Chapter 1.4

1005 Words
Chapter 1.4 Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Guhit ito ng napaka-gandang electric guitar na may unique design. "Woahh ang ganda! Sino gumawa niyan?!" Namamanghang tanong ko. Inagaw ko pa sa kaniya ang sketchpad para pag masdan itong maagi. "Ay, si lola ata" sarcastic nitong sabi habang iniirapan ako kaya napanguso akong muli at pinukpok siya sa ulo gamit ang sketchpad. "Baliw! Hindi naman na kaya ni lola mag drawing ng ganito!" "Alam mo naman pala! Bakit nag tatanong ka pa kung sino ang gumawa niyan?!" Again, he's sarcastic. "Malay ko ba kung ikaw ang gumawa nito. Malay ko kung nag pa-drawing ka sa iba" umirap ako sa kaniya. "Crazy. I wouldn't even think about disturbing someone just to do something like this for me" ngumisi siya habang naiiling sa akin. "Edi ikaw na talented!" Pinagmasdan ko ulit ang design niya sa electric guitar. May nakita ako doong parang alphabet ng ibang language. Triny ko namang basahin iyon pero hindi ko nga alam kung anong language iyon. "Talaga!" Mayabang nitong sagot kaya agad akong napalingon sa kaniya. "Kapal ah!" Pang-aasar ko sa kaniya. "Talaga!" Sagot niyang muli kaya napa-irap ako. "Kapal talaga! Pero in fairness, ang ganda-ganda nito" muli kong pinagmasdan ang drawing niya. "Yeah that's because it's my dream guitar" sagot niya sa akin at nakisilip sa tabi ko. "Alam ko" nang-uuyam na sagot ko sa kaniya that earned me his infamous eye-roll "Alam mo naman pala na it's my dream guitar, why did you even bother to ask me if who made this?" He asked me sarcastically that made me smirk "Para asarin ka" nang-iinis kong sagot na effective naman dahil inirapan niya ako. "Tsk" tanging naisagot niya. Tumawa lang ako sa kaniya. Gustong-gusto ko talaga kapag naiinis siya dahil nakakakita ako ng expression sa mukha niya na minsan mo lang makikita. Palagi kasing blanko ang pogi nitong mukha kaya palagi ko naman siyang inaasar para magka-wrinkles siya. Di joke lang haha. "I wanna see it in real life, Tyron" tumingin ako sa mga mata niya habang nakangiti. Ginulo niya naman ang buhok ko at ipinatong ang kamay niya doon. "You will. Soon. And you'll be the first one to see it" napangiti lalo sa sagot niya. "I'll look forward to it!" Masayang sabi ko sa kaniya na sinuklian niya naman ng isang ngiti kaya lumabas ang dimples niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na sundotin iyon kaya ngumiti siya lalo, lumalim tuloy lalo ang dimples niya that made me giggle. "As you should" sagot niya sa akin kaya tumango ako. Muli siyang ngumiti sa akin. Hindi ko kinaya ang mga ngiti at titig ni Tyron kaya inalis ko ang kamay ko sa dimple niya at tumingin sa langit kung saan nakita ko ang favorite shape ko ng moon. "Crescent moon" naibulalas ko. "It may not be whole but it's beautiful" ngumiti ako sa buwan matapos kong sabihin iyon. "Indeed" sang-ayon ni Tyron habang nakatingin din sa buwan na pinalilibutan ng mga bituin. "Kailan ko pala makikita ang guitar mo?" Excited na tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa din sa buwan. "Kapag naka-ipon na ako ng sapat na pera" sagot niya naman kaya napangiti ako lalo. "Gusto mo share tayo?" Tumingin ako sa kaniya kaya tumingin din siya sa akin. Ngumiti siya bago umiling. "Thank you for your offer but I will decline it" kinuha niya sa kamay ko ang sketchpad niya. "Bakit naman?" Takang tanong ko sa kaniya. "You see, it's my dream" sagot niya habang nakatingin sa drawing niya. "Alam ko. That's why I want to help you fulfill your dreams" sagot ko sa kaniya habang nakatingin din sa drawing niya. Doon ay napansin kong may crescent moon itong design kaya mas napangiti ako. "I appreciate it, Queen but you don't need to. Just give it for yourself and your family" nakangiting sabi niya sa akin kaya napanguso ako. "Ano ba iyan?! Akala mo ba sa akin mapera? Piso lang naman ang i-aambag ko para masabing may naambag ako sa pangarap mo!" I crossed my arms together with a pout. Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko. Pero willing naman talaga akong tulongan siyang matupad ang mga pangarap niya sa buhay gaya ng pag tulong niya sa akin. As friends, we should be helping one another pero naintindihan ko naman kung bakit ayaw niya dahil naintindihan din naman niya ang sitwasyong meron ako. "Sure sure" sagot niya na lang habang tumatawa. "Ano ba sa tingin mo hindi ko kayang mag-ambag?!" Ngumuso ako at tumayo para madukot ko nang maayos ang barya na nasa bulsa ng maong kong shorts. "Oh, piso pang capital mo sa pangarap mo!" Inirapan ko siya at inabot ang barya sa kaniya. Natatawang napatingin naman siya doon bago siya ngumiti sa akin. "You don't really have to, pero since you're so persistent, kukunin ko na lang" tumawa siya pakasabi non bago kinuha sa akin ang barya. Yumuko siya mula sa pagkatingala sa akin dahil nakatayo padin ako habang siya ay naka-upo sa papag ng treehouse. Pinagmasdan niya ang hawak na piso sa kaniyang kamay bago siya muling tumingala sa akin ng may malaking ngiti. "Thank you, Queen, really" masayang pasasalamat nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Kain tayo kamote?" Masayang aya ko sa kaniya. Natawa siya bago tumango kaya bumaba ako sa tree house at tumakbo papasok sa bahay. Kinuha ko ang baonan na malaki kung saan nakalagay ang malalaki at iba-ibang kulay na kamote kumpara sa kinain namin kanina. Ibinigay ito sa akin ni Tyron, para sa akin lang daw kaya tuwang-tuwa ako habang yakap-yakap ito sa aking dibdib habang naglalakad palabas ng bahay. Nakita ko naman siya sa labas ng bahay na naghihintay sa akin kaya ngumiti akong muli. "Tara, kain tayong kamote?" Aya ko sa kaniya. Mahina siyang tumawa at tumango bago lumapit sa akin. "Patay gutom ka talaga" sabi niya sa akin na tinanguan ko sa pagsang-ayon. Bumalik kami muli sa tree house at doon kami kumain ng kamote habang pinagmamasdan ang buwan sa malalim na gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD