Chapter 3.1
"Haha Ronron" Pang-uuyam ko pa.
"Stop with it" Naiinis nitong sabi sa aki.
Hindi ko siya sinunod at ngumisi lamang.
"Thank you talaga, Ronron. Malaking halaga na sa akin ang 50pesos kaya kahit noong nanghiram siya ay hindi ko sana kayang i-let go, pero sabi niya kasi emergency kaya pinahiram ko siya. Turns out, emergency for parcel pala iyon" Paliwanag ko sa kaniya.
"You should've asked her what was the emergency first back then" pagsermon ni Tyron na kinanguso ko.
"Eh, alam ko naman! Pero kasi sabi niya emergency eh. Diba usually ang emergency na alam natin ay about sa mga taong nasa critical na kalagayan?. Malay ko bang ang emergency para sa kaniya ay tambak na parcels na parating at walang pangbayad" mas lalo akong napanguso sa paliwanag ko sa kaniya. Naalala ko na naman ang panahong naluko ako ni Rizaldy. Budol siya.
"Just be careful next time" seryosong sabi ni Tyron kaya ngumiti ako sa kaniya. Para kasi siyang angry birds kapag magkasalubong ang makakapal na kilay.
"Aye! Aye!, daddy!" Sumaludo pa ako sa kaniya.
"Tss" nasabi niya lang kaya natawa ako at muling sinandal ang ulo ko sa braso niya habang naglalakad.
Pumunta kami sa isang tindahan, inalok ko ang mga marites na nandoon, ang iba ay bumili, ang iba naman ay hindi habang si Tyron ay nag tungo sa tindahan mismoz may bibilhin ata.
"Asan mama mo, Queen?" Tanong sa akin ni Aling Fe, mama ni Rizaldy.
"Nasa trabaho po" sagot ko habang nag bibilang ng sukli para kay Aling Flor na katabi niya.
"Ay hindi pa nauwi?" Tanong muli ni Aling Fe.
"Hindi pa po, eh" sagot ko naman.
"Bakit naman?" Si Aling Fe ulit.
"Hindi ko po alam" sagot ko at inabot ang sukli ni Aling Flor.
"Baka may asawa na siya doon" tumawa pa si Aling Fe kaya napatingin ako sa kaniya.
Alam ko naman na naghahanap lang ito ng infos para may pag-usapan na naman sila mamaya ng mga kapwa niya marites kaya tanong ito ng tanong sa akin.
"Wala naman po, ikaw po bantayan niyo po ang asawa niyo, baka iyon po ang maghanap ng ibang asawa" sagot ko sa kaniya na nakapagpatahimik sa kaniya.
Sakto naman na dumating si Tyron sa tabi ko, may hawak siyang isang ice tubig at pink na panali sa buhok na may design na pink na ribbon. Lumapit siya sa akin at basta na lang pinunasan ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng kamay niya, binigay niya sa akin ang ice water na agad ko namang binutasan gamit ang bibig ko at uminom doon dahil uhaw na din naman ako.
Pumunta siya sa likod ko, tinipon niya ang mga buhok ko at itinirintas ito ng isahan, medyo natagalan pa siya doon dahil mahaba ang buhok ko Hanggang pwetan.
"Itong batang ito, maaga itong mabubuntis" narinig kong bulong ng kung sino na halata namang pinaparinig.
Agad ako doong napatingin at nakita ko si Aling Fe na nakatingin sa amin ni Tyron. Napa-irap nalang ako sa kawalan. Mga marites talaga, walang ibang magawa kundi mangialam ng buhay ng iba, kung ang anak niya na lang ang pinagtutuonan niya ng pansin, hindi iyong anak ng iba, natutukan pa sana nila at nagabayan.
Nakalahati ko na ang ice water ng matapos si Tyron sa pag salapid ng buhok ko, inilagay niya iyon sa kaliwang balikat ko. Ibinigay ko naman sa kaniya ang tira kong ice water na walang arte niyang ininom sa kaparehong butas kung saan ako uminom. Nag-init naman ang mukha ko dahil doon, hindi na lang kasi siya nag butas ng panibago eh.
"Ang lalandi, pagkabata-bata pa naghaharutan na agad. Baka bukas nito, buntis na agad" pahabol pa ni Aling Fe noong aalis na sana kami ni Tyron.
Nakuyom ko ang mga palad ko sa inis, pinakalma ko ang sarili ko, baka kung ano pa ang masabi ko sa kanila. Tinignan ko naman si Tyron na masama ang tingin sa kanila, alam kong nagtitimpi lang din siya sa mga marites sa lugar namin. Hinawakan ako ni Tyron sa pulso at hinila paalis doon habang hawak niya naman sa kabilang kamay ang basket ng mga ulam.
Pagkaalis namin doon ay 30mins lang naubos agad ang dala naming tinda. Hindi na kasi kami ang lumalapit sa mga bibili eh, sila na ang lumalapit sa amin, I mean kay Tyron. Kahit nga iyong mga taong hindi naman dapat bibili, napapabili simula noong nakita nila si Tyron. Mabuti na lang at kasama ko si Tyron, mas napadali ang trabaho.
Pasalmpak akong nahiga sa papag ng bahay-kubo nila Tyron paka-uwi namin.
"Don't do that, just sit" napaupo naman agad ako habang nakanguso.
Palagi niya kasi akong pinapagalitan kapag nahihiga agad ako kapag galing sa labas at pagod dahil masama daw iyon.
Pumasok siya sa loob kaya ganon din ang ginawa ko. Naabutan namin si Lola Maria sa kusina na nagluluto.
"Lolaaaaaa" sigaw ko bago ko siya niyakap sa likod. Humarap naman siya at ngumiti sa amin.
Nag-bless kami ni Tyron kay lola pagkatapos naman ay nilabas ni Tyron ang wallet kung saan andoon lahat ng kita namin ngayong araw.
"Ilan ito lahat, apo?" Tanong ni lola habang binubuksan ang wallet.
"2k po" sagot niya na kinalaki namin ni Lola Maria ng mga mata.
"Paldooooo!" Sigaw ng kung sino.
Agad naman akong napatingin doon at nakita ko ang kapatid kong si Janine na nasa gilid, nag lalaro sa lupa.
"Andiyan ka pala. Anong ginagawa mo dito, Janine at sino ang kasama mong pumunta dito?" Tanong ko sa kapatid at nilapitan siya.
"Tumatae po, ate" pamimilosopa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan niya lang.
"Halika dito, mag hugas ng kamay. Huwag kang maglaro sa putik" sermon ko sa kaniya.
Hinawakan ko siya sa pulso bago marahang hinila papunta sa gripo nila Tyron.
"Bakit ang dami naman nito, apo?" Rinig kong tanong ni lola kay Tyron habang hinuhugasan ko ang kamay ni Janine.
"Sobra po kasi ang binabayad nila, ang iba naman ay hindi kinukuha ang sukli, lola" Paliwanag ni Tyron.
Tinignan ko naman si lola na sobrang tuwang-tuwa.
"All thanks to your grandson's face po, lola" natatawang singit ko.
Bumusangot naman si Tyron habang si Lola Maria at pinanggigilan ang pisngi ni Tyron, kinurot-kurot niya iyon.
Nang matapos kong hugasan ang kamay ni Janine at tumayo ito, inilagay niya ang kamay sa ilong, ang isang kamay naman ay pinalangoy-langoy paharap na parang isda sabay sabing "Scubaaaaa" taka ko namang tinignan ang kapatid ko.
"Ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Scuba scubadooo do do dooo" pagkanta ng kapatid ko at hindi ako pinansin.
Anong masamang ispirito ang sumapi sa kapatid ko?! Nababaliw na ba siya?! Kailangan ko na ba siyang dalihin sa mental hospital?! Sa mang-tatawas?!
Natawa naman si Lola Maria sa ginagawa ni Janine at inakay ito papunta sa kaniya bago sinuklay-suklay ang buhok ni Janine gamit ang mga daliri ni lola.
"Hinatid kasi nila Jerome at Jerald si Janine dito. Ayaw daw nilang isama sa pupuntahan nila kasi puro lalake doon" si Lola Maria na ang nag paliwanag sa tanong ko kay Janine kanina.
"Saan daw po pupunta sila Jerome?" Takang tanong ko kay lola.
"Kila Ethan po, ate! Lalaro daw po pogs!" Sagot ni Janine.
Napakunot naman ang noo ko. At talagang iniwan nila si Janine para lamang maglaro ng pogs?! Mabuti na lang ay naisipan nilang iwan kay lola Maria at hindi iwan lamang sa bahay ng mag-isa.
"Ang pasaway naman ng mga batang iyon. Hindi lamang nagpaalam sa akin" feeling ko ay umuusok na ang ilong ko pero kinalma ko ang sarili ko.
"Hayaan mo na, Queen. Minsan lang naman eh" pagpapakalma sa akin ni lola Maria na kinanguso ko.
"Eh kasi po, lola iyang paminsan-minsan na iyan sa katagalan po ay masasanay sila. Masasanay din silang umaalis ng hindi nag papaalam at laging iniiwan si Janine, babae pa naman po itong kapatid namin at kapag nasanay sila, hindi po iyon maganda" pangangatwiran ko.
Lumapit naman sa akin si Tyron at pinindot ang ilong kong lumalaki at liit ang butas sa ilong. Inis ko naman siyang tinignan.
"Ano na naman problema mo?!" Inis na tanong ko sa kaniya.
Pinindot niya na naman ang ilong ko kaya tinapi ko paalis ang kamay niya.
"I didn't know that doorbells can move" pang-aasar niya sa akin na mas lalo kong kinainis. "I didn't know that they are able to grow big and shrink back to its size" dagdag nito at ngumisi pa sa akin