Kabanata 16

1017 Words
“Mommy! Mommy, where are youuu?” Naririnig ni Yasmien ang napapagod na boses ni Lance dahil sa kahahanap sa kanya sa mansyon, habang siya ay nagtatago sa likod ng basurahan sa garden. Paano ba naman? Naubos na niya ang tatlong oras na pakikipaglaro dito, kung kaya't kinakailangan na niyang umiwas bago pa siya mahuli ni Lucas. Dahil sabado ngayon ay nandito ang ama ng triplets para magpahinga. Ibig sabihin ay kinakailangan ni Yasmien kumilos na para bang ‘di makabasag-plato. “Mommyyy!” narinig na niya ang naiiyak na boses ni Lance mula sa malayo. Lumambot agad ang puso niya. Bigla ay gusto niyang lumabas para gulatin ito at ituloy ang pakikipaglaro ng espada-espadahan. Pero alam ni Yasmien na hindi maaari kundi panghabang-buhay na niyang hindi makikita si Lance! Iniisip pa lang niya na tatagain siya ng itak ni Carding sa probinsya ay pinanginginigan na siya ng katawan sa kilabot! “Huhu, sorry Lance.” napanguso siya at nayakap ang mga tuhod niya habang nakaupo sa damuhan. Nagbunot na lamang siya ng d**o roon at hinayaang palipasin ang mga oras. “Um?” Nanlaki ang mga mata ni Yasmien nang may maliit na bata ang biglang tumambad sa kanyang harapan. Nagugulat siyang napaangat ng paningin sa pag-aakalang iyon ay si Lance. Ngunit nang makitang sumenyas ito gamit ang dalawang kamay at mga daliri ay nakahinga siya ng maluwag. “Hoooo! Akala ko si Lance na!” napahawak siya sa kanyang dibdib saka kumalma at nginitian si Rence. “What, why you here?” May mas nakalobong pisngi si Rence kumpara kina Lance at Leo, na mukhang masarap pisilin dahil sa lambot niyon. Ang cute-cute ni Rence habang tahimik na nakangiti sa kanya pabalik. Muli itong sumenyas na hindi naintindihan ni Yasmien. Nahihiya siyang napakamot sa ulo. “Pasensya na, Rence, ah? Hindi kasi ako nakakaintindi ng sign language eh.” Napatagilid ang ulo ni Rence, pawang wala ring naintindihan. Muli kong napagtanto na hindi nga pala siya nakakaintindi ng tagalog! “I-I mean, ano, um, I do not understand you—the sign lanaguge, no.” umiling-iling siya habang sinisubukang ipaliwanag iyon. Mabuti na lamang at nakakarinig si Rence kahit hindi nakakapagsalita. Kahit papaano ay maiintindihan pa siya nito. “Hmmm…” kumurap-kurap ito. Bigla ay tinalikuran siya ni Rence at humarurot ng takbo papalayo! “Ay hala siya?” napakunot ang noo ni Yasmien. Posible pa kayang magkaintindihan sila ni Rence? “Ano ba yan… ang hirap naman neto.” Napareklamo siya. Paano ba naman? Mahirap na ngang paamuhin sina Leo at Rence, tapos magbibigay pa ng mga bagong rules ang ama nila sa kanya. Imbes na mapalapit siya sa triplets ay baka mas lalong mapalayo ang loob nila sa kanya! T'saka si Lance, paano na lang kung magtampo ito dahil tinaguan niya? Sa tatlong oras, hindi iyon sasapat para makapag-bonding sila! “Ang hirap!” napahilamos siya ng mukha. “Um!” “Oh?” Natigilan siya nang bigla muling sumulpot si Rence sa harapan niya. May dala-dala na itong ballpen at notebook sa magkabilang kamay. “Ano ‘yan---What, what's that?” pagtatama pa niyang tanong sa bata. Mabuti na lamang at marunong siya ng basic English! Salamat sa tulong ni Mina! Gamit ang ballpen ay sumulat sa notebook si Rence bago ipakita sa kanya. “Mommy, I'm hungry.” “????!!!!” halos lumuwa sa panlalaki ang mga mata ni Yasmien! “M-Mommy?” nagugulat niyang tinuro ang sarili niya. “Tinawag mo akong Mommy? I mean, hindi tinawag, sinulat? Sinulat, ako ba ang mommy na tinutukoy---I mean, Am I your Mommy?” naguguluhan at may taranta niyang tanong. Naaaliw na ngumiti sa kanya si Rence saka muling sumulat at ipinakita sa kanya. “Yes. Lance told me you're mommy.” “Aaah.” napatango-tango siya. “Si Lance pala ang nagsabi…” Muling pinakita ni Rence ang kaninang sinulat nito. “Mommy, I’m hungry.” Napanguso si Yasmien at napapabuntong-hiningang umiling-iling. “No. I am, um, ano, not, not allowed to ano… not allowed to give you food.” Nawala ang ngiti ni Rence na nagsulat. “Why not?” Napapakamot si Yasmien sa ulo. Ang hirap mag-english! Wala pa man ay sumasakit na ang ilong niya! Ngunit sinubukan niya pa ring ipaliwanag dito. “I cooked bad foods. Not safe, not safe.” “Um??” nalukot ang cute na mukha ng bata at may mahabang nguso na nagsulat muli. “I love what you prepared for us last time, Mommy. If you don't cook, I won't eat anymore.” “Aww…” nanlambot muli ang puso niya nang mabasa ang sinulat nito! May halong awa at ningning niyang tiningala si Rence, saka hinawakan ito sa magkabilang braso. “Don't do that. You eat to be healthy.” Umiling-iling ito, nakangusong umirap sa kanya na animo nagtatampo. “Hmp!” “Ang cuteee!” hindi niya na napigilang kurutin ng mahina ang dalawang pisngi nito. “‘Wag kang mag-alala, kapag wala na ang ama mo at walang mga matang nakaaligid sa akin, paglulutuan ulit kita, okay? Hindi ko ‘yon kaya inglesin kaya ikaw na bahala umintindi tutal imposibleng hindi ka mataalino kagaya ng mga kapatid mo! Hahaha!” tuwang-tuwa niya pang ginulo-gulo ang buhok ng bata. Puno ng kuryosidad siyang tinitigan ni Rence, walang naiintindihan. Kumurap-kurap pa ang malalaki at bilugang mga mata nito sa pagtataka. Sabi nila Leo at Lance na hindi matalino si Rence at normal lang na six years old na bata. Pero para kay Yasmien, magkakapareho lang sila ng DNA, kaya malaki parin ang posibilidad na genius ito. Baka late bloomer lang talaga. “MOMMY!” “Ay mommy!” nagulantang si Yasmien sa pamilyar na boses na iyon. Nang maglinga-linga siya ng paningin ay doon niya lamang nakita ang kamukha ni Rence na si Lance! Galit itong nakatanaw sa gawi nila sa likod ng basurahan! “You're playing without me with Rence?! Tapos kanina pa kita hinahanap! Akala ko iniwan mo na ako! I hate you!!” malakas nitong bulyaw at mabilis na nag-walk out! “Oh no!!” Ang nag-iisa niyang kakampi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD