Chapter 1.3
Narinig ko ang simula ng tugtog ng kantang bagong tinutugtog ni Tyron at muli akong napa ngiti. He's playing Michael Bolton's When a man loves a woman habang sinasabayan niya ng pagkanta.
Nag hiwa ako ng mga sibuyas, bawang at luya bago ako nag simulang mag gatong. Ang saya lang nilang pakinggan habang nag luluto ako, parang nawala lahat ng pagod ko lalo na kapag naririnig ko ang mga gigil na tawa ng mga kapatid ko dahil sumasayaw-sayaw pa sila habang kumakanta.
Pagkatapos kong mag luto ay tapos narin sa pagtugtog si Tyron, kung ano-ano pa kasi ang kinanta nila bago naisipang kumain ng kamote.
Sabay-sabay kaming kumain ng gabing iyon, hindi din talaga nag patinag si Tyron at umuwi siya sa kanila para lamang kumuha ng lutong tuyo at binigyan kami. Siyempre hindi din ako nag pahuli, nilagyan ko ng maraming talbos kamote ang plato niya at pinabigyan din si lola Maria.
Pagkatapos naming kumain ay sinabihan kong mag sipilyo ang mga kapatid ko habang nililigpit ang mga pinagkainan namin. Pag dating ko sa gripo upang mag hugas ay nakita ko si Tyron na tinutulongan si Janine na mag sipilyo kasabay ng mga kuya niya kaya napangiti ako.
"Ako din, daddy Tyron sipilyohan mo ako" pang-aasar ko na kina-irap niya sa akin na siyang kina-tawa ko naman.
Nilagay ko ang mga hugasan sa planggana at binombahan ang gripo ng biglang may dumamping basa na something rough sa mukha ko. Tinignan ko ito at nakita kong may brush para sa damit sa malapit sa aking labi. Inis kong tinignan si Tyron sa gilid ko na hawak-hawak iyon na para bang sisipilyohan niya ako gamit iyon.
"Ano ba, Tyron?! Alisin mo nga iyan!" Naiinis na sita ko sa kaniya at pilit iyong inilalayo.
"What? I thought you want me to brush your teeth?" Maang-maangan nitong tanong na kina-tawa ng mga kapatid ko at ako naman ang napa-irap.
"Ikaw kaya mag toothbrush gamit iyan ng hindi sumakit lahat ng gums mo!" Inis na sabi ko sa kaniya pero tumawa lang ito.
"What? Ayaw mo noon? Hindi ka na mahihirapang mag sipilyo kasi malaki ito, tanggal pati tartar mo" pang aasar niya pa kaya sa inis ko ay tinanggal ko ang bakal na tubong hawakan ng gripo.
Tumatawa naman siya habang tumatakbo palayo sa akin, inis naman akong nagpapadyak sa pwesto at nag patuloy na lang sa pagbomba sa gripo. Nang matapos namang mag sipilyo ang mga kapatid ko ay pumasok na sila sa loob ng bahay upang matulog na. Si Tyron naman ay pinuntahan saglit si lola Maria.
Nasa gitna na akong nang pagbanlaw ng mga kinainan namin ng biglang may sumundot sa tagiliran ko, nagulat naman ako doon dahil ako lang ang mag-isa dito sa labas. Narinig ko naman ang tawa ni Tyron sa gilid ko kaya sinabuyan ko siya ng tubig na may bula dahil sa inis ko.
"Bakit ka ba nananakot?!" Inis na tanong ko sa kaniya na tawa lang ng tawa sa tabi.
"Kapag ikaw talaga tinakot ko, makikita mo!" Inis na banta ko sa kaniya habang nag babanlaw ng mga plato.
"As if you can" pang-aasar niya pa at lumapit sa tabi ko. Nag squat siya dahil wala nang ibang upuang maliit katulad ng inuupuan ko, tumulong siya sa pag banlaw ng mga pinagkainan at pinaglutoan.
"I can kaya" I told him at binelatan siya. Nag smirk lang naman ang kupal.
"Talaga ba? Paano?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napa-urong ako. "What?" Ngumisi siya at lumapit muli. "You can't, right?" Mas lalo pa siyang lumapit kaya umusog ulit ako.
"Baho ng hininga mo, pre!" Nasabi ko na lang dahil kumakabog nang husto ang puso ko dahil sa lapit niya. Ano ba problema ng isang ito at lapit ng lapit sa akin?! Para aatakihin ako sa puso nito eh!
"The f**k?!" Naibulalas niya sa gulat sa akin, lumayo siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Inamoy niya naman ang sariling hininga at tumingin ng masama sa akin. "I just brushed my teeth, even my tongue! And I am sure that I don't have a bad breath, duh!" Umirap ito sa akin. "Baka saiyo iyan dahil hindi ka pa nag sisipilyo!" Dagdag niya kaya nainis ako.
"Hoy! Hindi kaya mabaho ang hininga ko kahit hindi pa ako mag sipilyo nang isang taon, hindi ito babaho!" Naiinis na sigaw ko sa kaniya at inalapit ang mukha ko sa kaniya, siya naman itong umaatras ngayon. Bakit? Teka baka mabaho talaga hininga ko kasi hindi pa talaga ako nag sisipilyo gaya ng sabi niya.
"W-what?! Not brushing teeth for a year?! That's gross!" Nandidiring sabi nito sa akin at lumayo pa. Para talaga siyang bakla kaya napa-irap akong muli sa inis.
"Hindi kaya! Nag iipon kasi ako ng tartar na ibebenta ko sa mga bakery, mahal iyon! Gagawin ko ding yellow ang ngipin ko hanggang sa magmumka itong gold at ipagkakalat ko sa lahat na totoong gold iyon, na nag pagawa ako ng gold na ngipin" Proud ko pang sabi kaya napuno nang pandidiri ang mukha niya at umakto pang nasusuka kaya napairip akong muli at tinapos na lang ang pag banlaw.
"That's absurd" nandidiring sabi pa din nito kaya winisikan ko siya ng tubig.
"Ito naman hindi mabiro! Hirap mo ka bonding!" Umirap ako sa kaniya at siya naman ay ngumiti sa akin at pinindot ang ilong ko.
"Asar talo" pang-uuyam niya sa akin bago binuhat ang pinggan ng mga pinag kainan namin, pinatuyo niya ito bago ilagay sa platohan namin.
"Hindi ka pa ba uuwi? Huwag mong Sabihin takot kang umuwi mag isa at mag papahatid ka pa sa akin?" Pang aasar ko sa tabi niya habang pinapanood siya sa kaniyang ginagawa.
"Nahh I'm not afraid" ngumisi siya at tumingin sa akin. "Tsaka may ipapakita pa ako saiyo mamaya sa labas, I'm sure you're going to love it" excited nitong sabi sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi ma-excite.
"Ano iyon?!" Excited kong tanong sa kaniya at humawak sa braso niya.
"You'll see it later" nakangiting sabi nito at pinindot ang ilong ko, binalewala ko ang ginawa niya dahil iniisip ko kung ano iyong ipapakita niya sa akin mamaya kaya napangiti din ako lalo sa excitement.
Maya-maya lang matapos naming mag ligpit sa bahay at nag linis naman ako sa sala at kusina ay inaya ako ni Tyron pumunta sa ginawa naming tree house. Nauna siyang umakyat doon bitbit ang gitarang nakasaklay sa likod niya at inalalayan akong makaakyat sa hagdan pakataas niya.
Pakatataas ko ay agad akong naupo sa papag ng tree house at bumuga ng hangin.
"Ang presko talaga here" nasabi ko habang dinadama ang medyo malamig na malumanay na hangin sa gabi.
"Yeah" pag sang-ayon niya at naupo sa tabi ko at inilagay sa lap niya ang gitara bago sinimulang i-strum ito.
"Ano ba iyong ipapakita mo sa akin, pre?" Pangungulit ko sa kaniya. He looked at me and smiled while strumming the guitar.
"Excited much to see it?" Nakangiting tanong niya kaya ngumiti ako lalo habang tumatango-tango.
Tumayo naman siya sa at binigay sa akin ang gitarang hawak niya bago pumunta sa gilid ng tree house kung saan andoon ang box na gawa sa kahoy.
"Anong hinahanap mo diyan?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Ginto. Baka sakaling meron ng yumaman tayo" sagot nito na nag panguso sa akin.
Hindi na ako muling nag tanong pa at hinintay na lang siyang bumalik sa tabi ko.
Maya-maya lamang ay bumalik siya at naupo sa tabi ko bitbit ang isang sketchpad.
"Ano iyan?" Tanong ko sa kaniya.
"Tae, Queen. Tae" sagot nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nag tatanong lang naman ng maayos! Galit ka agad!" Ngumuso ako habang siya naman ay nag smirk.
"Puro ka kasi tanong hindi ka na lang mag hintay" sagot niya naman kaya inirapan ko siya.
"Eh sa hindi ako makapag hintay eh! Pake mo ba?!" Inis na tanong ko na tinawanan niya lang bago binuksan ang sketchpad niya.