“Lance, Rence, stop playing with your food and eat properly.” malamig na pagsaway ni Lucas sa kanyang dalawang anak habang sila'y naghahapunan.
Hindi siya pinansin ng mga ito, sa halip ay patuloy paring nilalaro-laro ang mga pagkain nila sa plato.
“Lance, Rence.” pagtawag niyang muli sa nagbabantang tono ng kanyang boses.
Nag-isang linya ang mga labi niya nang makitang hindi siya pinakikinggan ng mga anak niya. Mas lumamig pa lalo ang paraan ng pagtitig niya sa dalawa sa kanyang katapat na upuan. Si Lance ay nakabusangot kanina pa, pero mas lalong bumusangot ngayong sinasaway niya. Samantalang si Rence naman ay napakatamlay ng itsura, ibinabalandra sa itsura nito ang hindi pagkagusto sa pagkain sa harapan nito.
Si Leo lamang ang galante na kumakain sa tabi niya. Nang mapansin nitong binalingan niya ng paningin ay agad na tumingala sa kanya si Leo nang may pangamba. “I'm sorry, Daddy, matigas talaga ulo nila.”
Napakawala siya ng marahas na hininga. “It's okay. Just continue eating your food.”
Muli niyang binalingan ng paningin ang dalawang bata sa tapat. Sa huli ay siya na ang sumuko. Nawala ang pagiging malamig niya. “What do you want, Lance? Rence? Is the food not to your liking?”
“I like the food, but I don't like eating with you.” may pagdidiing tugon sa kanya ni Lance nang hindi siya tinitingnan.
“Lance!” agarang bulyaw ni Leo.
“What? Totoo naman, eh.” umirap pa si Lance. "Forcing me to eat with Daddy makes me lose all my appetite!”
Naramdaman ni Lucas ang karayom na tumusok sa puso niya. Humigpit ang pagkakakapit niya sa tinidor, ngunit blangko ang emosyong tumitig kay Lance.
“What are you talking about, Lance?” hindi mapakaniwala pang tanong ni Leo, saka puno ng kabadong bumaling sa kanya. “W-Wala lang siya sa mood, Dad. Kanina pa mainit ang ulo niyan.”
Iwinagli ni Lucas ang paningin niya sa bata at tumuon sa paghiwa ng pork sa kanyang plato. “Kung gusto mong kumain mag-isa, then go. Take your plate with you and eat somewhere else.”
“Finally!” sarkastikong asik nito. “Thank you.” umalis ito mula sa pagkakaupo saka binuhat nito ang malaki at babasaging plato.
Inangat ni Lucas ang paningin niya sa personal maid ni Lance na nakatayo lamang sa gilid. Lihim niya itong sinenyasan. Nang mapansin siya ay saka lamang ito nagmamadaling kumilos para tulungan si Lance na buhatin ang plato.
“Akin na, young master.” anito kay Lance.
“Okay, let's go to my room.”
Nang tuluyang makaalis ang dalawa ay nawalan na ng gana si Lucas para kainin ang sarili niyang pagkain. Binalingan na lamang niya ang isa pang may pagkapasaway niyang anak.
“Rence, how about you?” marahan niyang pagtatanong.
Problemado namang sumenyas sa mga kamay si Rence. “I don't like the food, Daddy.”
“Then, should I ask the maids to cook something else? What food do you want to eat for tonight's dinner?”
Nagliwanag ang mukha ni Rence at may ngiting sumenyas. “I want to eat Mommy's food!”
“??!!” hindi inaasahan ni Lucas ang naging tugon nito. Pakiramdam niya'y nilamutak nang husto ang bagay sa loob ng dibdib niya. Sunod-sunod siyang napalunok at ilang beses pang kumurap-kurap. “W-What are you talking about?”
“D-Dad!” agaw pansin ni Leo. “Nakakalason ang luto ng babaeng ‘yon! Baka mapaano lang si Rence!”
Tuluyang binitawan ni Lucas ang tinidor para hilutin ang kanyang sintido. “Rence, that lady is not your mother. Stop calling her that.”
“But Lance told me she's our mommy.” inosente pang pagtugon ni Rence gamit ang mga kamay at daliri. “I'm hungry, Daddy. Please make her cook for me.”
Bumigat ang paghinga ni Lucas, mariing natikom ang bibig. Ganoon na lang ang pagkulubot ng noo niya, habang tinitingnan ang anak niya. “Rence, it's not healthy. Do you want to suffer from a stomach ache?”
“I'm suffering from a stomach ache right now. Because I'm hungry.” pabalang naman nitong tugon! Nanumbalik ang pagiging matamlay sa itsura.
“Tsk!” hindi na malaman pa ni Lucas ang gagawin niya. Obviously, he prohibited that woman from cooking for his triplets. Para siyang walang isang salita kung ipapatawag niya ito ngayon para magluto kay Rence.
He had overlooked this matter. Nakalimutan niyang may picky eater nga pala siyang anak. At hindi niya aakalaing ituturing na agad nitong ‘mommy’ ang babaeng iyon!
“Rence, don't be rude to Dad! You know he's only worried about your safety. Eat the food in front of you because that's safe and healthy. That woman Lance told you about is not our mother, and her food is poisonous.” seryosong pagsasalita ni Leo kausap si Rence.
Sa naging ekspresyon sa mukha ni Rence, ay halatang hindi ito nauto. Seryoso rin itong sumenyas bago tumayo paalis sa kinauupuan. “Then, I won't eat tonight. Bye.”
“You!!” halos malaglag ang panga ni Leo sa pagkabigla.
Pareho sila ni Lucas na natutulalang panoorin si Rence na lumabas ng dining room.
Ilang minuto pa ang lumipas na namayani ang katahimikan sa buong silid.
Kapagkuwan ay narinig na ni Lucas ang mga tahimik na hikbi ni Leo. Nagugulat niya itong binalingan.
“Why are you crying so suddenly?” nag-aalala niyang kinarga si Leo at kinandong sa mga hita niya. Kinuha niya ang salamin nito sa mata at inilapag iyon sa lamesa para mapunansan ng maayos ang mga luha nito. “Leo? It's okay, stop crying…”
“D-Dad, w-why are they doing this to us? M-Masisira na ba ang pamilya natin, Dad?” patuloy ito sa paghikbi at mas lalong naging emosyonal. “They're so hardheaded, as if they have no brains!”
Marahan siyang ngumiti rito at hinagod ang likod nito. “Leo, you can’t control them, so don't feel burdened by them, okay? Hayaan mo lang muna sila sa ngayon. Hindi tayo masisira dahil lang sa problema ngayon. I'll fix everything, so don't cry.” niyakap niya ito nang mahigpit.
“B-But I'm sad because they hate you!”
“Don't be. Because I don't take it to heart. You dimwits are still young, so I understand. One day, they will no longer hate me, alright?” paniniguro niya pa.
“O-Okay… I love you, dad. Lagi po akong nasa panig mo, no matter what happens!”
Gumaan nang husto ang pakiramdam niya sa sinabi nito. “I love you too, son, and thank you.”