Kabanata 10

1287 Words
“T-Takot ako sa karayom! Kailangan ba akong kunan ng dugo?” nag-aalala at kabadong tanong pa ni Yasmien sa mga bata. Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa hagdanan pataas sa second floor, kung saan nila tinutukoy ang clinic room. “Don't worry, Mommy. You'll be fine. Si Doctor Joross ay isa sa mga pinakamagaling na doktor sa buong mundo, kaya hindi mo po kailangan matakot sa gagawin niya.” pagpapakalma pa sa kanya ni Lance habang hawak-hawak ang kaliwa niyang kamay. “Obviously, natatakot siya dahil alam niyang hindi siya si Mommy.” nagmamalaki at puno namang sarkastikong pagsasalita ni Leo na sumasabay sa paglalakad ni Lance. “Maybe dapat ka na ring kabahan, Leo.” Nanatiling kalmado si Lance. “I'm one hundred percent sure she's our mommy. Kaya hindi ako matatakot.” Nakagat ni Yasmien ang ibabang labi. Mas lalo lamang kumakabog ang dibdib niya dahil sa kumpiyansa at tiwala ng inosenteng bata na si Lance. Ayaw man niyang aminin, pero tama si Leo. Natatakot si Yasmien sa malaking posibilidad na hindi naman talaga siya ang ina ng mga bata. Kasi ano naman kung may amnesia siya? Ano naman kung kamukha niya ang nanay nila? Kung base naman sa reaksyon ng kanilang ama ay hindi talaga siya ang tunay na ina! Muntik pa nga siyang kitilan ng buhay ng lalaking iyon sa hindi malamang dahilan. Umaakto pa na malaki ang kasalanang ginawa niya sa kanila. Kaya siguro nga tama si Leo na isa lamang siyang impostor! Naiiyak na pumasok si Yasmien sa loob ng clinic room matapos siyang hilain ni Lance at pagtulakan ni Leo sa loob. “Doctor Joross! Here she goes now!” masiglang sigaw ni Leo sa loob. Ang nakatalikod na doctor na nakasuot ng puting polo at itim na trouser ay napaharan sa kinaroroonan nila. Nakita ni Yasmien ang naputol na ngiti sa mga labi nito at mabilis na napalitan ng pagkagulat nang magtama ang paningin nilang dalawa. Namilog sa panlalaki ang singkit na mga mata nito, animo nakakita ng multo. ‘Ano iyon? Bakit gano'n maka-react ang doctor?’ nagtatakang napatanong si Yasmien sa sarili. “Doctor Joross, are you okay?” nagtataka rin si Lance na pinukaw ang lalaki. “Doc Joross?” lumapit ang maliit na si Leo sa lalaking doktor at inagaw ang pansin nito. “Please don't be deceived! She's not our mother! Patutunayan mo po ‘yun ngayon by doing a DNA test!” Parang nakaahon mula sa ilusyon ang chinito na doktor subalit namumutla paring napayuko sa mga bata. “W-Wait a minute, bakit hindi muna kayo maupo sandali… m-may tatawagan lang ako.” “Huh?” nagtaka at napalabi si Leo bago nagkibit-balikat. “Okay.” saka ito masungit na bumaling sa kanilang dalawa ni Lance. “Upo raw muna.” “I heard!” pabagsak na naupo si Lance katabi ni Leo sa puting kuston. May nakangiwi ring mga labi si Yasmien na tumabi kay Lance sa kutson, tinatago ang matinding kaba sa dibdib niya. This is it. Mukhang hindi niya ito magagawang takasan. Mukhang pinarasan lang talaga sa kanya ng diyos ang buhay ng karangyaan sa loob ng isang linggo. At least, tumaba siya ng tatlong kilo magmula niyon… sapat na siguro ‘yon. Ano pa nga bang magagawa niya? Nanlumo si Yasmien sa kinauupuan niya at napayuko nang husto sa kanyang mga daliri. Maya-maya'y may maliit na kamay ang humawak sa tatlong daliri niya. Napaangat siya ng paningin kay Lance. May matamis na ngiti sa mala-anghel nitong mukha na puno ng panlalambing. “Mommy, once they knew it's really you, lilipat ka na sa tabi ng bedroom namin, bibilhin ka namin ng luxurious dresses and jewelries, at ikaw na po ang magmamaniubra sa mansyon para hindi na rito makapasok si Devil Woman Gladys.” “H-Ha? Sino naman si Devil Woman Gladys? Takot nga ako sa mga masasamang ispiritu, tapos may balak pa kayong ipananggana ako laban do'n?” nakanguso niyang tanong. “Hahahaha!” napahagikhik ng tawa ang bata. “No, no, Gladys is Daddy’s mistress.” “Mistress? As in kabit?” tumaas ang kilay ni Yasmien. Tumingin pa siya kay Leo para kumpirmahin iyon. Paasik na tumugon si Leo. “Opo, that devil woman is indeed Daddy's lover. Ayaw namin sa kanya dahil salbahe siya. Pinalo niya sa pwet si Rence, tapos tinaggi niya pa na ginawa niya. Si Daddy naman hindi kami pinakinggan, kaya ayaw namin sa babaeng ‘yon.” may masamang loob na umirap sa kanya si Leo. “But it's not your business, since hindi ikaw si Mommy.” “I told you she is.” ani Lance sa mababang boses. “Ayaw ko nang pagtalunan ulit. Nandiyan naman si Doctor Josross para masabi namin kung sino sa atin ang mali, Lance.” “Okie dokie,” nanatiling malaki ang kumpiyansa ni Lance sa sarili. Gusto na talagang maiyak ni Yasmien ngayon. Hindi niya problema ang kabit ng Daddy nila. Ano bang pakialam niya ro'n? Mas nag-aalala siya para sa kahaharapin niya pagkatapos nito! SA SANDALING iyon ay nanlalamig ang mga kamay ni Doctor Joross na kinakalikot ang touchscreen niyang cellphone para tawagan ang boss niya. Ilang sandali lang ay agad na sinagot nito ang tawag. “Hello, Jo? Why are you calling? Is there something wrong with the kids?” Ito agad ang naging bungad ng boss niya marahil tuwing tumatawag lang siya rito ay para ipalaam kung may sinat o lagnat ang mga anak nito. “Lucas, sabihin mong nananaginip lang ako! Dahil kung hindi… bakit nandito ang asawa mo?!” pabulyaw man ay pilit niyang hininaan ang boses nang walang makarinig. Sandaling walang naging imik si Lucas, at kapagkuwan ay tumugon. “She's not my wife. She's not my triplet's mother. She's nothing but an amnesiac peasant woman.” “Ano?” nalukot ang mukha ni Joross. “Anong ibig mong sabihin? Eh bakit kamukhang-kamukha siya—” “Ipapaliwanag ko kapag nagkita tayo. I still have another meeting to attend so---wait, bakit mo nga pala natanong? Nandiyan ka ba ngayon sa mansyon?” nanghihinala nitong tanong. “Well, yeah.” napasulyap si Joross sa mga bata at bumuntong hininga. “Akala ko kasi nabo-bored na naman ang mga anak mo, kaya nila ako tinawagan tungkol sa pa-DNA sa mommy nila. Syempre akala ko joke lang, at baka kako nangungulila na sila sa ina nila, kaya agad akong pumunta para sakyan ang kalokohan nila. Pero ano bang malay ko na totoo pala?!” “W-What?” bakas ang gulat sa boses ni Lucas sa cellphone. “Sinasabi mo bang ipapa-DNA test nila ‘yang babaeng ‘yan?!” Napakamot sa ulo si Joross. “Oo, gano'n nga!” “And where's Lance?! Did he agree to this?!” “Oo naman. Nandito rin si Lance, katabi ni Leo at ng babae.” “Damn it!” nagalit ang tono ng boses nito. “Don’t do it! Umalis ka na diyan at magbigay ka ng excuse!” “H-Huh? Bakit?” “Basta, gawin mo na!” Hindi maintindihan ni Joross kung bakit siya pinapaalis bigla. “Kilala mo naman siguro ang mga batang ‘yan. Hindi nila hahayaang wala silang makukuha sa akin ngayong araw. How about i-peke ko na lang? Kunwariin ko na tinesting ko ang babae?” Sandaling nag-isip si Lucas. “Fine! Do it! But don't show them how you do it, and don't ever show them a fake result! Malalaman nila ‘yan at magsususpetya.” “Noted.” “Pagkatapos niyan, bibigyan kita ng tatlong buwang vacation leave. Umalis ka ng bansa at ‘wag magpapakita sa mga bata.” “Whaaaat?” nalukot pa lalo ang mukha ni Joross sa hindi maintindihang pahiwatig ni Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD