“Hello, pwede ba akong mangialam sa malaki ninyong kusina para magluto?” malaki ang pagkakangiti niyang tanong sa isang katulong sa loob ng kusinang iyon.
Halatang natigilan ang babae sa pagkausap niya rito. Kaagad na nag-iwas ng paningin ang babae sa kanya at tinalikuran siya na para bang walang nakita.
“??” Napalabi siya.
Nang makita ang isa pang paparating na babaeng katulong ay agad niya iyong hinarang. “Excuse me, pwede ba akong makigamit sa kusina---"
Ngunit hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ay mabilis na siyang nilampasan ng pangalawang babae na iyon.
“Wow.” natatameme niyang sambit.
Hindi siya sumuko, at nang may makitang pangatlong babae na pumasok sa kusina ay kaagad niya iyong kinausap. Sa pagkakataong ito ay hinarang na niya ang kanyang sarili upang hindi ito hayaang makaalis.
“Pakiusap, pwede ko bang gamitin ang kusina panandalian dahil gusto kong magluto ng sarili kong pagkain? Hindi naman siguro ako mananagot kung kukuha rin ako ng mga sangkap at pagkain sa cabinet at refrigerator, hindi ba? Kaunti lang naman ang pakikialaman ko at lilinisin ko rin ang sarili kong kalat.” Sunod-sunod niyang sabi.
May nanlalaking mga matang nakatingala sa kanya ang maliit na dalagita. Bumuka ang mga labi nito subalit walang salita na lumabas, animo nakakita ng multo. Pinanginigan pa ito ng katawan na kinataka ni Yasmien.
Mukha ba talaga siyang masamang tao dahil sa mga reaksyon nitong parang napakadelikado niyang tao?
Simula nang dumating siya rito, wala talaga ni isang kumakausap sa kanya kundi sina Lance, Leo, headmaid, at ang doktor. Ang mga katulong sa loob ay ini-snob siya.
Napabuntong-hininga siya, hindi na hinintay pa ang itutugon ng dalagita. “Sige, tumakbo ka na. Bahala kayo, basta gagamitin ko ang kusina!”
Nang sinabi niya iyon ay dali-daling tumakbo ang babae palabas ng lugar. Napabilog sa laki ang dalawang butas ng ilong niya.
Kapagkuwan ay napailing-iling siyang tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang iba't-ibang book recipes.
Hindi marunong magluto si Yasmien ng mga pagkaing pang-mayaman, pero malaki ang tiwala niya sa sarili na masarap siyang magluto kahit na susundan niya lamang ang step-by-step process.
Sa loob ng isang linggo ay napagmasdan naman niya ang mga finish products na kinahuhumalingan ng mga bata, kaya magiging madali na lang sa kanya na paglutuan ang mga ito.
Ika nga sa telebisyon, ang mabuting ina ay pinaglulutuan ng mga masasarap na pagkain ang mga anak nito!
Kaya naman gumising siya ng alas sais upang mag-eksperimento sa kusina, dahil maya-mayang alas otso ay gising na ang triplets at bababa sa dining room para mag-almusal.
“Kaya mo ‘to, Yasmien! Para sa misyon mong haplusin ang mga puso ng triplets!” pagpapalakas niya pa sa loob. Sinimulan niyang kumilos na animo naghahanda para sa isang giyera. “Ang food for today ay banana berry smoothies~ muffins~ kroysant boats~ Yes!”
***
“Blurrghh! What kind of food is this?!”
Nagulantang si Yasmien sa kinauupuan nang isigaw iyon ni Lance. Oo, ni LANCE! Ang nag-iisang nagmamahal sa kanya rito sa mansyon!
“Whose maid prepared this?!” hindi maipinta ang klase ng pandidiri sa mukha ng bata matapos isang beses na isubo ang banana berry smoothies na kanyang hinanda.
“Eww.” nabitawan din ni Leo ang hawak nitong tinidor habang nakaupo sa tapat nila sa hapagkainin. “Nanny, please ask the headmaid to fire the maid who prepared this breakfast. Balak niya pa yata kaming lasunin. And, please, kontakin mo si daddy para i-report ito sa kanya.”
“Masusunod, young master.”
Halos lumuwa sa panlalaki ang mga mata ni Yasmien. Kumabog ang malakas na pagtibok sa puso niya. May nanlalamig na mga kamay niyang tinikman ang pagkain, ngunit para sa kanya ay masarap naman iyon! Masarap ang hinanda niya, kaya nga't kanina ay may pagmamalaki pa sa dibdib niya na niyaya ang triplets na kumain!
Paano naging masama ang panlasa?! May kakaiba bang tastebuds ang mga bata bukod sa kakaiba nilang utak?
“Rence, stop eating! Baka sumama pa ang tiyan mo!” may pag-aalalang saway ni Leo sa kapatid nito na silang magkatabi ng upuan.
Ngunit si Rence ay ilang beses na umiling, masaya at malakas na kinakain ang mga hinanda ni Yasmien.
“Hey, hey, Rence! Leo, make him stop baka masuka siya mamaya!” nag-aalala ring sigaw ni Lance sa tabi ni Yasmien, natatarantang tinuturo si Rence.
“Rence, stop!” binabawi ni Leo ang plato at tinidor mula kay Rence.
Nagsalubong ang kilay ng tahimik na tama at ayaw bitawan ang pagkain nito.
“What's wrong with you, Rence?! You're a picky eater! Napaka-pili mo sa pagkain, tapos kakainin mo lang itong basura na pagkain? Gusto mo bang magkasakit!” naiinis na nag-aalalang bulyaw pa ni Leo sa kanyang kapatid.
“Argh!” dahil hindi makapagsalita ay nag-sign language lamang si Rence, na agad din namang naintindihan ni Leo, saka siya natigilan.
“What are you talking about? Why do you like this food? It's disgusting!” asik pa ni Leo. “Even Lance agreed about its taste!”
“Yeah!” ani Lance. “Don't eat this food anymore, Rence. I'll go ask another maid to prepare another breakfast since Chef Sandro is on sick leave.”
Muling galit na sumenyas gamit ang kamay si Rence. “But I like this food! I love the taste! I want to eat more! Give me back my food!”
“Ang kulit mo!” hindi hinayaan ni Leo na makuha ni Rence ang plato. “No! For sure, you're going to have a stomach ache later, and Doctor Joross is busy now, so no one's going to take care of you but us! What's so special about this food anyway? It tastes like garbage!”
“That's right, Rence! I don’t get why you, a picky eater, would want to eat something like this!” Pagalit pa ni Lance.
May namumulang pisngi dala ng galit na may pwersang nagwikang pasenyas si Rence. “It tastes like Mom's cooking! I miss eating mommy's food!”
“!!!” Labis na natigilan sina Lance at Leo. Nanlaki ang mga bilog nilang mga mata at natikom nila ng husto ang mga bibig. Nagugulat pa silang nagkatinginan dalawa at matagal na nanaig ang katahimikan.
Samantalang habang pinapanood iyon ni Yasmien ay wala siyang natindihan. Hindi siya makaintindi ng sign language kaya hindi niya nalaman ang mga pinagsasabi ni Rence, pero mukhang gusto pa nitong kainin ang mga pagkaing hinanda niya kahit na nilalayo na nila Lance at Leo.
“M-Mom, Mommy?”
Napabaling si Yasmien kay Lance nang humawak ito sa dulo ng damit niya para kunin ang atensyon niya.
“Hmm?” kinabahan siya. Paano niya aamining siya ang nagluto at naghanda ng mga pagkaing iyon?
“Did you perhaps… prepared our breakfast today? Ikaw po ba ang nagluto ng mga ito?” may pagsusumamong tanong ni Lance sa kanya.
Sunod-sunod siyang napalunok. Ayaw pa sana niyang aminin dahil hindi nila nagustuhan ang ginawa niya. Pero ayaw din naman niyang magsinungaling. “P-Pasensya na mga bata… akala ko masarap ang ginawa ko, hindi pala. ‘Wag niyo na lang kainin dahil baka magkasakit pa kayo…”
Napasinghap ng malalim na hangin si Lance. “I-I knew it! Even Rence can recognize you, Mommy!!” labis na nagliwanag ang mukha nito.
“Ha??” nalito si Yasmien marahil hindi niya nasundan ang usapan ng mga ito kanina.
“N-No way…” parang pinagbagsakan naman ng langit at lupa si Leo. “NO WAY! She’s not! No, she can't be!!”
“Ha??” napakamot sa ulo si Yasmien, wala nang maintindihan sa mga reaksyon ng triplets.