Kabanata 14

846 Words
Kinagabihan ay patay na ang mga ilaw at napakatahimik na ng buong mansyon nang umuwi si Lucas galing trabaho. Nananakit ang likod at leeg niya dala ng ngalay dahil sa buong araw na pag-upo sa at pagtutok sa laptop at mga papeles na kinakailangan niyang trabahuhin. At dahil tapos na ang summer vacation ng mga triplets, hindi pa siya makakapagpahinga kaagad ngayong gabi para naman ayusin ang schooling ng mga ito. Kung normal na mga bata ang mga anak niya ay malamang nasa grade one pa lamang sila, ngunit ang kaso ay hindi. Gusto na agad nila Lance at Leo na mag-take ng exam sa sikat na mga unibersidad sa bansa at tumungtong na agad ng grade six para kapag eigth years old nila ay nas high school na sila. Samantalang hindi naman magpapaiwan si Rence, kaya malamang ay susunod at susunod ito sa yakap ng mga kapatid niya kahit gaano pa ito mahirapan. Iniisip pa lamang ni Lucas ay sumasakit na ang ulo niya. Gusto niyang ma-enjoy ng mga anak niya ang buhay pagkabata, pero malayo na ang nararating ng mga isipan ng mga ito. Mabibigyan pa kaya siya ng tiyansa na maging mabuting ama para sa kanila kung kalaban niya ang oras at panahon? May mabigat sa dibdib niyang tinungo ang kwarto ng triplets. Tahimik siya roong pumasok para silipin ang mga anak niya. Nakapatay ang ilaw sa loob at tanging ang lampshade lang ang nakabukas. Malaki ang kwarto ng mga triplets at may kanya-kanya silang mga kama na magkakahiwalay. Kung bakit hindi na lang sila nagsasarili ng kwarto ay dahil ayaw nilang magkahiwalay ng ganoon kalayo. Sa kabila ng lahat ay napakalapit sa isa't-isa ng mga anak niya. Tanging sila lamang ang nagkakaunawan at nagbibigay ng comfort sa isa't-isa. “Daddy?” Natigilan si Lucas nang maupo si Leo sa kama bigla kahit na anong pag-iingat niya na huwag magising ang mga ito. “Did I wake you up?” wala siyang nagawa kundi ang lapitan si Leo at maupo sa gilid ng kama nito. “Yey, you finally come home.” nagmuta si Leo at yumakap sa kanya. “Pagod ka ba, Daddy? Gusto mo rito matulog tabi ko?” Lumambot ang puso niya at dinampihan ng halik sa ulo ang anak. “Okay, I'll do that. But hindi pa ako nagsho-shower, kaya mamaya na lang, okay?” Dahil sa pagiging malapit ni Leo sa kanya ay kahit papaano'y nararamdaman pa niya kung gaano kabata ang mga anak niya. Kung kaya't ang pag-aalala na kaunting panahon na lang ang maigugugol niya sa mga ito bilang ama ay nabubura. Napagtanto niyang kahit na sa taas ng IQ ng mga pag-iisip nila ay nananatili parin silang mga musmos na bata at anak sa kanya. “Okay! Make sure you do that!” napahikab si Leo. “Oh dad, nga pala, ang impostor na babae kanina ay nagluto ng pangit na agahan sa amin. Hinayaan siya ng headmaid na gawin ‘yon. Like, paano na lang kung naglagay pala siya ng lason? Edi si Rence at Lance ay mawawala na! But no one's listening to me… they trust that old hag and I hate it!” Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Lucas. Lumamig agad ang kanyang awra. “She did what?” “She could have cooked us poison! Daddy, what if something happens with Rence and Lance because of that lady?” naroon ang matinding pangamba sa maliit na tinig ni Leo habang nangungusap na nakatingala sa kanya. “Magiging okay lang ba talaga kami kahit na nandito ang impostor na ‘yon?” Nalulukot ang noo ni Lucas na napatingin sa dalawa pang kama kung saan mahimbing na natutulog ang dalawang bata. “First of all, are they okay? Nothing happened naman ba?” may pangamba niya ring tanong kay Leo. “Yes, luckily. But still…” napayuko si Leo at napanguso. “Paano na lang po talaga kapag may masamang nangyari sa kanila?” Nakahinga ng maluwag si Lucas at mahigpit na niyakap si Leo. “I get it, son. I've overlooked this matter. I promise this won't happen again. I'm sorry. And thank you for looking out for your brothers while I’m being negligent.” “Mmm, you're not negligent, dad. You're just waaaay too busy! Safe naman kami sa pangangalaga ng mga tauhan dito sa mansyon, not until that lady came. Daddy, paalis niyo na siya, pleaseee?” “T-That…” palihim niyang kinuyom ang kanyang palad at mariing napapikit. “Don’t worry, Leo. Ako na ang bahala sa babae.” “Okay…” naramdaman niya ang panlulumo ni Leo. Pakiramdam in Lucas ay naiipit siya ngayon sa gulong ito, at mas magiging magulo pa para sa triplets kung malaman nila ang katotohanang matagal niyang hindi pinagsasabi sa kahit na sino. Ayaw niya lamang masaktan ang mga anak niya. Sa tingin niya'y hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kanila ang totoo. Sa ngayon ay wala siyang ibang magagawa kundi kontrolin at takutin ang babae gayong napag-alamanan na niyang totoo ngang nawalan ito ng alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD