Mabait si Nay Klaring. Taos-puso kong pinagpasalamat ang kaniyang pagbalik dahil kanina pa ako nag-iisa rito sa kubo. Wala akong ibang ginawa kun’di tumulala. At sa mga nakalipas na oras, panay lang ako obserba sa bintana, lalong lalo na sa mga taong dumadaan sa harapan.
Hindi gaya ng mga tao sa lugar na aking kinagisnan, kapansin-pansin na mas madilim ang kanilang balat. Pumasok kaagad sa isip ko na baka dulot ito ng hanap-buhay nila rito sa Isla. Wala naman sigurong ibang pagkaka-abalahan dito maliban sa pangingisda o pagsasaka. At base sa naaalala ko, wala namang nakakaalam na may nabubuhay pa pala sa lugar na ito.
Panay ako galugad sa isipan kanina kung paano nangyari ito. Kung paanong sa hinaba-haba ng panahon ay wala man lang nakapagsabi na hindi pa pala patay ang islang ito. Even schools are teaching students about this, na napailalim ito noon sa napakalaking sunog kaya hindi na kaya pang buhayin muli.
Ano kaya ang itsura nito sa labas? At saang parte kaya ako ngayon? Tagong lugar ba ito kaya hindi man lang natutuklasan? O sadyang nagtatago lang talaga sila?
“Siguro, magpapakamatay ka.”
Bigla akong kinilabutan nang marinig iyon kay Nay Klaring. Nagpakilala na siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Inakala ko na kukwentuhan na niya ako sa isla gaya ng itinanong ko ngunit hindi ko inasahan na iyon ang sasabihin niya.
Umayos ako ng upo sa papag. Bahagya kong inangat ang isa kong paa at mataman siyang tinitigan. Nasa tabi lamang siya ng bintana ngayon, nakaupo sa upuang nakaharap sa lamesa at may kung anong dinidikdik.
“P-paano niyo po nalaman?” kabado kong tanong. Huminto siya sa ginagawa at marahang lumingon sa akin. Napalunok ako.
“Iyon naman ang alam niyong mga taga-siyudad sa isla namin ‘di ba? Kung hindi lugar ng mga patay, lugar naman ng mga ligaw na kaluluwa.”
I’ve heard this before. Tandang tanda ko pa dahil si Kiana ang nagsabi sa akin noon. This island is not just for the dead. This is for those who crave and seek for death.
Ilang beses na ring sumagi sa akin ang magpakamatay. Iyon ay mula pa noong bata ako dahil halos araw-araw ko na lang naririnig ang pagtatalo nila Mommy. Kung hindi dahil tungkol sa trabaho, dahil naman sa akin. Dad is blaming me as the root of their misery. Wala ng iba, ako lang.
Kaya naman, lumaki akong nangungulila sa ama. Oo’t kasama ko siya sa iisang tahanan pero parang wala lang ako sa kaniya. Para lang akong hangin, para lang akong multong hindi niya nakikita, para akong ibang tao’t animo’y hindi niya kilala, para akong hindi parte ng pamilya.
Only Mom has given me affection and care. She’s the one who never let me feel that I’m alone. Pakiramdam ko nga ay parang ang sama-sama kong tao. She doesn’t deserve this kind of treatment from that man. I could always feel that she wants to build a happy and contented family but Dad’s too heartless to even fulfill his duty. Wala siyang kwentang ama. Wala siyang kwentang asawa.
“Pasensya po kung iyon ang nakasanayan naming isipin sa tuwing maririnig ang pangalan ng islang ito,” I murmured. Yumuko ako nang ibalik na niya ang tingin sa dinidikdik na dahon. “Sa totoo lang, hindi ko po inaasahan na may mga tao pa pala rito.”
Huminga ako nang malalim bago magpatuloy.
“Pero huwag po kayong mag-alala. Kung nililihim niyo po ang tungkol dito, hindi ko po ipagsasabi—”
“At sa tingin mo, papayagan kang umalis dito?”
Kunot-noo kong inangat ang aking mga mata. Anong ibig niyang sabihin?
“Daffodil, iha. Hindi ka papayagan ng pinuno.”
“Po?”
Natapos na siya sa pagdidikdik. Inilipat niya ang mga dahon sa isang mangkok na gawa sa ba-o ng niyog saka humarap sa akin.
“Alam mo ba kung ano ang numero unong patakaran dito? Ipinagbabawal ang pagpapapasok ng mga taga-labas sa komunidad na ito.” She sighed. “Hindi naman ganito si Carlo. Sa buong buhay niya rito, ngayon lang siya nagdala ng hindi naman taga-rito.”
Napalunok ako. Ibig sabihin, iyong Carlo nga na tinutukoy niya ay iyong nagligtas sa akin kagabi? Ngayon ay nasisiguro kong siya ang lalaking nakausap ko kanina.
“Ayaw naming ipaalam sa mga tulad niyo na nandito pa kami dahil paalisin lang kami. Kuntento na kami sa buhay na mayroon dito, sapat na sa amin ang aming kinabubuhay.”
Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong tulala dahil lalo pang kinabahan. The fact that they’ll never allow me to go back to the city will always scare me. Ibig ba sabihin, habang buhay na ako rito?
Habang buhay man o hindi, ‘di ba’t pabor naman sa akin ito? Heto, malayo na ako sa hirap. Malayo na ako sa lugar kung saan halos araw-araw akong umiiyak. Mom will easily forget me. And Dad, on the other hand, will be happy.
Tama, wala akong dapat ipangamba kung pananatilihin nila akong nakakulong dito. Noon pa man ay tinanggap ko nang sira ang buhay ko. Tanggap na tanggap ko na.
“Pasensya na iha. Sumusunod lang kami sa pinuno. Huwag mo na lang isipin kung anong maaaring mangyari. Kami nang bahala ni Carlo.”
Tumayo siya at kumuha ng telang nakasabit malapit sa pinto. Saka niya ito itinaklob sa kaniyang ulo at naglakad palabas.
Hindi na ako nangangamba tungkol sa nais ng kanilang pinuno o kung sino pa man iyon. Wala akong pakialam sa parusa o patakaran dahil wala naman na akong pakialam sa buhay ko. Pero sa mga oras na ito, bukod-tangi nang sumasagi sa akin iyong Carlo. Bakit parang ang lakas ng dating niya sa akin? Bakit parang matagal ko na siyang kilala?
Kapag iniisip ko ang mukha niya, para bang nakita ko na siya noon pa. Hindi ko lang maisip kung saan ko nadiskubre. Pilit kong inaalala. Pilit kong pinipiga ang isip ko. Pero sa huli, wala talaga.
Maybe when he’s back, I would ask him. Ang kaso, baka hindi ko rin magawa dahil sa kasungitan niya. Magtanong man siguro ako nang magtanong, baka papasok lang iyon sa kaliwa niyang tenga at lalabas naman sa kabila. Pero wala namang masama kung susubukan, ‘di ba?
May mga batang pasilip-silip sa bintana. Siguro kuryoso dahil unang beses lang nilang makakita ng tulad ko. Parang gusto nila akong kausapin kaya nginingitian ko na lang kapag nagtatama iyong mga mata namin.
Nagugutom na ako at lumipas na ang ilang oras. Wala pa ba si… Carlo?
Pahiga na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Halos tumalon ang puso ko nang makita kung sino iyon.
Dire-diretso siyang tumungo sa lamesa at nilapag iyong mga plastik na dala. Nakatingala lang ako sa kaniya ngunit sa mga segundong iyon ay hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Hindi man siya dito nakaharap, batid kong nakasimangot siya. May isusungit pa kaya siya?
Namangha ako sa suot niya kung ikukumpara kanina. Ngayon kasi ay mas kaswal na siya sa shirt at denim pants. Hindi tulad ng sando at shorts na kanina’y saplot niya. Sa sobrang mature ng kaniyang katawan, nasisiguro kong mabibigat ang trabahong ginagawa niya rito. Ano-ano kayang mga pinagkakaabalahan niya?
Nagtama ang aming mga mata nang sinubukan niyang humarap dito. Hindi ko alam pero nagsusumigaw ang tinging iyon. He’s so mysterious, so hard to read. Wala ba siyang ibang kayang gawin sa mukha kundi ang maging seryoso at sumimangot?
May hawak siyang mangkok na medyo maliit. Tangan-tangan niya ito hanggang sa nilapag sa tabi ko. Lalong kumalam ang sikmura ko dahil sa gutom. Kahit na hindi naman ako mahilig sa goto, wala akong magagawa dahil iyon lang ang nakahain dito.
“Kaya mo ang sumubo o kailangan mo pang subuan?” he asked in a manly tone. Saglit kong kinagat ang labi ko dahil nagdulot iyon ng kaba sa akin.
Bakit parang galit siya sa akin?
“U-uh… kaya ko naman…” nauutal kong sagot, natatakot.
Sinong hindi kakabahan sa lalaking tulad nito? Sa tono pa lang ng boses niya, masisindak ka na!
Kung kanina ay nagagawa ko pang sumagot-sagot, ngayon ay hindi na. Binalot na ako ng takot.
“Kainin mo na.”
Tumango-tango ako habang siya ay umupo sa gilid ko. Hindi ko na sinubukan pang sundan siya ng tingin dahil alam kong mas matatakot lang ako. Bakit parang mas nagalit pa siya kung ikukumpara kanina? May nagawa ba akong mali sa kaniya? Ano ang kasalanan ko?
Pilit ko iyong iwinaksi. Dahan-dahan kong iginapang ang kaliwang kamay upang maabot ang kutsara saka yumuko nang kaunti. Nang mahawakan iyon, sinubukan kong haluin nang malumanay ang gotong tila umuusok pa sa init. Masusuya pa rin kaya ako sa lasa nito?
Back when I was in Manila, kahit sabihin pang hindi maganda ang trato ni Daddy sa amin ay hindi siya pumalya para mag-provide ng mga kailangan namin. Masasarap naman ang mga ulam namin. Hindi rin kami nababaon sa utang. Walang problema sa finances. Pero aanhin mo ang yaman kung sadlak naman sa lungkot ang pamilya?
Madalas din mag-uwi ng goto si Mommy dahil ayon sa kaniya, paborito raw iyon ni Dad. Minsan ko nang tinikman iyon pero nasuka lang ako. Hindi naman sana ako maarte sa pagkain pero hindi ko talaga nagugustuhan ang lasa. Niluluwa ko na lang kapag nasa bibig ko at hindi ko alam kung may pag-asa bang magustuhan ko pa iyon.
Pero ngayon? Bakit nang maamoy ko ang aroma nito ay hindi man lang ako naduwal gaya ng dati? Dala kaya ito ng gutom? O dahil magaling iyong nagluto?
Habang hinahalo ko ang goto sa mangkok, dama kong nakatingin sa aking gilid si Carlo. Kailangan bang manood pa siya diyan? Bakit hindi na lang siya lumabas at gawin kung anong gusto niya?
Besides, kung talaga ngang galit siya sa akin o ‘di kaya’y naiinis, hindi niya ako kailangang alagaan o punan ng kung ano-ano. Pwede namang si Nay Klaring na lang. Babawi na lang ako kapag gumaling na ako sa pilay na ito.
Habang inaangat ang sinalok na goto sa kutsara, bigla na lang nanginig ang kamay ko. Kaya bago ko pa man ito matapon, mabilis kong binalik sa mangkok ang kutsara at suminghap sa kaba.
Hindi naman ako pasmado ah?
“Ako na. Susubuan kita.”
“Hindi, ako na. Kaya ko—”
“Alam kong hindi pa kaya please, kung paiiralin mo ‘yang kakulitan mo, huwag ngayon.”
Mabilis niyang kinuha ang mangkok at lalong tumabi sa akin. Kung pwede lang siguro sumigaw, baka kanina ko pa nagawa. Hindi dapat ako mainis dahil ang laking tulong niya sa akin pero bakit ang bilis kong mairita?
Iba siya. Ibang iba ang epekto niya sa mga nakasalamuha ko. Kung iyong iba’y natitiis ko ang kasupladuhan, siya naman ay hindi. He seems too old for this. Baka nga nasa thirty’s na. Mukha lang mas batang tingnan dahil iyong mukha niya’y may taglay na kagwapuhan.
Pero kahit na maganda ang katawan niya at may angking kagwapuhan, sinapawan pa rin ako ng iritasyon. Pwede naman niya akong hayaan dito dahil pipiliin ko namang kumain. Bakit kailangan pa akong subuan?
Nakaharap siya sa akin ngayon habang nakaupo sa aking tabi. Ilang pulgada lang ang aming layo at sigurado akong magdidikit ang aming balat sakaling lumapit pa siya nang kaunti. Ngunit sa halip na humarap ako sa kaniya para makakain ay hindi ko ginawa. Sa kabilang direksyon ako bumaling, taliwas sa kinaroroonan niya.
“Hindi ako kakain kung susubuan mo ako.”
“Nasanay ka bang pinipilit ka? Maikli ang pasensya ko sa mga gaya mo kaya pakiusap...”
Nagtagis ang bagang ko. Siya ba talaga ang nagligtas sa akin kagabi? God. Parang pinagsisisihan ko pang aminin sa sarili ko na siya ang bayani ko. Bakit parang ang sama-sama naman ng ugali?
“Then leave,” anas ko. “Mauubos lang sa’kin ang pasensya mo. Wala kang mapapala sa akin, Carlo.”
“W-what?”
Natigilan ako.
“Paano mo nalaman ang… pangalan ko?”
Paulit-ulit akong huminga nang malalim upang mabawasan ang bigat ng tensyon. Bakit parang big deal sa kaniya ito? It’s just a name. Nothing more. Nothing less.
Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa pag-iwas sa kaniya ng tingin kaya lalo lang siya nainis.
“Di bale. Alam ko rin naman ang pangalan mo,” aniya sabay tayo. Hinila niya ang upuan kung saan nakaupo kanina si Nay Klaring sabay pwesto nito sa aking tapat. Doon siya umupo habang hawak sa isang kamay ang mangkok na may goto.
Nang magtama na naman ang aming mga mata, parang nawalan na ako ng kontrol upang umiwas pa. Pakiramdam ko’y nakakulong na ako sa kaniya dahil kung ibababaling ko pa sa gilid ang ulo ko, mangangawit lang ang leeg ko.
Pero higit sa lahat, na-intriga ako sa sumunod niyang sinabi. Lalo na nang seryoso niyang banggitin ang buong pangalan ko gamit ang malalim at dumadagundong na boses.
“Daffodil Gumabon, right?”