumiti siya ng pagkalaki-laki. "Tama! Very good!" Pumalakpak pa siya at tumango ako. "At dahil diyan, pautang" malaking ngiting sabi nito. In an instant, nawala ang ngiti ko sa aking labi. "Sira-ulo ka ba? Ano sa tingin mo sa akin, mapera?" Taas kilay na tanong ko sa kaniya. "Oo" tumango-tango pa ito kaya napabuntong hininga ako. "Wala akong pera" sagot ko sa kaniya. "Eh, ano iyang hawak mo?" Nginuso niya ang perang hawak ko. "Tae" sagot ko sa kaniya. "Bastos nito! Dali na kasi, pautang!" Pilit niya. "Ay ganiyan ba dapat ang na-utang?! Namimilit?" Tinaasan ko siya ng kilay. Agad naman siyang nag peace sign. "Sabi ko na dapat behave ako kasi ako mangungutang" sagot niya. "Dapat diba ang mga nangungutang nag b-beg?" Tanong ko sa kaniya. "Oo" sagot niya naman. "Bakit hindi mo ginagawa?" Tanong ko ulit. "Bakit kung gagawin ko ba, papautangin mo ako?" Tanong niya pabalik. Ngumiti naman ako sa kaniya kaya ngumiti din siya ng malawak. "Hindi" seryosong sabi ko. Nawala naman ang ngiti niya at inirapan ako. "Segi na kasi, Queen! Pautang ako!" Pamimilit niya pa kaya napa-irap ako. "Aanhin mo kasi? Tsaka hindi naman akin ito. Ako lang naglako ng tinda ni Lola Maria" paliwanag ko sa kaniya. Kumamot naman siya ng ulo habang nakanguso, disappointed ito. "Pambayad ko kasi sa parcel" kamot ulong sagot niya kaya natapi ko siya sa kamay. "Iyan kasi! Order-order ka sa shopee tapos wala ka naman palang pangbayad!" Sermon ko sa kaniya. "Eh kasi naniniwala ako na God will provide" nakangiti nitong sabi kaya napa-irap ako. "Baliw ka. Si papa God pa talaga papabayarin mo sa parcel mo" nag peace sign lang naman siya sa akin. Nakita ko naman si Tyron na naglalakad papalapit sa akin, may bitbit din itong pera sa kamay, naubos na ang sampong balot na ulam na kinuha niya sa akin kanina. Nag lilibot kas kami dito sa lugar namin, tinitinda ang luto ni Lola Maria na bicol express at natong. "Done with yours?" Bungad sa akin ni Tyron kaya napanguso ako. "Not yet. Tapos may balak pang mangutang" tumingin ako kay Rizaldy sa harap ko na OA napahawak sa dibdib niya. "Hoy! Hindi ako mangungutang, noh!" Defensive nitong sabi kaya natawa na lang ako. "Ako naman ang may tanong saiyo, Rizaldy" sabi ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin na kaninang pinagmamasdan si Tyron. "Ano iyon?" Tanong nito sa akin at muling binalik ang tingin kay Tyron na kinukuha sa kamay ko ang bitbit kong basket ng ulam. "Bakit Rizaldy ang pangalan mo? December 30 ka ba pinanganak kaya Rizaldy pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya, matagal na kasi akong curious sa pangalan niyang kakaiba. Napatingin naman siya sa akin na nanlalaki ang mga mata. "Paano mo nalaman?!" Gulat nitong tanong. "Kasi pangalan mo eh" sagot ko na kina-irap niya. "Bibili pala ako, Queen Basta si Tyron ang magbibigay sa akin" malandi nitong sabi habang nakatingin kay Tyron na nag bibilang ng pera sa tabi ko. Tinignan niya pa si Tyron taas-baba. Well, hindi ko naman siya masisisi dahil pogi naman talaga kasi itong best friend ko eh. Kahit na nakasuot lang siya ng brown shirt at basketball shorts, angat na angat padin ang ka-gwapuhan niya sa simpleng suot niya. "Akala ko ba wala kang pera kaya ka nangungutang sa akin para may pambayad ka sa parcel mo?" Takang tanong ko sa kaniya na nakatingin lamang kay Tyron. "Meron na palan. God already provided, nakita ko lang si Tyron" parang baliw nitong sabi dahil hindi lamang napikit habang nakatingin kay Tyron. "Hintayin niyo ako dito, kukuha lang ako ng pera!" Tumakbo na si Rizaldy papasok sa bahay nilang gawa sa hollow blocks. "Where's your hair tie?" Tanong ni Tyron sa akin ng makitang hindi nakatali ang buhok. Pinagpapawisan na din kasi ako, mainit na agad ang panahon kahit alas siyete pa lang ng umaga. "Ah, naiwan ko sa gripo" sagot ko sa kaniya. Nagmamadali kasi ako kanina para maunahan ko si Lola Maria sa paglako ng mga tinda niya kaya hindi ko naalalang kunin ang hair tie ko. Pakarating ko naman sa kanila ay nakita ko si Tyron na bitbit na ang mga paninda ni Lola, wala daw siyang pasok ngayong sabado sa mga pinag-eextrahan niya kaya pinilit niya si Lola na siya na lang mag lako, sinamahan ko naman siya dahil namimilit din naman ako kay Lola kahapon. Lumabas namang muli si Rizaldy sa bahay nila na may bitbit na wallet na itim "Hindi iyan wallet ni papa mo?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman niyang tinago sa likod niya ang wallet habang nanlalaki ang mga mata. "Hoy! Hindi ah! Akin ito! Grabe ka naman sa akin!" Ngumuso pa siya. "Naninigurado lang" sagot ko. "Ilang ba kukunin mo?" Tanong ko sa kaniya. "Tig-isa" sagot niya at ngumiti kay Tyron na kinukuha ang bibilhin niya. "Magkano lahat?" Tanong niya. "130" sagot ni Tyron na nagpalaki ng mga mata ko. Bakit overpriced itong kuya niyo mag benta?! Ngiti-ngit namang binuksan ni Rizaldy ang hawak na wallet at nag labas ng dalawang fifty pesos, twenty pesos na buo, at 10pesos bago inabot kay Tyron. Kinuha naman iyon ni Tyron bago ibigay kay Rizaldy ang binili nitong ulam. "Thank you, Tyron!" Kinikilig nitong sabi. Nag pasalamat ako kay Rizaldy bago sumunod kay Tyron na naunang mag lakad. "Hoy!" Kinalabit ko ang braso niya, tumingin naman siya sa akin. "Bakit naman sobrang mahal ng benta mo kay Rizaldy? Diba 35pesos lang naman iyong natong at 45pesos iyong bicol express kaya dapat 80 pesos lang? Paanong naging 130pesos? Anong gagawin mo sa sobrang 50 pesos? Huwag mong sabihing ipang chochongke mo iyon?!" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang naglalakad sa likod niya. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad kaya naumpog ako sa likod niyang malapad. "Aray ko po" hinilot ko ang noo ko. Humarap naman siya sa akin na magkasalubong ang mga makakapal niyang kilay. "Tss. I don't do shits, okay?" Umirap siya sa akin kaya napanguso ako. "Okay, sabi mo eh" ngumiti ako sa kaniya. "Tss. And besides, hindi ako nag o-overprice sa kaniya, okay?" Paliwanag ni Tyron. "Wehh?" Hindi naniniwalang tanong ko. "Tss. Oo nga" napipikon niyang sagot. "Wehh?" Muli kong pang-aasar. Sarap kasing pikonin. "Remember the 50pesos she borrowed from you last month?" Paalala niya sa akin. "Oo, bakit?" Tanong ko kasi inungkat niya ang nakaraang masakit at pilit ko ng nililimot. "She hasn't paid you back yet, right?" Isa na namang paalala niyang masakit. "Oo. Sabi niya wala naman daw siyang utang sa akin" Nakanguso kong paliwanag sa kaniya at humawak sa dibdib ko kasi makirot. 50pesos din iyon eh, sayang. Wala akong magagawa sa matigas na mangungutang. "Siningil ko lang siya" paliwanag naman ni Tyron kaya napalayo ako sa kaniya habang nakataas ang kilay. "Pero hindi ka naman nag sabi sa kaniya na sinisingil mo siya, eh" sagot ko sa kaniya. "Hindi din naman siya nag sabi ng totoo saiyo. When in fact she has debt on you" pangungumbinsi niya. Napanguso ako. Sabagay tama siya. Pwede naman na iyon kaysa mapagod ako maningil sa taong ayaw mag bayad. Napangiti na lang ako dahil kay Tyron. Pwede pala siya maging taga-tinda ng shabu dahil madali siyang maka-hikayat at mangumbinsi. Nauna na siyang naglakad kaya sumunod ako. Napanguso ako dahil sa kaniya pero hindi ko maiwasang mapangiti. Humawak ako sa braso niya at isinandal ang ulo ko doon. "Thank you, Ronron" naglalambing na pasasalamat ko sa kaniya. Ang saya ko talaga, nabalik na ang 50pesos ko. All thanks to the great Tyron!. "Tsk" sagot lang ni Tyron na kinatawa ko. Ayaw na ayaw niya talagang tinatawag siyang Ronron maliban doon ay nagtatampo rin ata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD