Kabanata 11

973 Words
“And it's done!” nakangiting saad ng doctor kay Yasmien sa loob ng kyubikel ng clinic. Napuno ng pagtataka si Yasmien. “‘Yun na ‘yon, doc? Tapos na agad?” “Yes, tapos na.” “O-Okay…” napakamot siya sa batok. Kinuha lamang pala ang laway niya sa bunganga at tapos na agad. “Aalis na po ba ako?” Sandaling pinakatitigan ng doktor ang mukha niya. “You really look and sound like her…” “Po?” napakurap siya bago mapagtanto ang tinutukoy nito. “Aah, ‘yung mommy ng mga bata at asawa po ba ni Sir Lucas?” Bumuntong-hininga ang doctor at tumango. “Ikaw ba talaga siya?” “Ah, eh, malaki po ang posibilidad.” pilit niyang nilakasan ang loob niya. “Mayroon po kasi akong amnesia, kaya hindi ko maalala.” Napangiwi ang labi ng doctor. “Okay, let's go now.” Tumayo ang lalaking doctor kung kaya't napatayo rin siya. Umalis sila mula sa kyubikel, saka pinuntahan ang mga bata sa kanina nitong kinauupuan. Nagliwanag ang mukha ni Lance nang makita siya, kaagad na tumakbo sa kanya upang magpakarga, na agad naman niyang ginawa. Naglakad din naman ang maliit na si Leo sa kanila upang kuryosong magtanong. “Doc Joross, kailan namin malalaman ang resulta ng DNA test?” “Para sa mas accurate na resulta ay magtatagal iyon ng two to three weeks,” nakangiti paring sabi ng doktor. “Babalitaan ko na lang kayo kapag nandiyaan na ang resulta, ayos ba mga bata?” “Opo, doc Joross!” natuwa si Leo. “As long as lalabas na rin ang katotohanan!” “Yeah! Para gumanda na rin ang treatment kay mommy dito sa mansyon!” natutuwa ring sigaw ni Lance. “Ha ha ha, nice joke.” napaikot ng mga mata si Leo. “Just wait and see!” Hindi maintindihan ni Yasmien kung bakit napakalaki ng kumpiyansa ni Lance sa kanya. Dahil diyon ay sumasakit ang dibdib nya dahil hindi siya ganoon katiwala na siya nga ang kanilang ina. Sadya lang talagang malabo eh… Dahil si Lance lang ang kakampi niya, samantalang ang ama nito kasama ni Leo ay kalaban nila. Napabuntong-hininga na lamang siya sa loob-loob niya. At least meron pa siyang halos isang buwan para mamuhay ng masagana rito sa mansyon. Susulitin na lang niya iyon bago siya tuluyang mapalayas. *** “Huhuhu!” maiyak-iyak si Yasmien habang kinakain ang isang garapon ng ice cream. “Ang sarap-sarap ng mga pagkain dito!! Hindi ko makakayanang bumalik sa mahirap na buhay sa probinsyaaaa--haaah!” Binalot niya ang sarili ng kumot sa kama niya habang nagkukulong sa sarili niyang kwarto at nanonood ng palabas sa telebisyon. Magmula kanina nang i-DNA test siya, talaga namang hindi na ito nawala sa isipan niya. Lahat ng pangamba ngayon ay pasanin niya. Kahit gaano niya pa kalalim na isipin ito, sadyang ayaw na talaga niyang bumalik sa dati niyang buhay, kung saan inuutang niya pa ang mga pagkain at inumin niya sa bawat araw. Lahat halos ng mga tindera doon ay may galit na sa kanya dahil nga hindi naman siya nagbabayad. Kung hindi pa dahil kay Mina, malamang baon na baon na rin siya sa utang at mamamatay siya sa gutom. Kalbo na nga rin ang mga pananim niyang malunggay, talbos ng kamote, talong, okra, at sitaw. Kaya naman pati ang mga iyon ay hindi na niya maaasahan. ‘“Waah!” kumibot-kibot ang mga labi niya at tuluyang tumakas ang mga luha sa mga mata niya. “Ayaw ko na talagang bumalik…” Maiisip niya pa lang ang mga posibleng magiging reaksyon ni Carding ay nanginginig na kaagad ang buong katawan niya. “P-Paano ba ‘to…” muli siyang napasubo ng isang kutsarang ice cream, at kahit papaano'y pinapagaan niyon ang mabigat niyang damdamin ngayon. Sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ay lalabas na ang resulta ng DNA test, at kapag paniguradong hindi sila match ng mga bata ay katapusan na niya. Ano kayang pwede niyang gawin? Kung sana lang kasi ay kakampi niya rin ang mga batang sina Leo at Rence kagaya ni Lance paniguradong walang magiging problema. Dahil kung gano'n ay mapakikiusapan niya ang mga ito na manatili na lang sa mansyon, kahit maging alila nila habang buhay! “Anong… dapat kong gawin?” tinanong niya ang sarili at malalim na napaisip. Parang light bulb na biglang may pumasok sa kanyang isipan. “P-Paano kaya kung… umakto talaga ako bilang isang tunay na ina sa mga bata at haplusin ang mga puso nila? Nang sa gano'n ay bumait sila sa ‘kin, lalo na si Leo!” Napuno ng pag-asa ang puso niya sa naisip! Kung gagawin niya iyon---kung hahabaan niya ang pasensya niya kay Leo at intindihin ito, baka sakaling bumait ang pag-uugali nito pagdating sa kanya. Kailangan niya ring ipakita sa kanila na wala siyang masamang binabalak. “Tama, tama!” napatango siya. “Pero… paano nga ba maging isang ina?” Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung paano maging isang ganap na ina dahil wala pa naman siyang kinamulatan na mga anak. Sa probinsya naman, ang mga nanay doon madalas niyang nakikita na pinapalo ng walis tingting ang mga anak nila kapag nagkukulit, hindi naman niya pwedeng gawin iyon. ““I love you anak~ mama's here kaya tahan na…”” naantig ang tainga ni Yasmien nang marinig ang sinabi ng babae mula sa loob ng screen ng TV. Naalala niyang nanonood nga pala siya ng palabas tungkol sa OFW na ina, na nalayo ang loob ng anak nito kung kaya't sinusuyo-suyo nito ang loob ng bata sa kahit anong klase ng pamamaraan na puno ng pagmamahal. “Wow!” naroon na ang mga sagot kung paano niya magagawang haplusin ang mga puso ng triplets bilang mommy nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD